Chapter 5

1528 Words
Kinabukasan, napabalikwas ng bangon si Dalton nang marinig niyang may kumalabog sa hagdan. Lumabas siya ng kuwarto nito at nakita na lang niyang nahulog si Agatha ng hagdan. Hindi pa naman nakasuot pang itaas si Dalton at nakaboxer short lang siya. Dali niya itong nilapitan. "Ang sakit ng balakang ko," daing nito. Hinihilot hilot pa nito ang balakang niya habang nakasalampak ito sa sahig. "What happened?" Alalang tanong nito. Inalalayan niyang makatayo si Agatha. "Ihatid mo ko sa labas. Nasa labas ng bahay si Garry," ani nito. "What? Are you out of your mind? Look at what you're wearing? You have never worn a bra," singhal nito. "Okay lang yan, bf ko naman siya. Dalian mo na," pagmamadali nito. "Okay fine. Masyado kang hot Agatha. Hindi pa kayo kasal ni Garry bumibigay ka na. That stupid!" galit na mura nito. "Wala ka ng pakialam. Matagal ko na itong gustong gawin. Panira ka lang eh," asik nito. Walang nagawa si Dalton kundi ang ihatid siya sa labas habang kuyog siya ni Dalton. Nagsalubong naman ang makapal na kilay ni Garry nang makita niya ang ayos ng dalawa. Naikuyom niya ang dalawang kamao nito dahil sa itsura ni Agatha. Halos hindi na ito makalakad habang kuyog siya ni Dalton. "Garry," nakangiting sambit nito. Yayakapin niya sana ito ngunit umiwas siya. Nakapamewang naman si Dalton na halos ibalandra pa niya ang katawan nito sa harapan ng dalawang magkapatid. Kasama din kasi ni Garry ang ate Karen niya. "Bakit nilalayuan mo ko?" Parang maiiyak nitong sambit dahil sa pag-iwas sa kan'ya ni Garry. "Naibigay mo na ba sa kan'ya? Ang akala ko ba ay ako lang?" Napailing ng husto si Agatha. Nag-igting naman ang panga nito nang makita niyang wala pa itong suot na bra ang nobya nito. Nag-isip tuloy siya ng hindi maganda si Garry lalo na't nakasuot lang si Dalton ng boxer short. "Garry, mali ang iniisip mo. Wala akong binibigay sa kan'ya," giit nito. Umiling ito at tuluyan niya na itong tinalikuran ang nobya niyang si Agatha. Tinawag pa niya ito ngunit hindi na siya nilingon pa ni Garry. Gusto sana niyang habulin si Garry ngunit paano niya ito mahahabol kung masakit naman ang balakang niya. "Garry! Bumalik ka naman please! Mag-eexplain ako!" sigaw pa nito ngunit hindi talaga ito nakinig. Tuluyan na ngang nagsibagsakan ang mga luha niya sa mga mata nito. Hindi niya kaya na iwan siya ni Garry na ganun na lang lang kabilis. Hinarap niya si Dalton at saka niya sinampal ito ng malakas sa kaliwang pisngi nito. Alam niyang sobrang lakas iyon dahil ramdam din iyon ng kan'yang palad ang sakit nito. Napasinghap siya. "Kasalanan mo ito Anton. Kasalanan niyo itong dalawa ni ate. Ngayon, masaya na kayong dalawa dahil hindi na matutuloy ang kasal namin ni Garry?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Agatha. Nanatiling tahimik lang ito. Hinayaan lang niyang maglabas ito ng sama ng loob. Alam niyang nasasaktan si Agatha dahil sa kasal na hindi naman dapat nila ito ginawa. Tinalikuran niya si Agatha. Iniwan niya itong umiiyak. Kasalanan din naman niya kung bakit nag-isip ng masama si Garry. Alam niyang magkasama sila sa loob ng iisang bahay malamang mag-iisip ito ng kung anu-ano. Iisipin din niyang pinagod niya si Agatha kahit wala pa namang nangyayari sa kanila. Pagkabihis ni Dalton ay umalis ito. Hindi niya na nakita si Agatha dito sa labas ng bahay. Hinanap niya ito at nakita naman niya ito sa likod ng bahay. Nakaupo siya sa may bench sa may lilim ng puno ng mangga. "Agatha, aalis ako ngayon. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka dito. By the way, hindi ako uuwe rito mamayang gabi. If you want to find a job. Kunin mo itong calling card just in case na gusto mong mag apply ngayon." Inilapag niya ang calling card sa tabi niya. "I have to go," paalam nito. Umalis siya agad dahil alam naman niyang hindi siya nito kakausapin dahil galit ito sa kan'ya. Iniwan na lamang niya ang sasakyan nito para may gamitin siya at nilakad na lamang niya ang daan papunta sa naghihintay niyang kaibigan na si Mike. Dito siya sumakay. "Oh, kamusta naman ang pagsasama niyo ni Agatha? And how about Sabrina? Kamusta na ang kan'yang kondisyon?" ani nito nang paalis na sila. "About Agatha, I don't care about her. If you ask Sabrina. Hindi ko pa kinokontak ang mga magulang niya. Baka in other day, pupunta ako ng US," ani nito. "How about Agatha? Iiwan mo siya?" Mariin niyang tinitigan ang cp nito nang makita na lang niyang nagtext si Agatha. Napakunot siya ng noo nang mabasa niya ito. Nasapo na lang niya ang noo nito dahil hindi daw siya marunong magdrive ng sasakyan. Wala din daw siyang makain dahil hindi pa naman siya namamalengke dahil dadaan muna siya ng kompanya nito. "Mike, ikaw na muna ang mamalengke. Daanan mo na lang ako mamaya sa FMDS. Kakausapin ko lang si Drake," ani nito. "P*cha! Ako ba talaga ay isang imbestigador o isang alalay mo?" "Both," sagot naman nito. "Okay fine!" sabay taas nito sa isang kamay niya. Nagtungo agad si Dalton sa kan'yang kompanya bago niya pinuntahan ang kompanya ni Drake na halos magkakatabi lang. Gusto sana niyang makatrabaho si Agatha pero dahil hindi siya interasado na malaman kung sino siya ay hindi din siya magpapakilala. Dahil sa mga babaeng naghahabol kay Dalton, nagpapanggap na lamang siyang mahirap ngayon ngunit hindi pa din halata. Ayaw kasi niyang mahalin siya dahil lang sa yaman nito. Minsan na din kasi niyang naranasan ito sa unang kasintahan nito na pera lamang ang habol nito. Kaya napagdesisyunan na lang niya na magpanggap na mahirap. Ang alam ng mga magulang ni Sabrina na tito niya ang nagdala sa kan'ya sa ibang bansa para maipagamot siya. Pagkatapos dumaan ni Dalton sa FMDS ay nakaabang na agad si Mike sa labas ng building. Nakapag groceries na din ito. Marami siyang biniling mga gulay at prutas. May mga karne at seafoods din siyang binili. Napangiwi na lang si Dalton sa dami niyang pinamili. "Malaki ang nagastos ko riyan," ani nito pero agad na isinaksak ni Dalton ang isang tseke na may nakasulat doon na halagang 100k. Sobra na ang ibinayad ni Dalton sa kan'ya. "Bumaba ka na muna Mike. Mag taxi ka na lang muna. Ako muna ang gagamit ng sasakyan mo." Napakamot tuloy siya ng ulo. Palagi na lang kasi ginagawa ito sa kan'ya ni Dalton. "Hay, ang hirap talaga ng mahirap. Sige, basta sagot mo ang mga expenses ko," ani nito. "Kailan pa kita kinalimutan? Sige na bumaba ka na," pagmamadali nito. "Heto na nga, bababa na nga eh," sagot nito. Pagkababa niya ay agad na pinasibad ni Dalton ang sasakyan nito. Lumipas ang ilang oras ay narating na agad ni Dalton ang bahay. Agad niyang binaba ang mga pinamiling mga groceries saka niya ito ipinasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ni Dalton sa loob ay nagulat na lamang siya dahil sa nakita niya na parang may multong dumaan sa harapan niya. Halos nagkandahulog hulog pa ang mga hawak niyang mga delata. "Anton ikaw ba 'yan?" tanong ni Agatha habang siya ay nakapikit. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa katawan nito at mukhang katatapos niya lang maligo pero may shampoo pa ang buhok nito. Pakapa kapa si Agatha sa paligid nito dahil sa may sabon pa ang mukha nito. "What's happening Agatha?" "Asan ka ba ha?" Napabuga siya ng hangin sa bibig nito. Next time ay hindi na talaga siya titira rito dahil hindi siya sanay na makasama si Agatha rito. "I'm here in front of you." Si Dalton na ang lumapit at baka madulas pa si Agatha sa dinaraanan niya. Nang makapa ni Agatha ang malapad na dibdib ni Dalton ay doon na naglabas ng galit si Agatha. Mahigpit niyang nilukot ang damit niya. "Bwisit ng bahay na ito!" naiinis niyang sambit. "Maliligo ako walang tubig. Kung kailan nagsasabon ako at punong puno pa ng shampoo ang buhok ko ay doon pa mawawalan ng tubig. Paano pa ko magbabanlaw niyan Anton?" Gigil na sambit nito. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kapag kasarapan ng pagsasabon mo at doon pa saktong nawalan ng tubig. Masakit na sa pandinig niya ang pagtatatalak nito. "Agatha stop! Okay, makakapagbanlaw ka pa. May gripo naman sa labas," hinawakan niya ang kamay nito saka niya ito dinala sa labas. "Magkano ba ang utang mo sa tubig at kuryente? Pati kuryente ay naputulan na din tayo," reklamo nito. Napailing na lang si Dalton. "Why? Do you intend to pay all my debts?" "Oo naman noh! Basta, gawan mo ng paraan na magkaayos kami ni Garry," ani nito. Napangiwi na lang si Dalton. Hindi niya na namalayan na napuno na ng tubig ang timba. "Maligo ka na at bahala ka na maligong mag-isa," ani ni Dalton. Hindi malaman ni Agatha kung galit ba siya. "Galit ka ba? Ako na nga ang magbabayad ng mga utang mo kapalit ni Garry. Kakausapin mo lang naman siya," ani nito nang matapos na itong maghilamos. "Okay fine! Bilisan mo na lang maligo," ani nito na salubong ang mga kilay nito dahil hindi na mapigilan ni Dalton ang pagnanasa dahil sa init na dulot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD