Chapter Eight: Celestine

3406 Words
PA SIMPLE ang paghikab ko habang nakikinig doon sa lalaking nagsasalita sa harap. Nakaupo na kaming lahat. Kalau ko forever na kaming nakatayo kanina, 'yon pala may mga upuan dito sa harap nitong event hall. Bumaling ako kay Mr. Zachary at sa katabi niyang si Mr. Nolan— na pinsan niya. Tutok at seryoso silang pinapanood at nakikinig doon sa lalaki, tumatango pa sila kapag may sinasabing maganda. Gusto kong tumayo at mag-unat pero nakakahiyang tumayo dahil lahat ay nakatutok sa harapan— nasa second row kami na upuan naka-upo. "We should do and build business to help others.." Yumuko ako at humikab muli. Inaantok na talaga ako at wala akong maintindihan sa sinasabi nitong negosyanteng 'to. "What are you doing?" Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko at tinignan ang nagtatakang si Mr. Zachary, nakatingin din ang pinsan niyang si Mr. Nolan. "Inaantok ako.." sagot ko at muling yumuko. Pero pinigilan ako ni Mr. Zachary sa balikat at binalik sa pagakakasandal sa upuan. "You can't do that here.." mariing bulong niya. Wala akong nagawa kung 'di ay umayos sa pagkakaupo at bugnot na nakinig sa harap. Maya-maya lang ay napapapikit na ako pero napapadilat sa tuwing matutumba ang ulo ko. Akala ko sa church lang ako ganito, sa ganitong event din pala. Pinipilit kong idilat ang mata ko pero hindi ako nagtatagumpay maging ang pagpipigil ko ng paghulog ng ulo ko. "Hey, Miss Celestine.." May umuga sa balikat ako. Napadilat ako at napabalikwas nang upo ng makitang nasa event hall pa rin kami. Nilibot ko ang paligid at nakitang nagsisialisan na ang mga tao. "G-Gaano katagal ako nakatulog?" hihikab-hikab kong tanong. "You slept almost one hour.." Mr. Nolan said while staring down at me, "I can't believe she's your bodyguard.." dagdag pa nito. Hindi ko pinansin ang sinabi niya gayon din si Mr. Zachary. Tumayo ako at doon ay umunat at mas humikab. "Mag-banyo lang ako, Mr. Zachary.." hindi ko na pinakinggan ang isasagot niya at dumeretso na papunta sa hallway kung saan ang mga comfort room. Naghugas ako ng kamay pagkatapos umihi. Tinignan ko pa ang sarili sa salamin bago lumabas. Papalabas na sana ako sa hallway nang may humatak sa 'kin papasok sa madilim na kwarto. Hindi agad ako nakagawa ng dipensa nang mahigpit na inakap ng isang braso sa katawan ko, kinulong maging ang mga braso ko. Sisigaw na sana ako nang tumakip naman ang malaki palad sa bibig ko. "Shhh.." anang nang estranghero na nasa likod ko, "Huwag kang maingay.. hmm.." anang boritong boses. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang ilong niya sa pisngi ko at doon ay kinikiskis niya 'yon habang inaamoy ako. "Damn, you smells so good.." aniya sa tenga ko. Nagkukuwag ako at sumisigaw pero nakulong lang 'yon sa palad nitong lalaking 'to. "Yeah? Keep doing that.." he said then I felt something poking on my bottom. Nanlaki ang mata ko at nagpupumilit na makawala sa lalaking ito. Mahina siyang natawa, "Zachary got a sexy girl like you, huh?" aniya at narinig ko nagsitunugan ang ngipin niya, "Lagi nalang lumalapit sa kanya.. Lagi niya kayong nakukuha! Ano ba mero'n sa gagong 'yon?!" inis niyang tanong. Natigil ako sa pagkilos dahil sa sinabi niya. May hinanakit siya kay Mr. Zachary? "Pinanood kita kanina habang kasama mo siya, even while you eating alone, I watched you and I got addicted already.. hmm.." muli niyang sininghot ang gilid ng pisngi ko pababa hanggang sa panga ko. Nagpumiglas sa pagkakahawak sa kanya nang dampian na niya ng halik ang panga at leeg ko. Naramdaman ko pang basa 'yon. "Keep doing that.. hmm.." he said and he humped on my bottom. "Ako ang panalo ngayon.. nakuha kita sa kanya.." Akala ba niya jowa ko si Mr. Zachary? Hindi siya tumigil sa ginagawa niya. Bumaba pa sa balikat ko ang halik niya. "Hindi lahat ng babae mapapa sakanya.." aniya. Pinilit kong ikawala ang mga braso ko pero mas malakas siya at hindi ko magawa 'yon. And then I accidentally lift my right leg. Natigilan ako sa pagkumawag dahil nakalimutan kong hindi pala niya naikulong ang mga binti ko. Tanga ka! Gamit ang mga natutunan ko taekwondo at sa self-defese, iniangat ko ang kanang paa ko at malakas na tinapakan ang paa ng lalaki. "U-UGH!" daing niya. Lumuwag ang pagkakaakap niya sa 'kin at natanggal niya ang pagkakatakip ng palad niya sa bibig ko kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon upang makawala. Mabilis akong nakatakbo papuntang pinto at nakalabas. Thanks god naka-rubber shoes ako.. Pero naabutan niya ako at nagawang itulak sa pader at muling takpan ang bibig ko. Nakaharap ako sa kanya at tumambad sa 'kin ang gwapong mukha nito bagamat ay galit na galit ang itsura nito. Matangkad at malaki ang pangangatawan, he's wearing a expensive suit. "Sa tingin mo makakatakas ka sa 'kin?!" sigaw niya na nag-echo sa buong hallway. Luminga-linga ako at nakitang kami lang dalawa ang nandoon. Naalala kong nagsisipag-alisan na pala ang mga tao kanina. "Mas magaling ako sa kanya sa kama. I can make you scream while using my tongue, laping your p-ssy lips and I'll make you squirt.." mala-demonyo niyang sabi habang nakalapit ang mukha niya sa 'kin. Kamit ang isang kamay niya ay inilapit niya ang kapat sa dibdib ko pero bago makalapit 'yon sa hinaharap ko ay agad kong nahawakan ang braso niya at pinilipit 'yon sa likod. Idiniin ko ang mukha niya sa pader. "A-AWW!" hiyaw niya sa sakit nang mas ibaluktot ko pa ang mga braso niya sa likod niya. "Manyak kang gago ka, ah?!" maangas kong tanong. Magpupumiglas pa sana siya pero malakas kong tinuhod ang likod ng hita niya. "Gusto mong baliin ko 'tong braso mo, ha?!" inis kong tanong. "b***h! You don't know me!" hirap niyang sabi, "Papakulong kitang babae ka— AAWWW!" Nakarinig ako ng mga yabag papalapit kaya nilingon ko 'yon. Apat na naglalakihang bodyguards at sa likod ay ang magpinsang si Mr. Zachary and Mr. Nolan na parehong nakakunot ang noo. Nagulat ako nang marahan akong hinatak ng isa sa bodyguards at patulak akong inilayo doon sa manyak na lalaki. "Hulihin niyo 'yang gagong babaeng 'yan!" naggagalaiting anito sa apat na bodyguard. "W-What happen, Volt?" tanong ni Mr. Zachary doon sa lalaki habang nakakunot ang noo. Volt, huh? kaya pala ganyan ang pangalan. tsk. "Is she your date?" nakangising tanong nito kay Mr. Zachary na ikinatango niya bilang sagot, "I'm just asking her then she just suddenly pushed me on the wall while twisting my arm, Zac!" dinuro ako nito, "Alam mo kung anong kaya kong gawin, Zac.." "D-Dapat ako ang magkaso sa 'yo! Minanyak mo ako—" "My apology, Volt. It will never happen again.." seryosong sabi ni Mr. Zachary. Ako naman ay napatanga kay Mr. Zachary. Nagtataka sa ginawa niya. Why would he apologize to him?! Seryosong tumingin sa 'kin si Mr. Zachary at walang ano-ano'y hinawakan niya ako sa braso at hinatak hanggang sa makarating kami sa parking lot. Wala ng ga'nong tao doon, mero'n man ay malayo-layo sa 'min. Pabato niyang binitawan ang braso ko at halos matalisod ako mabuti nalang ay hindi ako naka-heels. "Why you do that to him?" seryosong tanong ni Mr. Zachary. Nakita ko ang paglapit ni Mr. Nolan sa likod ng pinsan at doon ay tahimik kaming pinapanood. "Pati ba naman dito dadalin mo ang pagiging marahas mo?!" Nakatitig lang ako sa kanya. Napapailing dahil hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi. Talagang paniniwalaan niya 'yong gagong 'yon?! "Ano? Bakit hindi ka makasagot?" namewang pa 'to, "Do you know what will happen if he file a case against you? My company will be drug, Celestine!" singhal niya, "He knows that you're with me!" Nanunuyang natawa ako at napailing, "Iba ka rin, 'no?" tanong ko. Nangunot pa lalo ang noo niya, "What?!" "Hindi mo alam 'yong buong nangyari pero kung makapagsalita ka parang kasalanan ko lahat.." napailing ako, "Alam mo ba ginawa niya sa 'kin para gano'nin ko siya, ha? Hindi, 'di ba? Kasi nagconclude ka agad, Mr. Zachary.." "Hindi ko na kailangan malaman ang nangyari, ayokong madamay at masira ang company ko!" Napamaang ako, hindi makapaniwalang napapailing uli ako. Ganito nga siguro ang mga mayayaman. Walang pake alam sa iba basta huwag lang sila masira. "'Yong gagong Volt na 'yon—" "You don't even know that guy so why you call him gago?" "Hindi ko na kailangan pa makilala 'yong gagong 'yon dahil sa panghihipo at pangbabastos palang niya sa 'kin ay gago na siya sa paningin ko.." sabi ko. Nakita kong matigilan siya maging ang pinsan niyang si Nolan. Huminga ako ng malalim bago ko sila talikuran upang pumunta sa sakayan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mr. Zachary sa 'kin pero hindi ko na siya pinansin. Nakakabadrip! Gano'n ata may mga pera, eh? Nakukuha nila ang gusto nila. Nagagawa nila ang gusto nilang gawin sa'yo pero kapag ayaw mo pera at pananakot ang ihaharap sa 'yo. Wala silang pingkaiba no'ng Volt na 'yon pareho silang gago at bastos. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Mag a-alas-dose na ng madaling araw ng makauwi ako. Tulog na ang parents ko pero gising pa rin ang kambal kong kapatid na nanonood ng Animated cartoons sa sala. May nakalatag doong manipis pero malapad na kutson at doon sila nakahiga ngayon kasama si Botchok. Anong trip nitong dalawa? "Hello, Ate!" bati nila pero sa pinapanood pa rin nakatutok. Maging si Bitchok na kumuwag lang ang buntot. Umupo ako sa single sofa namin at doon nagtanggal ng sapatos, "Dito kayo matutulog?" tanong ko. "Oo, Ate.." sagot ni Carlo. "Anong trip niyo bakit dito kayo matutulog?" Tinuro ni Carlo ang kambal, "Ito si Carla, nainggit daw sa nakitang picture.." "Eh, kasi naman hindi na natin nagagawa 'to.." ngumuso ito. "Matanda ba tayo para mag-ganito, Carla." "Ate, walang pinipiling edad sa magkakapatid ang pagba-bonding, duh?" aniya, "Kaya, Ate, magbihis ka na at dito ka matulog." Pinalidad niyang sabi. Pumunta na ako ng kwarto para makapag half-bath. Habang naliligo ay bumalik na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Kung tinali ng gagong Volt na 'yon ang mga paa ko siguro nagawan na niya akong pagsamantalahan. At si Mr. Zachary na assuming. Kalalaking tao takot sa banta na kakasuhan ako at madadamay company? Engot. Until now na ba'badtrip pa rin ako kay Mr. Zachary. Hindi man lang niya tinanong kung anong buong pangyayari! Pareho ko silang balibagin ng Volt na 'yon, eh! Pagkalabas ng banyo.ay nagbihis lang ako ng itim na pajama pair. Dala-dala ang dalawang unan at kumot ko ay bumaba na ako. Naabutan kong naka-pause ang pinapanood nila at wala sila doon. Narinig ko ang boses nila mula sa kusina kaya inilapag ko muna ang unan ko bago ko sila puntahan doon. Naabutan ko ang kambal na gumagawa ng pagkain. Si Carlo ang nag hihiwa ng anim na malaking bans habang si Carla naman ang nagluluto ng patty. Si Botchok ay nakaabang lang din para ng sakanya. "Gabi na, kakain pa?" tanong ko, "Ako na.." inagawa ko kay Carlo abg bread knife. "Magpupuyat tayo, Ate. Minsan nalang natin gawin 'to kasi magiging busy na kami sa school kasi tapos ikaw busy ka na doon sa work mo.." anang ni Carla at humarap siya, "..doon sa gwapo mong client, Ate! Hihihi.." Napangiwi ako at inirapan siya, "Baka gagong client, pwede pa." "Huh? Bakit mo namang sinaning gago siya Ate?" Takang tanong niya, "Mukha naman siyang mabait— tignan mo nga't binenta niya 'yong Van nila na mukha pang bago.." Napabuntong hininga ko at iki-nuwento.sa kanila ang nangyari maging 'yong first meeting namin no'ng nag-bar kami magkaka-trabaho. "What?!" sabay nilang tanong. Tumango ako, "Kaya gago siya.." "Dapat binugbog mo pa, Ate!" si Carlo. "Naku! Dapat sinampal mo lang, 'Te!" si Carla. Nagugulat kaming napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "Kasi naman, 'Te! Ang gwapo no'n ni Mr. Zachary Adams tapos ginanon mo lang?" "Hinipuan ako, eh! Ano sa tingin mong gagawin mo? Matic na 'yon kapag ginanon ako makakatikim siya ng malupit kong depensa!" sabi ko habang nilalagyan ng mayo at cheese ang Bans. "Ayon nga, Ate, Kapag gwapo dapat malakas na sampal lang— kung pangit ang manghihipo at mangbabastos sa 'yo ayon dapat ang ginugulpi mo na magdala sa buhay.." anito at nagpatuloy sa ginagawa. Napapantastikuhan kami ni Carlo na napatitig sa kanya. Iba talaga nagagawa kapag gwapo dito. Tss. "Pero seryose, Ate?" tanong ni Carlo. "Oo! Pinigilan lang ako nia Ethel noon.." sabi ko. "Pero 'yong kanina? Talagang may nang manyak sa 'yo tapos parang binaligtad pa niya 'yong nangyari?" "Oo! Bobo naman ni Mr. Zachary naniwala sa gago— sabagay parehomg gago ang mga king ina, tss!" inis kong saad, "Kung hindi lang dumating bodyguarda no'n talagang babaliin ko mga braso niya.." "And 'yang boss mo pinaniwalaan sinabi no'ng lalaki?" may bahid na inis na tanong ni Carlo. Napabuntong hiningang napatango ako. Nainis na naman ako ng maalala ang nangyari kanina. Tinapos namin ang aming pang midnight snack, maging si Botchok ay mero'n din. Nang makapwesto na sa kutchon, gayon din si Botchok sa tabi naman namin at may sariling kama at electric fan. Pinagpatuloy namin ang panonood habang kumakain. Pinanood din namin ang 3 installment ng conjuring maging ang iba pang mga bagong movie na na-download nilang dalawa. Mga 5 am na nang matapos kami sa panonood at matulog kaya tirik na tirik na ang araw ng maalimpungatan ako dahil sa init. Dumilat ako ng bahagya at tumambad sa 'kin ang nakapalungbabang si Mr. Zachary. Napadilat ako at napabalikwas nang bangon. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makaupo. Ibinalot ko ang kumot sa katawan ko dahil wala akong suot na bra. "Binibisita ka.." simpleng sagot niya at prenteng sumandal sa single sofa, "No need to cover that, I already saw it poking on your pajama shirt.." aniya na ngumisi. Nag-init ang mukha ko ng maisip kong kanina pa niya ako pinapanood habang natutulog. Pasimple kong kinapa ang gilid ng bibig at maging ang pisngi ko kung may tuyong laway pero wala. Mas binalot ko pa ang kumot sa katawan ko. Nilingon ko ng pwesto ng kambal pero wala na sila doon. Mula sa kusina ay lumabas si Carlo na mukhang kanina pa gising. "Oh? Nagising mo si Ate?" tanong niya kay Mr. Zachary. Umiling 'to, "Kusa siyang nagising.." "Anong ginagawa niya dito?!" tanong ko kay Carlo. "Bibisitahin ka daw niya, Ate.." sagot ng kapatid ko, ganyan din sinagot sa 'kin ni Mr. Zachary kanina, eh! "B-Bakit mo pinapasok?" kahit tunog bastos ay wala akong pakielam. Naiinis pa rin ako dito sa gagong 'to. "Sabi nina Mama, eh.." aniya bago pumasok uli sa kusina. Napalingon ako kay Mr. Zachary dahip sa mahinang pagtawa nito, "Ano tinatawa-tawa mo d'yan?" badtrip kong tanong. "You're cute when you are angry.." aniya sa mahinang boses, "Tumayo ka na at para mag-lunch na tayo.." aniya nang tumayo at nauna na sa kusina. Sinamaan ko pa ng tingin ang dinaanan niya bago ko napagdisesyonan na tumayo at magligpit ng pinaghigaan namin. Pumunta muna ako ng kwarto para makapag-bra. Minanyak siguro ako no'n habang tulog.. Namataan ko agad siyang nakaupo sa tabi ng inuupuan ko sa dining table namin. Kausap niya ang family ko lalo na sina Papa at Carlo. Agad na sinamaan ko siya ng tingin nang lingunin niya ako. Kung umakto 'to parang walang ginawa kagabi, ah? Lumapit ako kay Carla, "Umupo ka doon.." utos ko sa kanya, pinapaupo ko siya sa upuan ko. "Ha?" takang tanong niya, "Bakit ako uupo doon?" "Dahil sabi ko? Upo na doon." may pinalidad kong sabi. Walang nagawa si Carla at sinunod ang utos ko. Tinignan ako ni Mr. Zachary na parang aliw na aliw sa ginagawa ko. Baliw! "Saan ang lakad niyo?" tanong ni Mama. Natigil ako sa pagsubo at napatingin sa kanila. Ano pinag-uusapan nila? "Sa Ilocos Norte po.." sagot ni Mr. Zachary. "Naku! Nakakahiya naman at pinagpaalam mo pa si Celestine sa 'min, eh, sa work naman niya 'yan kaya ayos lang kung mag-out of town siya dahil sa work.." Namilog ang mata ko dahil doon sa sinabi ni mama. Naibaba ko ang kubyertos ko, "A-Anong Ilocos?" gulat kong tanong. "Ahh.. sabi kasi nitong si Zac ay pupunta siya sa Ilocos Norte mamaya at kasama kayong team mo.." sabi ni Papa. Wow.. first name basis na sila? Close na? "Anong gagawin mo doon?" walang galang kong tanong. Kung maka-asta kasi ay parang walang pinasasasabi kahapon. Tss. "Business, ofcourse.." sabi niya na parang hindi ba obvious na 'yon ang ipupunta niya. Nginiwian ko nalang siya, "Anong oras naman 'yan?" "Tin, bakit ka ganyan makipag-usap kay Zac? Boss mo 'yan, ah?" nakanuot ang noong puna ni Mama. Hindi ako sumagot pero si Mr. Zachary ang nagsalita. "No, it's okay, Tita.. Sanay na po ako and I'm okay with that." nakangiting saad niya sa Nanay ko. T-Tita?! Kailan pang tinawag nitong Tita ang Nanay ko? Pamangkin ba siya? Close?! "Pagpasensyahan mo na si Tin-Tin, ha? Mabait at magalang naman 'yan pero minsan tinotopak—" "'Ma!" suway ko sa kanya pero nginusuan niya lang ako. "It's okay po talaga.." sabi niya kay Mama bago ako balingan, "Dapat three pm ay nasa NAIA na tayo.." sabi niya sa 'kin. Tinignan ko pa siya ng masama pero nginitian niya lang ako bago muli kumain habang nakikipag k'wentuhan sa kambal. Pagkatapos kumain ay agad akong naghanda ng mga dadalin ko. Aniya ay isang linggo daw kami doon. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis ng maroon t-shirt, denim jeans and my convers shoes. Kahit pa paano ay nae-excite ako makapunta sa Ilocos Norte. Kahit na trabaho ang ipupunta namin doon ay nagdala pa rin ako ng mga usual na damit na sinusuot ko. Sukbit ang back pack at habang hatak-hatak ang maliit kong itim na maleta ang lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa anim na baitang naming hagdanan papuntang salas kung nasaan sila. "Tara.." aya ko kay Mr. Zachary na agad tumayo, binalingan ko sila Mama at Papa, "Alis na po kami.." binalingan ko naman ang kambal, "Si Botchok, Ah?" At binalingan ko na nga ang aso namin na nakatunghay sa 'kin, "Mag Bahave ka.." Ilang minuto lang ay nasa byahe na kami papunta paliparan. Wala akong imik, nakatingin lang ako sa labas ng bintana pero nakikita kong maya't-maya siya kung lingunin ako. "Celestine.." tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "I'm sorry.." aniya, "I'm sorry kung nag conclude agad ako at naging selfish.." Umayos ako nang pagkakaupo at humalukipkip pero nakatingin pa rin ako sa labas. "Actually, after you left last night, Nolan and I went back inside the hotel.. nandoon pa si Volt at kinakausap pa ng ibang pang negosyante. Hindi niya kami nakitang bumalik dalawa.." aniya, "..We went to security room and since I am the owner they let me see the CCTV footages. We checked it and we found out that he's been watching you since very beginning of the event and followed you no'ng nagpunta ka ng comfort room at doon ka na niya inabangan. May CCTV din sa utility room na pinagdalan niya sa 'yo at nakuhanan ang ginawa niya sa 'yo.." Nilingon ko siya dahil doon at tinaasan ng kilay, "Malamang wala kayong ginawa sa kanya?" tukoy ko doon sa Volt na gago. "We threaten him.." aniya. "Ano namang pananakot 'yan? Kala ko ba takot ka madawit ang company mo?" "Sasampahan siya ng kaso? Make his life mesirable? Maliit lang ang company nila kaya kayang-kaya kong palubugin 'yon.." "Maliit pala, eh, bakit natakot ka no'ng una? Baliw.." sabi ko. Pero dahil doon sa ginawa nila ay nawala ang inis ko sa kanya. Dinetalye niya 'yong mangyayari na kakasuhan 'yong Volt. Nakiusap daw 'yong gago kaya pinapili daw nila 'to. "Eh? Ano naman ang option?" "Sabi namin, kaso o bugbog-bugin mo." aniya. Namilog ang mata ko, "A-Ano? Bakit ayon naman ang pinapili mo?" "Kasi deserve niya 'yon.." "Ano naman pinili niya?" kuryosong tanong ko. "Bugbog nalang daw." "ANO?!" gulat kong tanong. "Bugbog nalang daw," he saod with a shrugged, "Ayon na lang daw at least 'yon, mukha niya ang masisira o magkakapasa lang siya at gagaling na kesa daw masira company na tinayo ng tatay niya.." aniya at ngumiti, "May schedule na ang pagbubugbog mo sa kanya.." Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Mr. Zachary dahil sa mga sinabi niya. "Pa'no kapag ipang-laban niya 'yon sa 'kin?!" "Mas marami akong pera at koneksyon sa kanya kaya hindi niya gagawin 'yon." Ilang minuto pa akong napatitig sa kanya, hindi makapaniwala. Baliw na ata 'to! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD