bc

Days of Jovanna

book_age18+
793
FOLLOW
1.9K
READ
murder
killer
dark
drama
tragedy
abuse
friendship
sentinel and guide
school
brutal
like
intro-logo
Blurb

⚠️DISCLAIMER⚠️

This story addresses some SENSITIVE ISSUES that some readers may find OFFENSIVE.

Kung hindi ka po open minded at ayaw po maka-encounter ng mga ganito, p'wede niyo na po huwag ituloy ang pagbabasa.

Another, may mga TRIGGER WARNING po ako nilagay sa BAWAT CHAPTER na may sensitive theme. PLEASE READ FIRST ang AUTHOR'S NOTE bago po mag-proceed.

Thank you!

Ito ay tungkol sa dalawang magkapatid na babaeng nalihis ng landas. Namuhay ang magkapatid na sina Jovanna Villamor at Keslie Villamor na tanging dahas ang sagot sa kanilang problema. Sa kasamaang palad, nakuha nila ito sa kanilang mga magulang na nang-abuso sa kanilang inosenteng pagkatao.

Sa madilim at magulong mundo ni Jovanna, may makikilala siyang kaibigan na tutulong upang maghilom ang kaniyang mga sugat ng nakaraan. Sa tulong ng kaniyang kaibigan, makikita ni Jovanna ang kagandahan ng mundong kanilang kinabibilangan na mag-uudyok sa kaniyang pagbabago. Mararanasan din niya ang tunay na kaligayahan na hindi pa niya nararanasan simula nang pagkabata niya. Subalit pipigilan naman siya na maging masaya ng kaniyang kapatid, si Keslie.

Sino ang makikilala ng ating bida? Anong dahilan kung bakit tutol si Keslie na maging masaya ang kaniyang kapatid? Anong magiging kahihinatnan ni Jovanna sa oras na nilabag niya ang utos ng kaniyang kapatid?

chap-preview
Free preview
1. FIRE ⚠️
Pagdilat ng aking mga mata, ang una kong nakita ay ang mga nasusunog na mga kabahayan. Dama ko ang init sa aking paligid gano'n din ang takot at pighati ng mga taong akong natatanaw. Ang ilang tao na naroon ay humihingi ng tulong, tulong na maapula ang sunog at tulong na sagipin ang mga mahal nila sa buhay mula sa loob ng nagliliyab nilang tahanan. Samantala ang iba naman ay mabilis na tumatakbo paalis upang lumayo sa nagbabagang lugar na ito. Sa kabilang banda, may mga natanaw ako na nasusunog na taong nagmamadaling apulahin ang apoy mula sa kanilang katawan. Mabilis silang naghahanap ng tubig para patayin ang sunog sa katawan nila; ang iba naman ay sinubukang apulahin ang sunog sa katawan ng ibang tao; at may mga ilan naman ay wala nang nagawa kung hindi tanggapin ang kanilang sitwasyon—sila ay nakahiga at unti-unting bumabaluktot ang nagliliyab nilang katawan nang dahil sa matinding init. Nananatili lang akong nakatayo ro'n habang pinapanood ang kanilang pagdurusa. Hindi ko namalayan ang reaksiyon ng aking mukha nang napatingin ako sa bintanang kita ang sarili kong repleksiyon. Nakangiti at para ba ako ay natutuwa sa nangyayari. Napahawak ako sa nakangiting labi at ako'y naguluhan kung bakit gan'to na lamang ang naging reaksiyon ko sa mga oras na 'to. "Bakit ako nakangiti? Hindi ba dapat maawa ako sa kanila o 'di kaya… tulungan man lamang sila? Bakit wala akong ganang tulungan sa kanila?" Mga tanong na nabubuo sa aking isipan. Habang hinahaplos ang aking mukha, may naramdaman akong malapot at basa mula rito. Inilahad ko ang dalawa kong kamay at akin sinuri ang mga ito. Napag-alaman ko kung ano ang nakadidiring bagay na 'to. Nakita ko ang maraming dugong nagkalat sa aking mga kamay pati na rin sa suot kong puting dress. Biglang nawala ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng pagdududa. Sa mga oras na iyon, wala akong nadama bagkus ay agam-agam kung anong nangyari sa akin—sa aking paligid. Pilit kong iniisip ang kasagutan sa aking katanungan. Upang alamin, napagdesisyunan kong maglakad at baka sakali may makita akong clue sa aking mga katanungan. Nang ako ay humakbang, may natapakan akong isang matigas na bagay. Sinilip ko ang nasabing bagay at natukoy kung ano ito. Isang lalaking nakahiwalay ang ulo sa katawan ang aking natapakan. Ang ulong ito ay kasalukuyang nalulunod sa sarili nitong dugo. Nang masaksihan ko ito, doon ko na lang napagtanto kung bakit ako nasa mala-impyernong lugar na ito. Dahan-dahan akong yumuko at akin naman siyang binulungan na may ngiti sa labi. Pagbulong ko ay ako'y nagising sa aking magandang panaginip. Isang puting kisame ang una kong nakita pagmulat ng aking mga mata. Bumangon ako at nagmuni-muni sa aking maliit na silid. Hindi agad nawala sa aking isipan ang pangyayaring 'yon. Masyadong maganda upang makalimutan ito. Inilahad ko ang mga kamay ko at sabay ko itong pinagmasdan na may nadaramang kaginhawaan. Mga ilang sandali pa ay may mga narinig akong malalakas na sirena ng bumbero. Mula sa aking bintana, tanaw ko ro'n ang pulang liwanag mula sa sunog na hindi kalayuan sa amin. Nakahinga ako nang maluwag sa mga oras na 'yon at tinuloy ang naudlot kong pagtulog. Tanghali na rin nang ako'y muling bumangon. Dumiretso ako sa kusina upang maghanap ng p'wede kong kainin. Pagpunta, may napansin naman akong isang papel na may sulat na nakadikit sa pintuan ng refrigerator. Ang sabi sa sulat, "Iinit mo na lang ang natirang pizza sa ref. Love, your beautiful ate," na may happy smile sa dulo. Binuksan ko ang ref at sinunod ang utos ni ate. Habang hinihintay ko itong uminit, kumuha ako ng tubig upang inumin. Ako ngayon ay nakaharap sa malaking bintana ng aming kusina, huminga ako nang malalim pagkatapos kong uminom. "Napakaganda ng araw na ito," bulong ko. Mapayapa kong ninanamnam ang paligid habang nakapikit ang aking mga mata. Napakasarap pakinggan ang mga huni ng mga ibon at mga kaluskos ng mga bulaklak at halaman mula sa labas—sa aming bakuran. Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko, may isang ingay ang sisira sa tahimik kong araw. Malalakas at nakaiiritang kahol ng mga aso mula sa katabing bahay. Binaba ko ang hawak kong baso at lumabas ng bahay. Pinuntahan ko ang mga nangangalit na aso at pinagmasdan. Nag-iisip kung anong p'wede kong gawin upang sila ay manahimik. "Anong gagawin nila mama at papa sa mga oras na ito?" isip ko. Bigla ako natauhan no'ng biglang pumasok sa aking isipan ang tanong na iyon. Napailing at binura ang masasamang ideya na pumapasok sa aking utak. Hindi tama na pag-isipan nang masama ang isang bagay lalo na kung ito ay may buhay. Manatili ka huminahon, Jovanna. Habang nilalabanan ang aking sarili, bigla ulit nila ako tinahulan. Sinubukan ko sila patahimikin, ngunit hindi nila ako sinusunod. Ilang beses kong nilalabanan ang sariling galit para wala akong masamang gawin sa kanila, ngunit talagang sinusubukan nila ang aking pasensiya. Sumuko na ako sa mga oras na iyon. Aking sinuri ang buong paligid at nang matiyak na ligtas na, muli kong binalin ang tingin sa dalawang aso. Makalipas ng mga ilang oras ay nakabalik na si Ate Keslie. Kasalukuyan akong nasa sala, nakaupo sa sofa, at nagbabasa ng libro. Habang inaasikaso n'ya ang kaniyang mga pinamili, may binalita siya sa akin, "Alam mo na ba ang nangyari sa kabilang barangay? Ang sabi raw ng mga bumbero ay aksidente lang daw 'yong sunog." Huminto siya nang saglit para buhatin ang isang maliit na sako at pinatong sa ibabaw ng puti naming lababo. "Ang tingin nila ay dahil sa napabayaang nakasinding kandila. Nagkaroon kasi ng blackout kahapon kaya gano'n… Kung sino man iyong nagpabaya, goodluck to them. I'm sure na sisisihin sila ng mga kapitbahay nila." Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko namang huminto si Ate Keslie sa kan'yang ginagawa at ako'y kaniyang nilapitan. "Maiba nga tayo, mukhang napasarap yata tayo ng tulog ngayon, ah... Ang ganda ng complexion mo unlike noon. I'm so happy to see you na maayos-ayos ka na. Ipagpatuloy mo lang iyang… err, kung ano man ang ginagawa mo," masaya niyang usap. Bahagya naman ako napangiti sa binaggit niya at masaya ko s'yang sinagot, "Walang problema." Nang sinagot ko siya ay tinuloy ko ang naudlot kong pagbabasa, pati na rin ang kaniyang pag-aasikaso sa mga pinamili niya. Maya-maya pa ay nakita kong tumingin siya sa labas, halata sa mukha ang pagtataka. "Himala rin at hindi ko na naririnig ang tahol ng mga aso sa kapitbahay natin. It's good naman na tumahimik na sila. Dagdag pa sa sakitin ng ulo ang mga tahol nila, sa totoo lang," sabi niya at saka siya bumuntong ng hininga. "Sana magtuloy-tuloy na ang peace sa ating lugar." Sumang-ayon naman ako sa kaniyang sinambit habang nakatingin sa libro at nagbabasa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook