"Why the hell did you do that?!" bulyaw ko kay Boss Jacob nang makapasok kami sa loob ng hotel room niya.
"What?" walang gana niyang tugon bago dumiretso sa sala at umupo.
"Huwag mo 'kong ma what-what diyan. Hindi ako watawat. Ang ibig kong sabihin, anong pumasok sa isip mo at sinuntok mo ang lalaking iyon kanina? Hindi mo ba narinig 'yong sinabi niya? Anak siya ng Mayor ng lugar na 'to! Paano kapag isumbong tayo ng lalaking 'yon sa tatay niya? May magagawa ka ba?!" naiinis na sigaw ko.
Wala na akong pakialam kung boss ko siya. Naiinis talaga ako sa ginawa niya. Paano kung balikan kami no'n? Paano si Liam, ang anak namin, kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin? Sino mag-aalaga sa kaniya at tatayong ina kung sakaling mamatay ako? Hindi nga kami magkaayos ni Mama eh.
"Of course, I know that. I wouldn't do that if I know that I have no fight against him. I have power and connection, in case you didn't know," balewalang aniya bago inabot ang remote ng TV at binuksan ito.
Inis na napasabunot ako sa sariling buhok.
"Kahit na! Hindi mo pa rin dapat ginawa iyon!!"
Kunot-noong nilingon naman niya ako bago napatiim ang baga na nagsalita.
"Anong gusto mong gawin ko kanina? Hayaan ka na bastusin ng lalaki na iyon? Iyon ba ang gusto mo? Sabagay mukhang gustong-gusto mo naman ang ginagawa sa 'yo ng lalaking iyon kanina. Kung hindi siguro ako dumating baka sumama kana roon at nakipag-" tumigil siya sa pagsasalita bago nag-igting ang panga. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin.
"Nakipag-ano? Ituloy mo!"
"Tsk." Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang paningin sa telebisyon na nasa harap.
Tumayo ako sa harap ng tv upang harangan ang pinapanood niya.
"Kinakausap pa kita. Huwag kang bastos!"
"What!!" Napatayo siya sa kinauupuan sa sobrang galit at tinapunan ako ng masamang tingin.
"Bakit mo ginawa iyon? Nag-iisip ka ba? Hindi mo man lang inisip ang posibilidad na mangyari sa ginawa mo!"
"I'd do what I wanted to do," walang pakialam na usal niya bago nakapamulsang tumayo.
Mas lalong namula ang pisngi ko sa sobrang inis. "You wanted to do? Huh? Talaga lang ha? Sabihin mo nga, bakit mo ba ginawa kanina iyon? Huwag mong sabihing nag-aalala ka sa akin?" inis na tanong ko.
Kita ko ang bahagyang panlalaki ng mata niya bago umayos ng tayo. Napangisi siya bago umiling-iling.
"You're so high on yourself," nakangising aniya.
"Eh kung gano'n, ano nga?!"
"You really want to know?" Tumango naman ako. Napabuntong-hininga siya. "Fine. Ginawa ko 'yon dahil ayaw kong binabastos ang personal assistant ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Na pinapabayaan ko na gumawa ng iskandalo ang PA ko? Tsk! I wouldn't let them embarrass me because of you," walang kwentang tugon niya.
Hindi naman ako makapaniwalang napakurap-kurap.
"Iyon lang?" Tumango siya.
"Yes. Please get out now. The door is widely open for you to leave." Bumalik na siya sa pagkakaupo habang ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan.
"'Tsaka umalis ka sa harap ko. Nanonood ako. Paharang-harang ka."
Natauhan naman ako bago siya sinamaan ng tingin.
"Saksak mo sa mata mo 'yang TV! Bahala ka sa buhay mo, buwesit!"
Padabog akong nagmartsa palabas at nagtungo sa kabilang unit kung saan ako natutulog.
Pagpasok ay sumandal ako sa nakasarang pinto at tumingala sa kisame para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata. Naiiyak ako sa sobrang frustrated.
Nakakainis na siya sa totoo lang. Mabuti sana kung mayaman din ako katulad niya pero hindi eh. Mahirap lang ako. Anong laban ko sa anak ng mayor? Sabihin na nating makapangyarihan at maraming pera si Boss pero paano naman ako? Paano kung balikan ako ng mayabang na lalaki na iyon?
Mabagal na napabuntong-hininga ako bago pumikit nang mariin.
Pilit kong pinapakalma ang sarili.
Pagdilat ko ay umayos ako ng tayo bago dumiretso sa bag upang kunin ang first aid kit na dala ko.
Napagtanto ko na personal assistant naman niya ako kaya prayoridad niya ang kaligtasan ko at isa pa, wala akong ginawang kasalanan kaya bakit ako matatakot?! Tsk! Ang drama ko talaga. Nakakainis!
Hindi na ako kumatok at basta na lamang pumasok sa kuwarto niya.
Naabutan ko siyang nakasandal sa sofa at nakadekwatro habang ang isang paa ay nasa lamesa.
"Why did you come back? I thought you're angry?" tanong niya matapos mag-angat ng tingin sa akin.
"Akin na kamay mo," walang ganang sabi ko.
"Why?" takang tanong naman niya.
Inangat ko ang first aid kit na hawak. Napatingin naman siya rito.
"Gagamutin ko. Akin na. Bilis!"
"I don't want to."
Sinubukan kong kunin ang kamay niya ngunit mabilis niya itong itinago sa likod niya.
"Akin na sabi eh. Madali lang 'to!"
"I said, I don't want to. Do I have to repeat that over and over again?"
Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at sa halip ay hinigit ko ang kamay niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinatong sa hita ko para gamutin.
Napakislot naman siya sa hindi malamang dahilan. Napalunok siya base sa pagtaas-baba ng adams apple niya at mabilis pa sa kidlat na kinuha ang kamay mula sa akin bago ako samaan ng tingin.
"Don't f*****g touch me again," madiin at seryosong aniya na animo'y may gagawin siyang hindi maganda kapag hindi ko sinunod. Madilim din ang mukha niya at mukhang hindi nagustuhan ang paghawak ko sa kamay niya.
Tumayo siya bago dumiretso at pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay CR. Naiwan naman akong tulala at nakaawang ang labi na nakatingin sa nakasarang pinto. Rinig ko ang pag lagaslas ng tubig.
Anong nangyari sa isang 'yon?
Napailing ako at tumayo para puntahan si Boss.
"Boss?" Katok ko sa pinto. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Baka masakit ang tiyan kaya galit kanina? May LBM 'ata.
"Boss!" sigaw ko nang sa gan'on ay marinig na niya.
"W-what?!" nahihirapan at hinihingal na sigaw niya. Nahihirapan sigurong maglabas ng sama ng loob. Kawawa naman... Buti nga sa kaniya. Mahinang napahagikhik ako bago tinakpan ang bibig.
"Boss, iiwan ko na lang sa lamesa ang first aid kit. Ikaw na ang bahalang gumamot sa sarili mo. Aalis na ako," sabi ko.
Tumalikod na ako at akmang aalis na nang marinig ko ang mahinang ungol niya. Napailing na lamang ako bago tuluyang lumabas.
NANDITO kami ngayon sa harap ng hotel upang salubungin si Mr. Valenciano. Mag gagabi na kung kaya malakas ang ihip ng hangin sa paligid. Mataas din ang alon ng tubig sa dagat at wala nang masiyadong tao na naliligo sa takot na matangay ng alon papunta sa malalim na parte ng dagat.
Nakasuot ako ngayon ng black v-neck blouse na pinaresan ng black skinny trouser at loafers. Si boss naman, as usual, ay nakasuot ng three-piece suit habang maayos ang tindig na nakatayo. Nakapamulsa siya habang nakatanaw sa dagat.
Maya-maya pa ay natanaw na namin si Mr. Valenciano at ang isang matangkad at magandang babae na sa tingin ko ay secretary nito. Agad naman namin silang sinalubong.
"Mr. Valenciano," bati ni Boss.
Ngumiti naman si Mr. Valenciano kaya kita ang wrinkles sa mukha niya. Base sa itsura niya ay mukhang nasa mid 50s na siya.
Inilahad nito ang kamay na agad na tinanggap ni Boss.
"Mr. Peterson. Nice to see you. I'm sorry for making you wait. It's just that something important came up, I hope you don't mind," paliwanag nito.
Umiling naman si Boss. "It's okay. I don't mind waiting. In fact, I enjoyed staying here," maliit ang ngiting sabi ni Boss dahilan upang mapa irap ako.
'Plastic'
"Oh! That's nice to hear. So, shall we start?" aya nito.
Tumango naman si Boss. Agad kaming pumunta sa mamahaling restaurant upang simulan ang business meeting. Nang makarating sa resto ay umorder na kami.
Habang naghihintay ng order ay tiningnan ako ni Boss at sinenyasan. Agad ko namang nakuha ang pahiwatig niya at inilabas ang papeles na kinakailangan. Tumayo ako ay iniabot ang mga papeles sa kanilang dalawa.
"So, Mr. Valenciano. It's already written in the papers the advantages you'll get once you sign the contract and become a part of my company," panimula ni Boss.
Tumango-tango naman ito habang nakatitig sa mga papeles.
"What are the pros and cons?" tanong nito.
Nagsimula nang mag-discuss si Boss ng pros and cons na makukuha nila kapag napapayag niya itong pumirma habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig.
Napatingin ako sa secretary ni Mr. Valenciano na malagkit na nakatingin kay Boss habang nakakagat pa sa ibabang labi. Maganda siya at matangkad. Mahaba at tuwid ang buhok, magagandang mata, matangos na ilong, mapupulang labi at makurbang katawan. Mga katangiang pasok sa standard ng mga kalalakihan.
Napailing ako nang hindi niya man lang napansin ang tingin ko dahil masiyadong nakatutok ang atensyon niya kay Boss. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon kina Boss Jacob at kay Mr. Valenciano na nag-uusap.
Naputol ang pag-uusap nila nang dumating ang pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Nabaling ang tingin sa akin ni Mr. Valenciano bago nagtanong kay Boss.
"New PA?"
Tumango naman si Boss habang patuloy pa rin sa pagkain.
"What's your name, iha?" tanong ni Mr. Valenciano dahilan upang umayos ako ng upo bago nagpunas ng bibig gamit ang tissue.
"Good Evening po, Mr. Valenciano. I'm Alissa Mae Dizon, personal assistant ni Mr. Peterson," nakangiting pakilala ko.
Napangiti rin siya bago sumulyap kay Boss at pabalik sa akin.
"I thought you're girlfriend of Mr. Peterson. It's been years since I last saw him with a gorgeous girl. It’s such a disappointment to know that you're not his gf.." nanghihinayang aniya. "Anyway, I'll sign the contract once we finish eating. Thank you for this dinner," dagdag pa niya.
Nagliwanag naman ang mukha ni Boss. "Thank you for this opportunity to work with you, Mr. Valenciano. I will make sure to not disappoint you," ani ni boss.
"My pleasure."
Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos, kagaya ng napag-usapan ay pinirmahan ni Mr. Valenciano ang kontrata bago nagpaalam nang magpapahinga. Malayo-layo rin kasi ang naging biyahe nila.
"Goodnight, Boss," sabi ko nang nasa tapat na kami ng hotel room niya.
"Goodnight," aniya bago tuluyang pumasok sa kuwarto niya.
Napangiti naman ako bago napapailing na pumasok na rin.
Nag-half bath lang ako at pagkatapos magbihis ay umupo ako sa gilid ng kama. Bago matulog ay naisipan ko munang kamustahin ang anak ko. Tinawagan ko si Gianna. Tatlong ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag.
"Bes!! Mabuti at napatawag ka!" hyper na wika niya mula sa kabilang linya. Napangiti naman ako.
"Kumusta si Liam?" tanong ko.
May trabaho kasi si Mama sa gabi kaya nakiusap ako sa kaniya na siya muna ang mag-alaga sa anak ko tuwing gabi. Pumayag naman siya. Salitan silang nag-aalaga ni Mama kay Liam. Okay lang naman daw sa kaniya na alagaan si Liam para raw makapag-practice na siya kung paano mag-alaga ng bata nang sa gayon ay 'pag nagkaanak na siya ay may alam na siya kahit papaano.
"Grabe? Gan'yan talaga ang bungad mo sa akin? Ako? Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Puro ka na lang Liam! Liam! Paano naman ako? Wala kang kuwentang Bestfriend!" madramang wika niya at kunwari pang umiiyak.
Napailing na lamang ako. Ano na namang masamang hangin ang pumasok sa utak ng bestfriend ko?
"Ang drama mo. Umayos ka nga.." sita ko sa kaniya.
"Ito naman, ang kill joy mo. Nagdadrama ang tao eh. May balak pa naman akong mag-artista. Alam mo ba? Bata pa lang ako pangarap ko na talagang mag-artista. Kung pinayagan lang sana ako ni Mama na mag-audition, edi sana may mayaman at sikat na siyang anak ngayon. Sayang talaga 'yon."
Ayan na naman po siya. Ang daldal talaga ng isang 'to. Nahahawa tuloy minsan ako sa kadaldalan niya. Pero masaya naman siyang kasama at maaasahan. Hindi rin siya ang tipo ng kaibigan na patalikod kang tinitira. Kumbaga sa isang kaibigan, masasabi kong tapat at totoo siya.
"Tapos ka na?" tanong ko nang manahimik siya.
"Opo. Hehe."
"Puwede bang makausap si Liam?" tanong ko. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone habang nakatanaw sa labas ng balkonahe.
Kita mula rito ang naggagandahang liwanag mula sa dalampasigan at nagsasayawang mga puno sa paligid.
"Tulog na si Baby Liam eh. Napagod kakalaro kanina," tugon niya.
"Gano'n ba… So, kumusta si Liam? Okay lang ba siya? Kumain ba siya bago matulog? Umiyak ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.
"Hinay-hinay, Bes. Mahina ang kalaban. Okay lang si Liam. Kumain na rin siya bago matulog at oo, umiyak siya kaya nga nakatulog agad eh. Hayaan mo at masasanay rin ang anak mo na wala ka," tugon niya.
Napabuntong-hininga naman ako.
"Mabuti naman. Kapag hindi pa rin siya matigil sa pag-iyak, libangin mo. Panoorin mo ng cartoons at pakainin ng pizza. May gatas na din diyan kapag nagutom siya. Bigyan mo rin siya ng laruan para mabaling ang atensyon niya roon."
Napatawa naman siya.
"Nanay ka na talaga, Bes. Ako kaya? Kailan kaya ako magiging single mom?" tanong niya.
Mahina naman akong natawa.
"Paano ka magkakaanak, wala ka namang boyfriend at isa pa wala pang nakawasak ng bataan mo," natatawang sabi ko.
"'Yon nga lang.."
Binalot kami ng katahimikan.
Ilang minuto ang lumipas ay nagsalita ako.
"Pasensya na sa abala, Gianna ha? Nadadamay ka pa tuloy sa problema ko. Wala lang talaga akong ibang kaibigan na puwedeng pakiusapan na alagaan si Liam."
"Ano ka ba? Wala lang sa akin 'to nuh. Bukal sa puso ko na tulungan ka at isa pa, hindi na iba sa akin si Liam. Para ko na rin siyang anak.."
"Salamat," sinserong wika ko.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa na matutulog na. Pinatay ko ang tawag bago inilapag sa bedside table ang cellphone.
Humiga ako sa malambot na kama at tinakpan ng kumot ang kalahating katawan. Napatingin ako sa bakanteng bahagi ng kama sa gilid ko. Bigla ko tuloy namiss si Liam. Parati kasi kaming magkatabing matulog at ito ang unang beses na hindi kami magkatabi sa kama.
Napabuntong-hininga ako at niyakap ang unan habang iniisip ang anak ko. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako.
MAAGA pa lang ay gising na ako. Balak ko kasing maligo sa dagat. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaligo sa dagat dahil sa sobrang busy sa buhay. Mamayang alas diyes pa naman kami aalis kaya susulitin ko na. Ang mahal pa naman ng entrance fee at overnight dito.
Suot ang two-piece red swimsuit ay taas-noo akong naglakad patungo sa dagat. Halos lahat ng lalaki ay napapatingin sa gawi ko. May iilan ding mga babae na inirapan ako. Napangisi lamang ako bago lumusong sa dagat. Naninibago pa ako sa lamig ng tubig ngunit hindi nagtagal ay nasanay rin ang balat ko.
Lumangoy ako patungo sa malalim na parte ng dagat at mula rito ay tanaw ko ang malawak na dalampasigan at ang mataas na hotel na tinutuluyan namin ni Boss. 6:00 A.M nang umalis ako sa hotel room ko kaya 6:15 na siguro ngayon dahil medyo iilan lamang ang mga tao na nakikita ko. Sayang nga't hindi ko naabutan ang sunrise.
Nilibang ko ang sarili sa paglalangoy. Nagba-backstroke pa ako habang nakatanaw sa asul na kalangitan. Maaliwalas at walang masiyadong ulap. May nakita pa akong eroplano na lumilipad.
Nang mapagod ay napagpasiyahan kong umahon na. Naglalakad ako papunta sa dalampasigan nang matanaw ko si Boss na direktang nakatitig sa akin. Madilim ang mukha niya habang naka-igting ang panga nakatingin sa akin. Ang aga-aga, bad mood na naman siya.
Naglakad ako papunta sa kaniya bago masayang bumati.
"Good morning, Boss!"
Hindi siya sumagot at sa halip ay pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Agad na nalukot ang mukha niya bago bumalik ang tingin sa mukha ko.
"Tsk!" Nag-iwas siya ng tingin bago tumalikod na.
"Teka lang, Boss." Humawak ako sa braso niya. Natigilan naman siya bago ako nilingon.
Masama ang tingin niya at magkasalubong ang kilay.
Napabitaw naman ako bago inilahad ang kamay sa harap.
"Sabi ko nga. Mauna na kayo, Boss," pilit ang ngiting sabi ko.
Umirap lang siya at nauna nang maglakad. Hindi ko na lamang pinansin iyon at sumabay sa kaniya sa paglalakad.
"Anong gagawin natin, Boss?" tanong ko habang nakasunod sa kaniya.
"Eat," tipid na tugon niya.
"Lampas na tayo, Boss. Papunta 'yan sa hotel eh. Nando'n 'yong resto oh." Turo ko sa restaurant na malapit sa amin.
Tumigil naman siya sa paglalakad bago kunot-noong nilingon ako.
Pinasadahan niya ulit ng tingin ang katawan ko bago napailing.
"We'll go there, with you wearing that?"
Napatingin naman ako sa suot ko bago nanlalaki ang mata nang mapagtanto.
"Sorry, nakalimutan ko. Peace." Nag-peace sign pa ako. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagpasok namin sa lobby ng hotel ay maraming tao ang napalingon sa gawi namin. Mostly mga kalalakihan. Ewan ko kung dahil sa suot ko at dahil kay boss. Hindi ko naman sila masisisi, nakakabakla nga naman ang kaguwapuhan ni Boss.
Napangisi ako.
"Enjoying the attention huh?" malamig na wika ni Boss Jacob.
"Boss?" takang tanong ko.
"Nothing. Move faster, I'm hungry."
Agad ko namang binilisan ang paglakad. Nang makapasok sa elevator ay nagpasalamat ako na kaming dalawa lang ang tao rito.
Naiilang na rin kasi ako sa mga tingin ng mga lalaki na kahit may suot pa ako ay parang nakahubad na ako sa isip nila. Mga lalaki nga naman.
Napailing ako bago napayakap sa sarili dahil sa sobrang lamig.
"You should bring cover-up clothes with you earlier."
"Okay lang ako, Boss."
"I didn't ask if you're okay," walang-kuwenta niyang tugon.
Napaasik naman ako. Pilosopo talaga. Nanatili kaming tahimik hanggang sa tumigil ang elevator sa floor kung saan ang hotel rooms namin. Dali-daling lumabas ako sa elevator at dumiretso sa kuwarto ko.
Pumasok agad ako sa banyo at naligo. Habang naliligo ay naalala ko na wala nga pala akong dalang damit. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Ako lang naman mag-isa rito kaya walang dapat ipag-alala. Kahit hubot-hubad akong maglakad sa apat na sulok ng kuwarto na 'to, walang makakakita.
Inabot ako ng isang oras bago matapos. Hindi ko alam, binilisan ko namang maligo pero inaabot pa rin ako ng ilang minuto bago matapos. Oras talaga ang may problema, hindi ako. Masiyadong mabilis ang oras para mahabol.
Lumabas ako na walang kahit isang saplot sa katawan. Wala rin kasi akong nakitang tuwalya na nakasabit sa banyo. Nakalimutan kong humingi sa hotel staff. Basang-basa tuloy akong naglakad papunta sa gilid ng kama. Tumutulo sa sahig ang tubig na nanggagaling sa katawan ko. Okay lang naman 'yan, aalis na rin naman kami pagkatapos kumain mamaya.
Kinuha ko ang bag kung saan ang mga damit ko at inilagay sa ibabaw ng kama. Naghahalungkat ako ng mga damit nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at bumungad sa akin si Boss na nakaawang ang labi at namumula ang mukhang nakatingin sa katawan ko.
Nanlalaki ang mata ko at agad na inabot ang unan sa kama ko. Ibinato ko iyon sa kaniya at saktong sapol sa mukha niya. Natauhan siya bago napakurap-kurap.
"S-sorry-"
"Labas!!" galit na sigaw ko.
"I'm sorry, oka-" at nakuha pa talagang magsalita ng manyak!!
"Sabing labas eh!!" Halos pumutok ang mga ugat ko sa leeg sa sobrang lakas ng sigaw ko. Dumagundong ang boses ko sa apat na sulok ng kuwarto na kinaroroonan namin.
Akmang babatuhin ko siya ng bedside lamp nang dali-dali siyang lumabas at isinara ang pinto.
Nanghihina naman akong napaupo sa kama. Hinagod ko ang basang buhok papunta sa likod. Napatakip ako ng mukha. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa pinaghalong galit at kahihiyan.
"Buwesit na lalaking 'yon!"