CHAPTER 5

1298 Words
CHAPTER 5 "Ano bang pinagsasabi mo Clyde? Marami ka lang bang nainom o may iba ka pang tinira bukod sa alak?" Chris with his deadly glare as he questioned him. Galing pa siyang Palawan, at wala pa sana siyang balak umuwi. Lalo pa ngayon na may nangyaring hindi niya inaasahan. Nagkataon pang ngayon ang kasal ng kaibigan niyang si Kirito kaya hindi pwedeng hindi siya umuwi at dumalo. Kaya kahit mukang nakipagtuos siya kay Satanas at muntik ng ma-late, still he manage to attend the wedding. It's better late than never, ika nga. Tapos ngayon ito si Chris, na kung maka-react sa sinabi niya akala mo talaga baliw siyang nagkwento. "I'm asking you, Buenafe! Care to tell me kung gumagamit ka na ng ipinagbabawal na gamot, dahil ako talaga mismo ang magpaparehab sayo impakto ka!" "Are you f*****g kidding me? Saan mo naman nahagilap 'yang pinagsasasabi mo. Anong palagay mo sa akin nasisiraan ng ulo?" inis na tugon niya. "Hindi pa ba?" nakakainsultong tanong nito. Kaunti na lang malapit na talaga niya itong bigwasan. Pasalamat na lang ito at nasa loob sila ng simbahan. "I'm dead serious, Chris. I saw her, with my own eyes. I hugged and kiss her." nakatungong saad niya. Hindi siya pwedeng magkamali. He saw Regan in flesh. He hugged her, damang dama niya ang init nito. Kaya imposibleng panaginip lang ang lahat ng iyon. He even kissed her and she kissed him back. "Seryoso?" may pag-aalinlangan pa rin sa boses ng kaibigan, pero nararamdaman na niyang nakuha na nito ang kaseryosuhan niya. "Yeah dude! I'm sure of it." "Pero Clyde, limang taon na siyang hindi nagpapakita. Tapos bigla siyang susulpot at sasabihin mong niyakap mo siya at hinalikan. That's absurd dude! I'm sorry pero ang imposible lang talaga." Tiningnan niya nang matalim si Chris. Pero sa huli siya rin ang nagbaba ng tingin. Tama rin naman kasi ito. It was imposible na bigla na lang susulpot si Regan sa kwarto n'ya after five years. Ano 'yon magic? Tapos bigla na lang din itong nawala at hindi na niya makita pa sa lugar. Pakiramdam niya nababaliw na talaga siya. Miss na miss na niya si Regan, but it wasn't like this na parang nagha-hallucinate na siya at nakikita ito. Sa loob ng limang taon, why now? Pinarurusahan pa rin ba siya nito sa kasalanang hindi naman talaga niya ginawa. Why she didn't even give a chance? Kung hindi lang ito umalis at nawala. Kung hinayaan lang sana siya nitong magpaliwanag. They could've been happy now. Baka kinakasal na rin sila ngayon katulad ng kaibigan niya na hinihintay na ang babaeng mahal nito habang naglalakad palapit. Arrghhh! He envy his friends for having the woman they love. "Are you f*****g crying?" mahinang tanong ni Chris. Bahagya pa itong dumikit sa kanya para siguraduhin. "Nope! Of course not. Why would I?" "Ok lets pretend that I've never seen that tears coming from your eyes, dude," ani nito pagkatapos siyang abutan ng panyo. Chris wouldn't tell anyone about this. Sa kanilang lahat si Chris ang mas nakakaunawa sa kung anong pinagdadaanan niya. He's been there. He knows all his pain. "I'm going back to Palawan after the wedding," seryosong saad niya. "Can you at least join us on the reception?" ani nito sa kanya. Gusto na niyang bumalik agad sa Palawan para hanapin ang dalaga. Baka kasi pag pinatagal pa niya mawala na naman ito ng tuluyan. "Only at the reception dude, after that I'll have to go." Sabihin na nilang nagmamadali, pero iyon ang totoo. He wouldn't risk the small chance he have to see Regan again. Isipin na nilang nababaliw siya, alam niya sa sarili niyang si Regan iyon. The smell, the warm of her body, the kiss they shared. The feeling that he is longing to feel again. Lahat yun andun, lahat yun naramdaman niya ng gabing yun. Natapos ang kasal na parang wala man lang siyang naunawaan sa naganap. Wala ang isip niya sa nangyayari sa paligid. Ni hindi niya napansin at nagpatianod na lang siya sa kung saan siya bitbitin ni Chris. Wala naman silang pupuntahang iba after the wedding kung hindi sa reception. Magkakainan lang naman ang mga tao at magsasaya. Habang s'ya, tahimik na lumilipad ang utak sa kung saan. Maggagabi na rin nang mapagpasyahan na talaga niyang magpaalam sa mga ito. Good thing na wala ni isang kumontra. Wala ni isa sa mga ito ang nang-asar sa kanya, bagay na ipinagtaka rin niya. "Sige dude, have a happy honeymoon, best wishes sa inyo ni Maita." bati niyang muli kay Kirito. "Thanks dude, mag-iingat ka! Don't forget to call us if you need anyone. Nandito lang kami palagi," saad ni Kirito sabay tapik pa sa balikat niya. "What's with that huh? Para namang may mangyayaring masama sakin. Mga baliw talaga kayo! Babalik lang ako sa Palawan at may kailangan akong tapusin na trabaho dun ok!" saad niya. "Oh bakit nag-iexplain ka pa? Layas na!" untag ni Chris. Bumalik nga siya sa Palawan, pero sa kamalasan wala rin siyang napala. Kahit halos halughugin na niya ang buong resort at ang mga katabi nito. He can't find anything. No f*****g traces. No Regan Park at all. "Damn it! " mura niya habang tinatanaw ang dagat mula sa beranda ng hotel room na kinalalagyan niya. Nababaliw na ba talaga siya kaya inakala niyang nakita at nayakap niya ang dalaga. Kung imahinasyon lang niya iyon, why it feels so real? Bakit damang-dama niya ang pagtugon nito sa halik niya? Ipinilig niya ang ulo. Sumasakit na kasi ito sa sobra niyang kakaisip at pagod. It won't help. Antagal niyang nilibang ang sarili niya sa trabaho at sa kung ano anong bagay just to get rid of this thoughts in his mind. Tapos ngayon bigla bigla makikita niya ito. Well hindi nga siya sigurado sa bagay na iyon. Pero heto at ang laki ng impact sa sistema niya na pilit niyang binubuo. "Where the hell are you, Mhine?" bulong niya sa hangin. Hoping it could reach her. He missed her so damn much, and it kills him every time. Papalubog na naman ang araw, bukas magbabaka sakali siyang makita ito ulit bago siya bumalik sa Manila. Hahanapin niya ang dalaga sa lugar. Alam niya sa sarili niya na totoo at hindi panaginip ang gabing iyon. He heard, Regan's cry, telling him how much she hates him. And he hate himself even more. Kahit lango siya sa alak ng gabing iyon, alam niyang hindi hallucination ang taong yakap niya. It was Regan Park. His beloved. Pabalik na sana siya sa higaan nang tumunog ang mobile phone niya. It was Chris whose calling. [Hey, kumusta? Did you found her?] Nalungkot ang muka niya sa tanong na iyon. "Not yet, but I still look for her tomorrow." [Pinapagod mo lang ang sarili mo dude! Better get rest, lasing ka na naman ba?] "Nope, I'm not!" pagtanggi niya. "Just a little bit tipsy but I'm fine." [Want me to come over? Hindi naman ako busy dito. Saka medyo boring, wala naman akong makulit. They all busy. Kirito is on his honeymoon. Si Olsen naman busy sa mga anak n'ya. Si Malco naman ayon subsob sa kakahanap dun sa nagnakaw nung invention n'ya.] "Ano naman gagawin mo rito? Ako lang ang bwebwesitin mo ganun? Wag ka nang pumunta ok!" saad niya. [Ouch huh! Ang sama talaga ng ugali mo.] Natawa na lang siya sa kaibigan. Alam naman niyang pupunta pa rin ito kahit na sinabi niyang huwag. He know Chris at alam niyang nag-aalala na naman ito na baka kung ano na namang gulo ang sapitin niya. Chris Schneider, is the very first person and the only one who seen his breaking point. Para na niya itong kapatid. [I packed my things already, I'm joining you there. Wait for me buddy!]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD