Dalawang araw na ang nakalipas. Hindi tuloy nakapag-apply ng trabaho si Agatha ngayon dahil inasikaso niya ang bill ng mga kuryente at tubig. Alas tres na din siyang natapos sa paglilinis ng bahay. Halos hindi na siya nakapagpahinga dahil abala ito lalo na't kanina niya pa hawak ang phone nito dahil hinihintay niya ang text ng kan'yang nobyo subalit ni isang text man lang ay hindi siya nirepelayan. Kahit si Dalton at wala din ito dito dahil umalis din siya agad agad at mukhang nagmamadali din ito. Dalawang gabi na din hindi natutulog si Dalton sa bahay dahil iniiwasan niya na si Agatha. Tinotoo niya ang sinabi nito na hindi siya dito matutulog tuwing gabi.
Napaupo na lang siya sa sofa habang minamasdan ang kabuuan ng loob ng bahay. Worth it ang pagod niya dahil nagmukhang condo ang bahay nila ni Dalton. Bukas na bukas ay balak niyang lagyan ng vinyl tiles ang sahig nito. Nakapag order na din kasi siya sa Shopee kanina at sa gcash niya ito binayaran. Kung anu-ano tuloy ang nasa isip ngayon ni Agatha. Naboring siya kaya naisipan na lang niyang lumabas.
"Kainis kayong dalawa. Ayaw niyo kong replayan. Pwes! Tignan natin kung hindi niyo ko rereplayan. Kahit hindi ko naman gustong gawin ito pero mapipilitan talaga akong gawin ito," ani nito.
Pumasok siya sa loob ng banyo saka niya inirecord ang paglagaslas ng tubig sa faucet. Nagsend din siya ng picture na nasa loob siya ng banyo saka niya sinend kay Garry. Napangiwi na lang siya ng saktong nalowbat ang phone niya. Sigurado naman siyang naisend niya iyon.
"Tignan natin kung hindi mo pa ko rereplayan Garry," bulalas nito.
Habang naliligo siya ay bigla niyang naalala kung kanino siya nagrereply kanina. Halos hindi na niya naituloy ang pagsasabon nito. Nagmadali siyang lumabas ng banyo saka niya chinarge ang phone nito.
"Patay ako nito. Baka mas lalong hindi kausapin ni Anton si Garry," sabay sapo niya sa noo nito dahil kay Dalton niya ito sinend. Na wrong send siya.
Paalis na si Agatha ngayon at alas kuwatro na din. Kinontak niya muna ang mga magulang nito at agad naman niyang nakausap ang ama nito.
Kinamusta niya ang kapatid nito. Sinabi nitong nagpapagaling na daw ito at medyo maayos na din daw ang lagay niya. Natuwa siya sa nalaman kaya hindi magtatagal ay maghihiwalay na din sila ni Dalton. Nalaman na lang niya na ngayon na pupuntahan ni Dalton ang ate nito. Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi man lang ito nagpaalam. Kaya pala hindi niya ito makontak mula pa kaninang umalis ito.
Naisipan na lang niyang magpunta ng simbahan ngayon. Pupunta siya sa simbahan kung saan sila laging nagsisimba ng kapatid nitong si Sabrina. Pero bago pa man siya magpunta ng simbahan ay nag withdraw muna siya sa pinakamalapit na ATM bank rito sa tinitirahan nila dahil naubos na ang cash nito.
Nagtaxi na lamang si Agatha papuntang simbahan kahit may iniwan namang sasakyan si Dalton ay hindi naman siya marunong na magdrive.
Pagkarating niya ng simbahan ay hindi niya inaasahan na may ikakasal din pala dito. Saglit lamang siyang nanood at umalis din siya agad agad pagkatapos.
"Agatha," boses babae ang nagtawag sa kan'ya. Huminto siya para lingunin ito.
"Maricel..." biglang sambit nito dahil nakita niya ang pinsan nito. Lumapit si Maricel sa kan'ya. Halos umawang na ang ibabang labi nito dahil hindi siya makapaniwalang narito siya sa Maynila. "Sinong kasama mo?" Nagtatakang tanong nito.
"Ako lang noh. Grabe, long time no see. Hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita. Namiss kita Agatha," sabay yakap nito sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito sa Maynila?"
"Tsk! Siyempre, may trabaho ako dito. Mamaya papasok na ko. May gagawin ka ba ngayon?"
"Wala eh," agad na sagot nito. Kahit hindi na siya umuwe sa bahay mayang gabi ay wala namang magagalit. Wala naman si Garry o kahit si Anton ay wala din ito. Wala din namang siyang kasama sa bahay dahil mag-isa lang ito.
Inaya siya ni Maricel sa bahay na inuupuhan nito. Isang boarding house ito na tinutuluyan ng mga babae. Medyo mausok dahil karamihan dito ay mga nagyoyosi.
"Pagpasensiyahan mo na lang dito Agatha. Balak ko din sana umalis dito pero nag-iipon pa ko ng pera para makalipat ng ibang matitirahan," ani nito pagkapasok namin sa loob ng boarding house. Sa isang kuwarto ay may tatlong double deck dito. Medyo may kasikipan din kaya dito sa loob ng kuwarto at medyo makalat din.
"Ano ba ang trabaho mo Maricel? Pwede ka naman tumira kina papa," ani nito.
Umiling ito. "Hindi pwede Agatha. Baka malaman ni inay na pinatira niyo ko sa bahay niyo. Pauwiin pa ko ng wala sa oras," sagot niya.
"Bakit naman? May problema ba?"
Hindi niya sinagot ang tanong niya. "Isa akong waitress sa bar Agatha. Mamaya alasais na ang pasok ko pero ngayon ay pupunta na ko doon para makapaghanda. Gusto mo bang sumama muna sa akin?"
"Sa bar ka nagtatrabaho?" Nagtaka siya kung bakit sa bar ito nagtatrabaho. Ang alam niya kasi ay doon pa din siya nagtatrabaho kasama yung babaeng nagpasok sa kan'ya noon.
"Oo, simula noong umalis si ate Nat at hindi na bumalik. Umalis na din ako. Wala kasi magbabantay doon sa babaeng kasama niya. Hindi ko ba alam doon kahit hindi niya kaanu-ano ay tinutulungan pa din niya. Ah... Gusto mo bang magpalit ng damit mo? Para ka kasing nakasuot pambahay," ani nito.
"Okay na 'to Maricel. Hindi ko naman alam na sa bar ka pupunta eh. Wala naman akong gagawin doon."
"Kahit palitan mo na lang yang suot mong tshirt. Ito isuot mo," sabay abot nito kay Agatha. Isang black sleeveles na silk ang tela nito. Medyo litaw ng konti ang dibdib nito. Nag-aalangan siyang isuot ito. Pero dahil wala namang magagalit ay kinuha na lang niya ito.
Isinukat niya at kumasya naman sa kan'ya. Inayusan na din siya ni Maricel. Konting lipstick at konting make up lang din. Kinurve din niya ang eyelashes nito gaya ng sa kan'ya at nilagyan na din niya ng maskara ang pilikmata nito.
"Wow, ang ganda mo na Agatha. Maganda ka, hindi ka lang kasi marunong mag-ayos ng sarili mo," ani nito.
Ngumiti si Agatha sa harapan ng salamin dahil pati din siya ay hindi ito makapaniwala na makita ang sarili nito.
"Pero nakakapagtaka lang ha, parang hindi mo naman yata kamukha si tita," takang tanong nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala lang baka totohanin mo lang kasi itong sasabihin ko," ani niya.
Napasinghap na lang si Agatha. Ayaw naman niyang mag-isip ng kung anu-ano dahil lang doon.
Sumapit ang alas sais ng hapon ay naroon na ang dalawa sa bar. Nasa solong upuan naman si Agatha habang abala siya sa pagtitipa sa kan'yang cp. Busy na kasi ang kaibigan nito kaya hindi na siya nito maasikaso. Nang makatanggap na lang siya ng mensahe mula kay Garry. Natuwa siya kaya nagreply naman siya agad sa messenger nito. Nag-aya ito bukas na magkikita sila sa dating tagpuan nila. Pumayag naman siya agad dahil wala yung strangherong asawa niya.
Matagal-tagal din silang nag-usap sa messenger hanggang sa nagpaalam na si Garry na may gagawin na ito. Nakangiti pa din ito at mukhang inlove na naman si Agatha kay Garry.
"Hi, are you alone?" Boses ng lalaki iyon na tumabi kay Agatha.
Pekeng ngumiti ito. "Hindi, may kasama ako." Inayos pa ni Agatha ang suot nitong silk na medyo crop top.
Tipid na ngumiti siya. Nahalata kasi ng lalaki yung ginagawa niyang pag-ayos sa suot niya.
"You wanna drink?"
"Hindi... Ikaw na lang. Ahmm... Excuse me. Magbabanyo lang ako," paalam nito.
"Okay, I'll wait you here," sagot ng lalaki.
Pekeng ngumiti si Agatha. Agad niyang hinanap si Maricel pero hindi naman niya ito makita.
Nagtungo na lang siya sa loob ng banyo para magbawas. Walang katao tao nang siya ay pumasok. Kinilabutan siya.
"AYYY!" Napatili siya nang lumabas na siya ng banyo. "Buwisit ka talaga Maricel. Ginulat mo naman ako," sabay hawak niya sa dibdib nito.
"Ikaw naman kasi.... Kanina pa kita hinahanap eh. Narito ka lang pala. Ang akala ko ay iniwan mo na ko," ani nito.
"Ahmm... Gusto ko ng umuwe. Nakachat ko kasi si Garry kanina," ani nito dahil excited na siyang makavideo call ito mamaya. "Maiwan na muna kita dito. Next time na lang ulit tayo magkita," paalam nito.
Sumimangot siya. "Sige na ihatid na lang kita sa labas. May taxi namang dumadaan diyan sa labas," ani nito.
Hinatid naman siya sa labas. Ngunit hindi nagtagal ay hinanap din siya sa loob dahil dumadami na din ang mga costumer sa loob ng bar. Iniwan niyang mag-isa si Agatha habang siya naman ay matiyagang naghihintay ng taxi. Ngunit isang tinted van ang huminto sa harapan nito. Napaurong siya bigla dala ng takot nito dahil dalawang lalaki ang lumabas mula sa humintong sasakyan.
Bigla siyang hinawakan ng dalawang lalaki sa mga kamay niya na pilit siyang ipinapasok sa loob ng sasakyan. Marahas siyang nagpumiglas ngunit hindi nila hinayaan na makawala si Agatha.
"Sino kayo? Saan niyo ko dadalhin? Saklolo! Tulungan niyo ko!" sigaw nito pero walang tao ang nakakarinig sa kan'ya.