Mabilis na lumipas ang isang linggo. Wala namang masyadong nangyari sa loob ng isang linggo na iyon bukod sa pagsusungit ni Boss, pangungulit ni Kyle at pagiging madaldal ni Jane na kabaligtaran ni Melissa na laging tahimik lang na nasa tabi. Palagi ring tambak ang trabaho ko at hating gabi na kung makauwi. Hindi 'ata makakamove on sa nangyari ang Boss ko na iyon. Na arrange ko na rin ang travel plans ni Boss at nakapag book na ako ng hotel na tutuluyan namin. Marami-rami kaming lugar na pupuntahan dahil sa sunod-sunod na meeting at schedule niya.
Nandito ako ngayon sa tapat ng 7/11. Alas singko pa lang ng umaga kaya sobrang lamig dito sa labas. Wala ring mga tao sa paligid at tanging ilaw ng poste lamang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Niyakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. I am wearing an oversize sweater, skirt and a pair of white sneakers. Tanging maleta at backpack lamang ang dala ko. Mayroon din akong shoulder bag na naglalaman ng cellphone, pera at iba pang personal na kagamitan.
Ilang minuto pa ang lumipas nang may humintong kotse sa harap ko. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Boss pagkababa niya ng bintana ng kotse.
"Get in," hindi lumilingon na sabi niya. Agad ko naman kinuha ang maleta na dala na naglalaman ng mga damit ko at inilagay sa likod ng kotse kasama ang backpack. Sumakay na ako sa unahan bago ikabit ang seatbelt sa sarili.
"Good morning, boss," nakangiting bati ko sa kaniya. Lumingon siya sa gawi ko at bahagyang tumango. Bumaba ang tingin niya sa hita ko na naka expose dahil sa suot na skirt na hanggang kalahati ng hita ko lamang. Nailang naman ako sa paraan ng pagtingin niya at pilit na hinahatak ang suot pababa. Agad naman niyang napansin iyon. Napalunok siya bago kunot-noong nag-iwas ng tingin.
"You shouldn't wear that if you're not comfortable.." aniya at may kinuha sa likod ng kotse. Hinarap niya ulit ako bago iniabot ang kulay puting tuwalya. Agad ko naman iyong kinuha bago ipinatong sa hita ko para matakpan.
"Salamat," pasasalamat ko. Tumango lang siya bago pinaandar ang kotse. Nagsimula na kaming bumiyahe. Pupunta kami ngayon sa Cavite para sa isang business deal. Dalawang araw lang kami roon at pagkatapos ay pupunta naman kami sa Laguna. Hindi naman aabot sa dalawang oras ang biyahe patungo sa Cavite, depende 'pag walang trapik.
Naghikab ako sa sobrang boring. Ang tahimik kasi dagdag pa na sobrang lamig dito sa loob ng kotse. Ang sarap matulog. Maaga rin kasi akong nagising kanina dahil gusto ni boss na bago sumikat ang araw ay nakaalis na kami. Mahirap na baka abutan pa kami ng trapik. Ilang oras lang din ang tulog ko dahil hindi matigil sa pag-iyak si Liam kagabi nang malaman na aalis ako at sa susunod na linggo pa babalik. Ang hirap niyang patahanin, mabuti na lang at tumigil din nang sabihin ko na dadalhan ko na lang siya ng pasalubong pagkauwi. Ang clingy ng anak ko, mabuti at nadadaan ko siya sa mga pagkain at pasalubong.
Isinandal ko ang ulo sa bintana ng kotse. Unti-unting tumiklop ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang makatulog.
NAGISING ako sa ingay ng mga tao. Iminulat ko ang mga mata at nilingon ang katabi ko. Wala na si Boss sa loob ng kotse at nakahinto na rin ang sasakyan nito sa tapat ng coffee shop. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang iilang mga tao na abala sa pagtitinda ng kung ano-anong street foods, may iilan din na maingay na nagkwekwentuhan na parang abot sa kabilang baryo ang boses habang ang iba naman ay kasama ang jowa at nakahawak-kamay pa. Napangiwi ako. Mga kabataan nga naman…
Binalik ko ang tingin sa coffee shop at mula roon ay lumabas si Boss. May bitbit itong dalawang kape at isang supot ng sa tingin ko ay pagkain. Halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa kaniya. He was wearing a simple denim jacket, jeans and casual shoes. Naka sunglasses din siya habang kunot-noo na naglalakad papunta rito. Sa kabila ng takip sa mata niya ay hindi maipagkakailang guwapo siya. Sa tangkad, pustura at taglay niyang kagwapuhan ay talaga namang agaw-pansin sa mga tao.
Binaling ko ang tingin sa harapan nang pumasok siya sa loob ng kotse. Agad niyang ibinigay sa akin ang isang kape na agad ko namang kinuha.
"Ilang minuto pa bago tayo makarating sa Cavite?" tanong ko habang umiinom ng kape. Pinaandar niya ang makina ng kotse bago nagsalita.
"Around 30-45 minutes. Depende kapag aabutin tayo ng traffic," tipid na sagot niya.
"Ahh okay." Napabuntong-hininga ako. Ang boring naman…
Pasimple ko siyang nilingon. Nasa manibela ang kanang kamay niya habang ang kaliwa naman ay may hawak na kape. Humigop siya ng kape at mula sa gilid ay kita ko kung paano tumaas-baba ang adams apple niya. Kita ko rin kung gaano ka kinis ang mukha niya at kung gaano kadepina ang panga niya. Tingnan mo nga naman 'to, kahit saang anggulo tingnan ang guwapo pa rin.
Napaayos ako ng upo bago umiwas ng tingin nang lumingon siya. Tumikhim ako.
"Do you want anything?" tanong niya. Umiling ako. "Okay.. nasa dashboard ang pagkain kung nagugutom ka."
Tumingin ako sa dashboard at agad na kinuha ang isang supot na pagkain. May donut, tinapay, cupcake at dalawang slice ng pizza. Napangiwi ako bago binalik sa dashboard ang supot ng mga pagkain.
Lumingon siya saglit sa gawi ko bago itinuon ulit sa harap ang paningin. Nagkasalubong ang kilay niya.
"Why? Don't you like it?"
"Ang aga pa para kumain ng matatamis."
Napaawang naman ang bibig niya.
"Oh right. Are you hungry? Maybe we should grab something to eat?"
"Huwag na, pagdating na lang. Baka abutan pa tayo ng traffic," tugon ko. Tumango siya at hindi na muling umimik.
Hindi na ako muling nakatulog. Medyo maingay na kasi dahil dumarami na ang sasakyan na kasabay namin sa daan. Puro busina at sigawan ng mga tao ang naririnig ko. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa destinasyon na pupuntahan namin. Tumigil ang kotse sa tapat ng gate. Binababa ni Boss ang bintana ng kotse at agad na kinausap si Manong Guard na nagbabantay sa gate.
Ilang saglit pa ay pinapasok na rin kami. Tumigil ang sasakyan sa parking lot sa tabi ng hotel. Agad kaming bumaba at kinuha ang mga bag sa likuran ng kotse.
Bitbit ang mga bagahe ay pumasok kami sa hotel. Hinarap ako ni Boss at inilapag ang mga bagahe sa sahig.
"Wait me here. I will get the keys to our room," sabi niya bago naglakad papalapit sa receptionist.
Kinausap niya ang babae na agad na napangiti habang nakatitig sa kaniya. Napailing ako bago inilibot ang tingin sa paligid. Maaliwalas at presko sa loob ng hotel. Maganda naman ang tanawin sa labas lalo na ang dagat na kulay asul at nagtataasang mga alon na animo'y nanghahalina sa mga tao para maligo. Marami ring mga tao sa paligid at karamihan sa mga iyon ay mga pinay na may kinakasamang foreigners. Mga masu-swerteng nilalang.
Hindi rin nagtagal ay bumalik si Boss bitbit ang dalawang susi. Nagtungo na kami sa elevator at pumasok. Nang makarating sa palapag kung nasaan ang unit namin ay agad kaming pumasok sa kani-kaniyang kuwarto. Bumungad sa akin ang maganda at malinis na kuwarto. May queen size bed sa gitna at meron isang pinto sa gilid na sa tingin ko ay banyo. Kulay puti rin ang pintura ng pader at may iilang bulaklak sa paligid na mas lalong nagbibigay buhay sa paligid.
Inilapag ko sa mga bagahe sa tabi ng kama at dumiretso sa balkonahe. Napapikit ako nang tumama ang maliwanag na sinag ng araw sa mukha ko. Hindi naman masiyadong mainit at masakit sa balat kaya okay lang. Iminulat ko ulit ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Halos mga puno at tubig lamang ang makikita sa buong paligid. Meron din namang mga gusali pero kaunti lang at mukhang mas prayoridad at pinahahalagahan nila ang mga puno na siyang mas lalong nagpaganda sa paligid.
Labing limang minuto akong nanatili sa balkonahe, binusog ang mata sa ganda ng tanawin bago nagpapasiyahang pumasok ulit sa loob at humiga sa kama. Ilang minuto pa ay nakatulog ulit ako sa sobrang pagod.
NAGISING ako sa katok sa pintuan. Pupungas-pungas akong bumangon at nagtungo sa pinto bago ito buksan. Bumungad sa akin si Boss na bagong ligo dahil sa basang buhok nito na tumutulo sa damit nito. Nakasuot siya ng puting tshirt, board short at sapatos.
"Boss?" namamaos ang boses na tanong ko. Napakunot ang noo niya. Bumaba ang tingin niya sa suot ko bago napailing. Hindi pa nga pala ako nakapagpalit ng damit kanina at basta na lamang nakatulog sa sobrang pagod.
"Change you clothes. I will wait you downstair," seryosong sabi niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ako at basta na lamang tumalikod at naglakad palayo.
"Bastos," nakasimangot at mahinang sabi ko bago isinara ang pinto. Habang naliligo ay nakaisip ako ng kalokohan. Sinadya kong tagalan ang pagkilos para paghintayin siya nang matagal bilang kabayaran sa pang-aalila niya sa akin sa loob ng isang linggo.
Kung akala niya ay siya lang ang may balak maghiganti. Aba'y syempre ako rin 'no. Okay sana kung trabaho lang ang pinapagawa niya sa akin pero ang iba ay sinadya niyang ipagawa sa akin kahit hindi naman importante. Nabawasan tuloy ang oras ko kay Liam. Ika nga nila kapag may galit sa 'yo, mas lalo mong inisin nang magsawa. Kaya kapag galit siya, mas lalo ko siyang iinisin.
Halos isang oras din ang itinagal ko sa paliligo. Agad akong nagbihis. Pinili kong suotin ang smocked floral dress na hanggang tuhod ko ang haba na binili ko lang sa online. Nagsuot na rin ako ng sandal na kulay brown. Tiningnan ko ang kabuuan sa salamin at nang makitang ayos na ay napagpasiyahan ko ng bumaba.
Paniguradong magkasalubong na ang kilay no'n sa sobrang inip kakaantay sa akin. Kung naging mabait lang sana siya sa akin, hindi sana mangyayari 'to. Ina 'ata ako ng anak niya pero siyempre hindi niya alam.
Pagkarating sa main lobby ay nabungaran ko si Boss. Tama nga ang hinala ko dahil bakas sa mukha niya ang pagkainis at pagkabagot. Nakasimangot at magkasalubong ang kilay niya. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa hita niya habang ang isa naman ay sa gilid ng upuan. May iilang mga tao ang nakatingin sa kaniya, lalo na ang mga kababaihan ngunit walang nagtangkang lumapit dahil sa masamang timpla ng mukha niya.
Napangisi ako bago naglakad patungo rito. Napaangat siya ng tingin sa akin. Agad na sumama ang tingin niya at naiinis na tumayo.
"What kind of f*****g skin do you have that it takes you forever to finish? You f*****g wasted two f*****g hours of my s**t life," naiinis na bungad niya sa akin. Kulang na lang ay ipatapon niya na ako sa gitna ng dagat sa sobrang sama ng tingin niya sa akin.
Mas lalo akong napangisi. "Chill lang tayo, Boss. Sige ka.. Maagang kang matitigok sa pagiging highblood mo palagi eh." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya. Agad naman siyang napakislot bago napaatras. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya na parang hindi nagustuhan ang paghawak ko sa kaniya.
"Don't f*****g touch me."
"Arte nito. Kakaligo ko lang eh."
"Just f*****g don't," namumula sa inis na sabi niya.
"Bastos ng bunganga mo. f**k ka ng f**k. Fuckfuckin ko kaya 'yang bunganga mo." Umirap ako.
"Fuckfuckin? What?"
"Wala! Ang slow mo.. Tara na nga. Saan ba tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot at agad na tumalikod na. Nauna siyang naglakad. Agad naman akong sumunod. Pagkalabas namin ay agad akong nasilaw sa sobrang liwanag. Nakalimutan kong magdala ng sunglasses. Naniningkit tuloy ang mata ko. Mataas na rin kasi ang sikat ng araw dahil tanghali na. Masakit din sa balat ang init na hatid nito.
"Here." Iniabot ni Boss ang sunglasses na nakasabit sa damit niya.
"No, thanks," tanggi ko.
Syempre attitude muna for todays video. Ako lang 'ata ang mapride na personal assistant. Kung tutuusin ay hindi naman talaga dapat ako magreklamo kapag may pinapagawa siya dahil sineswelduhan naman niya ako. Pero kasi ang unprofessional lang tingnan dahil ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko pero siya, hanggang ngayon, ay hindi pa rin makalimot sa nangyari. Hindi ko naman sinasadya iyon at isa pa may kasalanan din naman siya dahil binastos niya ako no'ng gabing iyon. Nadadamay tuloy ang anak namin. Wala na ngang ama, mukhang mawawalan pa ng ina dahil sa palaging pagpupuyat ko.
Simula nang magtrabaho ako ay tatlo hanggang apat na oras na lamang ang tulog ko. Marami pa namang masamang epekto ang kakulangan sa tulog..
Tumigil kami sa isang mamahaling Seafood Restaurant. Pumasok kami at agad na sinalubong ng isang waiter. Inasikaso niya kami papunta sa isang bakanteng lamesa. Nag-order lang kami ng pagkain. Nang dumating ang pagkain ay tahimik kaming kumain.
"Nag-email po pala sa akin ang secretary ni Mr. Valenciano. Mukhang gagabihin bago sila makarating dito. So basically, baka bukas pa kayo makakapag-usap. Humingi rin si Mr. Valenciano ng pasensya at sinabing siya na ang bahala sa bayarin sa pag-stay natin dito," pahayag ko pagkatapos kumain.
"What the f**k? We traveled earlier this morning just for what? To wait for him? What a f*****g bad day! f**k! f**k!"
Hindi ko masiyadong napakinggan ang sinabi niya dahil wala sa kaniya ang atensyon ko kun'di sa cellphone na hawak. Nagpadala kasi ako ng mensahe kay Mama at kinamusta si Liam. Kunot-noong napaangat ako ng tingin sa kaniya nang marinig ang huling sinabi niya
"Huh? Pakpak? Gusto mo ng pakpak? Tara kain tayo ng pakpak," malawak ang ngiting sabi ko. Agad kong tinawag ang waiter na dumaan sa gilid namin. "Kuya Waiter! Isang order nga po ng chicken wings."
Binalingan naman kami ng tingin ng waiter bago huminto at hinarap kami.
"Ma'am? Tawag mo po ako?" tanong ng lalaking waiter.
"Ah oo. May chicken wings ba kayo rito na sineserve?"
"Ah wala po eh. Seafoods lang po ang sineserve namin dahil seafoods restaurant po 'to," magalang at nakangiting sagot niya.
Napasimangot naman ako sa naging tugon niya. "Ah gano'n ba.. Sige. Salamat, Kuya."
"Sige po."
Bagsak ang balikat na binalingan ko ng tingin si Boss na naka igting ang panga at namumula ang mukha. Galit 'ata dahil walang chicken wings.
"Wala raw, Boss eh. Hayaan mo, hahanap tayo mamaya ng unli chicken wings with extra rice pa. Huwag ka ng sumimangot diyan. Hindi bagay sa 'yo," sabi ko ng mapansin ang ekpresyon ng mukha niya. Mukhang gustong-gusto 'ata talaga niya ang chicken wings. Paborito niya 'ata iyong kainin.
Hindi siya sumagot. Padabog siyang tumayo bago tinawag ang waitress sa tabi. Nakangiti naman itong nagtungo sa pwesto namin.
"Sir?" malawak ang ngiting tanong ng babae.
"Bills," malamig ang boses na utos ni Boss. Nanatiling kunot ang noo niya. Mukhang nawala sa mood dahil sa chicken wings. Kung bakit ba kasi walang chicken wings dito.
"Wait a minute, Sir. Kukunin ko lang po ang recipt ng inorder n'yo."
Umalis na ang waitress. Nilingon ko Boss na nanatiling nakatayo habang naniningkit ang mga matang nakatanaw sa labas ng bintana. Unti-unting nawala ang pagka kunot sa noo niya. Nagtaka naman ako at napatingin sa labas. Nakita ko ang mga kababaihan na naka two piece swimsuit habang nakabilad sa araw at ang iba naman ay nagtatampisaw sa dagat.
Napangisi ako bago bumalik ang tingin kay Boss.
"Mukhang mapapalaban ka ngayon, boss ah."
Agad naman siyang nag-iwas ng tingin bago namumula ang mukhang inirapan ako.
"Tsk!"
Napangisi ako at inilahad ang kamay sa upuan na nasa harap.
"Upo ka muna, boss."
"No, thanks."
"Ayy taray. Attitude ka, boy?"
Napaawang ang bibig niya bago pasaring na iniwas ang tingin sa akin. Hindi siya sumagot. Maya-maya pa ay dumating na ang waitress dala-dala ang resibo. Agad namang nagbayad si Boss. Nauna na siyang lumabas. Hindi man lang niya hinintay ang sukli.
Agad kong kinuha ang sukli sa waitress bago sumunod sa kaniya.
"Boss! Sandali!!" sigaw ko.
Hindi siya tumigil sa paglalakad bagkus ay mas binilisan pa niya. Ilang metro ang layo niya mula sa akin. Sa sobrang haba ng binti at mga paa niya ay madali lang para sa kaniya na paglayuin ang distansya sa pagitan namin.
Mukhang narinig naman niya ang sigaw ko pero mas pinili niyang hindi huminto para paghabulin ako. May iilang mga tao kasi na malapit sa kaniya ang napalingon sa gawi ko kaya imposibleng hindi niya narinig.
Akmang hahabulin ko pa sana siya nang may sumulpot sa harapan ko na lalaki. Napahinto ako at tiningnan ito. Base sa mukha nito ay mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Guwapo nga pero hindi pasok sa standards ko pagdating sa lalaki.
Nakangisi ito at malaswang hinagod ng tingin ang kabuuan ko.
Napakuyom ang palad ko sa paraan ng pagtingin niya sa katawan ko na animo'y hinuhubaran na ako sa isip niya.
"Hi, miss. Ang ganda mo. Mag-isa ka lang ba rito?" tanong niya.
Hindi ko pinansin ang tanong niya at akmang lalampasan na sana siya nang hawakan niya ang braso ko.
"Bitawan mo 'ko," madiing wika ko.
Nangangati ang kamay kong sampalin ang lalaking 'to. Ayaw kong makaagaw ng atensyon kaya mas pinili kong magtimpi na lamang.
"Sandali lang naman, Miss. Puwede naman nating pag-usapan 'to. May alam akong lugar kung saan puwede tayong mag-usap."
Pilit kong kumawala sa hawak niya ngunit hinigpitan niya lamang ito.
"Tara na, Miss. Sandali lang naman. Paisa lang oh. Promise mag-eenjoy ka-"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin. Ramdam ko ang pamamanhid ng kamay ko sa lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya. Tumagilid ang ulo niya sa lakas ng impact. Napasinghap naman ang mga taong nakakita sa pangyayari. Binalingan ako ng lalaki ng masamang tingin.
"Gusto mo 'ata talagang makatikim, Miss. Pakipot ka pa eh halata naman gusto mo rin. Halika na." Akmang hahawakan ulit niya ako pero iniwas ko ang kamay.
"Hinding-hindi ko gugustuhing pumatol sa isang katulad mo. Guwapo ka nga, bastos ka naman. Gan'yan ka ba pinalaki ng magulang mo? Walang respeto sa babae? Ni hawakan mo pa nga lang ako ay kinikilabutan na 'ko. Nakakasuka ka," nandidiring sambit ko. Umakto pa akong nasusuka.
"Aba't-" Iniangat niya ang kamay.
Napapikit naman ako at hinintay na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Dinig ko ang malakas na t***k ng puso ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay wala akong naramdamang kakaiba kaya naman unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang likuran ng isang matangkad at maskuladong lalaki. Base sa suot at pabango niya ay nasisiguro kong si Boss Jacob 'to.
"Touch her and you'll die," malamig na usal ni Boss sa lalaki.
"Sino ka ba?! Gago ka ah! Huwag ka ngang mangialam dito!" Pilit nitong kinukuha ang kamay mula sa pagkakahawak ni Boss ngunit mahigpit ni Boss iyon kung kaya hindi ito nagtagumpay.
"I'm her boss."
"Eh Boss ka lang naman pala eh! Umalis ka na kung ayaw mong madamay," banta ng lalaki at pilit akong hinahablot. Agad akong napaatras. Mas hinarangan naman ako ni Boss gamit ang katawan niya.
"Run before I kill you."
"Aba! Ang yabang mo ah! Hindi mo 'ata ako kilala. Anak lang naman ako ng Mayor sa lugar na 'to!" mayabang na ani ng lalaki.
Nanlalaki ang mata ko sa narinig. Napaawang ang labi ko. Agad naman akong kinabahan at pilit na hinahatak ang laylayan ng damit ni Boss.
"Boss, alis na tayo please. Ayaw ko ng gulo. Baka mas lumala pa kapag pinatulan mo ang isang 'yan," bulong na pakiusap ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago padaskol na binitawan ang kamay ng lalaki. Hinawakan niya ang kamay ko bago tumalikod na at akmang aalis na kami nang magsalita ulit ang lalaki.
"Ano ka ngayon? Takot ka pala eh."
Hindi na sana namin papansinin nang may idinagdag siya. "'Tsaka nga pala. Maganda at makinis 'yang babaeng kasama mo. Mukhang masarap at magaling sa kama. Kaya siguro gan'yan mo na lamang siya protektahan. Baka puwedeng makihati-"
Binitawan ako ni Boss bago sinugod ang lalaki. Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang sinuntok siya ni Boss. Natumba naman ito sa buhangin kaya mabilis itong dinaganan ni Boss at walang-awang pinagsusuntok sa mukha.
Napasinghap ako at awang ang labi na nakatingin sa kanila. Halos hindi na makilala ang mukha ng lalaki dahil sa dugong bumabalot dito.
Ilang minuto akong na estatwa sa kinatatayuan bago napagpasiyahang lumapit.
"B-Boss, t-tama na please.." mahina ang boses na pakiusap ko na sapat na para marinig niya. Agad naman siyang tumigil bago hinihingal na tumayo.
"I warned you. Fucker." Kinuha niya ang kamay ko at hinala paalis sa lugar na iyon. Naiwan namang tulala ang mga tao habang nakatingin sa walang malay at duguan na lalaki na nakahiga sa buhangin. Putok ang labi nito at namamaga rin ang mga mata.
Mukhang magkakaproblema pa 'ata kami. Napapikit ako nang mariin at hinayaan siyang hatakin ako papaalis.