bc

ROMANCE SERIES: MY FAKE ROMANCE

book_age16+
32
FOLLOW
1K
READ
manipulative
independent
drama
tragedy
bxg
bold
city
lies
victim
civilian
like
intro-logo
Blurb

Amarah have a really tough life. From being an orphan to being abused by her own uncle, she promised to do everything just to get away from the demon's grasp even if someone will be hurt in the process.

Finn Ryder Wright had an amnesia in the midst of the on-going mafia war. He was made believe he is Marcus Magtulis, her fiance and together they journey to live their life full of lies and develop feelings without knowing what they have is a fake romance.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Third Person's POV “Farrah...” Pagtawag niya sa pangalan ng dalaga. Napatigil ito sa pag-iyak at nag-angat ng tingin hanggang sa nagtama ang kanilang mga mata.   Bumakas ang awa sa mukha ng dalaga dahil sa nakikitang madumi at gusot na damit ng kaharap. Puro pasa din ito sa mukha at putok ang labi ganoon pa man ay hindi nawawala ang pagiging magandang lalaki nito.   “M-Marcus...” Nahihirapang sambit ni Farrah dahil hindi ito maampat sa pag-iyak. Ni hindi niya makuhang tingnan muli ang lalaki matapos ang nangyari kanina ngunit hindi niya inaaasahan ang sumunod nitong ginawa.   Naupo ito sa kaniyang tabi at tahimik na nakatulala sa kawalan. Ang pagdidikit ng kanilang balat ay nagbibigay sa kaniya ng pamilyar na kilabot hindi katulad noong nagdikit ang kanilang balat ni Madeline na hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ng kaniyang katawan.   “M-Marcus...” Tawag ni Farrah dito ngunit hindi siya umimik at malungkot na ngumiti.   “Ulitin mo...” Nagtataka man ay ginawa ni Farrah ang utos nito habang pinipigilan ang sarili na mapiyok.   “M-Marcus. Marcus...” Ulit niya sa tawag dito. Inalipat ni Finn ang tingin sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Bakat ang palad ng sampal sa kaniya maging ang buhaghag nitong buhok dulot ng pagsabunot sa kaniya ng babae kanina.   Masuyo niyang sinuklay ng kamay ang buhok nito para maayos na lalong nagpaiyak sa dalaga.   “T-Tumigil ka na please...” Pakiusap ni Farrah dito at pilit lumalayo ngunit hindi natinag si Finn hanggang sa siya na ang kusang tumigil at muli itong hinarap.   “Farrah Wenceslao ♡  Marcus Magtulis...” Banggit niya at kinapa ang trunk ng puno kung saan niya isinulat din ang initials nila.   ‘F.W ♡ M.M.’   “T-Tama na...” Hindi na napigilan ni Farrah ang sarili at muling napaiyak. Masyadong masakit ang kaniyang dibdib dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ni Finn sa kanilang pangalan – na hindi naman talaga.   “P-Patawarin mo ako, Sir Finn.” Nagsusumamong sambit niya dito na nagpatigil sa binata. Inulit kasi nito ang itinawag sa kaniya ni Madeline kanina na nagpakilalang initials niya ang nandoon.   “Huwag kang maniwala doon, hindi ko sila kilala. Kung ang tinutukoy mo kaya ka naniwala sa kanila ay dahil sa bracelet, huwag kang mag-alala dahil alam kong ibinenta mo ang iyo at posibleng sa kaniya mo naibenta noong na-hospital ako last year, hindi ba?” Mahabang litaniya ni Finn ngunit mas lalo lang naiyak si Farrah sa sinabi nito.   Mabigat ang kaniyang dibdib ngunit alam niyang isang araw ay dadating sila sa ganitong sitwasyon. Hindi niya lang akalain na ngayon ang araw na iyon at sa hindi inaasahang pagkakataon pa. Tila gumitna ang tadhana at pinagtagpo sila sa mga taong totoong nakakakilala sa lalaking pinagkaitan niya ng katotohanan, lalo pa at nalaman niyang hindi ito basta-bastang tao katulad ng naiisip niya.   “Bakit ka umiiyak, mahal ko? H-Hindi naman totoo ang sinasabi nila, hindi ba? H-Hindi naman, ‘di ba?” Nahihirapang banggit ni Finn dahil sa umuusbong na sakit sa kaniyang loob. Ang pag-iyak ng taong inakala niyang mahal siya ay siyang nagpapatindi sa katotohanang ayaw niyang tanggapin. Ayaw niya man aminin ngunit may ilang alaala ang pumapasok sa kaniyang isipan at ang babaeng kaharap ay hindi laman noon... Hindi siya ang laman ng kaniyang mga panaginip kung saan sweet sila at tila nagmamahalan. Hindi niya maamin sa sarili na hindi si Farrah ang laman ng mga iyon ngunit natatakot siyang i-confront ito o mag-away sila kaya’t itinatago niya na lang ngunit ngayon...   “Ako si Marcus Magtulis, hindi ba? Please sagutin mo ako mahal...” Pakiusap niya dito dahil nagsisimula ng sumakit ang kaniyang ulo. Ang marahang pag-iling ng babae ay siyang nagpatigil sa kaniyang mundo.   Ang manipis na lubid niyang hinahawakan para hindi maniwala sa mga nakasalamuha nila kanina ay tuluyan ng nalagot dahil sa reaksyon nito.   “Ano? B-Bakit? Paano...” Hindi niya alam kung anong uunahing itanong dahil sa biglaang dami ng ipoproseso ng kaniyang isipan. Batid ni Farrah kung gaano nahihirapan ngayon ang taong mahal niya dahil sa kasinungalingang siya mismo ang nagbaon sa isipan nito nang harap-harapan niya itong lokohin tungkol sa totoo niyang katauhan.   “Bakit? S-Sino ako? Ako ba talaga si F-Finn Wright na sinasabi nila?!” Nahihirapang bigkasin ng binata ang pangalan na iyon ngunit nagdulot iyon ng pamilyar na pakiramdam sa kaniya.   “Finn Ryder Wright... Ako si Finn. Alam mong ako si Finn, hindi ba?” Marahang tumango si Farrah habang patuloy sa pagluha ang kaniyang mga mata. Alam niyang sa oras na ito ay magbabago ang lahat at hindi siya nagkakamali dahil ultimo ang asta nito sa kaniya ang nagbago na.   “Fck it then! Bakit hindi mo sinabi?! Bakit hindi mo sinabi ang totoo!”   “Dahil mahal kita, Marcus! Mahal kita at alam kong mawawala ka sa akin sa oras na malaman mo ang totoo!” Naiiyak na sagot ni Farrah dahilan para sarkastikong tumawa si Finn.   “Tang inang pagmamahal ‘yan, Farrah.” Natawa pa ito habang naiiling.   “Oh, Farrah Wenceslao nga ba talaga ang pangalan mo? Sabihin mo na tutal hindi na ko magugulat sa ‘yo.” Napahinto pa ito at tumingala na tila may inaaalala.   “Kaya pala noong una ay iba ang pangalang itinatawag sa iyo ng mga kapatid mo. Kaya pala noong una ay pinilit mo akong ilayo kayo hindi lang para sa kaligtasan niyo dahil sa putang inang r****t niyong tiyuhin ngunit dahil dito... Dahil mabubuking ko ang kasinungalingan mo.” Muli itong tumawa ngunit may halo ng pagpiyok dahil sa tindi ng emosyong nadarama.   “May totoo pa ba sa ‘yo?”   “I-I’m sorry, Marcus. Please patawar—“   “Finn.” Putol niya sa sinasabi nito. Malamig ang kaniyang tingin sa dalaga na halatang nasaktan sa ikinikilos niya.   “Tawagin mo akong Finn dahil si Marcus?” Itinuro niya ang sarili at saka umiling.   “Walang Marcus Magtulis. Wala ng Marcus Magtulis na pinaniwala at nagmahal sa isang Farrah Wenceslao.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook