bc

The Game called Capturing my Heart

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
others
comedy
sweet
mystery
like
intro-logo
Blurb

A girl gamer enters the gaming industry to have fun but also for income.

She enjoys playing with her schoolmates and some of her friends. Without letting her grades fall. She streams when she's playing, dreaming to become a famous gamer/streamer in the industry. She meets new friends every day through gaming. Until, she met a guy that's not only in the game willing fight but also willing to take the risk to win her heart.

chap-preview
Free preview
Safrina Ellis
Game? Game! Ahh wait, set ko lang pala stream ko, alam mo na. Kailangan nating magparami ng viewers. O sige sige, para sa ekonomiya ng bansa mo Saf. pfft! medyo gipit lang, alam mo namang malaki din ang naitulong sakin ng pag sstream. Nakakatulong kay mama kahit papano. Iba ka talaga! Yosh, Okay na! Let's G! Okayyyy! (3..2..1.. Match Found) Galingan mo ah! syempre naman, Safrina kaya to. Buhatin pa kita e hahahaha eto naman, nagyayabang na naman. yaan mo na ako cute naman ako e hihi     Yup. That's me. Safrina Ellis. I'm in the 11th grade at Leondale Prime Academy here in Metroville. Taray ng school ko no? NAPAKA-MAHAL DYAN SOBRA! Susme kasi si mama, kahit sana sa pulic lang ako mag aral okay lang naman. Gusto niya sa ma-impluwensyang school daw ako pumasok para pag naka graduate daw ako, madali akong makakahanap ng work. Hindi naman siya mali, actually may point naman talaga siya. Sobrang kilala ang Leondale Prime sa kanilang quality of teaching, sobrang magagaling yung mga students don. Papatalo ba naman ako? And yes! I'm a gamer s***h streamer. Hindi pa ako ganon ka sikat, pero mas importante naman kasi yung enjoyment na nakukuha ko kapag nalalaro ako. Bonus na lang yung may nakukuha ang income sa pag sstream. Pero syempre para  hindi ako makatikim ng lumilipad na tsinelas galing sa nanay ko, Hindi ko hinahayaang bumaba ang grades ko. Di naman ako ganon ka talino, sakto lang.  Nice game kagabi Saf. Tilted ako kagabi, anong nice game ka dyan Gal? Tilted ka pa non? Kulang na nga lang mag surrender yung mga kalaban natin. Nambobola ka na naman, gusto mo lang makalibre ng lunch, nakuuu! Gal, luma na yan. Nagbaon ako ng lunch ngayon. Bleeeee! Pfft! Sabi ko nga. Hindi na eeffect sayo. Oo Galgadot! Immune na ako sa mga buraot tricks mo. Hahhahaha Hahahahaha (Bell rings...) Mamayang lunch na lang Saf. Okay.       Childhood friend ko si Gal. Gal Furi, same grade lang kami and neighbors din kaya sobrang close namin sa isa't isa. Sobrang bait ng parents niya. Isipin niyo yun, pinayagan nila akong sumabay sa service ni Gal. Hatid sundo kami ng isang magandang kotse! Hmmm, mayaman po sila, kaya nga di ko maisip kung bakit nambubuot siya sakin ng lunch minsan. Pero nauuto naman niya ako, hehe. Di naman siya iba para hindi ko i-share ang blessings na meron ako. And happy ako na lagi kaming sabay kumain. Heyyy Saf! Goodmorning. Helloo Briiiiii! Good morning! Wala pa si sir? Wala pa, Late lagi yun. Di ka pa nasanay?  Sabagay. Pinanuod ko yung stream mo kagabi. Yieee sobrang galing mo! Kahit di ako mahilig sa games pero nag eenjoy ako panuorin ka, (smiles) Yaaaa? Thank you Bri. Akala ko maaga ka natulog kagabi? Hindi ako makatulog e, kaya nag scroll down muna ako tapos nakita ko stream mo. Tumambay muna ako. Love mo talaga ako Bri, lagi kang naka-support sa stream ko. Oo naman! Ikaw pa ba? Ayyy ano pala tawag sakin? Tawag sayo? Yup, hindi ba fan mo ako, viewer mo din ako. Yung ibang streamer may tawag sila sa fans and supporters nila e. Katulad ng mga vlogger. Hmmmmm. Wala pa akong maisip girl e > Safrina? Safff......? Sapphires? Sapphires kaya? Sapphire? as in blue gems? Yeahhhhh! Why not? sila naman ang gems mo kung bakit ka kumikita sa pag sstream diba? Alam mo krish? GENIUS KAAA! Ang ganda, I really like it. Sapphires. Hihi ang kinang kinang. Practice ka nga dali, kunwari nag sstream ka na. Go go! Okay okay. Ahemmm! "Good evening Sapphires! Welcome to another fun stream tonight. Thanks for your non stop support. Please do Like and Share my page. Let's G sapphires!" Kamusta? Kabog? Ang ganda girl, I'm sure magugustuhan ng mga viewers mo yan. Thanks Sapphire Bri *winks*     Brianna Lopez, my sassy classmate. Maarte  yan sobra. Pero napapunta ko sa bahay namin yan. Sa bahay namin na hindi kasing laki ng mansion nila. Only child siya, classmates kami since 7th grade, Kaya we're like sisters. But unlike Gal, medyo malayo bahay nila sa amin. Gusto ko pa namang madalas mag overnight sa kanila. Pero ini-invite niya naman ako minsan, pag weekends ganon. Hindi naman ako nahihirapang mag paalam kay mama kasi, kasama niya dati sa work yung mama ng Bri. Pareho naman kaming mabait ni Bri, kaya wala kaming issues sa parents namin. Kung ako mahilig sa video games, si Bri naman active siya sa mga school activities. Nag paparticipate din siya sa mga beaauty pageants. Sobrang ganda kaya ni sis. Support lang naman sa kanya parents niya. Si mama? nako, na sstress sakin yun nung bago bago pa lang ako sa gaming industry. Kesho wala na daw mapapala sa pag lalaro, lalabo lang daw mata ko. Magiging bobo daw ako, at marami pa. Jusko! kung sermuman ako ng nanay ko, pwede na niyang palitan si father sa simbahan. Mangongonsensya pa yan, Pano daw siya? Di ko na daw siya maalagaan. Di ko na daw siya masasamahan manuod ng movie. Drama no? Pero diko naman siya masisisi. Kami na  lang dalawa e. Pero nung nakatanggap ako ng salary sa pag sstream, sobrang happy ng mama ko at don  na nag start na suportahan niya ako. Alam ko namang alam niya na sobrang nag eenjoy ako kapag naglalaro. Minsan nga sinasadya niyang mang asar kapag alam niyang naka stream ako. Syempre sasabayan ko din siya para entertainment na rin sa viewers ko. Nag ha-hi pa yan minsan sa camera. (Bell rings...) Saf, di ako makakasabay sa inyo malunch today. Ime-meet ko si daddy. Okay Bri. Ingat kayo. Thanks, bye. Bye.     *yawns* Lunch palang inaantok na ako. Nag overtime kasi si mama kagabi kaya medyo late na ko nag log out hehe. Inayos ko na din ng konti yung mga videos ko sa page. Medyo mahiran din maging streamer. Dapat lagi mo silang inu-update. Kung hindi ako makakapag live stream, at least dapat mag post ako ng mga game videos. Mga montage videos, epic funny happenings habang naglalaro ganun. Mas nakaka attract kasi yung mga videos na hindi lang nag papakita ng skills sa game, pero napapakita mo din gaano kasaya maglaro. Na pwede itong maging bonding moments sa mga mag kakaibigan. Yow Saf! What's your lunch today. Salad, I'm on a strict diet. Hindi mo sinabing kambing ka na pala. O tapos? Gal... Tara? Saan? Sa labas tayo  kumain?  Wala akong ipang lilibre sayo, kakabayad lang namin ng kuryente. Treat ko. MAY SAKIT KA BA? *checks his forehead* Wala *pouts* gusto ko lang ng fresh air.     Pumunta kami sa pinakamalapit na fast food chain at umorder ng for to go meal. After non sa park kami kumain. Wala masyadong tao kasi tanghali pa lang. Malalalaki naman yung mga puno kaya mahangin at malilim pa rin. Umupo kami and weird, kasi kanina pa siya tahimik. Kinuha niya lang sa paper bag yung pagkain at nag umpisa na siyang kumain without saying a word. Habang tinitignan ko siya kumain, ang gwapo niya talaga. Solid yung pagkatangos ng ilong niya. Ang pink pa ng lips niya at napansin ko din yung kinakain niya... YUNG SALAD KO YUN!  Hoy! Galgadot? Bakit naman yung salad ko yung kinakain mo? Feel na feel mo pa talaga no? Nag sslomo ka pa habang kumakain. Ha? Ako nag sslomo? Kanina mo pa ko tinitignan? Pinag papantasyahan mo na naman ako *smirks* Ah.. ehh.. hindi no! Tsaka kung hindi kita titignan hindi ko malalaman na salad ko yung kinakain mo! Ikaw gumawa nito? Hindi masarap. Tsaka kainin mo na yang binili ko. Napansin ko kakapuyat mo pumapayat ka. *blushes* Ahh.. nagbawas lang ako ng konti. *kinuha ko yung pagkain niya at nag start na din akong kumain, Konti ka dyan. Hindi bagay sayo mapayat Saf.     Hindi ko na siya natanong bakit medyo weird pagka tahimik niya kanina. Kinilig kasi ako ng konti sa concern na pinakita niya kanina. Hindi ko man lang natikman yung salad ko. Hindi naman masyadong halata yung pinayat ko. si Bri nga hindi napansin. Kahit si mama. Madalas na din kasi akong nag pupuyat kakalaro.      After naming kumain, nagpahinga kami ng konti. Bumalik na kami sa school. Nandon na din si Bri. May time pa ko mag power nap. 1 hour naman kasi yung lunch break namin.  Saf *place his palm on the top of my head*  wag kang magpapalipas ng gutom, nag aalala ako sayo.  *closed my eyes and nods* Good *kisses my forehead* (Bell rings...) Saf.. Saf.. gumising ka na nandyan si ma'am. *whispers* Oh shooot! ano yon? Ha?? ayusin mo na yung buhok mo. Yeah, Thanks Bri.     Lutang akong nakatulala habang naglelecture ang professor namin. Okay lang medyo na advance review na naman ako ng mga lessons namin. Anak naman kasi ng tinapang kalbo, power nap na nga lang  nanaginip pa ko. Si Galgadot pa talaga. Aware naman akong pasok sa kanya lahat ng standards ko sa lalaki. And yeah lagi ko siyang nakakasama, nakakalaro. Normal lang naman na mag alala talaga siya sakin. Kahit naman pag nagkasakit si Bri or Gal or iba kong friends, syempre mag aalala ako. pero wag naman sana sila magkasakit. *closed my eyes* Kumatok ako sa desk ko para hindi mangyari yung sinabi ko sa isip ko, yung pag katok ko pa mabagal lang. Tok...tok..tok.. ganon. Hindi ko alam napalakas pala at nagtitinginan na yung mga classmates ko sa akin. Si ma'am din matalas na yung tingin. Habang ako clueless. Floating moments pa girl. Miss Ellis, may pinto ba sa desk mo?     Nagtawanan yung mga mokong kong kaklase, bentang benta joke ni ma'am. Ahh.. Sorry po ma'am, bigla po kasing akong kinabahan ng walang  dahilan. Baka po may mangyari na masama kaya kumatok po ako. Oh! Okay, everything will be fine Miss Ellis. Don't think too much. Thank you po ma'am.     Oh Jeez, nakagawa pa ako ng bagong pamahiin. Awit. At mukang napasama ko pa yung sitwasyon. Nag aalala sakin ngayon  lahat ng kaibigan ko. Kasi naman Galgadot e whaaaaaaaaaaaa! Hey Saf! Heyy Gal *I replied as cold as I can* Kamusta naman pakiramdam mo? Ano ba naging dahilan bakit ka kinabahan bigla, malayo pa naman exam ah? Amazing ka no Gal? I'm dead serious. Pfft. Bilis mo sa mga balita ah. Nawala naman agad. Okay na ako.  Syempre naman *smiles* Ganon ba talaga pag bigla kang kinabahan? Kakatok ka dapat? ngayon ko lang nalaman yon. (Jusko! nang aasar ka ba talagang kumag ka. Tatawa tawa ka pa dyan. Kung pwede lang talaga kitang sipain *grins*) Narinig ko lang din yun *pouts* Oh nandyan na pala si manong, Tara na     Tahimik lang ako habang pauwi, iniisip ko pa din kasi yung kahihiyan na nagawa ko kanina. Baka mag alala din si mama. Hindi ko namanlayan malapit na pala yung bahay namin. Mauuna kasing madadaanan yung bahay namin, kaya mauuna akong bumaba. Nag paalam na ako kay Gal at nagpasalamat sa driver niya.  Naka lock pa yung pinto. Wala pa si mama, around 7 or 8 pa siya nauwi. Pagka bukas ko ng pintuan si Noah ang sumalubong sakin. Pusa naming siamese, All white siya kaya napakasarap niyang i cuddle. Binuhat ko siya at niyakap habang na akyat ako sa kwarto ko. Humiga muna ako saglit bago magpalit ng pambahay na damit. Dahil madalas late na umuwi si mama, natuto na din akong magluto. Alam ko din namang pagod na si mama galing sa work kaya ako na ang ngluluto ng hapunan namin. Nabawi naman si mama sa almusal. Lagi niya din ako ipinagluluto ng babaunin ko sa school. Dahil nga sosyal yung school na pinapasukan ko, malamang mahal din yung pagkain don. Allowed naman kami kumain sa labas or magbaon.      Pagka baba ko nag patugtog muna ako bago magluto. Sobrang tahimik naman kasi. Para na din maiangat ko yung mood ko sa kahihiyang nagawa ko sa school kanina. Mga upbeat songs ang pinili kong kanta. Para mabuhayan ako ng dugo.     Tumingin ako sa ref ng pwedeng lutuin. May shrimps pa kaya buttered shrimps na lang lulutuin ko. Tsaka madali lang ding lutuin. Medyo hindi pa kasi ako ganon kagaling pagdating sa pagluluto. Iilan pa lang din ang alam kong mga putahe.     So ayun, habang nag hihiwa ako ng bawang at sibuyas, sumasayaw sayaw pa ako. Fini-feel ko yung music, nag li-lip sync pa ko. Alam ko namang si Noah lang ang nakaka witness ng loka loka kong side. Hanggang sa maluto na yung ma shrimps, tinikman ko pa at napa kiss sound pa ako sa sobrang sarap. Pagbaling ng ulo ko sa bintana, takte may tao. MAY TAO! Nakalimurtan kong isara yung bintana, yung kurtina lang na naka buhol yung tumatakip doon. Naglakas loob akong silipin, hawak hawak ko yung pan na pinalutuan ko ng hipon.(Naisalin ko na sa plato yung shrimps) Dahan dahan akong lumapit para di malaman ng tao na yon na mahahampas ko talaga siya. Sinilip ko yung bintana, kaliwa't kanan at pati yung ibaba. Walang tao. Shemayy naman baka nakita niyang kumakanta't sumasayaw ako na parang baliw. Arggghhhhhh! (Door bell rings..) Omg! baka si mama na yon.     Dali dali akong naglakad papunta sa pinto para buksan ito., nilock ko kasi, hindi ko kita yung main door mula sa kusina, baka may pumasok bigla. *Door bell rings* Ang kulit naman narinig ko na nga, nag door bell pa ulit haysss. Bubuksan na po, wait lang! *opens the door* Heyy Saf *laughs* Oh...Hi ...Gal...     

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
550.1K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
782.7K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
16.6K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.5K
bc

The Lone Alpha

read
122.8K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook