Chapter 1-The WEDDING
*********
Si Agatha ay isang simpleng babae. Matalino, mahinhin at medyo may pagka-manang kung manamit dahil sa trabaho na din niyang Accounting Manager sa bansang UAE. Hindi naman sila gaanong mayaman noon pero dahil sa kan'yang pagtatrabaho bilang Accountant Manager ay nakapagtayo naman siya ng sarili nitong bahay. May naipundar din siyang dalawang sasakyan. Yung isa ay ginagamit na ng kan'yang ate. May trabaho naman ang kan'yang kapatid subalit hindi naman niya afford na bumili ng sasakyan kaya binilhan na din niya ito para may magamit siya papuntang trabaho niya.
Hindi mahilig bumili si Agatha ng kung anu-anong pampaganda sa sarili nito. Hindi siya mahilig sa mga mamahaling mga gamit gaya ng bag, damit at kung anu-ano pa. Hindi rin niya maasikasong ayusin ang kan'yang sarili dahil sa pagiging abala niya sa trabaho nito. Ito naman ang gusto ng kan'yang nobyo na si Garry. Ayaw kasi ni Garry sa mga liberated kung manamit ang mga babae. Kaya panatag na ang kan'yang loob para kay Garry na siya ang lalaking makakasama niya hanggang sa pagtanda nila.
Masaya ngayon si Agatha. Almost 4years na din kasi siya hindi umuuwe ng Pilipinas. Puno ang pananabik niya dahil makikita at makakapiling na din niya ang kan'yang naiwang mga pamilya.
Umuwe si Agatha sa Pilipinas galing UAE para sorpresahin si Garry ang kan'yang nobyo. Ikakasal na ang mga ito sa nalalapit na buwan. Permiso na lang ng kan'yang mga magulang ang inaantay para sa kasal nilang dalawa. Nasasabik na si Agatha na makasal na sila ni Garry agad. Matagal na din kasi nila itong pinangarap dahil simula noong naging busy sila sa kanilang mga trabaho ay hindi na matuloy-tuloy ang kasal nilang dalawa. But for now, wala ng makakapigil pa sa kanila. Matutuloy na ang binabalak nilang kasal. Isa pa, gusto din niyang mameet yung bf ng kan'yang ate. Simula noong naging sila ay hindi pa niya ito nakikita o kahit sa social media ay hindi pa niya ito nakikita o nakikilala.
Isang buwan na din ang lumipas. Hindi pa niya nakokontak ang kan'yang ate. Namiss niya din ito ng sobra. Siya lang kasi ang nagsusumbong kung may ginagawa itong kalokohan si Garry.
Nasa airport siya ngayon at ang kan'yang nobyo na lang ang kan'yang inaantay subalit sa halip na matuwa ito ay mga magulang niya ang sumalubong para sa kan'ya. Hindi niya alam kung paano nila nalaman na ngayon siya uuwe. Ang ate at ang nobyo lang naman niya ang nakakaalam nito na uuwe siya ngayon ng Pilipinas.
Sinalubong siya ng mainit na yakap ng kan'yang ina at ganun din ang kan'yang ama. Tipid itong ngumiti.
"Pa, ma... Nasorpresa naman po ninyo ako. P-Paano niyo pong nalaman na ngayon ang uwe ko?" takang tanong ni Agatha.
"Huwag mo na lang itanong iyan Agatha. Halika na't umuwe na tayo. May salu-salo kaming inihanda para sayo," nakangiti nitong ani ng ama ni Agatha.
Hindi na nakapagsalita pa si Agatha habang kuyog na siya ng kan'yang mga magulang patungong sasakyan na naipundar ni Agatha.
Pauwe na sila sa kanilang bagong bahay. May kalakihan din ito kaya may ilang mga katulong na din sila. Galing pa din sa pera ni Agatha ang pinangpapasweldo nila rito. May negosyo naman ang mga magulang niya na groceries store at may kalakihang kita din naman na kinikita sa bawat araw nilang pagtitinda.
Habang nasa loob ng sasakyan si Agatha ay tila aligaga ito dahil naroon na daw sa airport si Garry. Gusto niyang balikan si Garry ngunit nakalayo na ang kanilang sinasakyan. Hindi na niya makontak si Garry. Dahil saktong tatawagan niya ito ay doon naman nalowbat ang phone niya.
"I'm sorry Garry," wala sa sariling sabi ni Agatha.
Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa. Nakita nila kung paano sumimangot si Agatha habang hawak niya ang phone nito.
Napasinghap ang mama ni Agatha "Agatha, may problema ka ba?"
Umiling si Agatha at pekeng ngumiti ito. Alam naman niyang ayaw nila kay Garry. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi matuloy tuloy ang kasal ng dalawa noon. May magandang trabaho naman si Garry ngayon dahil isa na siyang Engineer. Ang alam ng mga magulang ni Agatha ay hindi na talaga siya makakapasa sa board exam. Ayaw kasi nilang inaasa na lang kay Agatha ang gastusin dahil pangit tignan para sa babae.
Lumipas ang ilang mga oras na kanilang biniyahe mula Airport hanggang Bulacan ay narating na nila ang kanilang bahay. Katatapak pa lang ni Agatha sa b****a ng gate ay may tatlong babae ang humila sa kan'ya patungo sa isa pang sasakyan.
"Pa ano ito?" Naguguluhang tanong ni Agatha. Ang kan'yang ina naman ay nauna na itong pumasok sa loob ng gate. Nasa loob kasi ang iba pang mga bisita. Si Agatha na lang ang inaantay dahil inaayusan pa nila ito.
"Agatha... We're sorry. Hindi namin agad nasabi ng mama mo na ngayon ka na ikakasal," sabi ng ama na ikinaawang ng ibabang labi ni Agatha. Ang alam niya ay nasa airport ang kan'yang nobyo.
Gusto niyang maiyak sa tuwa dahil pumayag din sila na maikasal sila ni Garry. Sobrang saya niya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon na dapat ay matuwa siya. Nakita naman ng ama niya kung paano kasaya ang anak niya. Pero impit itong napangiti.
Rumehistro sa mukha ni Agatha ang pagkatuwa nito. "Papa thank you po at pumayag na kayo na maikasal kaming dalawa ni Garry. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako pinasaya." Niyakap niya ang ama nito.
"Sige na anak. Aayusan ka na nila. Hintayin kita sa labas. Nasa loob ang aming sorpresa para sayo," ani nito.
"Sige po papa." Tipid na ngumiti ang kan'yang papa. Lumabas na din siya at tinungo na ang loob ng kanilang bakuran.
Hindi pa rin maialis sa mukha ni Agatha ang tuwa habang inaayusan siya. Pagkatapos siyang ayusan ay pinasuot na sa kan'ya ang isang eleganteng puting damit pangkasal na tinernuhan din ito ng limited edition white shoes stellito.
Namangha si Agatha sa kan'yang ayos. Ngayon niya lang nakita ang sarili nito na maayusan siya. Hindi din siya makapaniwala na ganito pala siya kaganda. Hindi niya ito inaakala na maganda din pala siya.
Pagkababa niya ng sasakyan, agad niyang nakita ang kaniyang ama na nakangiting naghihintay sa labas.
"Ang ganda mo, anak," ani ng ama na may pilit na ngiti.
"Salamat, Pa," nakangiting tugon ni Agatha.
Hinawakan siya ng kaniyang ama at inakay papasok sa loob ng bakuran. Napangiwi si Agatha nang makita ang dami ng bisitang naroroon. Agad niyang hinanap ang mga magulang ng kaniyang nobyong si Garry, ngunit wala siya ni isa mang nakita sa kanila. Sisimangot na sana siya, ngunit napansin niyang nakangiti sa kanya ang mga bisita.
"Pa, kinakabahan po ako," bulong ni Agatha sa tainga ng ama habang papalapit na sila sa entrance.
"Huwag kang kabahan, anak. Kasal mo ito. Ngumiti ka na, dali," bulong at pagmamadali ng ama.
Napasinghap si Agatha nang magsimula na silang maglakad sa gitna ng aisle patungo sa naghihintay na groom na nakatalikod. Sinabayan niya ang musika ng pangkasal habang patuloy sa paglakad. Mas lalong bumilis ang t***k ng kaniyang puso. May kakaibang kaba siyang nararamdaman habang unti-unting nilalapitan ang groom.
Pagharap niya sa lalaki, napahinto siya. Halos bumuka ang kaniyang labi sa gulat. Hindi si Garry ang lalaking kaharap niya—at higit sa lahat, hindi niya kilala ang lalaki. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi maikakaila ang taglay nitong kagwapuhan, higit pa sa nobyo niyang si Garry. Umiling siya. Kahit pa gwapo ito, hindi niya kayang magpakasal sa isang lalaking hindi niya mahal. Si Garry lamang ang lalaking gusto niyang pakasalan.
Kita sa mukha ni Agatha ang pagkadismaya. "Mukhang may naliligaw yata rito," aniya habang nakatitig sa lalaking kaharap.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "You're wrong, Agatha. This is our wedding day. You can't escape me."
"What? Ako, ikakasal sa’yo? No!" matigas na pagtutol ni Agatha, halos marinig ng lahat ng bisita ang kanyang tinig. Nag-aalab sa galit ang dibdib niya habang mariing nakuyom ang mga kamao.
Lumapit ang kanyang ama.
"Agatha... Ipapaliwanag ko ito mamaya. Please, huwag ka nang gumawa ng iskandalo. Nakakahiya, anak," pakiusap ng ama sa mahinang tinig.
Nangingilid na ang luha ni Agatha. Ikakasal siya sa isang lalaking hindi niya kilala. Paano nagawa ng kaniyang mga magulang na magsinungaling sa kanya? Lahat ng sakripisyo ay ginawa niya para maiahon sa hirap ang pamilya, pero ganito ang isinukli sa kanya.
Mariing pinahid ni Agatha ang mga luhang dumaloy sa kaniyang pisngi. Si Garry ang gusto niyang pakasalan, hindi ang estrangherong ito.
Masakit man para sa kanya ang sitwasyon, lalo na’t ang mga magulang niya mismo ang may gawa nito, dama rin niya ang matinding galit. Alam niyang masasaktan niya si Garry—ang lalaking pinakamamahal niya.
Matapos ang seremonya ng kasal, nanatiling tahimik si Agatha. Walang imik habang nag-uusap ang kanyang ama at ang lalaking pinakasalan niya—si Dalton Monteclaro, na nagpapanggap bilang Anton.
"By the way, iho, 'Papa' na ang itawag mo sa akin. Total... asawa mo na ang anak kong si Agatha," ani ng ama nito.
Nagkatinginan si Anton at Agatha. Marahas ang titig nila sa isa’t isa. Wala ni isa sa kanila ang gustong bumitaw, dahil mistulang may labanan ng titig sa pagitan nila.
"Sure, Pa. And by the way, Pa, pwede ko na ba siyang iuwi ngayon?" tanong ni Anton, habang si Agatha pa rin ang tinititigan.
"Oo, Anton. Pwede mo na siyang iuwi ngayon," tugon ng ama.
"No, Papa! Ayoko pong sumama sa lalaking ’yan! Hindi ko po siya kilala!" mariing pagtanggi ni Agatha.
"Agatha... Sumama ka na kay Anton. Siya na ang asawa mo ngayon. Kasal na kayong dalawa, iha," mariing saad ng kanyang ama.
Mariin namang umiling si Agatha. Matindi ang kanyang titig kay Anton.
"Kailanman, hindi mo ako magiging pag-aari, Anton. Hanggang papel lang tayo bilang mag-asawa. Hinding-hindi kita ituturing na asawa ko. Sana gano’n ka rin sa akin," mariing sambit ni Agatha, kahit naririnig ito ng kanyang ama.
Lihim na kinuyom ni Dalton ang isang kamao, ngunit nanatili ang maaliwalas na ekspresyon sa kanyang mukha habang tinititigan si Agatha.
"Let's talk about this later... wife," ani ni Dalton—na ikinagulat ni Agatha dahil sa pagtawag nito sa kanya ng salitang "wife."