Chapter Seven: Celestine

2912 Words
MULI AKONG bumaling sa tinatawag na Uncle at Auntie nito ni Mr. Zachary. Hindi makapaniwala silang nakatingin sa 'kin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa mukha ko. "B-Bodyguard ka ni Zachary?" gulat na tanong ng ginang. Tumango ako. Natutop niya ang bibig at napahawak pa sa dibdib. Ang ginong naman at hindi rin makapaniwala. "How come? You looked like a model! I thought you're Zac's girlfriend." Ang Ginong naman. I awkwardly laugh, "H-Hehe, hindi po talaga. Bodyguard lang po ako ni Mister Zachary, wala lang siyang magambala kaya ako ho ang sinama niya rito.." "Hindi ka niya girlfriend?" tanong muli ng ginang. "Hindi po, Ma'am.." "As in?" Medyo makulit po, ane? "Hindi po talaga." Naramdaman ko ang pagpisil ni Mister Zachary sa bewang ko. Pasimple ko siyang sinamaan nang tingin. Kanina gusto ko na siyang balibagin dahil kung makakapit sa 'kin talagang lapat na lapat ang mga mainit niyang palad sa bewang ko. Anong mainit pinagsasasabi mo, Tin-Tin? Kanina rin doon sa kotse. Nagulat ako nang lumapit sa 'kin. Sobrang lapit ng mukha namin at amoy na amoy ko ang ma-mentol-mentol niyang hininga na nahalo sa lalaking-lalaki niyang pabango. Medyo natulala pa ako no'n dahil first time kong matitigan nang malapitan ang mukha niya. Talagang gwapo siya- greek god pa nga kung tawagin ng iba. He has a black wavy hair, a thick eyebrows, mahaba at makapal na pilimata, matapos na ilong, manipis at natural na mapulang labi at ang perpektong panga niya. Naagaw rin ng pansin ko ang cleft chin niya na nakapagdagdag sa malakas niyang dating. Nang sabihin niyang gusto niya akong halikan ay doon ako nagising sa pagkakatulala sa anking kagwapuhan niya. Kahit kailan talaga. Naalala ko ng bigla niya akong halikan noon sa labi. At talagang nabigla ako doon. Hindi ko siya nagawang saktan agad. One violent move, one kiss pa ang sabi niya. Tsk. Pero kahit may pagka-pervert siya, hindi ko maiwasang matuwa sa kanya dahil sa ginawa niya kanina- ibenta sa halos bago-bago pang Van nila sa halagang 400k lang! Nakita ko kung ga'no kasaya family ko nang makita nila 'yon at nang imaneho na ni Papa 'yon. "And hindi ko alam na kailangan mo pala ng bodyguard, Zac?" taas ang kilay ng Ginang na nag-ngangalang Matilda. "I need bodyguards pala.." naiilang na sagot ni Mr. Zachary at tumingin pa sa 'kin. Iki-nuwento ni Mr. Zachary kung paano niya kami nakilala ng team ko. Kinuwento niya rin kung ano ang ginawa ko sa kanya no'n. Tawa nang tawa ang mag-asawa dahil doon. "Really?" hindi makapaniwala si Mr. Noel. Nawala na naman ang atensyon ko sa kanila nang makita ang buffet table. Maraming pagkain doon pero ni isang bisita ay walang nagpupunta doon, puro inom lang sila ng wine kagaya ng mga kasama ko ngayon. Natatakam na na-ispatan ko ang mg pagkain. May nakiya pa ang carbonara at mga dish na pang mayayaman lang. "Gutom ka ba?" bulong ni Mr. Zachary bigla. Napailag ako pagkalingon ko nang makitang kung gaano kalapit ng mukha niya. Doon ko lang napansin na marami na pala siyang kausap. Mga pawang naka-suit and mamahaling dresses. May mga matatandang lalaki at babae, mero'n din na kasing edadan namin. "Who is she, Zac?" mataray na tanong ng babaeng may hawal na wine glass. Straight ang hanggang leeg niyang buhok na nahahati sa gitna. Perpekto ang pagkakaukit ng kanyang kilay, maging ang make-up niya ay nababagay sa mataray niyang itsura, ang pula niyang lipstick ay pinagmumukhang makapal ang ibabang labi. Mahiksi ang suot niyang dress. Hanggang ibabaw lang ng tuhod ang kulay kremang damit nito, at kagaya ng damit ko ay may malalim na dibdin 'yom at talagang kitang-kita ang kalakihan niyang dibdib. May slit din ang kanyang suot. At nakakalulang silver heels ang kanyang suot pangpaa na talagang pinagmukha siyang matangkad pero mukhang hanggang noo ko lang naman siya. May ibang babae rin doon na naiiritang nakatingin sa 'kin. Luh? Inaano ko kaya mga 'to? Hi-nead to foot nila ako at natigilan sila nang makita ang suot kong sneakers. "What are you wearing?" Nandidiring tanong ng isang babaeng revealing na suot- revealing lahat ng suot ng mga babae pwera.sa mga ginang. "Zac, saan mo ba siya napulot? Look at what she was wearing? Like...duh?" anang isa pang babae. Tinignan ko ang sapatos ko. Wala namang dumi at napakamahal nito kaya anong problema nila sa suot ko? Sasagot na sana si Mr. Zachary pero inunahan ko siya, "Sapatos ang tawag dito. Sneakers kung tawagin ng iba." "W-What?" hindi makapaniwalang sagot ng naunang babae, "Alam namin ang tawag d'yan, but, what we were saying is, why are you wearing a freaking rubber shoes?" "Yeah. You supposedly wear heels, girl. Hind mo ba alam ang fashion?" Muli kong ibinaba ang paningin sa sapatos ko at nag-angat nang tingin muli, "Fashion ang tawag dito." "What?!" gulat na tanong ng mga babae. Napansin kong naghihikgikan ang mga ginang at ginong pero mas malakas ang kay Ma'am Matilda, maging si Mr. Zachary at ang mga kaedadan niyang lalaki ay natatawa rin pero hindi ko sila pinansin. "Fashion ang tawag dito.." ulit ko. "That's not fashion! Ang fashion ay ito.." tinuto niya ang sarili maging ang mga babae nagtataray sa 'kin, "A dress and heels not sneakers." "What's the problem with her fashion sense, Amara?" Anang ng lalaking naka navy blue three piece suit, "It looks cool on her. And that is fashion. Ang ganda ngang tignan sa kanya at bumagay sa suot niya." "Teo was right, girls. That's called fashion. She can full off that kind of fashion sa ganitong event. She don't looked like baduy, she really looks cool on it.." anang ng isa pang lalaki na naka red suit at napapamilyaran ko! Ito 'yong kaibigan ni Mr. Zachary. "Yeah, she's really cool!" sang-ayon pa ng isang napapamilyaran kong kaibigan ni Mr. Zachary na kulot. Hindi nakasagot ang mga babae. Ang nagawa nila ay ngiwian nalang ako. Pinagkibit balikat ko nalang sila at muling bumaling sa buffet table. "Pumunta ka na doon.." bulong niya sa 'kin. Bumaling ako sa kanya at tumango naman siya, "I'll just talk to them about business. Baka na bo-bored ka na. Balik ka nalang dito." Tumango ako at bumaling sa mga kausap niya upang magpaalam. Hindi ko na sila binalingan at tinungo na ang buffet table. Malayo palang sa table ay amoy ko na kung gaano kasarap ang mga pagkain. Kumuha ako ng plate at fork. Dumeretso ako sa carbonara nila. "Good evening, Ma'am!" bati ng lalaking na na nasa buffet table. "Magandang gabi.." bati ko pa balik, "Can I have this?" turo ko sa seafood carbonara. "Sure, Ma'am." nakangiting ani 'to. Nangunot ang noo ko dahil maliit lang ang nilagay niya, 'yong tipong isang ikot lang ng tinidot at isang subuan lang. "A-Ahh. P-P'wede bang dagdagan mo?" Nakita ko ang gulat ng staff. "Po?" "A-Ano kasi.. ang konti nang nilagay mo.." nahihiya kong sabi. Napatango naman siya muling nilagyan ang plato ko pero maliit lang ang nilagay niya. Napabuntong hininga ako, "Nagtitipid ba kayo?" "P-Po? H-Hindi po.." aniya. "Eh, bakit kaonti lang nilalagay mo sa 'kin?" Napakamot ng ulo ang lalaki, "'Di ba, gano'n po kapag mayayaman, kaonti magpasandok?" nahihiya niyang tanong. Napangiwi ako, "Mukha ba akong mayaman?" tanong ko. Napakurap siya at tumango, "Opo-" "Hindi ako mayaman. Hindi ako maarte sa pagkain at hindi ko hilig mag diet kaya kung ako sa 'yo ay dagdagan mo 'to.." muli kong inilahad ang plato ko. Napatitig lang siya sa 'kin habang nakanganga. "Bodyguard ako kaya kailangan ko ng pagkain para sa lakas ko." sabi ko na sa kanya. "Bodyguard? Parang hindi naman po." "Bodyguard nga ako." "Bakit naka ganyan kayo?" usisa niya. "Ginawa akong date ng boss ko." Paliwanag ko. Napatitig lang siya sa 'kin. Mukhang hindi naniniwala. Bumuntong hininga ako, medyo lumayo ako sa table at pinakita ang suot kong sneakers. "Sa tingin mo may magsusuot na mayaman na ganito sa gan'tong event?" tanong ko. "Opo. Ikaw." sagot niya. Lumaylay ang balikat ko at muling lumapit sa table, "Bakit ba ako nagpapaliwanag? Tss. Lagyan mo na ako.". Muli siya nag-alinlangan pero umamba ako ng kaonti kaya sinunod niya ako. "Thank you." sabi ko at doon sa pwesto mismo ako kumain. "Ako pa lang ba kumukuha rito?" kapagkuwan ay tanong ko doon sa lalaki. "Opo, Ma'am." sagot niya, "Puro wine lang sila." Napatango ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos sa carbonara ay sa mga sweets na ako. Hindi ko na sinubukan pa kainin ang ibang pagkain, bukod sa hindi pamilyar, ay mukhang hindi masarap ang itsura, amoy lang ang masarap. "Nauubos ba 'tong mga pagkain?" tanong ko doon sa lalaking staff na sinundan ako. "Hindi po." aniya. "Anong ginagawa rito kapag hindi naubos?" nagtingin-tingin ako sa mga sweets na nakahain. "Pinapauwi po sa 'min," aniya at natawa, "kaya minsan po mas gusto namin na hindi kumain ang mga bisita dahil marami kami mauuwi." aniya. Napabaling ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Hindi ko alam kung masama 'yong hinihiling niya o ano, eh. Natawa siya, "Huwag niyo po sana masamain, ah? Pero wala ng re-fill po 'to kaya kapag naubos, wala ng panibago kaya wala kaming mai-uuwi.." "Ahh." napatango ako. Ako na ang kumuha ng sweets pero kinontian ko lang. Habang kumakain ay tinignan ko ang mga tao na busy sa pakikipag-usap marahil about sa business syempre. Hinanap ng mata ko si Mr. Zachary pero hindi ko siya makita maging sa dati naming pwesto. "Why are you eating alone here, miss?" anang ng boses ng lalaki sa likod ko. Nguminguyang binalingan ko 'to. Bumungad sa 'kin ang gwapong lalaki. Makapal ang kilay, dark and smoky eyes with thick eye lashes, pointed nose, a thin lips ans a stubborn jaw. Nakasuot ito ng 3 piece navy blue suit. Nakatali sa kalahati ang hanggamg balikat na bukok nito na talagang bumagay sa kanya. May hawak itong wine glass na may wine sa kanang kamay habang ang kaliwa ay nakapasok sa bulsa ng suot nitong pants. Gwapo ito, kasing gwapo pa ata ni Mr. Zachary at mukhang magkasing tangkad at laki pa ata sila ng katawan. Hindi ako sumagot dahil sa patuloy kong pagnguya ng kinakain. "Why are you alone?" muling tanong niya. Nang malunok ko na ang kinakain ay bumaling ako sa hawak na plato, "Kumakain ako.." sagot ko at nag-angat nang tingin muli sa kanya. "Hmm. I can see that but.. I'm asking kung bakit ka mag-isa," aniya, "Where's your date?" "Doon." simpleng sagot ko at bumaling nalang sa kinakain. Mahina 'tong natawa kaya muli akong tumingin sa kanya at pinagkunutan ng noo, "Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" He shake his head, "I'll just find you cool but at the same time, gorgoeus.." aniya at ngumiti sa 'kin. Hindi ko siya pinansin kaya muli siyang nagsalita. "Hmm.. guess, you didn't like heels, huh?" aniya. Nilingon ko siya at sa paa ko siya nakatingin. Nag-angat siya nang tingin. Hindi ko muli siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "First time kong makakita ng babaeng naka dress and rubber shoes.." Hindi ko siya pinansin at kumuha naman ako ng iba pang sweets na pwede naman sa chocolate fountain. "Ikaw lang din nakikita kong kumakain dito." patuloy pa niya. Naibaba ko ang hawak kong mangkok at bumuntong hininga bago siya harapin. Nagulat siya sa pagbaling ko sa kanya pero agad nakabawi ng ngumiti 'to. "What's your name, beautiful lady?" tanong niya. "A-" Pinutol niya ang sasabihin ko. "Angelica?" tanong niya, "What a beautiful name-" "Hindi 'yan ang pangalan ko.." naiinis na putol ko sa kanya. "H-Ha?" "Ang epal mo, eh 'no?" ayan ang sasabihin ko sana kanina. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa 'kin, "W-What?" "Ang epal mo kako." sabi ko, "Kumakain ako, istorbo ka. Kung ano-ano pa pinagsasasabi mo!" "Ha!" hindi makapaniwalang asik niya, "What did you say? Epal ako?!" "Oh, bakit? Hindi ba? Bigla kang sumulpot dito, kita mo nang kumakain ako tapos kung ano-ano pa sinasabi mo!" Hindi siya makapaniwala na tumititig sa 'kin. Maya-maya ay sarkasmo siyang tumawa. "You should be thankful that I approached you.." mayabang niyang saad. Nangunot ang noo ko, "Bakit ako magpapasalamat na nilapitan mo ako? Kumakain ako ng tahimik dito tapos bigla ka nalang lumapit. Istorbo ang tawag do'n." naiinis kong sabi. "Ha!" muling asik niya, "'Yong mga ibang babae naglulupasay when I approached them!" mayabang na aniya. Another ka-gwapohan yabang na naman. Parang si Mr. Zachary lang! "So? Hindi ako kagaya nila. Mas gusto ko pang mag-isa kesa may kausap!" Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya, "Hindi mo ako kilala?" mayabang na tanong niya. "Hindi." walang kagana-gana kong sagot. Bakit ganito? Kapag gwapo lumapit sa 'yo kailangan yabangan ka? Wala na atang gwapong hindi nagbubuhat ng bangko ngayon. Hindi siya makapaniwalang napatitig sa 'kin, hindi makapaniwalang hindi ko siya kilala. "W-What?" tanong niya, nililinaw. "I don't know you." mariin kong sabi sa kanya. Ngumisi siya, naiinis na ngisi, "I'm Nolan Wyatt, the CEO of W Manufacturing Company." mayabang niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay, "Oh? Eh, ano naman?" "What?" hindi makapaniwalang tanong niya muli. Umayos ako nang tayo, "Look, Mister, Kung ako sa inyo ay umalis na kayo sa harap ko kasi ako ang hindi mo kilala.." seryoso kong saad. Napamaang siya at namewang bago bumuga ng marahas na buntong hininga. Mayabang 'to ngumisi. "Why? Are you the daughter of one of the biggest companies' owner?" umayos siya ng tayo, "Ito ang kauna-unang pagkakataon na nakita kita sa ganitong event." aniya. "Hindi ako anak ng may-ari ng company, at mas lalong wala kaming company." sagot ko. Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko, "Then, what are you doing here? This event is for company owners." aniya. Napailing na lang ako at hindi ko uli siya sinagot. Bumaling nalang ako sa waiter na pinapanood kami. Ngumiti ako, "Pwedeng makahingi ng tubig?" Napakurap siya bago tumango, "O-Opo.." aniya bago umalis. "Are you a trespasser?" muling tanong nito, "Kung trespasser ka, talagang pinaghandaan mo 'tong event.." Nakakunot ang noong hinarap ko siya, "Alam mo? Hindi ko lang ako natuwa sa pinag-gagagawa mo at pinagsasasabi, kung ano-ano na sinasabi mo tungkol sa 'kin?" Hindi siya nakapagsalita kaya pinagpatuloy ko. "Ganya ba kayo mayayaman? Masyadong judgemental at masyado mag-assume!" nanlaki ang mata niya, "Hindi lahat ng tao ay kilala kayo at kailangan yabangan niyo kapag sinabing hindi kayo kilala ng mga tao." "Ma'am, Water po.." dumating ang waiter na may dalang baso ng tubig. Ngumiti ako, kinuha ito at nagpasalamat. Pinanood naman ako no'ng Nolan Wyatt na 'yon uminom pero hindi ko siya pinansin. "Miss Celestine!" tawag ni Mr. Zachary. Napatingin ako sa likod no'ng Nolan Wyatt. Naglalakad na ang naka-kunot na noo na si Mr. Zachary. Lalong nangunot ang noo niya nang bumaling siya sa likod no'ng Nolan. "What took you so long?" tanong niya nang makalapit. "Kumai—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita 'yong lalaki. "Zac?" tanong niya. Bumaling si Mr. Zachary at gulat na napatingin sa lalaki. "Nolan!" "Zac!" At sunod na nasaksihan ko ay nag'bro-hug sila at nagguluhan ng buhok. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Mr. Zachary. "Kahapon lang.." sagot nito. "Let me guess, your parents wants you to attend this event...again?" natatawang tanong ni Mr. Zachary. "Hmm.." tumango 'to, "I have no choice.." "You'll be the next CEO of your company, you really should attend this kind of events.." So magiging CEO palang pala siya? Kala ko naman CEO na. Amp! Pinapanood ko lang sila mag-usap, nakatayo lang ako at parang wala lang ako doon. "Why are you listerning to our conversation?" Napukaw no'n ang atensyon ko sa tanong na 'yon kaya napalingon uli ako doon sa lalaki. Naka-kunot ang noo nito sa 'kin. Napatingin ako kay Mr. Zachary. "Ahh, Nolan.." pukaw niya sa lalaki, "This is my date.." binitin ni Mr. Zachary ang sasabihin. Bumaling 'yong lalaki sa kanya at naghihintay sa idudugtong nito. "..and my bodyguard.. Miss Celestine." Nakita kong namilog ang mga mata nito sa sinabi ni Mr. Zachary. "S-She is your— What?!" "My bodyguard.." sagot ni Mr. Zachary. Napangisi ako nang makita ang hindi makapaniwalang ekspresyon niya sa mukha. Gusto ko rin matawa. Bumaling sa 'kin si Mr. Zachary, "And Miss Celestine, this is Nolan Wyatt, my cousin.." Oh? Kaya pala mayabang din. "No wonder.." nabulalas ko. Nagtatakang napatingin sa 'kin si Mr. Zachary, "Ha?" Napangiwi ako, "No wonder, pareho kayong mayabang dahil magkadugo pala kayo." Hindi nawala ang pagtataka ni Mr. Zachary kaya iki-nu'wento ko ang nangyari kanina. "Parehong-pareho kayo.." napailing pa ako. "Ang swerte mo, Nolan," anang ni Mr. Zachary, "Hindi mo naranasan balibagin sa sahig.." Ngayon ay si Mr. Nolan naman ngayon ang nagtataka, "Ha?" Kagaya ko, iki'n'wento ni Mr. Zachary kung paano niya kami nakilala at naging bodyguard. "Why is she your date, then? I mean, bro, you have plenty of women too.." "Why not her? Tsk.." tanong pabalik ni Mr. Zachary, "She's two in one. I have a date at the same time bodyguard! Awesome, right— Aww!" sinipa ko siya sa binti. Bumaling ako sa Mr. Nolan at medyo nagulat pa ako dahil naabutan ko siyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa at nahinto 'yon sa mukha ko. "Is kindy boring here.." bugot na saad ni Mr. Zachary. Mr. Nolan averted his gaze to Mr. Zachary, "Where's Brody and others? I saw them earlier." "Hmm. I don't know. Their dates dragged them somewhere." Kung sila ay buryong-buryo na, lalo na ako. Pagkain na lang nag'e-entertain sa 'kin. Binalingan ko muli ang kinakain ko at doon nalang ginugol ang atensyon at oras ko. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD