Chapter 3-CRAZY MIND

1798 Words
"What do you want to eat?" Tanong nito nang nasa restaurant ang mga ito. Narito sila para mag-umagahan. Nagtataka si Agatha kung bakit dito sila kakain. Ang alam niya ay mahirap lang itong asawa niya. Ngumiti ito. Iniisisip niyang siya ang magbabayad ng mga kakainin nila. "Ah... Ako na lang mamimili ng kakainin natin," sagot nito. "Okay! It's up to you," sagot naman niya. Pagkatapos niyang namili ng mga pagkain ay agad na inihatid sa table nila ang mga iniorder ni Agatha. Medyo konti lang kasi ang mga pagkain na inilapag sa mesa. Nagtitipid kasi siya. Iniisip kasi niya kung sa kan'ya pa manggagaling yung perang panggastos nila araw-araw para sa kanilang dalawa. Nagtaka naman si Dalton kung bakit konti lang yung iniorder niya na halos pang isang tao lang. Napatingin siya kay Agatha. Nginitian naman siya ni Agatha. "Kumain ka na Anton. Busog pa kasi ako," ani niya. "Kainin mo na 'yan at mag-oorder na lang ako ng sa akin," ani nito. "Hindi... Para sa iyo talaga 'yan. Actually, busog pa talaga ako" tanggi nito. "Huwag mo na ko alalahanin Agatha. Kumain ka na okay. Ayaw ko lang malaman ng ate mo na pinapabayaan kita," sagot naman niya. Tinawag niya uli ang waiter. Nag-oder siya ng para sa kan'ya habang si Agatha ay palihim na sumusulyap ito sa menu na hinahawakan niya. Ang mahal pa naman ng restaurant na pinuntahan nila kaya mamumulubi si Agatha kung ganito ba naman sila araw-araw kung kakain sila rito. Napasinghap siya. Halos ang mamahal ng mga presyo ng mga pagkaing inorder niya. Nasapo na lang niya ang noo nito. Iniisip din niya kung magkano ang expenses nila araw araw. Kailangan niya ng matutong magluto para makatipid na rin. Kailangan na din niyang maghanap ng trabaho agad para hindi sila mamulubing dalawa. Yung expenses pa ng kuryente at tubig nila ay alam niyang sa kan'ya din lahat manggagaling ang mga bayarin. Habang kumakain sila, palihim siyang sumulyap sa asawa niya. Gusto niya sanang tanungin kung ano ang natapos niya. Gusto niya ding tanungin kung anong klaseng trabaho ang meron siya. Pero dahil hindi naman siya interesadong malaman ay hindi na lamang niya ito tinanong dahil may posibilidad pa din na maghihiwalay sila. Napaisip na lang siya kung ano ang dahilan ng kan'yang kapatid upang ipagkasundo silang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang meron sa asawa niya at tila ayaw ng kapatid niya na may ibang magmay-ari sa nobyo niya. Dahil sa kung anu anong pumapasok sa kan'yang isip ay hindi niya namalayan na tapos na kumain ang asawa nito habang siya naman ay patapos pa lang. Pekeng ngumiti ito. "Saglit lang, matatapos na din ako," ani nito. "It's okay. Keep eating," ani nito habang abala siya sa pagtitipa ng kan'yang cp. Nagtataka din si Agatha dahil yung phone niya ay latest ang model ng Iphone14. Nahuli siya ni Dalton na nakatingin ito sa hawak niyang phone. Kumunot ang noo niya. "Is there any problem? Pwede kang magtanong sa akin." Nahalata na kasi niya base sa itsura niya ang pagtataka nito. Umiling siya. "Wala... Sabi ko naman sayo na hindi ako interesado sayo," sabay irap nito. "Okay... It's up to you," sagot naman nito. Pagkatapos nilang mag-umagahan ay agad na hinatid ni Dalton si Agatha sa bahay ng kan'yang kaibigan. Gusto niya din sana tanungin kung bakit hindi pa niya binabalik ang hiniram nitong sasakyan at mukhang bago pa ito. Napangiwi na lang siya. Parang gusto na lang niyang magtanong ngunit may part pa din na pumipigil sa kan'ya. Ang pride nito. "Ganito ka ba katahimik minsan? Or nahihiya ka lang makipag-usap sa akin," saad nito. "Ano naman ang sasabihin ko sayo? Hindi ba't sinabi ko sayo na hindi ako intersado sayo." "No, we are not going to talk about me. By the way, I'll get your number." "Ha? At bakit?" "No more questions Agatha. I'm your husband and you are my wife. Para alam ko kung saan kita kokontakin." Napasinghap siya bago pa man niya itype ang number nito sa phone ni Dalton. My wife ang nilagay niyang name sa phonebook nito nang silipin iyon ni Agatha. Tinawagan niya ito at nagring naman ang phone ni Agatha. "Save my number," utos nito. "Anong ilalagay kong name mo? Anton ba?" Bigla niyang kinuha ang phone ni Agatha. Nagsalubong ang dalawang manipis niyang mga kilay. Napaawang na lang ang ibabang labi nito nang iabot ni Dalton ang phone niya. Napamulagat pa ito sa screen ng phone niya nang mabasa niya ang name na nakalagay sa phonebook nito. Kung ano kasi ang nakasulat sa phone niya ay ganun din sa phone niya. "My husband? Bakit naman ganito itong nilagay mo? Makikita ito ni Garry," singhal niya. Nang may biglang tumawag at si Garry iyon. Agad niyang sinagot ang tawag nito. Iniwasan niyang titigan siya ni Dalton dahil nga tumawag sa kan'ya si Garry pero wala naman pakialam si Dalton basta huwag lang ito makikipagkita kay Garry. Pagkahinto ng sasakyan ay doon lang tumigil ang usapan ng dalawa. Narito na sila sa tapat ng bahay ng kan'yang kaibigan na sinasabi nito. Hindi pa man umaalis si Dalton dahil hinihintay niya pang lumabas ang kaibigan nito. Nainis si Agatha. "Iwan mo na ko rito. Tatawagan na lang kita mamaya kung uuwe ako o hindi," ani nito. Kumunot ang noo nito. "Okay, make sure na hindi ka gagawa ng kalokohan," sagot naman nito. "Oo naman, sige salamat sa paghatid," nakangiting sambit nito. Saktong lumabas naman ng gate yung kaibigan ni Agatha. Hindi pa man nakakaalis si Dalton. Sinigurado muna niyang babae talaga ang pupuntahan niya pero hindi niya alam ay kapatid siya ni Garry. Umalis na agad si Dalton. Agad naman niyang kinontak yung kaibigan niyang imbestigador. "Hello Dalton... Napatawag ka?" tanong ng kaibigan niyang si Mike mula sa kabilang linya. "I will give you the exact location of my wife. Find out who she is dealing with someone," agad na utos nito. "Your wife? Hindi ba't siya yung kapatid ni Sabrina? Bakit kailangan mo pang paimbistigahan kung wala lang sayo ang pagpapakasal niyong dalawa?" "Nothing... Iniingatan ko lamang ang apelyidong hawak niya. That's all. Me and Agatha is nothing. No one comes between us. Maghihiwalay din kami until Sabrina recovers," sagot nito. "Uhmm... Are you sure? Baka hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na pala kay Agatha. You know Dalton? Ito lang masasabi ko. Kakaiba yung ganda ni Agatha. Basta kung hiwalay na kayo, ako na lang susunod sayo," sabay halakhak nito. "May nobyo na siya Mike at ikakasal na dapat sila. Kaya posibleng pansinin ka pa niya. Sige ibaba ko na 'to," paalam niya. "Okay," sagot nito mula sa kabilang linya. Agad na pinatay ni Dalton ang tawag nito sa kaibigan niyang si Mike. Sinend niya ang exact location kung saan niya hinatid si Agatha. Alam naman niya sa sarili niya na kahit di pa niya ito gaanong kilala ay malabong mahulog ang loob niya gaya ng sinasabi ni Mike. Mahal niya si Sabrina at nangako siyang papakasalan niya ito kapag gumaling na siya sa kan'yang sakit. Agad na nagtungo si Dalton sa bahay ng mga magulang ni Agatha. Aalis ang mga ito at bibisitahin nila ang kanilang anak na nasa ibang bansa. Nasa USA ito at doon pinapagamot ni Dalton si Sabrina. Mag-iisang buwan na din siya roon na sana ay gumaling na ito. Labag sa loob niya ang pakasalan niya ang kapatid nito na si Agatha kahit hindi niya ito mahal nang malamang may dinaramdam na pala itong sakit sa kan'yang katawan. May ovarian cyst siya. Nang marating niya na ang bahay nila ay paalis na ang mga ito at si Dalton na lang ang inaantay nila. "Ikaw na muna ang bahala kay Agatha, Dalton. Sana, sabihin mo na kung sino ka. Pero kung ayaw mong makilala ka ni Agatha. Ikaw ang bahala basta huwag mo lang pabayaan ang aming anak," bilin nito. "Sige tito, ako na ang bahala sa kan'ya. Ikumusta niyo na lang po ako kay Sabrina." Ngumiti ito. "Sige iho at salamat. Sana matapos na ang problemang 'to. Mabigat din para sa amin itong gawin para sa anak naming si Agatha dahil alam naming ikakasal din si Agatha sa nobyo niyang si Garry. Kahit din kami ay tutol sa sinabi ni Sabrina. Hay, ewan ko ba sa batang iyon," sabay kamot niya sa ulo nito. "Tara na Manuel" tawag ng asawa niyang si Melina na nasa loob ng sasakyan. "Sige iho aalis na kami. Siya nga pala, yung mga gamit ni Agatha, naroon sa maleta. Bale tatlong maleta na iyon." Gustong matawa ni Dalton dahil ang dami din 'yon. Talagang pinapaalis na nila ang anak nila. "Sige po tito. Ako na ang bahala sa mga gamit niya," sagot naman nito. Ngumiti siya bilang pagtugon nito. Umalis na din sila habang si Dalton ay kinuha niya ang mga gamit ni Agatha. Dalawang malaking maleta at isang maliit na maleta. Inuna niyang kinuha ang dalawang malaking maleta saka nito isinakay sa loob ng sasakyan nito. Pagkatapos ay isinunod naman niya ang maliit na maleta. Ipapasok na sana niya ito sa loob ng sasakyan niya nang masira ang lock ng maleta. Nagkandahulog hulog ang laman nito. "What the f*ck!" mariing mura niya nang makita niya ang mga nahulog dahil mga underwear ang laman niyon. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon. Mga panty at bra ang kan'yang pinupulot. Kahit hindi na maayos ang pagkakalagay niya basta mailagay niya lahat sa loob ng maliit na maleta. Napangiwi na lang siya sa pares ng bra at lacy panty nito na kulay itim. Halos kita na ang kan'yang monay rito. Inamoy niya pa ito. "The smell is good," naging manyak tuloy siya sa mga hawak niya lalo nang makita nito ang size ng kan'yang bra na 36B ang size nito. Napailing ito. "What the hell I'm doing. This is insane Dalton!" singhal niya sa sarili nito. Niligpit na lang niya ang lahat saka niya ito isinakay sa loob ng sasakyan. Pauwe na siya sa bahay na tinitirahan nilang dalawa. Pagkarating niya ay agad niyang ipinasok ang mga maleta sa loob ng kuwarto ni Agatha. Napasinghap na lang siya nang makita niya ang wallet ni Agatha sa ibabaw ng mesa. Hindi naman siya pakialamero ngunit kinuha pa din niya ito. Kinalkal din niya ang laman ng wallet niya. Isang picture ang bumungad sa kan'ya. Larawan ng kan'yang nobyong si Garry at si Agatha na may notes pang nakalagay sa likod ng larawan nito. Binasa pa talaga niya ito sabay iling nito. Nang may isang bagay na nahulog sa sahig mula sa kan'yang wallet. Isang XL size na condom ang kan'yang nakita. "Oh my goodness!" Bulalas nito dahil may nabasa siyang My Surprise Gift for you honey. "What the hell she is doing?" singhal niya. Hindi niya mapigilan na hindi ito magalit habang kuyom nito ang kamao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD