MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 8: ROGUE'S INTENTION

1510 Words
MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 8: ROGUE'S INTENTION THIRD PERSON's POV: "She's telling the truth." Pukaw naman ng atensyon ni Mio sa kanila. "Maski ikaw, Mio?" Labis ang inis na nararamdaman ni David sa narinig sa isa sa hindi nagtitiwala sa babaeng kasama ng alpha nila. Tatlo sila na hindi gusto si Ymiera dahil isa siyang tao. Mga taong walang ginawa kundi ang patayin sila. Hindi nila masisisi ang sarili kung isipin nila ang kapakanan nila kaysa ang tanggapin ang nilalang na may kasalanan sa pagkawala ng kaniyang ama. "At first no, but now, she's giving a warning to us. Malapit na sila sa mismong bahay ninyo." Kalmadong wika ni Mio sa kanila at tumayo na rin sa kaniyang pagkakaupo upang lumabas sa kusina. Napalingon ang lahat sa leader nila nang magsimula na itong kumilos. Halata sa mukha ni Revier ang pagkabigla nang maramdaman na nga ang mga yapak ng mga kalaban sa gawing norte kung saan naninirahan ang mga pamilya ng fighter at hunter. Ngayon lang nangyari ang ganitong bagay. Paano nalaman ng rogue kung saan matatagpuan ang pamilya ng mga ito kung labis naman ang seguridad na ginagawa nila? Ni isang eksena ng paglusob ay hindi nangyari noon. Isa lang ang nasa isipan ni Revier, may isang taksil sa pack nila. Ngunit sino? At bakit nito sisirain ang katahimikan ng Were Wood City? Subalit hindi na muna niya ito iisipin. Sana sa una pa lang nakinig na siya kay Eyra. Sana nagawa pa nilang ma-evacuate ang mga ito habang malayo pa ang kalaban. However, he's late. If he just acted as an alpha! "KUYA! TULONG, KUYA!" Sigaw mula sa hindi kalayuan nang makarating na ang siyam sa mismong direksyon ng Notre Sylon. "That's my brother! s**t!" Singhal ni David nang mabosesan ang sumisigaw. Nagmabilis na ito patungo sa kinaroroonan ng kapatid gamit ang form nitong lobo. "My mom!" Asik din ni Sevan nang makita sa hindi kalayuan ang ina na tumatakbo papalayo sa kalaban. "Ang asawa ko!" Galit na singhal naman ni Finley nang makaramdam nang hindi maganda sa kaniyang dibdib. Parang tinutusok-tusok ito ng kutsilyo. Hindi rin maganda ang kaniyang paghinga. Naninikip ito nang matindi. Isa lang ang senyales nito, nasa panganib din ang kaniyang asawa. "Help them! Don't let the enemies alive. Spill their blood, cut their head, and pull out their heart into their body. Let them know what kind of Were Wood Pack is!" Dumagundong ang boses ni Revier sa buong kapaligiran. Ang mga fighter na nasa hindi kalayuan ay nagsitango at kumilos na upang gawin ang inuutos sa kanila ng kanilang alpha. Samantalang sa hindi kalayuan, sa mismong bahay ni Revier, nakatanaw sa malaking salaming bintana si Ymiera sa lugar kung saan nangyayari ang kaguluhan. Kitang-kita niya ang namumulang mga mata ng mga taong-lobo na pinamumunuan ni Revier. Sabik na sabik nang magkaroon ng dug* na dumadanak sa kinaaapakan nila. Hindi rin papatalo ang mga kalaban na ipinagsawalang bahala na ang kanilang mga pinaglalaruan. At saka sumugod sa mga paparating na taong-lobo sa kanilang direksyon. Lahat sila ay nasasabik sa labanang walang nakakaalam kung sino ang mananalo at sa hindi. Napabuntong hininga na lang si Ymiera sa nakikita. Sa pangatlong beses nasaksihan na naman niya ang karumal-dumal na pangyayari. Subalit mas malala pa noon kaysa ngayon. Katulad ng nauna, wala ring naniniwala sa kaniya. Kaya marami ang nasawi at nagluksa. Hindi tulad ngayon na medyo naagapan kahit papaano ang malubhang pangyayari. Kitang-kita niya kung paano makipaglaban sina Revier at ang kasamahan nito sa mga kalaban. Gamit ang kanilang matutulis na kuko at pangil, nagagawa nilang makagat nang sabay-sabay ang kalaban na walang kalaban-laban. Sino bang susugod sa lupon ng mga taong-lobo nang ika'y nag-iisa? Labing pito laban sa humigit tatlumpu. Kaso napansin ni Ymiera na may kulang. Binilang niya isa-isa ang mga nawalan na ng buhay at ang mga nakikibaka pa sa Were Wood Pack. Kulang talaga ng isa. Napataas ang kilay niya nang makaramdam ng yapak papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ngayon niya lang napagtanto na hindi mismo ang mga bahay ng fighter at hunter ang pakay nila. Kundi siya mismo. "What a lucky day, isn't it?" May bahid ng kademonyohan sa tono ng boses ng lalaki sa kaniyang likuran. "The mate of the alpha of Were Wood Pack will gonna die today." Nang matapos ang labanan sa pagitan ng rogue at ng Were Wood Pack. Mabilis na inalalayan ng lahat ang mga bata, matanda, at mga kababaihan na nasugatan sa pagdating ng mga kalaban. Kitang-kita ni Revier ang mumunting iyak ni David nang mailigtas ang kapatid sa kapahamakan. Maging gan'on din si Sevan. Maliban kay Finley na tahimik habang kandong-kandong ang asawa na natagpuan na walang malay sa loob ng kanilang bahay. Subalit napagtanto rin ni Revier na parang may mali. "Alpha, something isn't right. The leader of the rogue isn't here." Pukaw ng atensyon ni Denver kay Revier na nag-iisip. Nang marinig iyon napalingon agad silang dalawa sa direksyon ng bahay niya. May nagsasabi sa kaniyang dibdib na nandoon ang kalaban. Sa mismong kinaroroonan ng babaeng mahal na si Ymiera. Napayukom ang kaniyang mga kamao dahil sa inis. "This is just a bait. Ymiera's in danger!" Revier turned into his werewolf form and run immediately where Ymiera is. Denver and his twin also came along to their alpha to help him out. They can't leave him alone again. Sapat na ang isang beses na naging pabaya sila kaya napuruhan ang leader nila, ngayong sasabak ulit ito sa laban para sa babaeng nasa loob ng bahay, tutulungan nila ito kahit buhay pa nila ang kapalit. Pero pagdating nila sa bahay, katahimikan ang namayani. Walang nasira o nahulog na mga painting sa pader. Wala ring d*go na tumalsik. At maski na rin katawan sa sahig. Mabilis na tumakbo paitaas sa hagdanan si Revier upang puntahan ang kwarto nila. Nakisunod din ang dalawa sa alpha nila. Nang makarating na sila sa mismong kwarto, nadatnan nila ang leader na nakabulagta sa sahig habang punong-puno ng s*ksak ang likuran nito. Ang d*go rin ay dahan-dahan na dumadaloy papalabas sa loob ng katawan. Samantalang si Ymiera naman ay nanatiling nakamasid sa bintana na gawa sa salamin. "Did you do this?" Tanong ni Revier kay Ymiera. Marahan namang umiling ang dalaga at naalala ang eksena bago pa man siya saksakin patalikod ng kalaban. Handa na siyang sumugod upang mapaslang ang pinuno na umatake sa Were Wood City. Subalit hindi inaasahan na may gagawa noon imbis na siya. Isang lalaki na naka-cloak. Hindi kita ang mukha. Kaya nitong magpagalaw ng mga bagay-bagay kahit hindi na kumilos sa kinaapakan. "Who are you?" She said. But the guy just leave without telling its identity. Sakto rin ang pagdating nina Revier upang hanapin siya. Labis ang kalituhan sa isipan ng dalawa, sino ang taong iyon? Samantalang si Revier naman ay batid na agad kung sino ang may kagagawan. Iisang tao lang ang kayang gumawa noon. Isang taong kung ano ang kaniya, kukunin din nito. 'Bakit siya pa? Bakit ayaw niyang manahimik?' galit na saad ni Revier sa kaniyang isipan. Dahan-dahan pa siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga na hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas. "I'm sorry," he said. Full of emotions. It's the first time he apologizes for someone. Lalo na kung sa taong mahalaga sa kaniya. Tinamaan na talaga siya nang husto. Pero dahil sa kasakiman niya na panatilihin si Ymiera sa kaniyang bahay, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban na asintahin si Ymiera dahil sa pag-aakala na siya ay ang mate niya. Kung sana lang siya na talaga... "I didn't listen to you and even bring you to this kind of situation." Dagdag niya pang sabi. Naghihintay sa kasagutan ng babaeng mahal niya. Ang dalawa naman na nasa likuran ay napayuko rin. Maski sila ay humihingi ng tawad sa hindi paniniwala sa babala ni Ymiera. Hindi nila masisisi ang sarili kung magdalawang-isip man sila kung papaniwalaan ba ang dalaga o hindi. Pero may nagsasabi rin sa kanilang isipan na dapat alamin kung tama ba ang hinuha ng dalaga kaysa ang manatili sa iisang lugar nang hindi kumikilos para tiyakin kung totoo ba. May chansa sila na dalhin sa evacuation center ang mga mamamayan ng Notre Sylon. At hindi madamay sa mangyayaring labanan. Subalit huli na. Hindi na nila magagawan pa na ito ay ibalik sa dati. Kaso hindi rin maiiwasang pagtakhan ng magkambal ang tunay na katauhan ni Ymiera. Sino ba siya? Paano niya naramdaman ang mga yapak ng kalaban kung ito ay sobrang layo? Una pa lang batid na nilang hindi talaga ordinaryong tao si Ymiera. Kahit na tao ka hindi mo pa rin maiiwasang hindi maging conscious sa kapaligiran mo. Kung kailan ka lalapain ng kaharap mo. P'wera kay Ymiera na namumuhay na walang problema. Nakikisama sa mga taong-lobo na nakakasalamuha nito. At seryosong sinasabi na hindi siya kailanman matatakot sa anumang gagawin ng katulad nila. Ano ba talagang pagkakakilanlan ang meron si Ymiera? Tanong na hindi masagot-sagot ng nakapaligid sa dalaga. Maski rin si Ymiera ay walang kaalam-alam kung sino ba siya at ano ang koneksyon ng Were Wood City sa katauhan na hinahanap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD