Isang makahulugang tingin ang iniukol ng Ate Joana niya sa kaniya. Asar na inirapan niya ito. Padabog siyang tumayo at mabibigat ang yabag na tinungo ang kuwarto ng mga ito.
Huminto siya sa tapat ng kuwarto ng mga ito at kumatok nang tatlong beses. "Colonet. Jeckay. Linshell." Mahinang tawag niya sa mga pangalan ng tatlo pa niyang kapatid.
Hindi sumasagot ang mga ito kaya naman napilitan siyang buksan ang pinto. Ngunit wala ni isa sa mga ito ang kaniyang nakita sa loob ng kuwarto. Umigting ang kaniyang bagang nang maglakad siya papunta sa bintana upang silipin kung naroroon ang mga ito sa labas.
Hindi siya nagkamali ng hinala. Nandoon na naman ang mga ito sa kanilang bakuran at nakatambay habang nanonood ng pagbobola ng mga kapitbahay nilang lalaki na hindi nagkakalayo ang edad kay Colonet.
Nanliliit ang mga mata na sinuri niya kung naroon sa isa sa mga naglalaro ang nagpapalipad-hangin sa kapatid, kahit na nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan.
Humiyaw ang kaniyang tatlong mga kapatid nang pumasok sa ring ang i-sh-in-oot ni Walden na bola. Sumenyas ito sa kinaroroonan ng mga kapatid ng flying kiss na ikinasuya ng mukha niya.
"Luh. Ate Collet, three points! Aba'y para daw sa'yo. Haha." Kinikilig na sambit ni Jeckay kay Collonet.
"Collonet! Jeckay. Linshell... Ano pang ginagawa niyo diyan? Pumasok na nga kayo!" Konsemisyong singhal niya sa tatlo.
Namumula ang mga pisngi na napayuko ang kaniyang kapatid na si Collet.
Nag-uunahang nagsipasok ang mga ito. Napansin niya ang paghaba ng leeg nung Walden kaya naman inis na lumabas siya nang makapasok ang mga kapatid.
Iritang naglakad siya palabas at lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. "Hoy!" singhal niya sa mga ito. "Ano pang ginagawa niyo rito? Magsiuwi na nga kayo. Ang iingay..." nakapamaywang na utos niya sa mga ito.
"A-Ah, magandang gabi nga po pala, Ate Chasa." Malakas ang loob ni Walden at nagawa pa siya nitong batiin samantalang nagsitakbuhan na ang ibang mga kaibigan nito.
"Walang maganda sa gabi, Totoy." Iyon lamang at agad na siyang tumalikod. Hindi niya napigilang mairita lalo.
"Hindi po Totoy ang pangalan ko, Ate Chasa--" agad niya itong pinutol.
"Wala akong pakialam, Totoy." Iyon lamang at tuluyan na siyang naglakad pabalik sa loob ng kanilang tahanan.
Naabutan niya si Collet na nakasilip sa bintana ngunit umalis din nang makitang papasok na siya.
Nakaupo na ang mga ito sa hapag-kainan nang pumasok siya sa kusina.
Sinulyapan niya ang kaniyang ina na iba na naman ang ginagawa. Naglalaba ito ng basahan. Hinahayaan na lamang nila ito sapagkat hindi sanay na walang ginagawa subalit ang problema'y kapag natapos na ito. Doon na naman ito magtatalak na kesyo hindi na nila ito matulungan.
"Joana," untag ng kaniyang ina sa kanilang panganay. "Nag-text ba ang ama mo?" Pag-uusisa nito.
"Hindi pa," mabilis na sagot nito.
"I-text mo nga pala mamaya ang ama niyo. Kawawa naman. Tawagan mo na lang pala, anak." Utos nito.
Pagkatapos niyang kumain ay pumasok na muli siya sa kaniyang kuwarto.
Napangiti siya nang makitang tumatawag ang boyfriend na si Russu.
Buong maghapon niyang hinintay ang text nito kaya naman hindi niya maitago ang saya nang makitang tumatawag ito.
"Hon!" masayang sambit niya pagkatapos sagutin ang tawag nito.
"Uh, Hon... ginagawa mo?" Hindi niya maiwasang kiligin pagkatapos marinig ang boses nito.
It has been five years pero kinikilig pa din siya sa tuwing makakausap ito.
Ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng kama at gumulong. "Wala, nakahiga. Kakatapos ko lang kumain, ikaw ba?"
Hindi niya na mabilang kung ilang beses na nilang nagamit ang mga linyang iyon sa tuwing magka-usap sila sa tawag o video call pero hindi man lang siya nagsawa.
"Kakain pa lang kami, eh. Halos kakatapos lang din naman sa work." Saglit siyang napahinto sa sinabi nito at sinulyapan ang oras.
"Madami ka bang naging customer ngayong araw?" muli siyang nagtanong rito.
"Madami din, Hon." Siguradong sagot nito.
Napapikit siya nang maalala ang sinabi ng kaniyang ina sa kaniya.
"Hmn... Hon?" humina ang kaniyang boses sa pag-aalinlangan.
Agad naman itong sumagot. "May problema ba, Hon?"
Dinala niya sa gitna ng mga labi ang hintuturo at kinakabahang kinagat iyon.
Magsasalita na sana siya ngunit naunahan muli siya ng hiya. "M-Mag-iingat ka palagi diyan, Hon. Miss na miss na kita."
Napangiti siya nang marinig ang masarap sa tainga na paghalakhak nito. "Opo, at pakakasalan pa kita."
Wala na. Halos mapunit na ang mga labi niya sa sobrang pagkakilig sa banat nito. Russu is her first ever boyfriend. Proud siya doon at wala pang ibang lalaki na nagparamdam sa kaniya ng gan'on kasing kaligayahan sa kaniyang puso.
"I love you, Hon." Kagat labi siyang tumingala sa kisame at inisip na kaharap niya ito habang sinasabi niya iyon.
"I love you more, Hon." He whispered with gentleness through phone.
"Sige na, kumain ka na. Matutulog na ako. Maaga pa kami magsisimba ng mama mo bukas." Paalam niya rito.
"Okay, okay. Dream of me..." anito bago tuluyang pinatay ang tawag.
Mas maikli ang pag-uusap nila ngayon kumpara sa mga nakaraan pero ayos lang. Sapat nang marinig niya ang boses nito at masigurong nasa maayos ito na kalagayan.
Tumagal ang kaniyang pagtitig sa kanilang kisame. Iniisip niya ang bilin ng kaniyang ina. Mabait si Russu at hindi nagdadamot sa kaniyang pamilya kaya naman botong-boto ang ina niya para rito. Literal nga na ibinubugaw na siya ng ina sa lalaki. Kung nandito na lamang ang lalaki sa Pinas, malamang malugod na siyang ibinigay ng kaniyang ina sa lalaki nang wala ni katiting na pag-aalinlangan.
Marunong magkusa si Russu. Minsan ay siya na lamang ang nahihiya rito ngunit wala siyang magawa kapag sinasabi ng kaniyang ina na kapalan niya ang mukha sapagkat wala naman nang iba. Anito'y boyfriend naman daw niya ang lalaki at matagal na sila.
Makakabawi naman daw siya sa lalaki kapag nakauwi na ang lalaki sa Pinas. Siya na ang bahalang sumukli sa mga naging sakripisyo nito sa kaniya kapag kasal na sila.
Wala daw siyang dapat ipangamba sapagkat ang pamilya niya'y pamilya din nito. Sa ngalan na pagmamahalan naman daw silang dalawa ng lalaki.