Pasado alas diyes na kami nakarating sa Palawan. Dumiretso kami sa kuwarto na binook namin upang magpahinga. Isang hotel Presidential Suite ang kinuha namin. Ang ganda at ang laki nga ng room na ito para sa amin. Kumpleto na rin ang mga gamit at ang ganda ng view ng dagat mula sa balkonahe. Ang kaso ay sobrang mahal ng isang gabi na pamamalagi rito. Akalain mo, 150k per night? Sinong tanga ang gagastos ng ganoong kalaking pera para lamang matulog sa ganito kalaking hotel room? Ang importante lang naman sa hotel ay may kama dahil matutulog lang naman kami. Makakapagpatayo ka na ng bahay sa 150k na iyon pero si Boss, ginawang isang tulugan lang. Ganoon nga siguro talaga ang mayayaman, walang pakialam kung gumastos man sila ng napakalaking halaga sa maliit na bagay. Kung mayaman lang siguro a

