bc

Falling to my Professor's Fiance (SPG)

book_age18+
124
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
love-triangle
manipulative
mistress
bxg
kicking
city
lies
affair
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Ang sabi nila hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng mga magulang niya ngunit iba kay Devine. Lumaki siyang ipinamumuka ng mga tao na isa siyang produkto ng pagkakasala. Anak ng kabit.

Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya gagaya sa kanyang ina.

Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana. Dumating sa buhay niya si Harden Zamora ang lalaking nagmumura sa ka-gwapuhan at karisma. Pilit man niyang pigilan at iwasan ang tukso ay ito mismo ang lumalapit sa kanya.

Paano pa mangyayari ang ipinangako niya sa kanyang sarili kung nagmamahal na rin siya sa lalaking may pananagutan na sa iba.

Magagawa ba niyang layuan ito kung malaman niya na ang lalaking mahal niya ay pagmamay-ari na pala ng taong importante at mahalaga sa kanya ang kanyang propesora na walang ginawa kundi ang mahalin, ipagtanggol at iturin siyang tunay na kapatid.

Maatim ba niyang lokohin ito kasama ng fiance nito at nobyo niyang si Harden dahil sa pagmamahal?

Hanggang saan sila dadalhin ng pagiging mapusok nilang dalawa ni Harden?

Ating tunghayan ang kahihinatnan ng makasalanang pag-iibigan ni Devine at Harden.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Devine pagkasara pa lang ng pinto ng condo ni Honeyleth. Napasapo ang dalaga sa pisngi nito dahil sa pagkabigla. "A-ate?" tanging naiusal ni Devine. "Kailan pa, Devine?! Kailan n'yo pa ako niloloko!?" sigaw nito. Bakas sa itsura nito ang pagtitimpi. Wala na ang kalmado at mahinahon nitong awra. Napalunok ng ilang beses si Devine, ngayon niya napagtanto na alam na nito ang tungkol sa relasyon nila ng nobyo nitong si Harden. Naparito lang sana siya upang magpaalam na sa kanyang propesora dahil magpapakalayo-layo na siya. Hindi niya na kaya pang lokohin ito, sobra na siyang kinakain ng kanyang konsensiya. "A-ate..." Idinuro siya nito. " Do not call me ate! Napakalandi mo! Hindi mo na ako nirespeto. Paano mo naatim na gaguhin ako? Sumagot ka! Kailan n'yo pa ako ginagago ni Harden?!" madiin ang pagbitaw nito sa mga salita, nangingilid na rin ang mga luha ni Honeyleth sa kanyang mga mata. Napalunok muna si Devine dahil parang may nagbara sa lalamunan nito. "P-patawarin mo ako ate, hindi ko alam na ikaw ang nobya niya," umiiyak ng tugon niya. Umiling-iling si Honeyleth. "Patawarin? Hindi alam? At kung hindi nga ako, hindi pa kayo titigil? Ganon ba, ha? Devine?" Umiling si Devine. "Hindi po ate... hindi po ganon..." mabilis na tugon niya. "Sinungaling! Pinagkatiwalaan kita. Binihisan kita. Tinulungan kita at minahal kita na parang sarili ko ng kapatid pero ito ang igaganti mo sa akin? Ha. Devine?!" galit na galit na sumbat ni Honeyleth. "S-sa maniwala ka man po ate o hindi, nagsasabi po ako ng totoo, noong naging kami po ni Harden hindi ko alam na may girlfriend siya. Wala po siyang babanggit sa akin kaya nagtiwala ako sa kanya," pahikbi niyang tugon. Ngunit hindi nagustuhan ni Honeyleth ang sinabi niya kaya sinugod siya nito at pinagsasampal. Masakit ngunit wala siyang lakas na gumanti o pigilin man lang ito dahil para sa kanya ay nararapat lang dahil sa bigat ng kasalanan niya dito. Malalakas na lagapak ng sampal ang maririnig sa tuwing dumadapo ang mga palad ni Honeyleth. Ilang malalaks na sampal pa ang tumama sa muka at balikat ni Devine. Nalasahan niya na rin ang lasang kalawang niyang dugo sa kanyang putok na bibig ngunit wala siyang karapatang magreklamo. Hindi rin siya nagtangkang salagin ang mga hampas ni Honeyleth. "Ginago niyo ako! Mga babuy, mga hayop kayo! Mga immoral!" sigaw muli ni Honeyleth. Itinulak siya nito dahilan para malakas siyang bumagsak sa sahig. Hilam ang mga mata ni Devine na nagtaas ng tingin kay Honeyleth. Para itong asong na-ulol dahil sa galit. Lumapit siya ng paluhod at pilit na kumapit sa mga binti ng propesora. Para naman itong nandidiring itinutulak siya. "Bitawan mo ako!" "Patawarin mo ako, ate... Please." umiiyak niyang pagmamakaawa. Muli siyang humawak sa bibti ng dalaga. "Bitiwan mo akong hayop ka! Magmula ngayon kakalimutan kong nakilala kita! Pinagsisihan kong makilala at tulungan ka. Napaka-dimonyo mo! Wala kang kwentang tao," sigaw nito sa kanya. Muli siyang sinampal ng malakas nito dahilan para pumutok ang kilay niya. Alam niyang wala na sa ayos ang muka niya ngunit wala na siyang pakialam kong puno na ng bangas ang muka niya makahingi lang siya ng tawad sa taong nag-mahal at nagpahalaga sa kanya. "Ate... Sorry..." nakayakap pa rin siya sa binti nito. Malakas nitong binaklas ang mga kamay niya at muli siyang itinulak sa sahig. Para siyang paslit na nagmamakaawa. "Bagay lang sa'yo 'yan. Isa kang maruming babae. Wala kang pinagkaiba sa nanay mong kabit! Hindi ka pa nakontento na sinira ng nanay mo ang pamilya ko pati ba naman ang fiance ko, gusto mo ding agawin. Pati kami sisirain mo? How dare you!? Ako pa talaga ang napili mong kalabanin? Wala ka kumpara sa akin, Devine. Tandaan mo 'yan!" pangungutya nito sa kanya. Masakit 'yon sa kanya dahil ang dating taong tagapagtanggol niya sa pagiging anak ng kabit noon ay siya nang kumukutya sa kanya. Akma siyang lalapit ulit ngunit itinulak siya nito Kaya lumuhod na lang siya at humingi ng tawad. "Wala ng magagawa ang sorry mo, Devine. The damage has been done. Nasira mo na ang relasyon namin ng fiance ko. Save your energy, you can't move me. Hindi na maibabalik ang dati. Kaya umalis ka na sa harapan ko." "Ate..." " Ako naman ang makikiusap ngayon sa'yo, Devine. I want you out of our life. Kalimutan mong nakilala mo kami ganon din ang gagawin ko. Pabayaan mo na kaming maging masaya ni Harden. Do it, at baka makuha pa kitang patawarin. Leave! Lumayo ka and don't ever come back," garalgal nitong pakiusap. Parang may kung anong pumiga sa puso niya sa narinig. Gusto niyang umiyak pero wala siyang karapatan. "Umalis ka na habang may natitira pa akong awa sa'yo!" sigaw ni Honeyleth habang tinuturo ang pintuan. Magulo man ang buhok at itsura ni Devine ay muli siyang nakiusap sa kanyang propesora. Wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito tatanggaping niya ng buong puso dahil malaki ang kasalanan niya dito. "A-ate. Muli humihingi ako ng sorry. Patawarin mo sana ako. Hindi ko gusto ang makasira ng relasyon. Tao lang din po akong nagmahal pero sa maling tao. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, sa maniwala ka man o hindi nakipaghiwalay na ako kay Harden bago pa ako nagpunta dito," Marahas na napabuga ng hangin si Honeyleth. Nakakaloko siyang tinignan nito. Nanguuyam ang mga mata nito at nandidiri sa kanya. "And should I say thank you for what you did?" napailing ito. "--Mapapatawad lang kita kung hindi ka na magpapakita sa amin kahit kailan. Ayaw na kitang makita Devine dahil nandidiri ako sa'yo, I just can't believed na nag-alaga ako ng ahas," medyo kalmado ng sabi ni Honeyleth. Wala na siyang magagawa inipon niya ang kanyang lakas at dahan-dahang tumayo, mabibigat ang mga hakbang niya habang patungo sa pintuan. Hindi niya na alintana ang itsura niya at mabilis siyang lumabas at tumakbo papunta sa elevator. Umiiyak pa rin siya at magulo ang itsura. Madiin ang bawat pagpindot niya ng ilang beses sa buton ng elevator. Pinunasan rin niya gamit ang kamay ang dugo sa kanyang kilay at bibig na tumutulo pa rin. Pagbukas ng pintuan ng elevator ay siya namang paglabas ni Harden. Bakas sa muka nito ang gulat at pag-alala sa itsura niya. Kaagad siyang nilapitan nito at sinuri ang sugat niya ngunit malakas niya itong itinulak. Gulat siyang tinignan nito. "What happened, babe?" alalang tanong nito. Akma siyang hahawakan muli ngunit mabilis niya itong iniwas ang sarili. "Huwag mo akong hawakan!" malakas niyang sigaw. Babilis siyang pumasok sa elevetor at pinindot ang ground floor button at close. Para namang natulos sa kinatatayuan si Harden. Dahan-dahan ng nagsasara ang pintuan ngunit si Harden ay nagtataka pa rin siyang pinag mamasdan. "Babe?" usal ni Harden. Dahan-dahang umiling si Devine habang lumuluha. "Tama na. Tapos na tayo. Pakawalan mo na ako..." mabigat at nakikiusap niyang hiling sa lalaki. Tangkang papasok pa si Harden ngunit huli na. Tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator. Sa inis nito ay kinalampag nito malakas ang pintuan at ang open button. "Harden!" Malakas na tawag ni Honeyleth sa likuran nito na nagpatigil sa nobyo. Doon nakumpirma ni Harden na alam na ng fiance nito ang tungkol sa kanila ni Devine. Pero gusto nitong sundan si Devine. "Mamili ka. Si Devine o ako?" mabigat na tanong nito. Hindi humarap si Harden sa kanyang nobya. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng elevator at naghihintay na bumukas ito. Tumunog ang elevetor hudyat na nagbukas na ang pintuan. Akman papasok na si Harden ngunit muling nagsalita si Honeyleth. "Buntis ako harden!" Dahil hindi nito inaasahan ang sinabi ng nobya ay hindi nakagalaw si Harden. Napalunok ito at blakong hinarap ang nobya. Ngumiti si Honeyleth. Para dito ay handa niyang patawarin ang fiance dahil sa labis nitong pagmamahal. Naguguluhang lumapit si Harden sa nobya. Hindi rin nito alam ang nararamdaman dahil sa mga nangyayari. Ang isip niya ay hati sa dalawang babae sa buhay niya. Kung sino ang mas matimbang at mahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
195.3K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
66.9K
bc

Wife For A Year

read
72.9K
bc

His Six Months Rule

read
33.6K
bc

Daddy Granpa

read
300.9K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
63.5K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
278.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook