DALAWANG LINGGO na simula nang magtrabaho kami bilang bodyguard ni Mr. Zachary.
At sa loob ng dalawang linggong 'yon ay hindi siya nagbabago. Kung ano-anong kamanyakan ang lumalabas sa bibig niya.
At sa loob ng dalawang linggo ay nasaksihan ko ang pagdalaw ng iba't-ibang babae sa kanya dito sa opisina niya. At sa bawat dalaw ay pinapalabas niya ako kagaya ngayon.
"Takte! Ano kaya ginagawa talaga ng mga babae na pumupunta diyan sa office ni Mister Zachary?" kuryosong tanong ni Kenneth.
Pare-pareho kaming nakaupo sa mga sofa dito sa receiving area ng floor ni Mr. Zachary.
Tumawa ang sekretaryo ni Mr. Zachary, "Ano pa ba?"
"Walang ingay, eh."
"'Yong office ni Boss pwede niyang gawing sound proof 'yan kaya wala kayong naririnig." anang ni Elan, 'yong sekretaryo ni Mr. Zachary.
"Ay, gano'n? Kaya pala kapag walang bumibisitang babae ay naririnig namin angilan nila ni Miss Celestine.." natatawang turan ni Tommy.
Inismiran ko naman sila at tinawanan lang ako ng mga ka-team ko.
"Lakas ng tama sa'yo no'n ni Mister Zachary, Tin-tin.." Berlyn said.
"Oo nga. Mabuti nakakapagtimpi ka na?" si April.
Napabuntong hininga ako, "Hindi ko siya nasasapak pero hindi ko mapigilan na kurutin siya.."
Namilog ang mga mata nila sa sinabi ko.
"Kaya pala may naririnig kaming hiyaw na nasaktan.." anang ni Tommy.
Imbes kasi nasapakin ko— baka talagang ipasibak na niya ako— Ay, kinukurot ko siya sa braso na puno ng balahibo niya.
May mga oras kasing sinasadya niyang masagi ang pwetan ko ng kamay niya. Gusto ko siya balibagin uli pero masasayang lang ang lakas ko sa kanya dahil alam kong uulit-ulitin niya lang 'yon.
Gwapo si Mr. Zachary, walang halong kasinungalingan. Talagang gwapo siya, yung tipong mga tomboy ay mapapalingon niya, mga straight guys ay mapagmamasdan siya dahil sa angking kagwapuhan. Isama mo pa ang ganda ng pangangatawan niya.
Pero ayun nga lang.. bastos ang bunganga.
"Sa bar ang laging punta ni Boss kapag gusto niya mag-relax. Kasama niya 'yong mga barkada niya pati 'yong kapatid niya." anang ni Elan.
"Pfft.. Hindi pa pala namin naiku-kwento sa 'yo bakit kami naging bodyguard ni Mister Zachary.." saad ni Sonny, "Kasi day-off namin no'n, nagkaayaan na mag-bar kami tapos ayun, nag-aya magsayaw sa dance floor ang mga babae then si Miss Celestine parang tuod lang nakatayo sa dance floor.. and the next thing we knew may naibalibag na siya which is si Mister Zachary nga.."
Halata ang gulat at hanga sa mukha ni Elan, "Bakit? Anong nangyari at bakit mo siya naibalibag?"
Si Ethyl ang sumagot, "Hinipuan siya ni Mister Zachary, tinuhuran, sinapak at binalinag.."
"Wow.." humagalpak ng tawa si Elan.
Nagkwentuhan pa sila habang ako ay nakikinig lang. Sumasabat kung alam ko ang sagot pero mas madalas ay wala akong imik.
Tatlong oras itinagal namin sa receiving area. Sabay-sabay kaming napatayo nang bumukas ang pinto ng office ni Mr. Zachary at iniluwa doon ang sexy, sosyal at magandang babae kasunod ay si Mr. Zachary.
Napaiwas ako nang tingin ng makitang maghalikan silang dalawa. PDA ang king ina.
"Thanks for the time.." anang ng babae.
"I enjoyed your company and you know.." si Mr. Zachary.
Palihim akong napairap at napanguso. Bigla akong nainis. May mga ganyan palang mga lalaki, 'no? Sa loob ng dalawang linggo ay ganyan ang mga sinasabi niya. Tss.
Inalalayan nila Raquel at April ang bisita ni Mr. Zachary. Pinanood ko lang sila pero natinag ako ng tawagin ako ni gwapong-manyak.
"Let's get inside, Celestine.." aniya.
Bumuntong hininga ako at napangiwing naglakad papalapit sa kanya. Nasa pinto lang siya at nakahawak sa bukas na pinto. Tumigil ako sa harap niya.
"Pumasok ka na.." anang ko, walang galang.
"Hindi ka pa ba sanay? Lagi ko 'tong ginagawa sa 'yo. Alam mo na kung anong gusto ko.." aniya na nakangiti.
Muli akong bumuntong hininga at pumasok na lang. Wala ako sa mood na makipagtalo ngayon. Feeling ko hinang-hina ako, hindi ko alam kung bakit.
Naupo agad ako sa sofa at kinuha nalang ang cellphone para malibang naman ako.
Natigilan ako nang umupo siya sa harap kong sofa at inaninag ako, nakakunot ang noo, "Are you okay?" tanong niya.
Walang emosyon ang mukha ko nang balingan siya, "Ayos lang ako, bakit?" tanong ko.
Hindi ko na talaga siya ginagalang and nakikita kong okay lang sa kanya 'yon. Okay nga rin na nabubulyawan ko siya, eh.
"Wala ka kasi sa mood, babe.." aniya.
Napangiwi ako dahil sa tinawag niya sa 'kin, "Wala talaga ako sa mood." saad ko at muling binalingan ang cellphone ko.
Hanggang sa magtanghalian ay wala akong imik, hanggang sa kumakain na kami sa conference room. Tahimik lang akong kumain.
"Ang tahimiko mo, Miss Celestine.." puna ni Jun na nasa kabilang side ng lamesa.
Hindi ako sumagot at inismiran lang sila.
"'Tin, anyare sa'yo?" bulong na tanong ni Ethyl, katabi ko siya.
"Tss. Wala. Tinamad lang talaga akong magsalita.." palusot ko.
Maging ako ay hindi ko alam kung bakit ako nawalan ng mood makihalubilo ngayon. Randam na randam ko ang bagsak ang sistema ko at HINDI KO ALAM KUNG BAKIT!!
Una akong natapos kumain kaya agad kong tinulak ang kinauupuan kong swivel chair para nakalayo sa kanila.
Nahagip ko ang titig ni Mr. Zachary. Seryoso siyang pinapanood ako. Nag-iwas ako nang tingin.
Sayang ang itsura, babaero naman. tsk.
Ano kaya ginagawa nila sa loob ng opisina niya kasama ang mga babaeng nagpupunta sa kanya?
"What are you thinking?"
Nagitla ako nang bumungad sa harap ko si Mr. Zachary. Nailayo ko ang mukha ko dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" asik ko.
He just smirk at mas lalong inilapit ang mukha sa 'kin.
"Leaning on you.." aniya habang nakangisi, "Bakit ba wala ka sa mood?"
Sinamaan ko siya nang tingin, "Paki mo ba?"
Ngumuso siya at gusto kong matawa dahil hindi sa kanya bagay 'yon, "Pinagbigyan kita na hindi ako galangin. Next time, I will punish you.." aniya na may nakakalokong ngisi.
Nginiwian ko siya, as if natatakot ako sa kanya, "Ge, ge.. mister.." saad ko at tinulak ko ang swevil chair pabalik sa mesa bago tumayo.
Agad akong lumabas ng conference room pero natigilan nang may humawak sa sa braso ko.
"Wait!!" anang ni Mr. Zachary.
Pinagkunutan ko siya ng noo, "Bakit?" naiinis kong tanong.
"Let's have halo-halo, don't worry, it's my treat.."
"Ikaw na lang.." hahablutin ko na sana ang braso ko pero mas humigpit 'yon pero hindi naman ako nasasaktan.
"I'm your Boss, you should follow my order." aniya, "And besides, baka bumalik uli mood mo kapag kumain ka ng malamig.." seryosong turan niya habang papasakay sa elevator, "For two weeks, nasanay na akong inaangasan mo ako at sinasaktan. Ngayon ang tahimik mo.." aniya.
Nangunot ang noo ko, "Gusto mong sapakin kita ngayon, Boss?" tanong ko.
Mabilis siyang umiling, "Huwag naman." aniya.
Pa-ismid kong inalis ang paningin at tumingin nalang sa pinto ng elevator.
Kita ko sa repleksyon ang ginagawa niya, he's looking at my back!!
"She had a really nice ass.." bulong niya sa sarili pero rinig ko naman!
Hindi ko nalang pinansin siya at baka lalo pa akong mainis at mapatay ko siya sa sakal.
Sa lobby kami dumaan. Kaliwa't-kanan ang mga bati sa kanya ng mga empleyado niya na agad naman niyang binabati.
Isa rin sa mga napansin ko, hindi siya snob na Boss. Kung may bumabati sa kanya ay talagang babatiin niya kahit na gaano kadami sila.
Akala ko ay magkokotse kami pero hindi. Naglakad kami pa kaliwa, sa gilid lang ng building. Ilang lakad lang ay may nakita kaming kalakihang karinderya na maraming kumakain.
"Oh, Zachary!" magiliw na tawag ng matandang tindera, "Napadalaw ka uli? dalawang linggo ka hindi dumaan, ah.."
Ngumiti si Mr. Zachary, "Busy lang po sa office at marami rin kaming naging kliyente kaya wala na akong naging time para pumunta rito.." magalang na saad niya.
Pasimple kong tinaasan ng kilay 'to si Mr. Zachary. Hindi ako makapaniwalang may ganito siyang side.
Nasaan na 'yong manyak na gwapo?!
"Gano'n ba? Oh, s'ya.. Espesyal na halo-halo ba uli?"
"Opo. Make it two po.." aniya.
Nangunot ang noo ng matandang babae at binalingan ako. Namilog ang mata niya at sabay malaking ngiti. Medyo creepy lang ang itsura niya.
"Aba naman.. Nobya mo ba 'tong magandang ito?" nakangiti at may mapanuksong tinig ang matanda.
Agad akong umiling, "Hindi ho. I'm his bodyguard po.." saad ko.
Natigilan ang matanda at muling nangunot ang noo. Medyo lumayo siya para sipatin ang kabuuan ko at muling tinignan ang mukha ko.
"Bodyguard? Ang ganda mo namang babae para sa ganyang trabaho. Papasa ka pang modelo kesa bodyguard.." aniya at binalingan si Mr. Zachary, "Talaga bang hindi mo nobya 'to? Bagay kayong dalawa.." dagdag niya bago kami talikuran upang gawin ang inorder na halo-halo.
Nagkatinginan kami ni Mr.Zachary bago siya nagkibit balikat, "Do'n tayo sa loob.." aniya at naunang pumasok at dumeretso sa dalawahang upuan.
Habang naghihintay ay inilibot ko ang paningin sa buong loob ng karinderya. Malaki 'yon. Tiled ang flooring maging ang kalahati ng pader. Malinis din at maraming kumakain. Maging ang mga tindera ng karinderya ay mga nakahairnet, may mask,naka gloves at naka-apron.
"Matagal na 'to. Si Papa palang ang CEO ng company at elementary palang ako ay nandito na 'to. And because of their delicious food and clean place, lumago sila. " aniya.
Tumango-tango naman ako. Tsaka mukhang komportable naman ang mga tao dito dahil sa kalinisan at maaliwalas ang paligid.
Napatingin ako sa mga tinderang babae na maya't-maya ang tingin kay Mr. Zachary na nakatitig naman na ngayon sa 'kin.
Pinagkunutan ko siya ng noo, "Anong tinitingin-tingin mo?" mataray kong tanong.
Medyo ngumuso siya na parang pinipigilan ang ngiti saka umiling, "Naisip ko lang 'yong sinabi ni Aling Mareng.. She thaught that you're my girlfriend and sabi niya pa ay bagay tayo.."
"Naniwala ka naman? Matanda na siya, malabo na ang mata!" asik ko at pasiring kong inirapan siya.
Mahina siyang tumawa, "She's wearing glasses, e, kaya malinaw ang paningin niya.." aniya.
Inismiran ko nalang uli siya at napailing nalang sa kanya.
Nagpalinga-linga nalang ako sa paligid at talagang agaw pansin 'tong si Mr. Zachary dahil mapalalaki ay binabalingan siya.
"Ito na ang espesyal na halo-halo, Sir. " anang ng babaeng may hawak na tray.
Namumula ang babae habang inilalapag ang dalawang mangkok ng halo-halo na halatang espesyal dahil sa dami ng mga nakalagay na toppings. Ngayon lang ako nakakita ng halo-halong cookies n' cream ang flavor!
"Thank you." nginitian ni Mr. Zachary ang dalaga na lalong namula at nahihiyang umalis.
Binalingan ko uli ang halo-halo. Hindi ko maiwasan na ikumpara 'to sa korean dessert na minsan ko na rin natikman.
Hinalo ko na 'yon at gano'n din si Mr. Zachary na halos hindi na ako balingan dahil tutok na tutok sa pagkain.
Unang subo ko palang ay halos mapaungol ako sa sarap! Hindi ko aakalaing halo-halo 'to dahil parang mas marami ang ice cream at mga toppings kesa sa crashed ice. Tahimik ko 'yon kinain kahit na nararamdaman ko na nabe-brain freeze ako dahil sa lamig no'n.
Tahimik kami ni Mr. Zachary hanggang sa naubos namin 'yon. Gulat pa akong napatingin sa lagayan niya dahil simot talaga 'yon.
"Wow.." hindi makapaniwalang reaksyon ko.
Napangisi naman siya, "Mahirap kasi kung may tira lalo na't pati ang huling yelo ay masarap.." aniya at tumayo na.
Sinundan ko siya na nagpunta sa cashier para magbayad at bumili ng meryenda. Nangunot ang noo ko ng makita ang turon ata pero ang laman sa loob ay parang malagkit, ube at pandan ang kulay no'n. Marami siyang binili.
"Meryenda natin lahat 'to mamaya.." aniya pagkakuha ng supot, "Salamat."
"Balik ka uli dito, Zachary, huh? Isama mo 'yang magandang bodyguard mo.." anang ni Aling Mareng habang may nanunuksong titig sa'min.
Natawa ng bahagya si Mr. Zachary, "Sure ho, Aling Mareng.. Alis na ho kami.." aniya.
"Matagal ka na bang suki nila?" tanong ko habang naglalakad na kami pabalik ng building.
"Yes. Elementary pa ata? Sinabi ko sa'yo na matagal na sila doon, maliit pa lang ang pwesto nila. Minsan kasi nagsasawa na si Dad and Mom sa lutong canteen. Since hindi naman maarte sila sa ulam, no'ng nag lunch break lumabas sila para sana maghanap ng restaurant then they accidentally saw Aling Mareng's karinderya and Boom! Nagustuhan nila.." kwento niya, "Kaya kapag sinasama nila kami magkapatid, imbes sa canteen ng company kami kumain, We always went out just to eat in Aling Mareng's karinderya.."
Napatango ako. Hindi ko akalain na may mayaman palang ganito? Hindi maarte sa pagkain.
Hindi mahahalata kay Mr. Zachary, bukod kasi sa gwapo siya, Ka-manyakan ang nahahalata sa pagkatao niya kaya natatabunan ang kabutihan niya.
Pagkadating namin sa floor ay nagkalat na ang mga kasamahan ko sa lobby ng floor sa opisina ni Mr. Zachary.
Nagtatakang tumitig sa 'kin ang mga kasama ko na kalaunan ay may multo nang ngiti sa labi— nangangasar.
"Here.. Meryenda natin mamaya.." anang ni Mr. Zachary sa kanyang sekritaryo at inabot ang supot.
"Miss Celestine, saan kayo galing?" usisang tanong ni Tommy nang madaanan ko.
"Karinderya para kumain ng halo-halo.." sagot ko sabay turo kay Mr. Zachary na busy'ng kausap ang sekritaryo, "Libre daw niya kaya sumama ako.." dugtong ko at nagkibit balikat.
Iniwan ko na sila doon at sumunod na kay Mr. Zachary sa opisina niya na agad umupo sa swivel chair niya at nag-umpisa sa pagtatrabaho.
Naupo nalang ako sa sofa at nagcellphone nalang.
Ilang sandali lang ay nagring ang intercom ni Mr. Zachary.
"Yes?" sagot niya kaya binalingan ko siya, "Tss.. Ge.." aniya at pinatay ang intercom.
Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto. Nilingon ko 'yon at may dalawang gwapong lalaki ang pumasok. Mga kasing tangkad ni Mr. Zachary at halatang nabibilang sa mga taong mayayaman.
"Yo, Bro!" Bati ng isang lalaki na medyo kulot ang buhok kahit na nakaclean cut naman ang gupit niya.
Dumertso sila sa lamesa ni Mr. Zachary na masama ang tingin sa kanila.
"What are you guys doing here?" bugnot na tanong ni Mr. Zachary.
"Visiting you?" sagot na patanong naman ng isang naka man bun pero ang gitna lang ng buhok ang mahaba at 'yon ang nakatali.
"Wala ba kayong trabaho? Paper works sa mga company niyo?" tanong ni Mr. Zachary.
"Wala! Kaya nga kami nandito, eh.." sagot ng kulot.
"At sino 'yong mga nasa labas? Men and Women in black?" takang tanong ng naka man bun.
Hindi nagsalita si Mr. Zachary at tamad lang na nakatingin sa mga kaibigan niya.
Nilingunan ng kulot ang pinto, "Who are they—" natigil siya ng mahagip niya ako ng paningin.
Napansin din ng isa na natigilan 'yong kulot at napalingon na rin sa 'kin. Ako naman ay nagtatakang napatitig sa kanila na pinasdahan nang tingin ang kabuuan ko.
Tinignan ko rin ang kabuuan ko. Naka black suit ako at nakaputing rubber shoes. Ibinaling ko uli ang paningin sa kanila.
"Bro.." the curly haired guy trailed off habang nililingon si Mr. Zachary.
"Hi, beautiful.." anang ng lalaking naka man bun.
Napaatras ako sa kinauupuan nang lumapit 'to sa 'kin. Hindi ako nakaangal nang kunin niya ang kamay ko upang mahalikan.
"I'm Brody Montero, thirty years of age.." pakilala niya, "How 'bout you?" ngumisi siya.
Nangunot ang noo ko, "Celestine ang babali ng kamay mo kapag hindi mo binitawan 'to.." saad ko.
"Pfft—" napatingin ako sa nagpipigil na tawa na si Mr. Zachary.
"H-Huh?" takang tanong ni Mr. Baldwin.
Binalingan ko siya at binawi ang kamay ko, "I am Mistee Zachary Adams' bodyguard.." saad ko.
"Zac?" tanong niya at binalingan si Mr. Zachary na pinapanood kami.
Tumikhim siya, "Bodyguard ko siya.."
Ang kaninang laglag ang panga ng dalawa ay mas lalong nalaglag dahil sa kinompirma ni Mr. Zachary sa dalawa.
"Are you fùcking kidding us, bro? As far as we know, you don't need bodyguards.." anang ng kulot na lalaki..
Pinapanood ko lang sila. Halata sa mga kaibigan niya ang pagtataka kung bakit may bodyguards siya.
Bumuntong hininga si Mr. Zachary, "I'll explain later. Sa ngayon ay umalis muna kayo at marami akong paper works na gagawin.." mataman niyang sinabi, "Magkita nalang tayo sa bar mamaya.."
Napabuntong hininga ang kulot na lalaki bago sinunod si Mr. Zachary. Yung Brody ay nakatitig pa sa 'kin. Kung hindi pa siya higitin paalis no'ng kulot ay hindi siya aalis.
"Bye, beautiful!" paalam pa ng Brody bago lumabas ng pinto.
Napailing nalang ako at binalingan nalang si Mr. Zachary na masamang nakatingin sa 'kin.
"Ginagawa ko sa 'yo?" taka kong tanong.
"Do you like my friend?" nanliliit ang matang tanong niya.
"Eh?"
"You shouldn't like him. He is a playboy.." aniya.
"Eh?"
Hindi na muli siyang nagsalita at tinutok nalang ang paningin sa ginagawa.
Eh? Anong tawag niya sa kanya? Kung magkapagsalita 'to kala mo hindi gano'n.. Tsk.
***