So far, naging masaya naman ang oras ko kasama si Kyle. Bukod sa pagiging madaldal niya ay may sense of humor din siya kaya hindi mahirap na pakisamahan siya. Kaso nga lang minsan ay hindi ko maiwasang mainis sa mga banat niya na ang co-corny kaya tuwing may pagkakataon ako ay palagi ko siyang binabara. Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming bumalik sa kumpanya. Agad akong dumiretso sa working table ko. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko nang tawagin ako ni Boss. Napabuntong-hininga ako bago tumayo. "Bakit, Boss? May kailangan po ba kayo?" magalang na tanong ko nang maabutan siya na prenteng nakaupo sa swivel chair niya habang nasa harap niya ang tambak-tambak na mga papeles. Kita ko ang pagod sa mga mata niya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin. Napansin ko rin an

