Phoemela "Mahal," marahang gising ni Marcus sa akin. "Gising na. We'll meet your friends in Starbucks, diba?" masuyo pa nitong sabi saka humalik sa may bandang tenga ko. I felt a ticklish sensation there. He knew that it was one of my erogenous spot. Pinilit kong magmulat ng mata ngunit parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ilang araw na rin talaga kasing mabigat ang pakiramdam ko. Siguro I'm developing an allergy or something. Anong season na ba? Hindi pa naman pollen season, diba? Usually nagkaka-allergic rhinitis lang naman ako pag-pollen season. I smelled his regular cologne that used to turn me on. But today, bahagya akong nangasim sa amoy nito. "Bihis ka na?" hikab ko pero nalanghap ko pa lalo ang kanyang cologne. Parang napapasuka ako sa amoy nito. Nahihiya man akong humiling

