"Where am I?" This was the first thing I said when I opened my eyes.
Bigla ako kinabahan dahil first time lang ako nakapunta sa place na 'to. It is so dark, wala talaga ako makita kahit na ano.
I think I'm dreaming? Of course, it is a dream. Siguro, if I hurt myself, magigising na ako sa nightmare na ito.
Sinubukan kong i-move ang arms ko to pinch myself, pero ayaw talaga ng body ko.
What is wrong with me?
That time, I'm starting to freak out.
After a while, I saw something—standing there in an endless dark place and slightly itong nag-glow. When I saw that person, bigla ako nakaramdam ng relief na baka siya na ang tumulong sa akin para makaalis sa place na 'to. I don't know how, but please lang matulungan niya sana ako.
I also try to scream for help but there is no voice coming out from my lips.
Anong klaseng dream ito? Iyong una, hindi ako maka-move and then this!?
Sinubukan ko ulit i-move ang useless body na ito at sumigaw, pero napaka-useless talaga, ayaw gumalaw.
Naku, sana naman mapansin niya ako. Siguro, if that happens, magigising na ako.
That person is far away from me, and I can't determine whether the person's standing is a boy or a girl. Nakasuot siya ng white long-sleeved shirt and pants and nakatalikod siya sa akin.
Maya-maya pa ay gumalaw na iyong head niya. Nakatingin siya sa right side and doon ko na na-realize na babae siya.
Her entire body slowly turned towards me. That time, I'm so grateful but, bigla ako nagulat nang makita ko siya. She's so thin na para na kalansay and her skin is so white as snow. At nang humarap ang entire body niya sa akin ay bigla siyang lumipad papunta sa harapan ko. Sobrang shock ko nang bigla siyang lumapit sa akin, sobrang lapit niya—mga ilang inches lang ang lapit niya sa akin. Kitang kita ko ang buo niyang mukha. Puno ng dugo ang kaniyang damit, mayroon pang mga kaunting stain of blood sa mukha niya.
Nanginginig ang buong katawan ko at tumulo na ang mga luha ko, lalo na't makita ko ang mukha niya because she is so freaking scary. Itim na itim ang buo niyang mga mata at, oh my God! Umiiyak siya ng dugo!? Nakatahi naman ng red na sinulid ang labi niya at may mga blood din na tumutulo mula sa mga sugat sa labi niya.
I awoke from my nightmare gasping for air. My entire body was sweating like a pig heavily, and my hands were trembling. Hinawakan ko ang both hands and I try to calm myself. That is my first time na nakaramdam ako nang sobrang takot. Para talagang real ang nightmare na 'yon—hanggang ngayon tandang tanda ko pa.
Nanakit ang chest ko kaya naman napahawak ako rito at mina-massage para kahit papaano mawala ito. I took deep breaths over and over until it calmed down. After that, ngayon ko lang napansin na umiyak pala ako because of my dream so pinunasan ko ito. Inabot ko ang cellphone ko na nasa left side ko na nakapatong sa drawer to know what time na ba.
It's already six in the morning, it's still early.
Binaba ko ang cellphone at bumangon na.
Bumaba ako at pumunta sa kitchen. Kumuha ako ng water sa ref at saka ininom.
"Yuck! Nainom ko ang panis na laway ko," sabi ko na may halong inis. "Why don't I immediately rinse my mouth out? Tinungga ko pa naman."
Pero kahit nandiri ako ay uminom ulit ako ng tubig. There was nothing I could do, I already drank it.
Pumunta ako sa lababo at nilagay ang baso. I'm still standing there, trying to process the nightmare in my head.
"Bakit ko kaya napaginipan iyon? My gosh… I get scared easily, and that's why I avoid horror films," banggit ko nang bigla ako nagka-goosebumps nang maalala ko ulit iyon. "But what is it about her that makes me feel strange? Yes, ang scary niya, but at the same time, I pity her? May meaning ba iyon? Baka hindi lang basta-basta panaginip iyon. Baka pangitain ito, baka," bigla nanlaki ang mga mata ko, "baka ako ang babae sa nightmare ko?"
"Isya, anong ginagawa mo?"
"Shi–!" I screamed dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot niya.
Tumalikod ako habang hawak sa dibdib to know kung sino ang gumulat sa akin. I breathed a sigh of relief to see who it was.
"Ikaw lang pala iyan, lola," buntong hininga ko.
"Anong nangyayari sa iyo at parang nakakita ka ng multo? Alam kong maputi ako, pero mas maganda naman ako sa multo," may halong inis na sabi ni lola sa akin.
"I know na maganda ka, 'la. Bakit ka nagagalit? I should be the one who is mad because you shocked me, not the other way around," paliwanag ko. "Ang pangit na nga ng gising ko– dinagdagan mo pa."
"So sinasabi mo na pangit ako?"
"I didn't say anything like that?"
"Pero iyon ang pinapahiwatig mo," singhal niya na sabay kinunot ang kaniyang noo.
Napahawak ako sa mukha na marinig ko ang sinabi niya sa akin. Once again, my grandmother is annoyed for no apparent reason.
"Lola, galit ka na naman? Wala akong sinasabi na pangit ka..." Magsasalita na sana si lola pero inunahan ko na. "Ngayon ko lang sinabi at ikaw ang unang nagsabi niyan so... ina-admit mo to yourself that you are ugly," pagtatanggol ko sa sarili ko. "Naku, 'la! We should stop this nonsense, baka saan pa mapunta itong usapan na 'to."
Tinaasan naman ako ng kilay ni lola at sabay pumunta sa harapan ng ref. "Himala yata at nagising ka nang maaga. Wala pa kayong pasok, ah. Next week pa," she said habang kumukuha ng ingredients for our breakfast.
"I'm getting ready for the start of school. This is umm… simply a test to get my body used to, you know, getting up early," palusot ko.
Grandma stopped speaking and began preparing breakfast for us.
Si lola lang ang kasa-kasama ko ngayon sa house. Sila Mom and Dad naman ay nasa abroad because of their works. Si Mom ay isang fashion designer at nasa Paris siya, while si dad naman ay nasa Australia, photographer naman siya. He said to me na nandoon daw sa place na iyon mahahanap ang kaniyang inspiration so he decided to go there and also, I'm only child sa pamilyang Suarez. Laticia Suarez is my full name.
Ayos lang naman sa akin na hindi sila makasama kasi I'm used na sa lifestyle ko na ang kasama ko lang ay si lola. Hindi ako naka-feel ng any lungkot 'cause we have internet naman, nakakapag-video call kami any time I wanted. By the way, nakuha ang nickname kong Isya sa name ko na Laticia. Si Daddy ang nag-nickname niyan sa akin. But some of my friends tawag sa akin ay Latish especially Zyra, she's my childhood and one of my bessy.
Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ulit ang cellphone ko para magbasa ng manga. It took me a few hours to finish reading. Kahit kumakain ako ay ongoing pa rin ang pagbabasa ko.
I became enraged when I reached the latest chapter and did not see a button for the next chapter.
"Haa~h! Hindi ko na alam ang gagawin ko. You're too much, author. Bakit mo naman pinapahirapan si Marie-chan? Porque author ka puwede mo na bigyan siya na gano'ng karaming problem? Sunod-sunod pa talaga?" reklamo ko habang nakatingala.
Gusto ko ulit sana magbasa ng another story pero hindi pa rin ako maka-move on sa "The Lonely Wolf" na kakareklamo ko lang. Gusto ko ulit mag-rant but I didn't, baka marinig ako ni author at lalo pa lumala. It’s better to vent my anger once.
Binaba ko ang cellphone at tumayo upang mag-unat. Pinahinga ko muna ang eyes ko and then I bathed. Pagkatapos ay pinatuyo ko ang hair ko with my hair blower at nagpaalam ako kay lola na ako ay lalarga na.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ni lola sa akin.
"I'll just go out and get some ice cream. If you like, I can also buy you."
"Bilhan mo na lang ako ng face mask, paubos na face mask ko," sabi niya na sabay kumuha ng money sa loob ng room niya.
"You know what, 'la? Sa sobrang ganda mo, pati bangkay babangon if ever na makita ka, so... no need na sa face masks."
"Sus, bulaan." Sabay abot sa akin ng pera pambili ng face masks niya. "Kahit na sixty-five na ako, kailangan ko pa rin i-maintain ang beauty ko. Kaya ikaw, kahit bata ka pa at fresh pa ang skin and beauty, kailangan mo pa rin ingatan iyan," pahabol niya na sabay niyang binatak-batak pataas ang skin niya sa mukha. Mina-massage pa niya ito.
Ganito talaga si lola. Masyadong pinapahalagahan ang 'beauty' niya. Panay bili ng pampaganda at pampabata, takot na takot na tumanda.
To be honest, kahit na ganiyan iyan, never pa siya nagpa-botox or nagpa-retoke for the sake of beauty. She hates fakes. Gusto niya na natural ang beauty niya. Even if I was joking earlier, I'm telling the truth when I say she doesn't need to buy beauty products because she's already attractive at her age. That is one of the reasons why my lolo is so in-loved kay lola. Isa pa ro'n ay ang pagiging kalog at jolly niya. Some say we and papa inherited ang pagiging kalog from her.
After a while, lumabas na ako ng bahay at sinunod ang utos ni lola. I noticed something strange in the air when I stepped outside. Despite the fact that it was summer and the sun was shining brightly, I felt cold. Bigla ako kinabahan at naalala ulit ang nightmare ko kanina. Sinampal-sampal ko ang sarili nang mabilis para mawala ang takot na nafi-feel ko today.
"Panaginip lang iyon, walang meaning iyon, okay, Laticia?" usap ko sa sarili. Paulit-ulit ko ito nire-remind sa akin to calm myself.