Chapter Five.
WEEKENDS at himalang wala kaming pasok ngayon kaya nakapagpahinga kami ng mga ka-team ko.
Nasa sala ako at nakahiga sa sofa namin habang nanonood, sa kaliwang kamay naman ay hinahaplos ko ang aso naming si Botchok sa ulo habang nanonood din. We are watching Air Bud, a 1997 family movie. Kwento 'to ng batang gustong magbasketball at ng asong golden retriever na natagpuan niya at kalaunan ay naging alaga niya. Marunong magbasketball— magshoot.
Kaya siguro nakikinood din 'tong aso namin dahil nakakita ng aso sa T.V. Ganito siya kapag nakakakita ng aso sa palabas, mapalive-action or anime pa 'to.
"Tignan mo si Buddy, oh. Galing magbasketball.." sabi ko sa aso naming busy sa panonood.
Natawa ako nang pagmasdan siya dahil tinatagilid niya ang ulo habang nakatutok sa palabas. Napailing nalang ako.
Wala ang kapatid kong kambal dahil may pasok sila pero pauwi na sila dahil saglit lang naman ang class nila. Ang parents ko naman ay nasa labas at nagtitinda na. Gusto ko man tumulong pero hindi na nila ako pinayagan.
Sa kalagitnaan nang panonood ay nagring ang cellphone ko. Dinampot ko 'yon ng hindi tinitignan kung sino ang caller saka ko sinagot.
"Oh?" bungad ko.
"Oohhh dapat, hindi Oh!" anang ng boritong boses.
Nangunot ang noo ko at tinignan ang screen ng cellphone ko. Nakitang number lang 'yon.
"Sino kang king ina ka?" tanong ko.
"Manyak mo." sagot niya sabay halakhak.
Binosesan ko siya at namilog ang mata ko ng rumihistro sa pandinig ko ang boses niya.
"Ohhhh.. dapat!" aniya na inungol ang Oh.
"B-Bastos mo, ah!" singhal ko.
Bakit ba hanggang dito sa tawag ay bastos din 'to? Manyak!
"Gwapo naman." aniya at muling humalakhak.
"Bakit ka ba napatawag, Mister Zachary?" tanong ko.
Tumikhim siya matapos tumawa, "I called because I need you to come with me.." aniya sa seryosong boses.
"Huh? Saan naman? At wala kaming trabaho ngayon!"
"May pupuntahan ako, kailangan ko ng bodyguard,"
"Tatawagan ko ang Team—"
"Ikaw lang kailangan ko." putol niya sa sasabihin ko.
"Eh?" gulat kong tanong.
"Hindi naman delekado do'n kaya ayos lang kung ikaw lang ang kasama ko." aniya.
"Hindi naman pala delekado do'n, hindi mo na kailangan ng bodyguard.." saad ko.
"No, kailangan ko ng isang bodyguard at ikaw 'yon!" pilit niya.
"Hindi ako pwede! Busy ako!" sagot ko.
"Busy? Busy sa paghiga at panonood ng movie?" panunuya niya.
Namilog ang mata ko at agad na napabangon. Narinig ko ang matunog niyang pagtawa sa kabilang linya at ang tawa din bandang pintuan namin.
Gulat na napatingin ako do'n. And there he is, standimg while laughing.
"Busy pala, ah?" panunuya niya muli pagkapasok sa bahay at nang binaba na niya ang tawag.
Ang aso ko ay tuwang-tuwang lumapit kay Mr. Zachary na ikinagulat ko. Hindi naman matapang ang mga labrador pero kasi kapag pangalawang beses palang niya nakikita ay hindi ganitong ka-excite kapag lumapit. Inaamoy niya pa 'to.
"Hi, Big boy.." aniya at hinaplos ang ulo nito.
"Anong big boy? Babae 'yan si botchok!" sabi ko.
Nagulat siya at agad sinilip ang tyan ng aso ko at natawa, "Sorry, baby girl,"
"Tss.." inirapan ko siya, "Pa'no ka pumasok dito? Hindi ka nagpaalam kela Papa?"
"Nagpaalam. Hindi na nga sana ako papasok but they insisted, so.." pagkikibit balikat niya.
"Saan ba 'yang pupuntahan mo at kailangan mo pa ng bodyguard?" inis kong tanong, wala ng paggalang.
"Event. It's business party.." aniya at walang hiya-hiyang umupo sa single sofa namin.
Our sofa looks small to him. Matangkad at malaki ang pangangatawan niya kaya nagmumukhang silya ng bata sa kanya 'to.
Napangiwi ako, "Rest day ko ngayon, Mister Zachary.." sabi ko.
"Alam ko kaya nga ako nandito kasi wala ka naman ginagawa.." aniya.
"Kasi nagpapahinga ako kaya wala talaga akong ginagawa.." nangunot ang noo ko, "Saka, hindi na kasama sa kontrata 'yan, ah? No'ng nakaraan lang kami pumayag na dalawang saturday dahil may pasok ka ng sabado.."
"Oo nga.. Sasama ka sa 'kin hindi bilang bodyguard.." aniya.
"Eh?"
"Be my date.." aniya, "H'wag ka ng mag-alala sa mga susuotin mo dahil may nakahanda na.."
Napailing ako, "Ayoko!"
"Sige na! I need a date!"
"Bakit ako, Mister Zachary? Dami mong babae, dapat isa nalang do'n!" saad ko.
Napangiwi naman siya, "Ayoko sa kanila.."
"Bakit ako kasi? Anong alam ko d'yan!"
"Kasi gusto ko— sige na! May extra fee 'to kapag sumama ka."aniya sa determinadong boses.
Natigilan ako dahil nakuha niya ang atensyon ko sa huling sinabi.
Tumikhim ako, "May bayad?" pagkukumpirma ko.
Tumango siya, "Oo—"
"Deal!" mabilis kong agap, "Sandali lang at papakainin ko na muna 'tong aso ko.." sabi ko at agad pumunta ng kusina para sumandok ng dogfood ni Botchok at maagang pakainin.
"Magiging date lang o maging bodyguard din?" tanong ko nang maramdaman na sumunod siya sa 'kin.
Nilingon ko siya na nakahilig sa lamesa namin at pinapanood ako na maghalo ng dogfood at kanin ni Botchok.
"Date.." sagot niya.
"May damit na ako?"
"Dress and heels.." aniya habang tumatango.
Natigilan ako sa huling sinabi, umiling ako, "Ayoko ng heels.." saad ko.
"Huh?"
"Hindi ako maghe-heels!"
"Why? Kailangan 'yon sa dress—"
"Tangkad ko na Saka, hindi ako sanay do'n. Madali din akong paltusin kaya ayako!"
Sa huli ay pumayag siyang magrubber shoes ako. Naka maong shorts at gray t-s**t ako, sinuot ko rin ang bagong white shoes ko.
"Let's go, Mister Zachary.." aya ko.
Shems! Kung wala lang talagang bayad 'to, hindi ako sasama, eh. Mabuti nalang at meron, mas mapapabilis pag-iipon ko sa balak kong bilin.
"'Ma, 'Pa, alis po muna kami.." paalam ko sa mga magulang kong busy sa pag-iihaw.
"Ingat kayo, ah? Text mo kami kapag nakadating na kayo sa event." nakangiting baling ni Mama.
"Okay, 'ma. Napakain ko na si Botchok.." sabi ko na nagtataka dahil sa alam ni Mama na event ang pupuntahan ko.
"Saan ba tayo?" tanong ko habang sinusuot ang seat belt.
"Sa bahay. Do'n ko pinapunta ang mag-aayos sa 'yo.." aniya habang nagmamaneho na.
Napatango ako, "Kung walang bayad 'to hindi talaga ako sasama. Mabuti nalang at meron, mabilis akong makakapag-ipon.." saad ko.
Nagtataka niyang nilingon ako sandali bago bumaling uli sa kalsada, "Why? Ano bang bibilin mo?" kuryosong tanong niya.
Malapad akong ngumiti, "Van for Mama and Papa.." napatango ako, "Plan ko kasing mag-out of town kami pero walang sasakyan, ayaw ko naman na magcommute lang kami at ayaw ko rin naman mag-arkila lang.."
"Magkano na ba naipon mo?" tanong niya.
"Nasa six-hundred-thousand na naiipon namin. 'Yong kita din nila Mama sa pagtitindi inihuhulog din namin sa bank para do'n." sabi ko.
"Brand new gusto niyo?"
"Oo pero, pwede rin na second-hand kaso, mahirap na makakita ng maayos-ayos pa." sabi ko.
"Hmm.. Actually, we have three vans, dalawa ay ginagamit pa namin pero 'yong isa hindi masyado, pero bago-bago pa 'yon.." aniya.
Napatingin naman ako sa kanya, "At..?"
"Ibebenta ko nalang sa inyo." aniya at ngumiti ng malaoad showing his perfectly white teeth.
Napabusangot ako, "Magkano naman 'yon? Baka mas mahal pa 'yan, pinatungan mo na pala.."
Hindi ba't gano'n naman ang mga nagbebenta? Pinapatungan 'yong product nila. Baka gano'n din siya.
Nangunot ang noo niya, "Masyado ng marami ang pera ko para magbenta ng kotse.." aniya at umirap sa hangin, "Ibebenta ko sa'yo ng masmababa 'yon, kompleto sa papeles at maayos ang makina."
"Baka naman sa parents mo 'yan, Mister Zachary?" tanong ko.
"Sakanila nga pero they don't mind if I sell that.." pagkikibit balikat niya.
Nakakaingganyo naman! Kung bibilin ko kaagad, posibleng makapagbakasyon kami agad? Ang kambal kasi ay malapit ng magsem-break kaya sakto 'yon!
"Tignan ko muna," sabi ko, "At magkano mo ibebenta 'yon?"
"Five-hundred-thousand pesos.. Ipapaasikaso ko na rin ang papeles para sa inyo na ipangalan ng libre.."
Napamaang ako. Is too good to be true ang offer niya!! Saka.. mukha naman hindi siya nagbibiro sa offer niya?
"Check ko muna 'yong Van.." sabi ko.
"Alright.."
Ilang sandali lang ay nakadating na kami sa bahay nila. Ipinark niya sa malaking garahe nila ang kotse niya.
"Woah.." manghang bulalas ko nang makita ang mga magagarang kotse sa garahe nila.
"Come here, nasa kabilang garahe namin ang mga Vans.." aniya nang lumabas sa kotse.
Sinundan ko naman si Mr. Zachary na naglakad lang ng saglit sa bandang gilid at huminto rin. Pinindot niya ang button sa gilid na pader at bumukas na ang double sliding door ng garahe.
Tumambad sa paningin ko ang tatlong itim na naglalakihang Van!
"Lahat 'yan ay for eightteen sitter.." aniya at tinuro ang una at pangalawang van, "Ito ang madalas namin gamitin."
"Ito ang ibebenta mo sa'kin?" tanong ko nang lapitan ko ang huling Van.
Malinis at mukhang hindi nga masyadong nagagamit— mukhang bago!
"Yup.. you can check the van," pinatunog niya 'yong Van.
Naglakad siya papunta sa Van at siya na ang nag bukas ng pinto for me, "Lima lang naman kayo, 'di ba? Marami kayong malalagay sa likod since mukhang hindi niyo naman mauupuan ang likod.."
Tumango ako at pumasok sa loob. Bagong-bago ang loob! Malinis pa at mabango.
"T-Talaga bang kalahating milyon mo lang 'to ibebenta sa 'kin, Mister Zachary?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
"Yup.." aniya at sinuyod din ang loob ng Van.
Tinignan ko ang mataas na cealing ng Van. Ito 'yong kotse ng mga artista, eh.
"Tara na sa loob," anyaya niya sa 'kin.
Nakangiti naman akong lumabas at sinunadan siya sa front door nila.
Mangha pa rin ako sa bahay nila. Napakalaki at napaka-ganda. Maaliwalas din!
Kung saan bumaling ang mga mata mo ay maaliwalas maging mag mag furniture nila na dark ang kulay ay maaliwas din tignan.
"Mom.." tawag niya nang nasa sala kami.
Nakita ko ang dalawang hindi pa masyadong katandaan. Patagilid na nakayakap ang ginong sa ginang— parents ni Mr. Zachary 'ypn.
Napabaling ang mata ng dalawa nang marinig niya ang anak.
"Oh? May date ka na?" tanong ni Mrs. Adams at binalingan ako at sumilay ang ngiti, "Celestine, Right?"
"O-Opo, Ma'am." sagot ko sa ginang.
Nangunot ang noo ni Mrs. Adams, "Pa'no ka niya inayang maging date?" tanong niya at bumaling sa anak.
Nagulat naman ako. Eh? Alam nila na ako ang date at hindi bodyguard?
"Simple lang, Mom, I just used my charms.. alam mo naman—"
"Charms? Sa itsura ni Celestine ay hindi madadala sa charms mo 'yan!" putol ni Mrs. Adams.
"Pfft.." napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagtawa.
Napabusangot na binalingan ako ni Mr. Zachary at bumaling uli sa ginang.
"Mom, pinapahiya mo naman ako sa bodyguard ko—"
"Date, Zac, Ka-date.." napailing ang ginang, "She's here, because she is your date, not a bodyguard!"
"Opo.." parang masunuring asong sagot ni Mr. Zachary sa nanay, "Oo nga pala, Mom, Dad, Ibebenta ko kay Celestine ang isang Van natin.."
"Really?" gulat na tanong ni Mr. Adams na hindi pa rin maalis ang pagkakapulupot ng mga braso sa bewang ng asawa, "Magkano mo ibebenta?"
"Five-hundred-thousand pesos, Dad.."
"What?!" gulat na tanong ni Mr. Adams
Medyo nahiya ako dahil sa gulat na tanong ni Mr. Adams. Jusko! Kahit ako naman siguro magugulat! Ang ganda ng Van mukhang bagong-bago pa, tapos sa mababang halaga lang ibebenta—
"Babaan mo pa! Mga Four-hundred-thousand mo ibigay kay Miss Celestine.." aniya.
Napamaang ako at agad na umiling, "H-Hala! O-Okay na po ako sa kalahating milyon— okay nga rin po sa'kin na mas mataas pa po tapos huhulugan ko nalang ang kulang.."
Umiling ang mag-asawa, "Nope. Mas mabababa pa sana. Ilang beses lang namin nagamit 'yon pero okay lang sa 'min na mas mura ibenta 'yon.." anang ng ginang.
Nahiya ako!
Napakamot ako ng ulo, "Nakakahiya naman po.. Pang-a-out of town lang naman po namin ng family ko.. saka.. may ipon talaga po ako para makabili ng Van."
Umiling ang dalawa, "Nope. Four-hundred-thousand na bigay namin sa 'yo.." anang ni Mr. Adams.
Binalingan ako ni Mr. Zachary, "I told you, gusto nila ibenta and mas mababa na ang bigay sa'yo," aniya at binalingan ang mga magulang, "Akyat muna kami.."
Wala akong nagawa ng haklatin niya ang pulsuhan ko at hinatak paakyat. Hindi ko maiwasang mamangha uli habang tinitugnanang staircase nila na kumikina na marmle na kulay puti na may kaonting itim na desenyo kagaya ng sahig nila.
'Yong hagdanan namin ay pitong baitang na lang at kahoy lang na pinakinis at kapag pinahiran ng floor wax at binunot tsaka lang kikintab.
Sa ikalawang palapag ay carpited floor na kulay gray! Malawak ang second floor at maraming pinto na tyak kong kwarto ang mga 'yon. Paikot ang unahan ng second floor kaya tanaw ang living room nila kapag dumungaw sa metal and glass railings nila.
Naglakad kami pakaliwa. Akala ko ay sa isa sa pinto kami papasok pero nagkamali ako dahil lumiko kami sa isang mahabang pasilyo na may mga kwarto rin!
"Kala ko ay 'yon na lang ang nga kwarto.." saad ko.
"Kwarto namin 'yong mga nandoon at guest rooms. Dito 'yong ibang guest rooms sa ibang pasilyo rin pero may isa kaming pasilyo kung saan ang entertainment, gym and kung ano-ano pang rooms." aniya at binuksan ang unang pinto.
Pumasok kami at namangha na naman ako sa laki ng kwarto.
"Dito ka bibihisan at aayusan mamaya.." aniya.
"Anong oras ba?" tanong ko habang busy na tinitignan ang walk-in closet doon.
"Six P.M pa naman.." aniya.
Napabusangot ako at nilingin siya, "Mamaya pa palang gabi 'yon tapos ang aga mo akong pinuntahan."
"Mas okay na 'yon and we will discuss about you buying our Van," aniya habang pinasadahan ako ng tingin at bumalik sa dibdib ko.
Agad ko naman siya inambahan nang sapak na ikinatawa niya. Kahit kailan talaga!!
"Let's go downstairs, we need to talk to my parents about the Van.." aniya at iginiya ako palabas.
Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makabalik kami sa sala kung saan sweet pa rin na nanonood ang parents niya.
Hindi ko maiwasan mangiti. Kahit na matanda na ay masaya pa rin. Akala ko ay ang mayayaman ay madaling magsawa pero hito at naglalambingan pa rin ang parents ni Mr. Zachary. Ganyan din ang parents ko. Always sweet to each other.
"Mom, Dad," pukaw uli ni Mr. Zachary.
Pareho nila kaming nilingon. Iginiya naman ako ni Mr. Zachary sa sofa nila, umupo siya sa tabi ko.
"About po sa Van," panimula ni Mr. Zachary.
Napag-usapan namin ang about sa papeles ng Van na sila na maglalakad at ipapangalan na sa'kin for FREE! And kung paano ako magbayad ay everyweek nalang para hindi daw ako mabigla.
Pinatawagan nila rin sa'kin sina Papa at Mama para sila na ang mag-uwi ng Van NAMIN!
"Opo, 'ma!" masayang sagot.
"Buti tapos na kami sa pagtitinda! Maliligo na kami— ATE! SAMA KAMI!!" si Mama pero narinig ko ang boses ng kambal.
"Sama na rin namin si Botchok?" tanong ni Mama.
"Hindi niyo naman masasakay 'yan sa public vehicle, ',Ma.."
"Nandito si Atong, kausap na ng Papa mo. Alam mo naman na gustong-gusto no'n si Botchok," aniya.
Si mang Atong ang kapitbahay namin na may Taxi at favorite si Botchok.
"Okay, text ko sa inyo ang address." saad ko.
Bumaling ako sa kanila na kanina pa pala akong pinapanood na kausap ang mga magulang ko.
"Pupunta po sila." sabi ko.
"That's good at para makausap na rin namin." nakangiting sagot ni Mrs. Adams.
Agad ko naman hiningi ang address nila at sinend ko sa kapatid ko.
Umalis muna si Mr. at Mrs. Adams para mag-utos sa mga kasambahay nila na maghanda na ng tanghalian dahil may dadating na bisita which is ang family ko at para na rin ipalinis ang Van.
"Ang bait ng parents mo, Boss!" manghang papuri ko ng kami nalang dalawa ang natira sa sala.
Tumango siya, "Mabait talaga kami," aniya.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, "Magulang mo po ang sinabi kong mabait.."
"Excuse me, mabait din ako. Ako ang nag-alok sa'yo no'ng Van.."
"Mabait ka nga, manyak ka naman," deretsa kong sagot sa kanya.
Napamaang at hindi makapaniwala sa sinabi ko— gulat na gulat!
"Atleast gwapo!" bawi naman niya.
Nginiwian ko nalang siya. Totoo naman, gwapo siya pero manyak lang kaya nga Gwapong Manyak tawag ko kanya, e.
"Salamat pala.." maya-maya ay sabi ko.
Kahit naman papaano nakatulong siya, kahit na badtrip ako sa kamanyakan niya.
"It's not enough," aniya sa seryosonb boses.
Nangunot ang noo ko, "Eh?"
"May bayad 'yon." aniya at ngumisi.
Ngising na kahit na bagay sa kanya ay hindi pa din pagkatiwalaan.
"Ano na naman bayad na 'yon? Sasamahan kita bilang date, hindi ba?"
Umiling siya, "Iba ang bayad ko d'yan, may sahod ka sa pagiging date ko." aniya at ngumisi uli, "Gusto kong pa-thank you mo ay.." lumapit ang mukha niya sa'kin na ikinalayo naman ng mukha ko, "Pahawak sa butt mo." aniya.
Namungay ang mata niya at nakakamatay na ngiti. Natigilan ako dahil sa itsura niya dahil grabe naman talaga ang kagwapuhan niya pero.. nagpantig tenga ko nang mag-sink-in ang sinabi niya sa 'kin.
"Sure.." sagot kong malumanay pero palihim na nag-iigting ang panga.
Nabuhayan ang mukha niya, "Really—"
"Pero sasasagasaan muna kita gamit ang Van na binili ko sa inyo. Ano, game?"
Nawala ang saya sa mukha niya at bumusangot, "Ang brutal mo talaga. Pasalamat ka nagagandahan at nasesexy-han ako sa'yo.." aniya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pansin ko talaga sa kanya ay straight-forward siya. Nakakailang lang talaga.
"Hindi pa nga brutal 'yon! Ang brutal 'yong babalibagin kita tapos sasagasaan then sasapakin— gano'n ang brutal!"
Hindi niya pinansin ang sinabi kong 'yon. Hinarap niya ang buong katawan sa 'kin. Itinungkod niya ang Kanang siko sa isang tuhod at pumalungbaba do'n.
"Anyways, saan ka natutong mag-martial arts?" pagkuwan ay tanong niya.
"Training namin." sagot ko.
"Do'n ka lang natuto?"
Umiling ako, "Elementary to highschool kasali ako sa taekwondo team namin sa school. Highschool doon ako natuto ng medyo sa boxing at judo, and the rest ay sa training na namin." sagot ko.
"Wow! Kaya pala parang walang kahirap-hirap mo akong nabalibag!" aniya na namimilog pa ang mata at bibig habang nakapalungbaba.
"Anong walang kahirap-hirap? Ano ka, papel? Sa laki mong 'yan, may muscles ka pa! Sa tingin mo hindi naubos lakas ko no'n?!" singhal ko.
Humalakhak siya at napailing, "Parang gano'n kasi dating sa'kin," aniya at ngumiti, "And, first time talagang may nagbalibag sa'kin— take note, ah? Binasagan mo pa ako ng dalawang itlog.." humalakhak siya.
"First time ko rin naman maranasan mahipuan, eh. Take note, ah? Nabasagan ko pa!" saad ko.
Nagkatinginan kami at sabay kaming tumawa.
Medyo.. medyo lang naman na maayos palang kausap pala 'to!
***