Marcus We picked up Pinkie's friends and went to Sentosa Heights in Laguna. Naroon kasi ang mga kaibigan ni Pinkie at nag-mini reunion kasama ang mga anak at asawa ng mga ito. "Tita Pinkie!" Masayang lumapit ang mga anak nina Gerard at Shayla kay Pinkie, pati na rin ang anak nina Rori at Pyke na sina Perci at Yunna Dominique. Nakasunod naman ang mga mga pamangkin kong sina Dan at Tim na mga anak naman ng kakambal kong sina Matteo at asawa nitong si Tanya. The reunion was actually a 'welcome back' for them because they've decided to live here in the Philippines, instead of Brazil. "Hello!" Sinalubong naman niya ang mga bata na naka-open arms. Napatigil ako sa pagsunod sa kanila ng kaniyang mga kaklase papasok sa gate ng bahay nina Rori. Aaminin ko na nagulat ako dahil nakilala ko si Pin

