Ymiera's POV:
Nandito na kami ni Max sa Notre Sylon. Ayaw niya sanang dalhin ako rito dahil maraming buhay ang nasawi, sa mismong kalaban, at hindi maganda ang kalagayan nila.
Pero nagpumilit ako. Gustong makita ng aking mga mata kung ano bang nangyari talaga.
Iniwan namin ang magkambal sa bahay para asikasuhin ang paglilibing o pagsunog sa leader ng mga rogue na sumalakay.
Hindi rin inaasahan na ang leader ng mga rogue ay isa sa mga hunter ng Were Wood City. Ang ama mismo nito ang itinakwil maliban sa kaniya.
Gusto nitong maghiganti sa pamilya ng mga Wienchester. Pero wala itong maisip na ideya kung paano pababagsakin ang namumuno sa lugar na ito.
Ngayong dumating ako sa buhay ni Max, nagkaroon ito ng ideya na paslangin ako.
Para magawa iyon dinamay niya ang mga taong itinuring siyang pamilya para sa sariling kagustuhan.
Kinain siya ng paghihiganti.
Napadako ang aking atensyon sa kinaroroonan ni Finley. Nakayuko ito habang hinahaplos ang mukha ng asawa na hindi malaman kung wala na bang buhay o meron pa.
Wala itong kaimik-imik. Sinabi na ito sa akin ni Max kanina lang din.
Pumaroon ako sa kaniyang direksyon. Sumunod din si Max na nararamdaman ko pa ang matinding pagsisisi.
Huli na. Bakit sasaktan niya pa ang sarili? Saka naagapan agad nila na makapunta rito kaya walang nawala sa isa sa pangkat niya.
"Let her rest. Someone shilled her a spell. She'll wake up tomorrow. But don't be content, watch her until dawn. If there's nothing change to her behavior, look for me." I said in a serious tone of voice.
Finley, who was only focusing on his wife, suddenly raised his head. His eyes telling me if I'm saying the truth.
"Are you sure? My wife's not dead?"
"Mukha ba akong sinungaling?" Pabalang ko namang sagot. "Kaysa manatili ka sa labas. Ipasok mo kaya sa loob ng bahay ninyo ang asawa mo. Kumutan mo nang maraming tela para hindi lamigin ang katawan niya." Dagdag ko pang sabi bago siya talikuran upang puntahan naman ang iba pang mga nasugatan na taong-lobo.
Narinig ko kung paano magmadali si Finley na dalhin ang kaniyang asawa sa kanilang bahay. Pero hindi ko na tiningnan pa.
Natanaw ko ang kapatid ni David na may sugat sa kaniyang tuhod. Nasa edad labing isa ito at lalaki rin. Samantalang ang ina naman ni Sevan ay medyo napuruhan. May sugat sa paa, braso, at maging sa ulo.
Napansin ko na kakaunti lang ang nag-a-assist sa kanila. Hindi ko mabilang kung ilan ba ang nasugatan sa pagdating ng mga rebelde sa lugar na ito.
"Where's the other physicianers?" I asked Max, who was silent next to me.
"It's a sudden ambushed. We'll wait for 30 minutes before they arrive. The city was too far from this place. " May seryosong turan ni Max sa akin.
Napansin ko pa ang pagyukom ng kaniyang mga kamao kaya inilagay ko ang aking kaliwang kamay sa kaniyang ituktok at mahina siyang tinapik-tapik.
"They were fine. No one's died. Just make sure that it'll never happen again." Pagpapakalma ko naman dito.
Dahan-dahan naman siyang napatango. Kumilos pa siya at isinubsob ang kaniyang sarili sa aking balikat. Naiiling na lang ako sa lalaking ito.
Para siyang bata.
***
(Another Day)
"We're sorry! If we just trust you..."
"It's fine. As long as you kept this thing secret." Seryoso kong pagpapatigil naman sa kanilang dapat sabihin.
Hindi ko inaasahan na hihingi sila ng tawad sa akin.
Wala kasi silang kaimik-imik noong nilapitan namin ang pamilya nila para kumpirmahin kung maganda na ba ang pakiramdam nila.
Gusto kong tumulong para gamutin ang mga nasugatan sa paraan na alam ko. Kaso dumating na agad ang mga hinihintay namin.
Ang bilis nga eh. Mali ang na-predict na oras ni Max.
"We'll promise!" Sabay-sabay na sagot naman nila sa sinabi ko.
Napangiti naman ako ro'n. Wala naman sa aking problema kung hindi sila magtiwala sa akin. Ang mahalaga huwag lang nila akong isali sa gulo na hindi ako nagsimula.
Napatuon naman ang atensyon ko kay Finley at Hernan. Ngayon ay humihingi ng pera si Hernan para pambili ng pagkain.
Aalis ito ngayon para pumunta sa bayan. May ibinigay na misyon si Max sa kaniya para sa kapasidad na rin ng lugar na ito.
Now that the enemy know where their real embassy and not in the city, Max can't let it slide. They need to double or triple the security of their embassy.
"Fin, is your wife's okay?" Tanong ko rito nang maalala na wala man lang siyang sinabi sa akin pagkarating.
Napatayo naman siya sa kaniyang pagkakaupo sa upuan. Mabilis din niyang iginalaw ang kaniyang ulo payuko.
"Maraming salamat! Akala ko wala na talaga ang asawa ko. Hindi ko kayang mawalay siya sa akin. Lalo na ang magiging anak namin na nasa sinapupunan niya. Kaya noong sinabi mo na okay lang siya ay nagkaroon ako ng pag-asa. Tama ka nga, nagising din siya kinabukasan. 'Yun nga lang binatukan niya ako." Napatawa pa ito nang alanganin.
Napakamot din siya sa kaniyang ulo matapos mapatuwid sa kinatatayuan. Sa klase pa lang ng ilalim ng mga mata niya, alam ko na kung bakit siya binatukan ng asawa.
Ilang oras ba itong umiyak nang patago?
"I'm glad that she's fine. And congrats for your future child. I hope it's healthy when born."
"Thank you!" Nakangiti niyang saad at muling umupo sa couch.
"Manong Finley, penge na kasing pera! Bigyan mo na ako! Tutal naman ligtas ang mag-ina mo!" Muling pangungumbinsido ni Hernan sa lalaki.
"Iba iyon. Saka mayaman ka naman, bakit humihingi ka pa? Para sa anak at asawa ko itong salapi na ito."
Kahit kailan kuripot pa rin talaga. Pero tama rin naman siya, ngayong magkakapamilya na siya, kailangan niya talagang mag-ipon para sa kinabukasan nito.
Naalala ko bigla wallet ko. Iyon lang ang tanging dala ko sa Were Wood City. Mas mahalaga pa ito kaysa sa gamit.
Binibilhan naman ako ni Max kapag umuuwi siya sa bayan ng mga pangangailangan ko sa araw-araw. Iyon nga lang napaparami. Ang iba ay nilagay sa ibang room dahil puno na sa cabinet naming dalawa.
Animo'y mag-asawa na talaga kahit wala namang relasyon.
"Paano ko naman magagamit kung hawak naman ng mga magulang ko? Nagsarili na nga ako pero bantay sarado pa rin nila ako." Umaatungal na katuwiran naman nito.
"Kain ka kasi nang kain. Kung mag-asawa ka na kaya o hanapin ang mate mo para hindi na sila mag-alala kung saan ka bumibili ng pagkain." Sermon naman ni Zendev sa lalaki na hindi pa rin tumitigil sa pagngangawa.
"Paano kung hindi marunong magluto ang mate ko? Maganda kung katulad ni Ymiera. Sana si Ymiera na lang ang maging—dejoke lang naman, Alpha. S'yempre sa iyo siya hehe!" Napa-peace sign pa ang lalaki nang makita ang nanglilisik na mga mata nitong si Max.
Siniko naman itong tao na ito. Kahit kailan talaga hindi marunong makisama sa biruan. Nagsalita rin ako. Tsk.
"Huwag mo na kasing pagdiskitahan pa ang may umaaligid na. Tinamaan nang sobra eh." Naiiling na wika naman ni Zendev sabay akbay pa kay Hernan na nakangusong nakaharap sa aming direksyon.
Isip-bata ba ito? Sa pagkakaalam ko nasa edad dalawampu't apat na siya. P'wedeng-p'wede na siyang mag-asawa.
"Ikaw ba, Ymiera? May pag-asa ba si Alpha?" Pangbabaling naman nila ng atensyon sa akin kaya lahat ay napalingon.
Si Sevan na pumunta sa bakanteng sofa at natulog, ngayon ay napadilat ng mata para marinig ang aking sagot.
"Tanawin ba siya?" Pabalik ko namang tanong kaya napaismid na lang ang iba.
Habang ang ilan ay naiiling na lang. Si Max na nasa aking tabi ay ibinaba ang ulo sa aking balikat. Naamoy ko tuloy ang pabango nito na hindi masakit sa ilong.
Pabango nga ba o natural na scent niya? 'Yung sinasabi nilang pheromones ng mga Alpha. Don't know.
Everytime I'm with him, it feels like I'm in a garden full of wisteria. So romantic and have an elegant scent. So refreshing.
It's telling that everything's gonna be alright.
Isa itong rason kaya hindi ko man lang tinataboy si Max. He has the scent of the Wisteria Flower, my precious and unforgettable flower.
"Ay! Alpha, kailangan mo pang magtiis nang mahaba. Kakaibang babae ang iyong nakuha!" Payo nitong si Finley kay Max na hindi kumikibo sa kaniyang kinalalagyan.
Napatango-tango rin ang lahat sa kanilang narinig. Samantalang ako naman ay may nasagap na namang mga yapak na paparating sa kinaroroonan namin.
Malayo pa sila. Hindi sila naka-form into werewolf. Hindi rin yapak ng mga paa ang aking nararamdaman, kundi andar ng mga sasakyan.
"Someone's coming," prenteng turan ko.
Ang kaninang masayang kwentuhan at asaran ng mga taong nandito, maski na rin ang nakasandal na ulo sa aking balikat ay napatayo.
Mga seryoso na ang mukha nila. Handa na silang sumabak ulit sa labanan.
" Three vehicles' coming. They were not an enemy. So don't worry." Dagdag ko pa sa aking sinabi.