CHAPTER 2

2024 Words
Amarah’s POV “Ate Mara saan ka po pupunta?” Inosenteng tanong ni Jairus nang makita akong palabas ng bahay. Binuhat ko ito ng mapansing antok na ang kaniyang mata at pasimpleng hinele habang sinisilip kung saan ba napadpad ang dapat mag-aalaga sa kaniya.   “Kailangan lang mag-work ni ate para makaipon at makaalis dito, okay?” Mahinahong sambit ko sa kaniya at hinalikan ito sa tuktok ng ulo. Alam kong hindi niya iyon naiintindihan pa kaya’t natawa ako ng makita ang pagkunot ng noo nito.   “Bakit tayo aalis, ate? Pinapakain naman tayo ni Tiyo Samuel saka... Mabait po siya sa amin lalo na kay Joan.”   Mabilis ang pintig ng puso ko at bahagyang napadiin ang hawak sa kaniya dahilan para mapaiyak ito. Saktong kakalabas lang ni Sandra mula sa kuwarto at sinamaan ako ng tingin habang tumatakbo at umiiyak si Jairus sa kaniya.   “Ano ba, ate? Minsan mo na nga lang si Jai makasama papaiyakin mo pa!” Singhal nito sa akin at pilit pinatahan ang bata. Binulungan niya pa ito sa tenga at iginiya papasok sa kuwarto nilang tatlo saka muling hinarap ako.   “Hindi mo alam ang nangyayari kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan, Sandra,” banta ko sa kaniya. Habang tumatagal ay lalong lumalayo ang loob namin sa isa’t-isa at alam ko naman ang dahilan pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit habang tumatagal e mas lumalala pa ang ugali nito gayong alam niya naman kung gaano kahirap ang buhay namin dito.   “Ano pa ba ang hindi ko alam? Bukod sa kaya ka may sariling kuwarto para magsolo kayo ni Tiyo tapos ano? Kaming tatlong kapatid mo nagsisiksikan d’yan sa papag? Alam mo ba ang hirap magpatulog ng may kasamang bata habang busy ako sa pagmo-module at pag-gawa sa gawaing bahay habang ikaw ay...”   “Sige ituloy mo!” Hamon ko sa kaniya at pinanlisikan siya ng mata. Mahigpit akong napakuyom ng kamao habang nagpipigil ng sariling masaktan ito.   “Wala kang alam, Sandra. Lahat ng ito ay ginagawa ko para sa inyo kaya wala kang karapatang sabihin ang mga iy—“   “Huwag sabihin na ano? Sumisiping ka sa natitira nating kamag-anak para saan? Nakakadiri ka ate...” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Nanlaki ang mata nito habang kumikinang ang luhang mabilis naga-alpasan palabas sa kaniyang mga mata.   Napatulala ako at agad ibinaba ang kamay ng matauhan sa ginawa.   “S-Sandra... S-Sorry hindi ko sinasad—“ Galit ako nitong itinulak at mabilis na binuksan ang pinto ng kuwarto.   “Sana ikaw na lang ang nawala at hindi sila Mama!” -- Nasa may kalye na ako papasok ng side job ko sa isang karinderya. 24/7 itong bukas lalo pa at kabilaan ang mga hotel dito at guests nilang dito na umo-order ng pagkain kaysa sa fast food chain para makatipid.   Nagmamadali ako pagtakbo habang paulit-ulit ang pagtingin sa orasan dahil male-late na ako. Ayoko sanang umalis dahil na din sa sitwasyon namin ni Sandra at gusto kong ipa-clarify kay Jairus ang sinabi niya ngunit tinambakan ako ng text messages at tawag ng anak ng amo kong masama ang loob sa akin kahit anong gawin ko.   Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang umaapoy na lumang building hindi kalayuan mula dito. Sinipat ko ang orasan at nakitang ilang minuto na lang ang mayroon ako ngunit hindi ko napigil ang sariling makiusyoso.   Agad akong napatago sa isang poste nang makita ang isang taong may ibinagsak na kung ano sa damuhan. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid saka nagmamadaling tumakbo pabalik sa kung saan siya nanggaling.   Hinabol ko iyon ng tingin at ng masigurong wala na siya ay tinungo ko kung saan siya may ibinato at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata at pagtahip ng dibdib ng makita kung ano ito.   “Aaaah!” -- "Dok, kumusta na po iyong dinala ko dito?" Tanong ko sa doktor na siyang naga-assist sa binitbit ko dito kanina. Kinailangan kong umalis din kaagad para pumasok sa trabaho kahit pa higit isang oras na akong late dito. Masyadong marami ang umo-order ng panahong iyon kaya’t imbes na talakan ay hinayaan ako ng anak ng boss kong tumulong pa din sa kanila.   Mukhang natandaan ako ng doktor ng ibigay ko ang pangalan dito at kung sino ma ang dinala ko. Kinuha niya ang isang chart sa nurse at saka binasa ito sa harapan ko.   "John Doe, approx. 24 years old. Arrived with huge trauma on the lateral side of head. Possible post-op complications. VS all within normal range." Napaawang ang bibig ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Mukhang napansin niya iyon at ngumiti sa akin.   "He should be okay soon pero malalaman natin ang posibleng resulta ng operation sa kaniya. Dahil sa utak ito and according sa pag-check sa kaniya during assessment ay bahagyang tuyo na ang dugo which indicates that the wound is probably a while longer before you take him in. Possible complications may arise so we will closely monitor him from time to time." Mahabang litaniya niya habang iginigiya ako papasok sa kuwarto na pinagdalhan sa kaniya. Nagpaalam din ito kaagad hanggang sa kami na lang ang naiwan dito.   Nilapitan ko ang nakahimlay na lalaki at pinagmasdan ito. Gwapo ang lalaki at hindi ko iyon maitatanggi. Maputi ang kaniyang kutis, matangos ang ilong at medyo maputla ang mga labi dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.    "Mabuti na lang hindi ka nasunog..." Bulong ko at pinalandas ang daliri sa makinis nitong mukha.   Kung ako man ang may ganoon kakinis na kutis at magandang features ay talagang made-depressed siya ng husto sa oras na magasgasan ang kutis nito.   Busy ako sa pag-admire sa lalaki nang biglang pumasok ang nurse habang may hawak na mga paperworks.   "Ma'am, according po kay doc ito na po list ng mga bayarin niyo. Paki-settle na lang po sa cashier sa labas para mag-continue ang service sa kaniya." May iniabot pa itong isang papel na puno ng mga nakasulat na gamot.   "Ito din po ang naireseta ni doc para sa kaniya. Ito pong tatlo sa unahan ay mahalaga at hindi puwedeng hindi niya ma-take. I-page nyo na lang po ako sa oras na makabili na kayo," magalang nitong sambit saka nagpaalam na lumabas hanggang sa naiwan silang dalawa.   Binuksan ko ang bill at nanlumo nang makita ang presyo nito.   "Three hundred thousand?! Saan ako kukuha ng ganitong halaga?" Bagsak ang aking balikat dahil sa bigat ng bayarin na ito. Less na ito mula sa philhealth at ibang agency na nilapitan ko ngunit malaki pa din ang balance nito.   Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng maramdaman ang pag-vibrate nito. Binuksan ko ito at nanlumo sa mga natanggap.   Gusto kong maiyak dahil madaming text message ngayon sa inbox ko. Ang ilan dito ay nangungulit tungkol sa utang ko at nagbabanta na kakasuhan siya sa oras na hindi ako makabayad sa takdang oras.   Ipinikit ko ang mata at hindi iyon pinansin saka tiningnan kung sino pa ang ibang nag-message sa akin. Natulala ako ng makita ang pamilyar na number ng boss ko at ayaw ko man itong buksa ay tila may sarilig isip ang aking daliri at nai-click ang message.   "Wag k n pumasok. Para kang kabute lulubog lilitaw. Puro abala dulot mo."   Nanlumo ako ng mabasa ito at sinubukan pang tawagan ang number niya ngunit puro dial tone na lang ang naririnig ko. Malakas akong napabuntong hininga at nai-back iyon saka tiningnan ang pinaka-recent message na na-receive ko ngayong umaga.   Ang huling message ay mula kay uncle. May hinuha na ako kung anong magiging laman nito kaya't pikit mata ko itong binuksan.   Makalipas ang ilang sandali ay muli kong binuksan ang mata saka binasa ang nakasaad doon.   'Uwi kn. D q sila papakainin kung d m ipapasupsop s**o mo.'   "Putang inang buhay ito..." Nanlulumong sambit ko kasabay ng tuluyang pagbe-break down dahil sa nangyayari sa buhay ko.   Nasa ganoon akong sitwasyon nang unti-unting nagmulat ng mata ang lalaking tinulungan niya. Tulala ito sa kawalan hanggang sa unti-unting ibinuka ang bibig para magsalita.   "T-Tubig..."   Nanlaki ang mata ko at mabilis na inabot ang baso ng tubig sa kaniya at tinulungan siyang uminom dito.   Mabilis niya iyong naubos kaya’t alam kong uhaw na uhaw ito kanina pa.   Nai-page ko ang nurse at agad naman silang nagtungo dito kasama ang doktor na tumitingin sa kaniya. May mga physical exam pa itong ginagawa sa kaniya hanggang sa muling mag-abot ang doktor sa akin ng panibagong reseta at nagpaalam na aalis.   Pinanood ko itong umalis hanggang sa napansin ang nurse na nasa gilid ko at may iniaabot na nakalagay sa isang clear zip lock.   "Ito po ang nakuha namin kanina. Wala siyang ID pero natanggal namin ang bracelet nito dahil bawal ang may alahas during operation." Tumango ito at nagpaalam sa kaniya habang nakatulala ako sa bracelet nito.   Mukha itong mamahalin at pupuwedeng ibenta para mabawasan ang bayarin niya dito maging ang iligtas ang katawan niya kahit isang araw lang sa pangmomolestya ng kaniyang uncle kapalit ang pagpapakain sa kaniyang mga kapatid.   Kinuha ko iyon at sinipat hanggang sa may mapansin siya sa loob nito.   'F.W ♡ M.M'   Naka-engraved ito sa loob at halatang ipinasadya dahil sa magandang font style nito.   "S-Sino ka?" Mabilis kong itinago sa likod ang hawak at hinarap ang lalaki. Nagkakakulay na din ang kaniyang mga labi habang may nakakabit na suwero sa kaniya.   Magsasalita na sana ako ng muli itong magsalita na nagpatigil sa akin.   "S-Sino ako?"   'Amnesia...' Iyon agad ang pumasok sa isip ko at dinaluhan siya.   Lumapit ako sa higaan nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay. Nanginginig ang aking buong pagkatao dahil sa tumatakbo sa kaniyang isipan. Gusto akong kainin ng konsensya sa binabalak gawin ngunit mas hindi ko kakayanin pag nagutom ang mga kapatid nito at muling pagsamantalahan ng uncle niya at worst ay baka sa ibang kapatid ko pa mabaling ang kasamaan niya.   Muling tumulo ang luha sa aking mga mata habang nagtatalo ang tama at mali sa loob ko. Ramdam ko ang panlulumo at sobrang pagkagulo ng utak dahil kahit kailan ay hindi ko akalaing maiipit ako sa ganito.   ‘Kapag tinuloy mo ang balak mo, may pag-asa kang makawala sa uncle mo at ilayo ang mga kapatid mo,’ bulong ng isang bahagi ng utak ko. Ito ang gusto kong panigan ngunit nanlalaban pa din ang konsensya kong bumubulong sa kabilang bahagi ng isip ko.     ‘Hindi ka ganiyan, Amarah. Nawala na nga ang memories ng tao at muntik ng masunog at mamatay tapos papaniwalain mo pa sa iyong kasinungalingan?’   Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ang daliri nito sa aking mukha habang pinapalis niya ang aking luha. Napamulat ako at tumambad ang mala-hazelnut nitong mata na nakakahalinang tingnan. Napaka-inosente nito at puno ng pag-aalala habang nakatitig sa akin.   Mas lalong lumala ang guilt na aking nararamdaman ngunit pinigilan ko ang sarili dahil mas matindi ngayon ang pangangailangan niya.   "A-Ako si Farrah at ikaw naman si M-Marcus..." Nangunot ang noo ng lalaki kaya wala sa isip kong  ipinakita ang bracelet dito.   "F.W ♡ M.M. Ako si Farrah Wenceslao at ikaw si Marcus..." Napatigil ako sandali at napaisip kung ano mang pangalan ang babagay sa initials na naka-engrave dito. Nagpa-panic ang aking kalooban at napatitig sa matangos nitong ilong at agad nakaisip ng apilyido para dito.   "Marcus Magtulis... Engaged na tayo ngunit naaksidente ka sa construction at nabagok ang ulo." Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa paggawa ng kuwento ngunit nagpakatatag ako para hindi niya agad mabuko.   "B-Bakit wala kang bracelet katulad n'yan?" Nabigla ako sa itinanong nito at awtomatikong nablangko habang iniisip kung anong idadahilan sa kaniya. Tila bomba na bumalik sa aking alaala ang binabalak ko sana kania at nagsimulang mag-drama dito.   "B-Binenta ko ang bracelet ko, mahal... Masyadong malaki ang gastusin dito kaya't..." Muli siyang naiyak hindi dahil sa bills nito kung hindi dahil sa ramdam niya ang pag-vibrate ng cellphone at alam ko kung anong laman noon.   Susuko na sana ako at aamin sa mga binabalak ko ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at sinserong tumingin ng direkta sa aking mata.   "Tulungan mo akong maalala ang lahat Farrah. Naniniwala ako sa'yo...mahal ko."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD