CHAPTER 2: Cheat My Unico Hijo?!

1018 Words
"Mabuti naman at hindi na iyong bestida mong hapit na hapit sa kurba ng iyong katawan at napakaikli ng tabas ang isinuot mo, Chasa." Nakasimangot na sambit ng kaniyang ina sa kaniya nang paalis na siya para magsimba. Ang iniregalo sa kaniya ng kaibigan niya na dress ang tinutukoy nito. Sinasabi ng ina na kita na daw ang buong kaluluwa niya nang suotin niya iyon noong nakaraang Linggo kahit na hindi naman talaga. Kesyo ano na lamang daw ang sasabihin ng pamilya ni Russu tungkol sa kaniya. Saka niya na daw pangarapin magsusuot ng gan'on klaseng damit kapag araw-araw na siyang makikita ni Russu. Hindi niya na lamang pinansin ang palugit nitong komento. "Alis na po ako," paalam niya rito. Nakatapak na siya sa labas ng bahay at nabuksan niya na din ang payong nang habulin siya nito. "Chasa! Saglit lang. Bitbitin mo na ito at pakibigay mo kay Kumare. Pakisabi, pagpasensiyahan niya na at konti lamang ang huli ng Tiyo mo na mga isda ngayon." Iniabot nito sa kaniya ang isang maliit na timba na puno ng mga isda. Tinitigan niya lamang iyon nang matagal. Naiinip na pinalo siya ng ina nang marahan sa kaniyang palad. "Aba'y ang kupad!" matalim na salita naman ang sunod na ipinatama nito sa kaniya. "Akala ko ba ay magdadaing ka kaya ka nanghingi ng huling isda ni Tiyo Rolly?" maang na tanong niya sa ina. Natahimik ito at pagkalabas ang ilang sandali'y itinutulak na siya nito paalis. "Aissst!" ingos nito sa kaniya. "Hayaan mo na't mas malaking kapalit niyan sa pamilya natin." Makahulugang sambit nito sa kaniya na ikinatameme niya. Tahimik siyang naglakad palabas ng kanilang bakod bitbit ang isang maliit na balde na puno ng mga isda at nag-abang ng sasakyan. Huminto ang sasakyan sa harapan ng isang malaking bahay na may malawak na bakuran. Ang mansyon ng mga Sevilleja. Mabilis siyang nakababa dahil naka-fitted pants siya na tinernuhan lamang niya ng blusa. Kaagad niyang inayos ang suot na blusa pagkatapos niyang iabot sa driver ang bayad niya sa pagsakay. "Magandang umaga po, Aling Soleng..." nakangiting bati niya sa matandang nagdidilig ng mga halaman sa hardin. "Uh? Ikaw pala, Chasa." Dali-dali siya nitong pinagbuksan ng gate. Sinulyapan niya ang family house at saka hinanap ang ina ng nobyo sa matanda. "Nakaayos na po ba si Antie Conchie?" "Oo hija. Hintayin mo na lamang sa sala at bababa na din 'yon." Nakangiti ito sabay sulyap sa baldeng hawak niya. Alanganin siyang ngumiti sa matanda nang mahulaan ang iniisip nito. "A-Ah, medyo madami po kasing nahuli na isda kagabi ang Tiyo, kaya inutusan ako ni mama na magbibit para kay Antie Conchie." Inunahan niya na kaagad ang ginang. "Na'ko, gan'on ba? Sa susunod pagsabihan mo din ako at bibilhin ko na lang sakaling mas makamura." Sabi nito na ikinatameme niya. Hindi niya alam ang isasagot rito. Alam niyang minsan, paraan lamang iyon ng isang taong gusto mapangakuan na bibigyan mo na lamang din ng libre sa susunod. Pero ayaw niyang mangako sapagkat pahirapan pa nga itong bitbit niyang mga isda. "A-Ah, sige po." Nakatangong sagot niya rito. Kung meron pa man ulit isda sa susunod, ibibigay niya na lamang dito pero ayaw niyang mangako sa ngayon kaya hindi niya na pinahaba pa ang usapan. Pumasok na siya sa loob ng malaking bahay at hinanap ang ina ni Russu. Gaya ng palagi niyang ginagawa. Naupo siya sa sofa at hinintay nga ang matanda. Tahimik ngayon ang loob ng mansion. Sa normal na mga Linggo, maaga pa lamang ay naglalaro na ang mga pamangkin ni Russu na sina Mackey at Dave sa sala. Kaya naman hindi niya maiwasang pagtakhan ngayon. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader sa bandang itaas ng malaking TV. Thirty minutes pa naman bago ang second mass ngayong umaga. Ayos lang din dahil malapit na lang naman ang simbahan sa bahay ng mga ito. Sampung minuto ang lumipas na nakatulala lamang siya sa puting pader. Naramdaman niyang naiihi siya kaya naman dali-dali siyang tumayo at tinungo ang banyo. Isasarado niya na sana ang pinto ng banyo sapagkat tapos na siyang gumamit nang aksidente niyang narinig ang mahihinang yabag ng nag-uusap. "Cheat my Unico Hijo?" tanong ng mama ni Russu. Sa gulat niya'y napapasok siyang muli sa loob ng banyo at hinayaang nakapinid nang bahagya ang pinto. Hindi niya alam kung bakit napakabilis ng katawan niyang pumasok sa loob but then, her instinct told her to do so. Sapat ang nakapinid na pinto upang patuloy niyang mapakinggan ang usapan ng mga ito. Idinikit niya ang tainga sa likod ng pinto. "Yes, Tita..." agad na sagot ng babae. "Madami na akong naririnig tungkol sa Chasa na 'yan. Iniisip nilang bulag si Russu sapagkat nagpapagamit siya sa babaeng iyon. Ginagawa daw siyang bangko ng pamilya ng babaeng iyon." Puno ng seguridad ang boses nito. Nanginig siya sa takot. Sino pa nga ba ang nobya ni Russu na tinutukoy ng mga ito kundi siya? Ginagamit? Si Russu ginagamit niya? Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ni minsan ay hindi niya inaasahan na makakarinig ng gan'on klaseng salita mula sa pamilya ni Russu. Hindi pa man nakakatuntong sa ibang bansa si Russu ay nobya na siya nito. Iyong mga panahong nag-uumpisa pa lamang ito ay nandiyan na siya at nakasuporta rito. Buong akala niya'y walang malisya sa pamilya nito na nanggaling siya sa pamilyang walang-wala sapagkat ni minsa'y hindi naman siya pinakitaan ng mga ito ng disgusto. Russu is generous enough to send her gifts pero ilang ulit niya na itong pinaalalahanan na hindi naman kailangan iyon. Ito lamang ang kusang nagbibigay sa kaniya at buong akala niya'y hindi tutol ang mga ito doon. Maingat niyang sinilip ang dalawang nag-uusap. Nanlalaki ang mga mata niya nang mapagtanto si Trixy ang kausap ng ina ng kaniyang nobyo. Ilang beses niya nang nakita ang Trixy na ito. Sa tuwing pupunta siya rito sa mansion ng Sevilleja, madalas niya itong mamataan. Nakita niyang ngumisi ang mama ng nobyo sabay tapik sa balikat ni Trixy. "Huwag kang masyadong mag-alala, Trixy. Nakakasiguro ako na hindi niya lolokohin ang pinsan mo. Hindi ako makakapayag..." pahayag nito sa pamangkin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD