Chapter1
Achilles' pov
“Damn it! you promised you would give me Leora.Not this bastard..!”
Sigaw ko.Mabilis na tumayo si Don Simeon at hinampas ang mesa.Kapwa kami naglaban ng titigan.
“Bastard? is that how you refer to your future wife?” Control of your aggresion Achilles.Baka nakakalimutan mo.Kung wala ako, hindi mo maaabot kung anong meron ka ngayon.Matuto kang tumanaw ng utang na loob..!”
Mabagsik na sigaw ni Don Simeon.
“Pakakasalan mo ang bunso kong anak at poprotektahan siya ano man ang mangyari.Anak ko siya at ibigay mo ang respeto sa kanya tulad ng kung paano mo ako irespeto Achilles.”
Nanatili akong nakatayo at nakakuyom ang mga palad.Sa laki ng naitulong sa akin ni Don Simeon wala akong karapatang tumanggi sa lahat ng iuutos niya.Tama siya, kung hindi dahil sa kanya hindi ako magiging abogado.Hindi ko maaabot ang kinalalagyan ko ngayon.Kung hindi dahil sa kanya hindi ko makukuha ang respeto ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon.But i didn't expect that he would betray me.
Wala na akong nagawa pa.Kundi ang tumalima na lang sa kagustuhan nito.
Lily Rose's pov
Hindi ito ang gusto ko.Pero heto ako nasa sitwasyong ni sa panaginip ay hindi ko napaghandaan.
Dinig ko ang bulong bulungan ng nasa paligid ko.Ang kanilang pag hanga at pagpuri sa'kin habang ang iba naman ay painsultong tumititig.Unti unti akong lumakad patungo sa altar.Ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura ng mapapangasawa ko.Pero anong magagawa ko? wala akong choice.Gusto kong mabawi ang titulo ng bahay ni mama.Yun na lang ang natitirang ala-ala niya sakin.Ayokong mawala yun.At isa pa, gustong gusto kong makapagtapos ng pag aaral.Ayokong huminto.Nangako ako kay mama.Pero anong magagawa ko? gusto ko man tuparin ang lahat ng ito pero paano? hindi naman kakasya yung kakarampot na kikitain ko sa sideline kung babalik ako sa pagtugtog at pagkanta sa mga gig.
Pero nangako si papa sakin, na kung sa dalawang taong pagsasama namin ng mapapangasawa ko ay walang pa din mabuong pagmamahalan ay hahayaan niya kong makipag divorce.Sa ngayon ang priority ko lang ay makapagtapos at mabawi ang titulo ng bahay namin.Yun ang tatandaan ko.
Unti unting tumugtog ang pianista.
Siguro kung sa ibang sitwasyon at hindi pilit ang kasal na 'to, kikiligin pa ko.Pero wala, wala akong kilig na maramdaman.Teka, asan na ba yung mapapangasawa ko?
Tanong ko sa aking isipan.May matandang nakatayo sa gilid ng altar habang kasama ang iba pang mga kalalakihan.
Huh? Lord yan ba mapapangasawa ko? eh parang lolo ko na yan eh.Grabe naman 'tong tatay ko? ba-baka tumakbo na lang ako niyan?..
Sambit ko sa isipan ko habang patuloy sa paglalakad patungong altar.Bago ako makarating ng altar ay saglit akong tumigil para mag mano sa aking ama.Dahan dahan nitong inabot ang kamay ko at tinapik iyong ng dalawang ulit.
“Lily, alam kong hindi mo naiintindihan kung bakit ko 'to ginagawa.Pero balang araw maiintindihan mo din.”
Saad niya.Kung tutuusin, naiinis ako sa kanya.Dahil kung totoong may pake talaga siya sa'kin, bakit kailangan niya pa akong pwersahin na mag pakasal sa taong hindi ko naman kilala.Eh pwede naman niya akong suportahan na lang?
Hindi ko na ipinilit pa ang mga bagay bagay.Gugulo lang ang sitwasyon.If this is the only way para makasurvive then so be it.
“Hindi po ba masyado namang matanda yang ipapakasal n'yo sakin?Eh parang lolo ko na yan papa eh.Sana naman pinilian n'yo naman ako ng gwapo at yung bata pa.Malay n'yo mainlove pa ko katulad ng gusto n'yo.”
Painsultong sabi ko.Malalim itong humugot at nag buga ng hangin.
“Pasensya ka na nga pala kung hindi makakarating ang ate mo.”
I chuckled.
“Tss, wala naman akong pakealam kung dumating siya o hindi.As if naman pupunta yun eh halos isumpa nga ako ng anak n'yong yun.”
Noong unang beses akong inuwi ni papa sa mansion, halos malula ako sa laki non at hindi makapaniwalang anak ako ng isang mayaman na lalaki.Pero tulad sa drama sa telebisyon, hindi mawawala ang kontrabida.Yung step sister ko hindi ako matanggap.Wala na s'yang ibang ginawa kundi insultuhin ako at pagtawanan.Hanggang sa lumipas ang linggo, bwan, at taon nakasanayan ko na lang ang masamang trato n'ya sa'kin.
“Wala na ho akong pakealam papa.Pakisabi sa kanya hindi ako nag hahabol ng mana.Basta tuparin n'yo lang yung pinangako n'yo saking after two years ibibigay n'yo ang titulo ng lupa at bahay ni mama.Pati na rin ang allowance at tuition fee ko sa pag aaral.”
Halos walang buhay kong sabi habang naglalakad patungong altar.
“I'm a man of my word ija.Don't worry.”
He said.
Huminto kami sa tapat ng matandang lalaki na nakasuot ng blue tuxedo.
Tama na rin sigurong sa ganitong matanda ako ikakasal.Sa unang titig ko pa lang sa kanya masasabi kong never ako mahuhulog d'yan.
“Anak this is Dante.Your husband's uncle.Pay respect.”
A-ano? hindi pala siya.So sino?
Natigilan ako ng may isang matangkad, na pigura ang paparating mula sa pintuan.His broad shoulder is intimidating.And his aura brings shivered down my spine.Is he the one im going to marry?
Bulong ko sa aking isipan.
I frozed for a moment.Nagtama ang aming mga mata.
Inabot ni papa ang kamay ko sa kanya na agad naman niyang kinuha.
Buong oras ng seremonya ay panay kabog lang ng dibdib ko.Hanggang sa inanunsyo ng pari ang salitang kiss the bride.Hindi ko alam ang gagawin ko.Itong lalaki sa harapan ko ay seryoso lang na nakatitig sa'kin.Samantalang ako, heto gulong gulo ang sistema dahil sa kanya.Unti unti niyang inangat ang belo ko.At mas lalo kong nasilayan ang gwapo niyang mukha.Wala siyang ano mang reaksyon na ipinakikita.Mabilis akong dinampia nito ng halik sa aking labi na siya lalong nag pagulo sa sistema ko.Malakas na palakpakan ang gumising sa'kin.
Natapos ang buong araw at sa wakas narito na ako sa kwarto unti unting tinatanggal ang sapatos ko at ang mga jewelries na ikinabit sa'kin kanina.Pinanlamigan ako ng makita ko ang mapupulang petal ng roses sa ibabaw ng kama.
Hindi niya naman siguro ako pipiliting gawin ito ngayon.Isa pa, kahit kasal na kami ngayon pa lang kami nagkakilala.
Natigilan ako ng bumukas ang pinto ng kwarto.
“Wench, don't think i will share a bed with you.You are nothing to compared to Leora.”
Parang may sumabog na bomba sa magkabilaan kong tenga.Hinubad niya ang suot niyang suit at itinapon lang yun kung saan.Yung mga pulang rose petals basta na lang n'ya hinawi yun na parang basura.
“I will lie in my bed, wnd you can be wherever you want.Even on a floor or in a chair. But don't you dare lie next to me.”
He said.Parang may gumuhit na sakit sa puso ko na hindi ko rin alam kung saan galing.Naikuyom ko ang kamay ko.
“And damn you.Dont even look at my direction.You disgust me.”
Tinalikuran ko ito at pinulot ang unan na at blanket na itinapon niya kasama ng mga rose petals.
“Tss, kaya naman pala di pumunta yung isa.So kayo pala dapat? no wonder, parehas kayong may saltik.”
I rolled my eyes and lie down.pero natigilan ako ng hablutin n'ya ang braso ko.
“Say that again you bastard wench..!”
“You're hurting me.Baka nakakalimutan mo, anak din ako ni Simeon, tingin mo ba magugustuhan n'ya 'to kapag nalaman n'yang sinasaktan mo ang bunso n'yang anak sa unang araw palang ng kasal n'ya?”
Natigilan ito.Agad kong binawi ang kamay ko mula sa higpit ng pagkakahawak n'ya.
“Masyado matalim yang dila mo.Nakakalimutan mo bang anak ka lang sa labas ni Don simeon?”
Natigilan ako sa sinabi nito.Dahan dahan ko itong nilapitan at tinitigan.
“Call me bastard, stupid, wench, impakta, name it.Pero ito lang ang sasabihin ko sayo, wala akong pakelam sa sasabihin n'yong lahat.After all, im just here to survive.”
Saad ko habang matalim na tinitigan siya.Dali kong inabot ang zipper ng gown ko sa likod at walang pakialam na hinubad iyon sa harapan niya.Tanging manipis na bistidang di aabot sa tuhod ko ang natirang suot ko.Nag salubong ang mga kilay n'yang pinagmasdan ako.I walked one step and kick the gown on him.Tinalikuran ko ito at inayos ang sapin sa sahig at mabilis na humiga.