Pinagmamasdan ni Stan si Icy na papasok na sa gate ng kanilang bahay. Mga oras na iyon ay nandun na ang ama nito kaya naman ay hindi na siya pumasok. Iniiwasan kasi niya ang galit nito sa kanya dahil sa nangyari nung nakaraan na naging dahilan kaya ayaw niyang magpakita dito. Habang nakamasid siya sa papasok nang nobya ay bumalik sa kanyang alaala ang pangyayaring iyon dalawang taon na ang nakakaraan..
***FLASHBACK**
TWO YEARS AGO...........
Papasok noon si Stan sa Hotel nila ng mga araw na iyon. Dahil sa maaga siyang nakarating ay nakipagkwentuhan muna siya sa mga nasa information center ng Hotel. Nagtatanong ng kung ano-ano sa mga ito para lang malibang sila at hindi sila mahiya sa kanya. Ramdam kasi niya minsan ay nahihiya ang mga ito sa kanya. Sino ba naman kasi hindi? Isang gwapo at matipunong lalaki at anak pa ng may-ari ng hotel. Sino ba ang hindi mahihiya di ba?
Habang nakikipagtawanan ay siya namang palabas ang Papa ni Icy na si Mr. Hugo Ledesma. Isang nagmamay-ari ng banko, at kapitapitagang businessman ngunit kilala din ito sa pagiging babaero niya lalo na sa mga business partners niya. Lalaking matangkad at may itsura. Kapag pinagmamasdan mo ay talagang malakas naman kasi ang s*x appeal nito kahit may edad na. Palabas ito mula sa elavator at may kasamang babae. Isang babae na maganda din at mukhang bata pa. Nakasuot ito ng may kaiksihan na pulang bestida na hapit na hapit sa kanya. Mapagkakamalan mong anak niya ito sa biglang tingin dahil mukha itong nasa 30’s pa lamang. Sweet ang mga ito at nakapulupot pa ang kamay ng babae sa braso ng matanda. Siya pa ang mahihiyang makakita sa kanila. Dahil sa hiya o sa takot na makita siya ng ama ng kanyang girlfriend ay tumalikod siya sa gawi ng mga ito hanggang sa malampasan siya. Habang palabas na ang mga ito sa lobby ng hotel palabas sa kalsada ay sinundan sila ng kanyang mga mata at umiling-iling. Hindi niya lubos akalain na magdadala ito ng babae sa hotel nila. Bulong bulungan na noon ang pagiging babaero niya pero ipinagpawalang bahala lang niya dahil ang anak naman nito ay hindi ganung klase tao. Kahit papaano naman ay napalaki niya ang kanyang anak na hindi tinulara ang fi maandang gawi niya.
Nang magkita sila ni Icy sa hapon ay ipinagtapat niya dito ang nakita niya na ginagawa ng kanyang Papa. Galit na galit si Icy dahil sa pagpapatotoo ni Stan sa mga tsismis ng kumakalat tungkol sa pagiging babaero ng ama. Nahiya ito sa kanyang nobyo dahil siya pa mismo ang nakakita sa kanyang ama na gumagawa ng mga kabulastugan.
"Sorry babe. Hindi ko na sana sasabihin sa 'yo pero naaawa ako sa mommy mo eh." wika ni Stan sa kasintahan habang yakap yakap niya ito dahil umiiyak ito sa galit. Nakokonsensiya siya hindi dahil sa ipinagtapat niya kundi sa mararamdaman ng ina ng kasintahan. At nahihiya siya na ipaalam ito kay Icy ngunit kailangan niyang malaman.
"Totoo pala ang mga sabi-sabi ng ilan tungkol sa mga pinaggagagawa ni Papa. Dapat na matigil ang mga ginagawa niyang kahihiyan sa pamilya namin!." galit na sambit ni Icy. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Nagagalit siya sa ama, naaawa sa kanyang ina at nahihiya sa kanyang nobyo. Ano na lang ang sasabihin ni Stan? Na pamilya sila ng mga mahilig manloko ng kanilang partner?
Pagkauwing pagkauwi ni Icy sa kanilang bahay ay nagsumbong agad siya sa kanyang ina.
“Ma, hindi ko alam kung kailangan ninyong malaman ito pero dapat ninyo talagang malaman. I am so ashamed na si Stan pa ang makakakita kay Papa at sa babae niya!” Wika sa ina. Nagulat ito sa ibinalita ng anak.
“Ha? Ano? Anong sabi mo?”
“Mom! You heard what i said!”
Dahil dito ay nagpupuyos na sa galit ang ina niya dahil sa nalaman. Umiiyak ito habang isinusumpa ang asawa. Hindi siya makapaniwala na totoo pala ang mga naririnig niya at ang kanyang hinala. Kung nasa harap lang niya ito ay baka nabato na niya ng kung anumang madampot niya.
Nang dumating ang papa ni Icy ay kinompronta agad nito ng kanyang mama. pagbukas pa lang niya ng pinto ng bahay ay isang luumilipad na vase ang tumambad dito.
"WALANG HIYA KA!!!!" sigaw sa kanya ng asawa. Buti na lang ay medyo naisara niya ang pinto at dun tumama ang vase na binato nito.
"Bakit? Ano bang problema mo?!" sigaw din niya sa asawa habang papalapit dito.
Isang matunog na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya pagkalapit sa namumuyos sa galit na asawa.
"Nagmamaang maangan ka pa?!" sigaw niya dito. "Hindi ka pa nakuntento sa amin ng anak mo! Naghanap ka pa ng iba? Dahil ba sa matanda na ako kaya nakukuha mo nang mambabae? Ipinagtatanggol kita sa mga taong nagsasabi na babaero ka 'yun pala ay totoo! Walanghiya ka talaga.!" umiiyak na may halong sigaw na kompronta niya dito.
"Hindi naman kasi totoo ang mga sinasabi ng mga tsismosang tao diyan!" pilit pa ring tinatanggi niya.
"At talagang itatanggi mo pa? Kitang-kita ka na nga ng nobyo ng anak mo at sa mismong Hotel pa nila kayo naglampungang dalawa." bulalas niya.
Hindi na nakaimik ang matanda. Lumapit siya agad sa kanyang asawapara humingi ng tawad at sabing hindi na mauuulit. Imbes na patawarin ni Mrs. Ledesma ay tinalikuran niya ito. Hindi naman kasi ganun kadaling tanggapin na mambabae ang asawa.
Araw-araw ay sinusuyo ni Mr. Ledesma ang asawa pero hindi pa rin nito napapatawad. Nalaman din ni Stan ang nangyari sa mga magulang ng nobya. Sinabihan siya ni Icy na umiwas-iwas muna ito sa Papa niya dahil baka siya ang mapagbalingan nito. Hanggang isang araw na bumisita siya sa bahay nila Icy. Naabutan siya g kanyang ama habang palabas na ito ng bahay papaalis. Dun na siya nacorner ng matanda.
"Mag-usap nga tayo Stanley!" galit na wika niya saka hinila palabas ng bahay.
"Bakit po Tito?" sagot niya na may halong takot.
"Bakit mo pa sinabi kay Isabel ang nakita mo? Pwede namang sinabihan mo muna ako bago ka nagsumbong.!" compronta niya.
"Sorry po Tito. Ayaw ko lang hong magsinungaling kay Icy."
"Kapag kami ng asawa ko hindi nagkaayos, kasalanan mo. Huwag kang pupunta punta dito sa pamamahay ko." banta niya.
"Pero tito?"
"Hindi ako against sa relasyon ninyo ng anak ko pero ayaw kong makita ang pagmumukha dito sa bahay ko! Kaya makakaalis ka na." tulak niya kay Stan.
Sobrang pagkapahiya ni Stan kay Mr Ledesma kaya mula noon ay hindi na siya tumuntong sa bahay ng nobya. Kapag hinahatid niya ay hanggang labas na lang siya ng kanilang bahay. Magkaayos na ngayon ang mga magulang ni Icy ngunit may takot at hiya pa ring nraramdaman si Stan sa ama ng nobya...
***END OF FLASHBACK**
Umiling-iling si Stan sa alaalang iyon. Ngayon na tinanggap na ni Icy ang kanyang marriage proposal ay kailangan din niyang gumawa ng hakbang para makapag-ayos sila ng magiging biyanan niya kung sakali.
Nakapasok na si Icy sa loob kaya naman ay pinaharurot na din niya ang kanyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay. Habang nagmamaneho siya ay nag-iisip din siya ng plano kung paano siya makakalapit at makaka-usap ang Papa ni Icy. Nasa malaliman siyang pag-iisip nang makaramdam siya ng paninikip ng kanyang dibdib. Mabilis niyang itinabi ang kanyang sasakyan. Hapo-hapo ang kanyang dibdib at pilit na huminga. Huminga ng paisa-isa hanggang sa bumalik ang normal niyang paghinga at nawala ang pananakit nito. Madalas na itong mangyari sa kanya ngunit ipinagwawalang bahala lang niya.
*******
Huling araw naman nang burol ng Papa ni Danica. Limang araw na ito na nakahimlay at hanggang ngayon ay hindi parin ito matanggap ng dalaga. Minsan ay nag-aalala na ang mga tao sa kanya lalo na ang kanyang ina at si Ariel. Hindi na nila kasi ito makausap at laging tulala at nakabantay lang sa tabi ng kabaong ng ama.
"Danica, kailangan mo na ding magpahinga." wika sa kanya ni Ariel.
"Okay lang ako, huwag mo akong alalahanin."
"Pero ilang araw ka nang walang magandang tulog at hindi ka pa daw masyadong kumakain sabi ng Mama mo." giit ni Ariel.
"Okay lang ako. Kita mo naman nakakatayo at nakakaupo pa ako." may himig galit sa boses niya.
"Paano 'yan kung ikaw naman ang magkasakit?" pangngulit pa rin niya sa nobya. paghawag niya sa balikat nito ay galit niyang hinawi.
"Sabing okay lang ako eh!" galit na sagot ni Danica
Napalingon ang mga taong nandun dahil sa kanyang inasta. Mabilis namang lumapit ang ina niya para awatin ito.
"Danica! Concern lang sa 'yo si Ariel 'wag mo naman masamain."
"Sorry." kalmang wika niya saka bumalik siya sa pagkaka-upo.
Inakay ng ina niya si Ariel para ilayo muna siya dito. "Pagpasensiyahan mo na si Danica iho. Hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang tanggapin ang nangyari sa Papa niya." siya na ang humingi ng dispensa para sa anak.
"Okay lang po 'yun Tita, naiintindihan ko naman siya. Handa po akong damayan siya hanggang sa maging maayos na siya."
"Salamat iho. Hayaan mo kakausapin ko siya pagkatapos ng libing ng Tito mo."
Iniwan na siya nito. Lubos talaga siyang nag-aalala para kay Danica. Hindi siya ganun dati pero naiintindihan naman niya dahil sa kanyang pinagdadaanan. Masakit nga ang mawalan ng minamahal.
Pagkatapos mailibing ng Papa ni Danica ay lalo siyang parang nawalan ng gana sa buhay. Hindi na siya pumapsok sa paaralang pinatuturuan niya at hindi na rin siya masyadong lumalabas ng bahay. Pati si Ariel ay hindi na din niya nabibigyan ng panahon dahil tanging ang kalungkutan na niya ang kanyang inaalagaan.
Habang ganun ang nangyayari kay Danica ay hindi naman nawawalan ng pag-asa si Ariel na bumalik ang dating siya. Araw-araw ay dinadalaw niya ito sa kanilang bahay, kahit na minsan ay hindi niya ito hinaharap. Ngunit hindi naman niya hahayaan na maging ganun na lang ang kasintahan niya. Kailangan na niyang imulat ang mga mata niya sa realidad ng buhay. Dinalaw niya ito ulit sa kanila.
"Nasaan po si Danica Tita?" tanong niya sa ina ng dalaga.
"Naku iho, nasa kwarto niya. Nagmumukmok na naman. Hanggang kailan na lang kaya siya magiging ganyan? Ako'y natatakot na baka kung ano na ang gawin niya sa kanyang sarili..
"Sige po Tita kakausapin ko lang po."
Pagpasok niya sa kwarto ng kasintahan ay nakahiga ito. Napapabayaan na din niya angmga gamit niya dahil mga libro at kung anu-ano pa ay nagkalat sa loob. Lumapit siya saka ginawa ang hilig niyang gawin kapag naglalambing siya dito, ang klitiin siya sa kanyang batok dahil ito ang isa sa kanyang kilito.
Napabalikwas siya dahil sa ginawang 'yun ni Ariel. Ang akala niya ay matutuwa ito ngunit hndi pala.
"Ano ba! Sadyang mahirap ba talaga kayong makaintindi? Sabing pabayaan niyo ako eh!" sigaw niya kay Ariel na kinagulat naman ng isa.
"Danica! Ano ba yang ginagawa mo sa saril mo? Gumising ka nga? Ano na lang ang sasabihin ng Papa mo kapag nakikita ka niyang nagkakaganyan? Hindi ganyan ang pinalaki niyang anak. Hindi mahina ang Danica na anak niya at hindi rin mahina ang Danica na mahal ko!" galit na wika naman ni Ariel. "Kung ganyan ka na lang ng ganyan walang mangyayari sa buhay mo. Hindi ka maipagmamalaki ng Papa mo kung ganyan ka!" dagdag pa niya.
Isang matunog na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
"Wala kang karapatan na sabihin 'yan!"
Hapo-hapo ang pisngi niya ay hinarap ulit niya ang dalaga.
"Alam ko wala akong karapatan, kung ganyan ang tingin mo sa akin sige tatanggapin ko pero nagsasabi lang ako ng totoo. Nandiyan pa ang Mama mo Danica, siya ay buhay na buhay ngunit ikaw ay nabubuhay na na parang patay, ano kaya ang alam mo na nararamdaman ng Mama mo? Ano kaya ang alam mo na nararamdaman ko na nakikita kitang nagkakaganyan? Sabagay gaya nga ng sabi mo ay wala akong karapatan. Sige. Bahala ka kung 'yan ang gust mong gawin. Mabuhay ka sa anino ng Papa mo na sumakabilang buhay na tignan ko lang kung matutuwa pa siya sa ;yo!" galit na ani Ariel.
Hindi agad nakaimik si Danica, Naputol ang usapan nilang iyon nang pmasok ang ina niya.
"Anong nangyayari dito?" tanong niya sa dalawa.
"Wala po Tita. Aalis na po ako." paalam ni Ariel saka dire-diretso nang lumabas sa bahay.
"Iha. Ano ba kasi ang nangyayari sa'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ng ina saka lumapit dito.
"Maaa..." iyak niya saka yumakap sa ina...
●●TBC