CHAP4- Magtatrabaho ka nga?

1029 Words
      "Kailan ko matatanggap ang pang-board exam ko?" seryosong tanong ng kaniyang Ate Joana na kalalabas lamang mula sa kuwarto nito.            Hindi nakaligtas sa kaniyang pheriperal vision ang paglapit at paghinto nito sa kaniyang harapan habang nakapamaywang.            Nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig. Wala siyang maibibigay rito kaya naman mas minabuti niya na lamang ang manahimik.            Nakaupo siya sa sofa habang nagkakape. Itinuon niya nang mabuti ang tingin sa sariling cellphone.            Napaahon siya sa gulat nang padaskol nitong hablutin ang cellphone niya mula sa kaniyang mga kamay. "Ano ba, Ate?" inis tanong niya rito.            Bahagya itong lumayo at binasa ang usapan nila ni Russu. Napangisi ito pagkatapos. "Anong klaseng conversation ito? Na'ko naman, Chasa. Para ka namang bata!" mariing komento nito na ikinalaki ng mga mata niya.            Napairap siya sa ere. "Napakadami mong satsat, Ate. Aba'y pakialam mo ba naman?" Hindi niya maiwasang magsungit rito            Lahat na lamang kasi pinapakialaman.            Ipinakita nito sa kaniya ang conversation nila sa cellphone na nabasa nito.            "So boring naman..." labas ang ngipin na sambit nito. "Mabuti naman at hindi ka binireak ni Russu. Masyado kang padalagang Pilipina." Iniabot nito sa kaniya pabalik ang kaniyang cellphone.            Napalunok siya sa sinabi nito. I-bi-break siya ni Russu? Bakit naman?            "Puwede ba, Ate Joana... Wala akong balak manghingi kay Russu ng pang-board exam mo. Kung gusto mo, idi ikaw gumawa." Inis na hinablot niya mula sa kamay nito ang kaniyang cellphone saka naglakad papasok sa kaniyang kuwarto.            Alam niya namang iyon lamang ang ikinakasama ng loob nito.            "Mayabang ka na ngayon," nang-aakusa naman ang tinig nito na ikinahinto niya.            Blangko ang ekspresyon na nilingon niya ito. "Hindi ako nagmamayabang dahil wala naman akong maipagmamayabang hindi katulad mo." Salubong ang kilay na sambit niya rito.            "Bakit ba naman kasi nahihiya kang manghingi sa boyfriend mo, Chasa? May pera naman siya at paniguradong hindi siya magdadamot sa'yo! Utang na loob naman, kailangan ko 'yong pera para makapag-board exam ako." Singhal nito na ikinatameme niya.            Napayuko siya. Alam niya naman na kailangan nito ngunit hindi naman na sakop ng responsibilidad ni Russu na gastusan pati ang board exam nito. Nakarinig na siya. Tama na iyon. Ayaw niyang pagmulan pa iyon ng alitan sa pamilya nilang dalawa ni Russu.            Napayuko siya. Hindi niya masalubong ang tingin nito. "P-Pasensiya ka na Ate... pero sana maintindihan mo din na may limitasyon lahat ng kaya kong hingin kay Russu." Nasasaktang sambit niya rito. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang kuwarto.            Ilang sandali siyang nakatulala sa kisame ng kaniyang kuwarto. Sobrang bigat ng pakiramdam niya sa naging pag-uusap nila ng Ate Joana niya. Alam niya kung gaano kahalaga rito ang makapagtapos at makapasa sa board exam.    Nakokonsensiya siya. Kailangan niyang gumawa ng ibang paraan sapagkat si Russu na lamang ang inaasahan ng mga ito.            Dinampot niya ang kaniyang cellphone at id-in-ial ang isang naka-save na numero.            Nag-ring iyon. Isang minuto ang nakalipas ay may sinagot din iyon ng kaniyang bestfriend na si Irish.            "Ah-noh?" inaantok na bungad nito sa kaniya. "Patulugin mo naman ako, Chasa."            Kagat-labi siyang nakonsensiya rito. "Bes, importante..." nahihiyang sambit niya rito.      "Magtatrabaho ka?!" gulat na sambit ni Irish sa kaniya.            Pagkatapos nitong malaman ang sadya ay agad siya nitong pinapapunta sa bahay nito para makapag-usap sila nang maayos.            Guilty ang ekspresyon na bumalot sa kaniyang kabuuang mukha. Napakurot siya nang malakas sa kaniyang kamay. Sapagkat hindi niya masalubong ang mga nanunuring mga mata ni Irish.            Ito ang unang beses na nagbukas siya rito ng usapin tungkol sa trabaho. Alam niyang magugulat ito kaya naman kinakabahan siya.            "Hoy..." untag nito sa kaniya sa mas mababang boses. "Magtatrabaho ka nga?" Kunot ang noo nito.            Alumpihit siyang tumango rito habang nakapikit nang mariin.            Ngumiwi ito. "Nakakagulat naman 'yan bes. Hindi nga ba at ayaw ni Russu na magtrabaho ka?" Kumunot ang noo nito.            Inabot niya ang kamay nito at hinawakan iyon nang mahigpit habang nakatitig sa mga mata nito. "Kailangan bes. Malapit na ang board exam ni Ate Joana at namo-mroblema sila sa bahay kung saan kukuha si mama ng gan'on kalaking pera." Paliwanag niya rito.            Itinulak nito ang kaniyang mga kamay at ipinagkrus ang mga kamay sa harapan ng dibdib. "Alam ba ito ni Russu?"            Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at umiling. "H-Hindi," nauutal na sambit niya.            "Eh. Bakit hindi mo sabihin sa kaniya?" problemadong tanong nito sa kaniya.            Dahil doon... Naiiyak niyang ikinuwento sa kaibigan ang buong pangyayari noong nakaraang Linggo.            "Shocks!" gimbal na sambit nito. Gulat na gulat at hindi makapaniwala.            Naiiyak na nag-angat siya ng paningin sa kisame. "Sobrang hopeless 'ko, bes. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Naiiyak na sambit niya rito.            Niyakap siya nito nang mahigpit. "You're right..." anito kapagdako. "Sang-ayon ako sa naging desisyon mo. Pero I still think na nararapat lamang na sabihin mo sa kaniya na balak mong magtrabaho bago niya pa malaman sa iba."            Puno nang pag-alinlangan na umiling siya rito. "Paniguradong hindi niya ako papayagan kapag sinabi ko agad sa kaniya."            Ngumiti ito sa kaniya kapagdako. "Huwag kang mag-alala, kung iyan ang desisyon mo... Susuportahan kita." Pagpalalakas nito sa kaniyang loob.            "Tungkol sa trabaho, hindi mo na kailangang maghanap pa. Nasa tamang bestfriend ka yata." Mayabang na kumindat ito sa kaniya.            Napahinto siya at pinakatitigan ito. "Hindi nga?" excited na tanong niya rito. "Pahihiramin mo talaga ako?"            Naiiling na pinadapuan siya nito ng marahang batok sa noo. "As if naman kung may ipapautang ako."            Hindi niya napigilang mapahagikhik dahil sa sinambit nito. "Alam ko. So ano bang magandang trabaho ang mairerekomenda mo sa akin ngayon?" Nakataas ang kilay na tanong niya rito.            Kapag nagkatotoo, ito ang unang pagkakataon na magtatrabaho siya. Hindi niya mapigilan ang matuwa kahit papaano. Pangarap niya talaga na maranasang magkatrabaho.            Sadyang bago niya pa magawa iyon ay tinututulan na siya ni Russu. Ayon rito'y hindi na iyon kailangan sapagkat kaya naman nitong ibigay sa kaniya ang mga pangangailangan niya. Ayon pa rito'y gusto lamang nito na ituri siyang Prinsesa habang buhay. Samantalang ang tingin naman ng pamilya niya sa rito ay bangko.             "Racket pa lamang ang maibibigay ko sa'yo since nag-uumpisa ka pa lamang. Huwag kang mag-alala, kikita ka nang malaki. At may malaking tips ka din kung sakali." Paniniguro nito na ikinalaki ng kaniyang mga mata sa tuwa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD