Bubuksan na po, wait lang!
*opens the door*
Heyy Saf *laughs*
Oh...Hi ...Gal...
(Sa tawa niyang yun napagtanto kong siya yung nasa bintana kanina, tamang tama hawak ko pa yung pan, joke.)
Oh hi....Gal. Anong pinunta mo dito?
(patay malisya muna ako, baka mali yung hinala ko)
Nag dinner parents ko kasama yung client nila. Anong ulam niyo. Naammoy ko mula sa bintana na ma-sa-rap yung ulam na ni-lu-lu-to mo. *laughs*
(Ay sira ulo ka, Ikaw nga yun *grins*)
Pasok ka, Ahh.. Ehhh.. buttered shrimps. Nakain ka ba non.
E kung nag EFFORT ka para lutuin yon bakit hindi, tsaka mukang binuhos mo LAHAT NG ENERGY mo para maging masarap yung shrimps *laughs*
ANAK KA NG TOKWA! IKAW YUNG NASA BINTANA NO? GAANO KATAGAL KA NANG NANUNUOD?
Seccrreeeeetttt. Ano? pwede akong makikain?
EWAN SAYO GALGADOT!
Tumingin ako sa orasan, 8 na din pala. Wala pa si mama, baka nag overtime na naman yun. Kaya sumabay na ko kay Gal kumain. Pero at least si Gal lang nakakita maitatago niya naman siguro yon. Naghahain na ako ng pagkain, habang siya kina cuddle si Noah. Nilagyan ko na din ng cat food yung pakainan ni Noah para sabay sabay kaming taltlo kakain.
Wala pa mama mo?
Nag overtime yun.
So every night, ikaw ang nagluluto?
Uhumm.
After kumain umupo muna kami sa sofa. Hinihimas himas namin si Noah. Effective pang tanggal ng stress ang mga pets.
Mag lalive stream ka tonight?
Yeah, After maghugas ng pinag kainan natin. Ikaw? hindi ka ba uuwi para makapag laro na tayo?
Tahimik yung bahay, Dito na lang muna ako. Masigla yung music, nakaka enganyong SU-MA-YAW. Hahahaaahah
LOKO LOKO KA! So kanina ka pa nga nanunuod.
Yup kanina pa, na video ko mulang umpisa hihi *smiles* oopppss
ANOOOO?? KUMAG KA! Nasan yung phone mo?
Kinapkapan ko siya at chineck ko yung bulsa niya, pero hindi ko makapa. Hindi naman siya pumapalag habang kinakap kapan ko siya. ini- spread pa niya yung arms niya habang nakangiti. Nang aasar talaga siya. Pero sa isang side ng utak ko gusto ko siyang yakapin. Since naka spread na yung arms niya hehe. Pantasya pa girl. Andaming happenings ngayon araw! Kakapain ko sana yung bulsa niya sa likod niya kaso napansin kong nawala yung mapang asar niyang mukha at bigla niya na lang akong niyakap. My ghooodd ambango niyaaa! Lahat ng pagod at iniisip ko nawala nung yakap ko siya. Pero ang weird, katulad kanina nung lunch break. Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa maging komportable na siya.
Okay ka lang Gal?
Yup, napansin kong chinachansingan mo ko kaya niyakap na kita. Ako na nag adjust, swerte mo *laughs*
(Bumalik na naman sira ng ulo niya, may problema ata to sa utak e)
May saltik ka din no! wala ka namang balak ikalat yung viedo diba? hehe
Malay mo matuwa viewers mo dito?
HOY GALGADOT WAG MO SIRAIN CAREER KO!
Saaaaaff.., admin ako sa page mo diba, *evil smile* kasi diba sabi mo madalas mong makalimutan password mo. Kaya ginawa mo akong admin?
GALLLLLL???!
Okay, Kalma. ganito na lang, create tayo ng poll, kung gusto nilang makita yung HIDDEN TALENT mo o hindi hahahaha
Nakakahiya naman kasi Gal.
Kay noah di ka nahiya? ha? Saf, nakakaawa naman ang mga inosenteng mata ng pusa. Oh Noah come here buddy, I'm sorry sa nakita mo kanina ahh. Baka di ka makatulog, mapanaginipan mo pa yung amo mong sumasayaw. Whahahahahaha.
*shcoked face* Tuwang tuwa ka talaga no Gal? Happy ka na ha happy?!
I'm so happy *serious face* Thank you Safrina.
Hueh?
(Bipolar ata to or may multi personality disorder)
(Door bell rings...)
Si mama na yan, buksan ko lang saglit.
*opens the door*
Kamusta work mama?
Okay naman, Oh nandyan pala si Gal.
Good evening po tita *nagmano*
Sinabayan po ako ni Gal kumain. Hindi pa din daw kasi nauwi parents niya.
Do you want to stay here for tonight?
Ahh.. wag na po tita, sasamahan ko po sa stream si Saf. Mauna na din po ako nyan? Kasama ko naman po si manong.
O sige iho, mag iingat kayo.
Salamat po tita.
Ma, akyat na din po ako, para maaga ako matapos. Pinag tira kita ng ulam dyan, Tapos magpahinga ka. I love you ma.
Okay sige anak, I love you too. Galingan mo ah.
Pumanik na ko para mag set ng stream. Chineck ko muna kung may school papers na ipapasa bukas, thanks god wala naman. So nag online na ako to ask Gal kung ready na siya. Weird kasi di pa siya online, baka hindi pa siya nakakauwi. Gumala pa siguro yun sabi niya kasama niya si manong e. Minabuti ko na ding mag iwan ng message sa kanya.
"Good evening Sapphires, Welcome to another stream tonight. And yes! my loyal viewers, napag isapan ko kanina na dapat may itawag ako sa inyo. Sapphires are blue gemstones, kayong mga viewers ang gems ko sa aking career dito sa gaming industry. Kayo ang reason kung bakit nagpapatuloy akong maghatid ng entertainment and of course enjoyment while playing. Shout out to my bestie and isa din sa sumusuporta sakin... Hi Sapphire Bri, siya po ang nag bigay ng ideya sa name niyo.*smiles* And oh! Ang lungkot naman kung solo lang akong maglalaro, comment down your id para makalaro ko kayo. Of couse, don't forget to LIKE and SHARE our stream for tonight. Let's G Sapphires."
Napansin kong nanunuod si Gal sa stream ko, kaya naisip kong online na siya. Pero di ko na muna siya inaya. Nag game ako kasama ng mga sapphires. Ang sarap sa feeling na may na eexcite na makasama ako sa laro. Minabuti ko namang mabibigyan ko ng chance ang karamihan sa mga sappphires na makalaro ako. Lumipas ang dalawang oras na kalaro ko ang sapphires. Sobrang nag libang ako kaya nakalimutan ko nang ayain si Gal. Exactly 10 pm na nung chineck ko yung oras. Hindi naman siya online, he was active 2 hours ago. Mukang sinilip niya lang talaga kung nag stream ako. Nag paalam na ako sa sapphires and nagpasalamat sa mga nakalaro ko, at in-end ko na yung stream. Sumandal ako sa upuan ko at nag buntong hininga. Ano ba kasing problema niya?
(phone rings...)
Tinignan ko yung notif na natanggap ko. And guess what? Gumawa na ng poll yung kumag na yon about don sa hidden talent ko kuno. At jusko ano pa bang aasahan ko, andaming nag vote don na ipost na yung video ko.*grins* May nagmemessage na din sa page ko about don. Humanda talaga yung kumag na yon bukas. Aiishhhhhh!
I turned off my computer at inimis ko na yung kalat ko. Sino ba namang hindi kumakain habang naglalaro? Bumaba na ako at sinilip si mama. Mahimbang na ang tulog niya, ni hindi siya nakapag palit ng damit. Sobrang pagod niya siguro. Factory worker si mama. Halos 12 hours siya nagtatrabaho sa isang araw, trabaho bahay lang ang iniintindi niya. Kaya naman hindi ko siya binibigo sa pag aaral ko. Though wala na si papa, nag iwan naman siya ng tahanang masasabi naming amin. Kung nasan ka man papa, mahal na mahal ka namin ni mama. Sobrang miss ka na namin. Nakatulog na pala ako kakaisip kay papa.
(alarm clock rings...)
Anak? gising ka na ba? Mag almusal na tayo.
*yawns* opo ma, ligpitin ko lang po higaan ko.
Maaga lagi nagigising si mama para magluto ng almusal. Nasanay akong kanin or fried rice ang umagahan, di kasi natalab sa tyan ko kapag tinapay lang ang inaalmusal ko.
Oh, anak, kamusta stream mo kagabi?
Ayus lang ma, maaga po ako natapos. Walang school works kaya diretso stream na po.
Good to hear anak. Hmmm, mamaya na ako kakain ng madami *tumayo sa upuan niya* mag gogroceries na muna ako.
O sige ma. ingat po.
Salamat anak, ubusin mo yang pagkain mo. Yung lunch mo pala okay na ilagay mo na lang sa paper bag.
Thank you ma *smiles*
Pag alis ni mama, tumunganga muna ako saglit hehe. Walang pumapasok sa utako ko kundi hangin, kaya palutang lutang na naman ako. Natauhan lang ako nung kinakain na ni Noah yung ulam ko. *yawns*
Naligo na ako at nag ready for school. Chineck ko muna lahat ng saksakan kung may appliances pang nakasaksak. At syempre nilagyan ko na din ng pagkain yung pakainan ni Noah at pinaltan yung tubig niya. Nilock ko na yung pinto at lumakad ako papunta sa gilid ng kalsada. Nakatulala kong inantay yung service ni Gal. Medyo maaga pa din kasi.
(car horns...)
San na nakarating utak mo Saf?
Ha?? Ahh .. Goodmorning Gal. Hello po manong.
Sumakay ka na.
Yup, thanks.
As ussual, fresh si Gal, mas gwapo siya. Lagi naman siyang gwapo e. Madalas siyang nagbabasa habang nasa loob ng sasakyan. Yup, mahilig siya sa books. Hindi na rin nakakapagtaka kasi napaka talino niya. Kaya nga daw nahilig siya sa games. Kasi kailangan ng strategy para manalo. Hindi lang basta skill ang labanan. well true naman yon. Kaya minsan pag palutang lutang yung utak ko, madalas talo ako o di naman kaya magaling lang mga kakampi ko kaya nananalo pa din hehe.
Kamusta stream mo? nag enjoy ka naman?
uhuumm. Ikaw bakit hindi ka naglaro kagabi? Sabi mo na pa naman uuwi ka para masamahan mo ako maglaro pfft!
Hahahaha, wag ka na mag tampo. Pina sunod ako ni mama kung saan sila kumain kagabi.
Ahhh okay, sorry. Wala naman pala akong karapatang magtampo. Akala ko kasi tinulugan mo lang ako.
Ganun ba? *napakamot sa ulo niya* Decided na yung sa video mo hihi *smiles*
Ha??
Nakita mo na naman siguro yung votes sa poll diba? Mhehehe. Mamayang gabi ko na ipopost. I eedit ko muna ng konti.
Loko loko ka talaga, pero okay lang. Cute naman ako lagi pfft.
Cute ka naman talaga e *smiles*
*blushes* Agang aga GAl ah, wala kang mabuburaot sakin!
Hindi naman ako nambuburaot. Hahahaha
Mabilis lumipas ang araw na yon. Katulad ng ibang ordinaryong araw. Chichikahin ako ni Bri, aasarin ako ni Gal. And the rest, school works na. Palapit na din ang mid terms, kaya madaming paper works and projects. Weekend na din pala bukas. Busy na ang lahat para magprepare sa exams. Ako naman kadalasan pag may hindi ako na gegets sa mga lessons, nag papa-tutor ako kay Gal. At minsan naman, nag oovernight ako kila Bri para mag review. Group study at bonding na din namin.
Nakatayo na kami ni Gal sa tapat ng school gate, hinahantay na lang namin si manong dumating. Nakaka ilang tumayo next to him, matangkad kasi siya. Hmm ako? aaminin kong medyo cutesize ako. At least cute.
May gagawin ka ba pag uwi mo Saf?
Ahh...Wala naman, magpapahinga lang. Ah! papakainin ko pala si Noah. At bakit na naman Galgadot? *raised my eyebrows*
Gusto mong kumain sa labas?
(Huuueehhh? Inaaya niya ako lumabas? Date ba to? >~
Hmmm.. Daanan muna natin si Noah sa bahay.
Okay, wag mong isiping date to ah *smiles* alam kong crush mo ko *winks*
Ha? Ah .. Eh.. Hindi naman yun nasa isip ko, assuming ka *look away*
(Hindi nga ba talaga?)
Wala pa kasi sila mama niyan sa bahay *sighs*
(Mukang may problema talaga tong kumag na to hayyy)
Sabado naman bukas. Okay lang malate ako ng konti sa pag uwi, mag memessage na lang ako kay mama.
The best ka talaga Saf! *pinches my cheeks* Anong gagawin natin?
Aray ko! Ewan ko sayo! Ikaw nag aya diba?? Tsaka pwede ba, wag mong kurutin pisngi ko grrrrr.
Hahahaha fine *evil smile* Alam ko na! Ako bahala diba?
Yup, wala din naman kasi akong pera e pfft.
Okayyyyy! Nandyan na si manong, tara na!
Di ka naman mukang excited no?
Hinila niya ako papuntang sasakyan. Hindi naman sa napilitan akong sumama, minsan lang saltikin to para mag aya. Gusto ko na ding usisain kung ano ba talaga reason kung bakit ang weird niya nitong mga nakaraang araw. Last night lang niyakap ako ng walang dahilan, nahihiwagaan na ako na kinikilig. Pero syempre baka mamaya malala na sira ng utak niya. Habang nasa sasakyan, kinuha ko na yung phone ko para mag iwan ng message kay mama. Tumigil muna kami sa bahay, bumaba din si Gal para makita si Noah. Ni-refill ko na yung pakainan at lalagyan ng tubig niya. Nagpalit na din ako ng damit na komportable ako.
Let's go Gal?
Cute mo talaga *winks*
Wag ka na ngang mambola please? Tsaka alam ko naman na cute ako. *flips my hair*
Hahahahahaha
Tinatawa tawa mo? Tara na kaya?