"Bored ka na naman, Laticia?" usap ko sa sarili pagkalabas ng bahay. Inunat ko ang body ko at lumanghap ng sariwang hangin.
Habang nasa labas ako ng house namin, kita ko mula sa place ko ang mga batang naghahabulan. Look at them, they're so adorbs!
Later, a boy stumbled, and I was surprised. Napahawak ako sa mouth ko 'cause hindi ko expected ang pagdapa niya. My gosh, sana okay lang s'ya. Plakda pa naman ang pagbagsak niya.
Pinuntahan siya ng another friend n'ya at inalalayan na tumayo. Nakita ko sa face niya na parang iiyak na, but because of his cutie friends, it looks like na hindi na niya na-feel pa ang pain.
Aww… Cutie naman.
Anyway, since it's summer at walang ganap sa bahay, ayaw din ni lola na gumala, I decided na mag-stroll muna with my bike. That is the reason kung bakit ako lumabas ng bahay. To be honest I just really wanted to stay indoors. You know, tamang read lang ng story or manga, but I still can't really move on from what I read last time. And because of that, I lost the urge to read another story.
Kinuha ko ang bike para mamasyal naman at saka umalis. While I'm biking, may nadaanan akong isang shop sa labas ng aming compound. It pique my interest. Mukhang luma at antique na 'yong house pero maayos pa rin ito, lalo pa nga gumanda sa mata ng ilan, especially me. Sa hindi mo naitatanong dahil wala naman nagtatanong, isa sa hilig ko ang pag-collect ng antique items. Namana ko ito sa daddy ko na minana naman niya kay lola.
Okay, back to narrating… I saw the shop for the first time and it was also strange to me—in a good way—so I was curious. P-in-ark ko ang bike sa gilid at pumasok.
Bahagyang masikip ang loob at puno ito ng antique na gamit. Of course, Laticia, it's an antique shop nga, right? Duh!
Tumingin lang talaga ako—window shopping parang gano'n—and nagkaroon ako ng interest in a one small box. Brown ito at may design na two snakes sa harap ng box. Magkaharap ang mga snake kung kaya naka-side iyong pagkakaukit sa kanila. The one on the left has red stone eyes, while the one on the right has yellow stone eyes. I'm not sure kung gem ba ito, but they are shining.
Kinuha ko ang box at sabay binuksan, pero wala itong laman. I was expecting to witness something unusual, so I prepared myself for it. But, nah… this left me feeling let down 'cause, ngek! Waley namang laman or something special sa loob.
Nang iko-close ko na 'to, may napansin akong something na nakasulat sa may left side ng box. It is so small kaya nilapit ko ito to read properly, pero hindi ko ito ma-gets. I'm not sure what language ang nakasulat sa loob because I don't understand it. Hinayaan ko na lang.
Anyway, sinara ko na ang box at nagtingin-tingin ulit ako while holding it. Wala naman akong nakitang maganda except sa box kaya I decided to buy it na lang. Sayang naman din at baka mabili pa ng iba. And also, I don't want naman na lumabas na walang binili. It feels illegal to me.
When I handed the box over to the old man to pay. He put on his glasses and took a close look at it. Inikot-ikot ni Tatang at binuksan pa ito to observe ang loob. Sa sobrang tutok ko sa box I don't have any idea na sobrang lapit ko na pala rito.
He suddenly paused.
Nang dahil do'n, doon ko na lang napansin na ang lapit ko na pala and I think nakasagabal na ako sa ginagawa n'ya.
Ngumiti lang ako habang umaatras. "Sorry po, go ahead," I shyly said.
Tinuloy ni Tatang ang ginagawa n'ya. He eventually completed inspecting the box after spending some time doing so. Binaba niya ang box na may pag-iingat pagkatapos niya in-inspect.
"Nakapagtataka naman," he whispered habang nananatiling nakatingin sa box. "Ngayon ko lang nakita ang gan'tong klaseng kahon. Sigurado ka ba na nakita mo 'to sa loob ng shop ko, hija?"
"Opo. There oh... Doon ko nga po 'yan nakita," sabi ko na sabay turo sa kinuhanan ko ng box. "Why? Is there a problem po ba sa box ko?"
Before he responded, I noticed that he was deep in thought. "Hmm... Wala naman. Baka lang kasi..." Napailing ang matanda at agad n'ya ring kinuha ang box. Hindi niya tinuloy ang binabalak niyang sabihin. My gosh! Ano kaya iyon? Na-curious tuloy ako. "Alam ko kasi ang lahat ng mga binebenta ko, kung kanino at saan nagmula. Samantalang itong kahon na ito... Wala talaga akong natatandaan na may binili akong ganito."
"Naku po, Tatang, baka naman po sa katandaan ay nakalimutan niyo po ang tungkol sa box, no offense po, ah," I chuckled. "Normal lang po 'yon kasi po sa sobrang daming bagay na nandito, I'm sure po na may makakaligtaan po kayo," nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Sa bagay, tama ka naman, hija. Tutal, dahil gustong gusto mo talaga ang kahon at maganda ang binigay mong ngiti sa akin, ibibigay ko sa iyo ito nang murang mura," masayang pagkakabanggit niya sa akin. "Two thousands na lang para sa iyo ang kahon na ito."
Ay wow jackpot!
Sobrang fortunate ko this day 'cause he gave me this box sa mababang price. Antique kaya ito kaya suwertihan na lang talaga na makakuha ng ganitong price. Another thing is that the design and tanda ng box is so-so beautiful and old that it may be worth ten thousand pesos or more. Buti na lang low price lang siya, although I have enough money to buy it if ever nga na umabot iyon sa gano'ng price.
Mukhang ang lucky ko nga ngayon. Maybe it's the universe's way of compensating me for the horrific nightmare I just had. If that's the case, I'll take it without hesitation.
Masaya ko tinanggap ang presyo nito at binili. Nilagay ko ang binili kong box sa basket na nasa harap ng aking bike na nakalagay sa brown paper. I also left after I bought it.
I was in the middle of biking when I heard the sound of an ambulance and the sound of police cars passing by on the other side of the road, sa opposite direction na pinupuntahan ko. There's two police cars ang nasa harapan ng one ambulance. Ang lahat ng mga kotse na nando'n sa kalsada ay nagbigay daan for them.
I shook my head and continued biking, not paying attention to what had just happened.
In the middle of the night, as I was texting with my friends on my cell phone, I noticed something on television that piqued my curiosity.
Ayon sa news, there's a menor de edad na babaeng pinatay at hinihinalang pinagnakawan pa. Hindi raw masyadong namukaan ang girl dahil masyadong gore raw ang ginawa sa face n'ya. Masyadong sensitibo that's why, hindi na lang pinakita ang face ng corpse. I also don't like to see it at baka magka-nightmare na naman ako. Fortunately, the newborn baby survived. Hindi masyadong nagkakalayo ang lugar nito sa baby. They suspected the woman had a connection to the child.
My emotions were mixed after hearing the news. I was sad for the unfortunate girl who was harmed, but I was also pleased to learn that the baby was unharmed. Nasa custodia na raw si baby and nag-i-investigate kung sino ang parents niya.
Buti na lang talaga at hindi nila ginalaw ang baby. Pero grabe rin naman ang ginawa sa kan'ya. Pinagnakawan na nga tapos papatayin pa? Whoever killed her, naku! I wish na masunog ang kaluluwa niya sa hell. Murderers have no place in heaven talaga.