Nagising ako dahil sa mainit na sikat ng araw. Kunot-noong bumangon ako. Napangiwi ako sa sobrang pananakit ng katawan lalo na sa parteng gitna ng hita ko. Napatingin ako sa wall clock malapit sa kama at agad na nanlalaki ang mata ko sa nakita. Late na ako! Nagmamadaling dumiretso ako sa banyo at naligo. Ni hindi na nga ako nagsabon at basta na lamang ibinuhos ang shampoo sa ulo ko. Pagkatapos maligo ay nagbihis ako at naglagay ng lipstick sa labi bago dali-daling lumabas ng kuwarto at bumaba. Magkasalubong ang kilay ko habang pababa ng hagdan. Buwesit kasing alarm clock na 'yon, hindi tumunog. Late tuloy ako. Paniguradong magagalit na naman iyong Boss ko na dragon na iyon. Nakakainis!! Nang makababa ay naglakad ako papuntang pintuan palabas nang bigla akong makaamoy ng pagkain sa ku

