Chapter 2-NEW HOME

1882 Words
Tahimik ang dalawa habang pauwe na ang mga ito sa bagong tirahan nila. Nahihiya naman kasi magsalita si Agatha dahil hindi naman niya kilala itong lalaking kasama niya. Nang mainip si Agatha sa kinauupuan niya dahil wala pa siyang pahinga simula nang dumating ito mula pa kanina. Pagod na pagod na ang katawang lupa niya kaya itinulog na lamang niya rito sa loob ng sasakyan. Napatingin si Dalton sa kasama niyang babae. Naningkit ang mga mata nito nang titigan niya ang mukha ni Agatha. Napasinghap siya. "I'm sorry... Sorry if you took over your sister's wedding. This marriage of ours is only temporary. As long has she hasn't come back to me. You will stay with me.." Ani ng isip ni Dalton. Nang marating na nila ang bahay imbes na mansyon. Doon na lamang nakaramdam si Agatha na nakahinto na ang sasakyan. Napamulat siya ng mga mata. She at the man with him. She felt nervous. Parang ayaw niya ng bumaba ng sasakyan. Nagtataka din ito kung bakit dito siya dinala na ang akala niya ay mansyon. Nagsalubong ang dalawa niyang mga kilay. Mas malaki pa kasi ang bagong bahay ni Agatha kaysa dito sa titirahan ng dalawa. Napabuga siya ng hangin sa bibig nito dahil nakatitig lang sa kan'ya si Agatha. "Ayaw mong bumaba?" Mahinahong tanong ni Dalton. "Bakit dito mo ko dinala? Anong lugar ba 'to?" Napayakap tuloy siya ng sarili nitong katawan dahil sa takot ni Agatha. "This is our home. Dito tayo titira. Ayaw mo ba?" Tanong no Dalton. Napanguso ito. Nagtataka pa din si Agatha hanggang ngayon dahil bigla na lang nangyari ito sa kan'ya. Kinasal siya sa taong hindi niya pa kilala. "Bakit nangyari sa atin to? Hindi dapat ikaw ang pinakasalan ko. Kay Garry dapat ako kinasal at hindi ikaw," pagalit na sambit ni Agatha. Gusto niya ng maiyak. Alam niyang hinahanap na siya ni Garry. Hindi pa niya ito nagagawang kontakin mula pa kaninang nalowbat siya. Nag-aalala na ito. "Alam ko na kanina ka pa nagtataka kung bakit kinasal ka sa akin. Ito ang kahilingan ng kapatid mo. Ang ikasal tayong dalawa. Masama ang kan'yang kondisyon," na ikinaawang ng ibabang labi niya kasabay ng pag-iling nito. Tumingin siya kay Agatha. "But this marriage of ours is only temporary. Magdidivorce din tayo hanggang sa tuluyang gumaling ang kapatid mo," paliwnag ni Dalton. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kung magagalit ba siya pero yung kapatid niya. Doon siya nakaramdam ng awa. Kaya pala hindi niya ito makontak ng isang buwan ay may nangyari na pala sa kan'ya na hindi sinasabi ng mga magulang niya. "So... Ikaw ang nobyo ni ate?" Wala sa sariling sabi ni Agatha habang nakatitig siya sa guwapong mukha ng kaharap niya. "Yes... I'am," kasabay ng pagtango ni Dalton. Iniwasan niya ang pagkakatitig niya kay Dalton. "Gusto kong makita si ate," sabay singhap ni Agatha. "She's not here. Nasa ibang bansa siya. Doon ko siya pinapagamot," sagot naman ni Dalton. Napasimangot siya. Namiss na din kasi niya ang kapatid nito tapos malalaman niyang may sakit na pala ito. Kaya pala ayaw niyang sumama kay Agatha noon para magkasama sila sa trabaho ay may sakit na pala itong inililihim. "So, paano ang set up nating dalawa? Hindi mo ba alam na may bf ako," ani ni Agatha na hindi nakatingin kay Dalton. "Yeah, I know... Hangga't ako ang asawa mo. Kalimutan mo muna ang bf mo," awtomatikong sabi ni Dalton. Ha!" sabay kunot ng nito nang mapatingin si Agatha kay Dalton. "Hindi pwede 'yang sinasabi mo. Balak na naming dalawa na magpakasal next month," giit ni Agatha. "But you are married to me. Huwag mo munang dungisan ang kasal natin hangga't hindi pa tayo nagdidivorce Agatha. Sa tingin mo ba? Gagawin ko bang pakasalan ka kung hindi ko lang mahal ang kapatid mo. Masakit din sa akin ito Agatha na makita mong nahihirapan siya sa kalagayan niya. Please, let's just respect her request," pagsisinungaling niya. Napasinghap si Agatha. "Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Kahit din naman ako. Sobrang bigat sa dibdib ko itong pagpapakasal ko sayo. Paano ko ipapaliwanag ito kay Garry? Kailangan niya munang malaman 'to." "No Agatha.. Ako na lang aayos sa inyo ni Garry. Just make sure. You will be a good wife to me," mahinahong sabi ni Dalton. "Hindi ko maipapangako 'yan. Hindi mo ko mapagbabawalan na hindi makipagkita kay Garry. Asawa lang kita sa papel. Hindi mo ko tunay na pag-aari mo. Hindi kita kilala kaya huwag mo kong pakikialaman sa mga gusto kong gawin," inis na sabi ni Agatha saka ito naunang bumaba ng sasakyan. Gusto na din niyang magpahinga dahil pagod na pagod na din si Agatha. Napabuga na lang si Dalton. Ang sabi ni Sabrina ay mahinhin at mabait na kapatid si Agatha pero sobrang sungit naman pala nito at mataray pa. Umpisa na ang magulong buhay ng dalawa. Hindi alam ni Dalton kung makakapagtimpi pa siya ng galit nito kay Agatha. Sumunod na din siya kay Agatha pagkapasok niya sa loob ng bahay. Nagulat pa siya nang padabog niyang isinarado ang pinto ng kan'yang kuwarto. Umigting ang panga ni Dalton. "Sh*t! kung ganito ba naman araw araw may regla ang kasama ko. Malamang, baka tuluyang gumuho itong bahay. No choice kundi patirahin siya sa mansyon," bulalas ni Dalton. Nagtungo na din siya sa sarili nitong silid. Hindi ba niya alam kung bakit pa ito nagpapanggap ng mahirap na halos siya naman ang lahat na gumastos sa kasal nito. Pati ang suot niyang white gown at yung limited wedding shoes ay talagang pinaggastusan pa niya. Ang alam ni Agatha ay galing pa din sa pera niya ang pinamiling mga gamit niya na ginamit sa kasal nilang dalawa. Nang makahiga na si Dalton ay naririnig pa niya si Agatha na panay ang pagbubunganga nito sa loob ng kan'yang silid. Hindi makatulog si Dalton. Paikot ikot lang siya sa higaan nito dahil sa ingay ng katabing kuwarto niya. Nang wala na itong marinig na ingay ay tila nakaramdam naman siya ng pagkauhaw. Bumangon siya at nagtungo ng kusina para uminom ng tubig. Pero nagulat na lang siya nang makita niya si Agatha na umiinom din ito ng tubig. Hindi siya nakita ni Agatha. "Hey!" ani ni Dalton kaya nabugahan siya ni Agatha ng tubig sa mukha nito pagkalingon niya. "What the hell you're doing?!" Singhal ni Dalton. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Agatha sabay punas niya sa basang labi nito. Si Dalton naman ay nagtanggal siya ng damit sa harapan niya saka niya ginawang pamunas ang damit nito sa basang mukha niya. Mariin siyang napalunok ng laway sa lalamunan nito habang titig na titig siya sa mala adonis na katawan na nasa harapan niya. Yung tipong perfect na ito dahil sa 6packs abs niya na hindi naman ganito yung kay Garry. Pero itong nasa harapan niya ay nakakamanghang titigan. Agad din niya itong tinalikuran. Hindi dapat siya madala sa alindog ng lalaking ito. Nagkakasala na siya kay Garry. Nang maalala na lang niya na hindi pa pala niya ito nakakausap ay dali-dali niyang pinuntahan ang silid nito. "Agatha!" tawag ni Dalton. Hindi siya nito pinansin dahil diretso na siya pumasok sa loob ng silid ni Agatha. Napabuga na lang siya ng hangin sa bibig nito. Natakot siguro si Agatha kaya ito mabilis na pumanhik sa kan'yang kuwarto. Pagkatapos ni Dalton na uminom ng tubig ay dumiretso na din siya sa loob ng kan'yang silid. Humilata siya sa kama. Dinig na naman niya na may kausap si Agatha sa phone nito. Dinig din niya na umiiyak ito. Kahit din naman siya ay nasasaktan din sa mga nangyayari dahil may parteng naguguluhan siya kaya niya ito ginagawa. May mga bagay na hindi niya magawang ipaliwanag sa ngayon. Isang oras pa ang lumipas. Wala na itong marinig na ingay mula sa katabing kuwarto niya. Tulog na siguro si Agatha. Unti-unti ding nagsarado ang mga talukap ng mga mata nito at nakatulog din agad-agad si Dalton. Kinabukasan, sabay na lumabas ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto. "Good morning," bati ni Agatha na hindi siya nakatingin kay Dalton. "Good morning," malamig na tugon ni Dalton. Dinaanan niya lang si Dalton na hindi man lang nito nililingon. Pansin ni Dalton na nakabihis panglakad ito. Nakajeans siya at naka tshirt din ito na hindi fitted sa kan'ya. Napangiwi na lang ito. "Where are you going?" tanong niya habang nakasunod siya kay Agatha?" Huminto ni Agatha at hinarap niya ang strangherong asawa niya. "Look Anton... Kung gusto mong maging maayos ang pagsasama nating dalawa. Huwag mo akong pakikialaman sa mga ginagawa ko. Do what you want to do too... Don't mind me," mataray niyang sabi. Tumaas naman ang sulok ng labi niya. "Do you think? I will do what you say? But you're wrong Agatha. Kalat na sa social media na kasal na tayong dalawa. Tayo ang trending sa social media." Halos umawang ang ibabang labi niya. Hindi siya makapaniwala kung paano nangyari iyon. Ang pagkakaalam niya ay hindi naman ganun kapopular ang asawa nito. "Paanong nangyari iyon?" Nagtataka pa din niyang tanong. "Why don't you check it out on social media? Para maniwala ka." Umiling ito. "I'm not even interested in you. Basta ako, makikipagkita ako sa bf ko ngayon. At subukan mo kong pigilan. Mag-aaway lang tayo," paghahamon ni Agatha. "Okay if you want. I will not back you down. For sure you won't meet him," sumbat ni Dalton. Nagsalubong ang manipis niyang mga kilay. May usapan kasi sila ni Garry na magkikita sila ngayon pero may hadlang talaga sa mga gagawin niyang mga hakbang. Sobrang miss na ni Agatha si Garry. "Ano ba ang rason mo para pigilan ako sa mga gagawin ko? Alam mo at alam kong isa lamang itong kahilingan ni ate na makasal tayong dalawa. So dapat, alam mo kung saan ang limitasyon nating dalawa. May bf ako Anton at ikakasal na din kaming dalawa na dapat ay sa kan'ya ako kinasal at hindi ikaw." "Sino bang nagsabi sayo na gusto ko din 'to na makasal tayong dalawa? Alam naman nating dalawa na isa lamang itong kahilingan ng ate mo. This is only a temporary marriage. We can also divorce if we want. I'm not forcing you to be tied to me forever. I want to marry your sister and not you Agatha. Pero ngayon, hangga't kasal ka sa akin. Hindi mo kailanman magagawa ang mga nais mong gawin. Paano kung malaman ito ng kapatid mo? Sa tingin mo? Makakatulong ito sa kan'ya? Please, cooperate Agatha. Gusto ko na din gumaling ang ate mo. Hangga't maaari, be a good wife and I will be a good husband," mahabang turan nito kahit isa lamang kasinungalingan ang lahat. "I'll see if I can. Pero aalis ako ngayon. Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko," paalam nito saka niya tinalikuran si Dalton. "Agatha wait!" Pagpapatigil ni Dalton. Huminto siya sa paglalakad. "Ano na naman ba?" naiinis na sambit ni Agatha pagkaharap niya kay Dalton. Nakita niyang tumalim ang mga mata ni Dalton kaya umayos din siya. Nginitian niya ito. "Let's eat first." Pag-aya ni Dalton. "Sige," sagot naman ni Agatha. Sumunod na lang siya kay Dalton pagkasakay niya ng sasakyan. Walang nagawa si Agatha kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan ng ate niya hangga't kaya niyang gawin ang tungkulin bilang mabuting asawa na wala itong kaalam-alam sa nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD