Gaya nila Stan at Icy ay isang perfect couple din sina Ariel at Danica. They are happy and inlove. Kahit ang mga pamilya nila ay pabor sa kanilang pagmamahalang nagsimula pa noong mga bata pa sila. Tiwala ang kanilang mga magulang sa kanilang dalawa. Kagaya ng pagkaperfect couple nila ay ganun din ang pamilya nila lalong lalo na kay Icy na may mapagmahal na ina at ama. Ngunit sadyang hindi lahat sa buhay ay masaya.....
Nagpasya si Danica na maagang papasok sa araw na iyon. Maaga siyang gumising at maaga niyang inihanda ang kanyang mga kailanganin. Ayaw kasi niya na tsaka lang ihahanda ang gamit kapag paalis na. Paglabas niya ng kwarto ay gising na ang kanyang mga magulang. Nagkakape ang ina sa may mesa nila na masayang pinagmamasdan ang asawang nagluluto naman. Napatigil siya ng makita ang mga ito. Napangiti at nasabi sa isip na, “Sana, ganito rin kami ni Ariel pagdating ng araw. Happy and contented sa isa’t isa.”
Kung may award ng perfect family ay sila na 'yun. Nag-iisang anak siya kaya naman ay sobra-sobra ang pagmamahal ng mga magulang niya sa kanya. Ang mga magulang ay mahal din ang isa't isa. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang mapanatili ang kasiyahan sa kanilang pamilya at kalusugan nilang mag-anak.
"Wow! Pa, ang meron?" biro niya sa ama habang papalapit siya sa mga ito. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na siya ang magluluto ng kanilang pagkain dahil hindi siya pinapayagan ng kanyang ina na gumawa sa mga gawain niya.
"Ewan ko diyan sa Papa mo Anak, mapilit na siya ang magluluto ng agahan natin ngayon." ngiting wika ng ina habang nilalapag ang basong hawak hawak.
"Kahit ngayon lang, maging reyna at prinsesa kayo. Umupo na lang kayo diyan at hintayin ang inyong pagkain." maawtoritadong utos ng ama ng kanilang tahanan.
"”Naku ma, humanda ka mamayang gabi diyan!” natatawang biro pa niya sa mga ito.
"Batang toh talaga. Anong gusto mo? Kape o Gatas?" tanong ng ama. Guso talaga niyag siya ang magsilbi sa mga ito.
"Coffee, please?" ngisi ding sagot ni Danica. “With cream but no sugar.” dagdag pa niyang pang-aasar
Umupo siya sa tabi ng ina tsaka sila naghagikgikang parehas. Habang nagluluto ang ama ng kanilang tahanan ay nagkukwentuhan naman ang dalawa na may bulungan pa. Nagtataka talaga sila kung bakit ganito ang kanilang amahin. Matapos magluto ng ama ay inihanda na niya lahat ng pagkain. Marami-rami siyang niluto na para ban isang dosena ang kaniyang pakakainin.
"Tay,naman bat ang dami?" tanong ng kanyang ina sa gulat. Hindi kasi ito sanay na maraming pagkain dahil baka masayang lang.
"Hayaan mo na baka huling luto ko na ito sa inyong dalawa kasi bukas ikaw ulit ang gagwa nito.” tawang biro din niya. Tinanggal ang apron at nilapag sa kabilang upuan tsaka umupo na din para kumain.
"Naku Pa, baka dalawang araw na 'di magluluto si mama ng agahan dahil irereheat na lang niya ang mga tira.” biro din ni Danica na sabay sabay nilang pinagtawanan.
Matapos silang kumain lahat ay naghanda na silang mag-ama para sa trabaho. Siya ang nagmamaneho sa kanilang jeep sa araw kaya naman ay lumalabas silang dalawa palagi. Ginagawa niyang magtrabaho pa rin at huwag umasa lang sa kinikita ng kanilang anak. Gusto din kasi niya na may pinagkakaabalahan siya at para na rin makatluong sa mga gastusin sa bahay.
Nagpaalam na si Danica pagkabihis na pagkabihis. Kailangan na niyang magmadali.
"Mag-ingat ka anak, huh?" wika ng kanyang ama habang nagmamano ito sa kanya.
"Kayo din po pa at tsaka ingat sa pagmamanrho. Kung hindi kaya ng katawan ninyo ay huwag sana ninyong pilitin. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo kaysa sa kikitain, ha?” paalala sa ama.
“Opo, Nay!” Ngising biro ng ama.
Agad na siyang umalis ngunit bago pa siya nakalayo ay may pahabol ang ama.
"Mahal kita anak!" ngiting sambit niya tsaka winagayway ang kamay para magpaalam.
Ngumiti naman siya. "Mahal na mahal din po kita papa kayo ni mama!" sagot niya at tuluyan na siyang umalis.
Habang nasa skwelahan si Danica ay may natanggap siyang text mula sa isa sa pinsan niya. Pagbukas pa lang niya ng message ay kinabahan na siya.
"Danica, umuwi ka ngayon din dahil kailangan ka ng mama mo." message ng pinsan. Agad siyang kinabahan na hindi niya mawari kung bakit.
"Bakit anong nangyari?" Tarantang tanong niya.
"Basta kailangan mo nang umuwi ngayon din malalaman mo na lang dito." sagot naman nito.
Dahil sa kaba na nararamdam ay Mabilis na umaksiyon si Danica. Nagpaalam siya sa isa sa mga teachers sa skwela para siya na muna ang humawak sa klase niya. Bitbit ang bag ay mabilis siyang umalis. Habang nasa daan siya ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Habang papalapit siya ng papalapit sa kanila ay lumalakas ng lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Pagkadating niya sa kanila ay marami nang taong nandun, ang ilan niyang mga kamag-anak pati ang Mama ni Ariel. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang palapit ito sa kanilang bahay.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya sa mga ito habang papasok siya sa may pintuan.
"Pinsan ang papa mo..." malumanay na sambit ng kanyang pinsan na sumalubong sa kanya.
"Bakit nga? Anong nangyari?" nag-aalala na siya. Dali-dali siyang pumasok sa bahay.Kitang-kita niya ang ina na umiiyak nakasalampak sa may sahig at pinagmamasdan ang bagay na nakakumot sa harapan niya.
"Ma, ano pong nangyari?" tanong niya sa ina ng makalapit siya dito.
Pagkakita sa kanya ng ina ay bumuhos ulit ang luha sa mga mata nito. Humagulgol ng humagulgol. Niyakap niya ito habang umiiyak at sinasambit...
"Danica ang Papa mo. Ang Papa mo." hagulgol niya na mahigpit na nakayakap sa kanya.
Natulala si Danica. Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap ng ina tsaka lumapit sa may kumot sa harap nila. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot sa bandang taas at laking gulat niya ng makita ang mukha ng ama. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Napatda siya. Parang sasabog ang kanyang puso dahil sa nakikita. Ang kanyang ama ay isa nang malamig na bangkay.
“Pa? Pa-Papa! Huwag ka namang magbiro ng ganito oh. Pa!” yugyog niya sa amang malamig ng bangkay.
Agad niyang niyakap ang malamig na bangkay ng kanyang papa at doon na siya nagbuhos ng kanyang iyak.
"Papa ko..Pa-pa.. Pa-pa.." utal-iyak niya habang yakap yakap ang ama. Halos maglupasay na siya sa pag-iyak dahil ang amang minamahal niya at sobrang nagmamahal sa kanya ay wala ng buhay. Dahil sa pag-iyak at matinding kalungkutan ay nawalan siya ng malay. Para siyang lantang gulay na napahiga sa sahig, salamat na lang at nasalo siya ng ina. Mabilis na tinulungan ng mga tao ang mag-ina, pinaypayan at pinahiga nila si Danica sa kanyang kwarto para na rin makapagpahinga. Mahirap at masakit sa kanya na tanggapin ang pagkawala ng kanyang ama, ang amang lubos na nagmamahal sa kanya at mahal na mahal niya.
Nang magkamalay si Danica ay mabilis siyang bumangon, napa-upo sa may gilid ng kama tsaka inalala ang nangyari.. Hindi na niya inayos ang sarili nang maalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at doon na nga ay kitang kita na ang kabaong sa kanilang sala. Ama na niya ang nakalagay sa labaong na iyun.
Nakabantay na ang ina at ayus na ang nilalagakan ng ama. Impit ang iyak habang papalapit siya sa kabaong ng nakaratay nang ama. Nang madungawan ito ay doon ulit niya pinakawalan ang luboslubos na kalungkutan na kanina ay hindi niya nailabas.
"Papa.......Papa.." sigaw at iyak niya habang yakap yakap ang kabaong ng mahal na ama. Hindi niya matanggap na wala na ito. Ang saya saya lang nila kaninang umaga at ni sa hinagap ay hindi niya maisip ang maagang pagkawalay nila sa amang kanilang monamahal.
Nilapitan siya ng ina para patahanin ito. Niyakap siya nito na napasabay na din sa pag-iyak.
"Mama si Papa." symbong ng isang anak sa ina.
Tanging tahimik na pagluha ang naisagot ng kanyang ina dahil pati siya ay hindi makapaniwala sa nangyai sa kanyang pinakamamahal na kabiyak.
Nang makalma nila ang kanilang mga sarili ay hinarap niya ang ina.
"Ano po ang nangyari Ma?"
"Ang kwento nila, Sinaksak daw ng mga holdaper ang Papa mo. May sumakay daw na grupo ng mga holdaper sa jeep, dahil sa pumalag siya kaya siya ang napagbalingan nila." malungkot na sambit ng ina.
"Mga walag puso! Ang bait-bait ni Papa para gawin nila ito sa kanya. Sana makarma sila sa ginawa nila!" galit na bulalas ni Danica.
Kalma lang ang ina na pinakalma siya dahil pati siya ay galit at hinagpis ang nararamdaman. Bakit siya pa? Nagtatrabaho lang naman siya para sa pamilya niya.
Sinimulan na nilang harapin ang bawat taong nakikiramay sa kanila. Dahil sa isang mabait at matulunging tao ang ama at pamilya nila ay dinagsa sila ng mga kamag-anak at mga kapit bahay na nakiramay sa kanila. Halos lahat ay magaganda ang sinasabi tungkol dito.
Pagdating ng gabi ay siyang dating naman ni Ariel para kamustahin ang kalagayan niya. Dumiretso na siya sa bahay nila Danica pagka-uwi galing sa trabaho.
"Anong nangyari?" tanong niya sa kasintahan habang nakabantay sa tabi ng amang nakaratay.
Niyakap siya nito at napahagulgol sa bisig ng nobyo. Walang magawa si Ariel kundi ang saluhan siya at pakalmahin sa lungkot na nararamdaman. Hinagod lang nito ang likod ni Danica at sinasabihan na kaya niya at magiging okay din siya. Sa ngayon ay siya lang ang tanging makakapagbigay ng lakas ng loob kay Danica sa kanyang pagdadalamhati.
****
SA KABILANG BANDA.
Pagkatapos ng masaya at nakakakilig na proposal date nina Stan at Icy ay inihatid na ng binata ang kasintahan. Masaya silang lumisan sa restaurant lalo na si Icy. She feels like in a cloud 9 right now. Yung hindi niya maiexplain kung ano ang kanyang mararamdaman. The best day ever!
"Babe, thank you. Yo don't know how happy i am right now." sambit ni Icy habang nakatitig kay Stan at patingin tingin sa singsing na bigay nito.
"Ako nga dapat magpasalamat dahil sa wakas ay akin ka na." napahalakhak naman na wika ni Stan sa kanya. But yes! He is happy that finally she’s all his.
"Ikaw talaga.. Oo sayong sayo na ako Mr. Lobregat." sambit naman ni Icy at kumapit sa mga braso ni Stan at yumakap dito.
"I will make you happy today and until the rest of our lives. I love you very much babe." sagot naman ni Stan at hinalikan sa ulo ang kasintahan.
"I love you too babe."
Malapit na sila sa bahay nila Icy ng magtanong siya dito.
"Nasa bahay niyo na ba ang papa?" naalala ni Stan.
"Hindi ko pa alam eh, baka nasa bahay na. Alam mo naman 'yun hindi nalelate sa pag-uwi." biglang nalungkot na sagot ni Icy. Hindi kasi in good terms ang dalawa.
"Hindi na lang ako papasok sa loob kung ganun.. I'll just drop you by na lang. Bibisita na lang ako next time kapag wala siya." ani Stan.
"Sorry babe,huh?" Paghinging paumanhin ng babae.
"It's fine. I would be the one to say sorry eh but i will do my best na pagkatiwalaan ako ulit ng papa mo. Hindi naman pwede na ganito na lang kami palagi 'di ba? You will be me wife soon kaya hindi ako mawawalan ng pag-asa sa Papa mo." paninigurong wika niya kay Icy. He needs to work hard to earn his trust.
"Lilipas din 'yun Babe kapag medyo okay na ang lahat."
Nang makarting na sila ay bumaba na lang si Icy sa harap ng kanilang gate. Humalik muna ito sa nobyo bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Hinintay na lang ni Stan na makapasok ang dalaga sa loob ng bahay bago ito lumisan.
Maswerte siya sa kasintahan niya ngunit isang lang ang tanging problema nila ngayong dalawa, ang Papa ni Icy na galit ngayon kay Stan. Galit ito dahil sa isang pangyayari sa nakaraan na hanggang nagyon ay hindi pa nila naaayos.
●●TBC