Desidido na si Stan sa gagawin niyang proposal. Sang-ayon din ang kanyang mga magulang dito. Tinatawagan na niya ang kaibigan tumutulong sa kanya para sa proposal niya at kumporpahin kung okay na ang lahat.
"Pare, basta yung mga sinabi ko yun ang gawin mo huh? 'Yung flowers dapat white and pink tulips huh, tsaka 'di masyadong mabukadkad. 'Yun kasi ang favorite ni Icy eh, tsaka dapat 'yung candle scented huh?" paalala niya sa kaibigan. Naging mabusisi siya at maingat sa mga gagawing preparasyon.
"Oo pare, copied na. Nasabi ko na sa mga employee ko and i will make a wider space for the two of you." sagot naman ng isa.
"Salamat pare. Pasensiya na kinakabahan at naeexcite lang ako. I want it to be perfect eh. And by the way don't forget the piano huh?" dagdag pang pangungulit niya sa kaibigan. He wants the beat for Icy and the best music also to make it more special and romantic.
"Nakahanda na rin pare."
"Eh 'Yung singsing pare?" Dagdag pang tanong niya.
"Nakahanda na rin pare. Hinihintay na lang natin ang bukas at siyenpre ang pagdalo ni Icy. Huwag ka masyadong paranoid diyan." biro ng kaibigan na pinagtawanan lang niya.
"Sige pare maraming salamat ulit." wika niya at binaba na ang auditibo. Huminga siya ng malalim. He pray that everything will be fine tomorrow. He hope that everything will go as planned.
Busy kasi ito sa opisina niya. Siya kasi ang nagma-manage ng kanilang business na Hotel kaya hindi siya makahands-on dito, mabuti na lang ay may kaibigan siyang maaasahan niya. Nagmamadali niyang tinapos ang mga kailangan niyang tapusin. Hindi pwedeng magahol siya sa oras kaya siya nangungulit na ngayon para bukas handa na ang lahat. Dapat free ang mind niya sa mga inaalala niya sa opisina at dapat din matutukan niya ang gagawing proposal sa katipan.
Kinaumagahan, masaya siyang pumasok sa opisina. Kailangan niyang gawin muna ang kailangan niyang gawin bago siya umuwi kinahapunan para sa pinakamasayang araw ng buhay niya. May mga papeles siyang dapat pang pirmahan at sinabi niya sa sarili niya na kapag natapos na siya ay mag-aayos at magrerelax muna. Hindi niya maiwasang isipin o iimagine kung paano ang mangyayari mamaya.
Bago siya umuwi sa hapong iyun ay tinawagan niya muna si Icy to confirm ang pagpunta niya sa dinner date kuno nila. Itun ang kanyang palabas para makarating ang katipan.
"Hello babe, don't forget our dinner date, huh?" paalala niya dito habang nagingiting nakahawak sa telepono niya.
"Yes, i will be there babe. Anong meron?" usisa ni Icy sa kanya. Hindi naman ito nagtataka dahil ganoon naman ang nobyo. Minsan nag-aaya na lang lalo na kapag hindi ito busy at lalong lalo na kapag may special ocasion.
"Just a simple dinner babe, namiss kita makasama for dinner eh." pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang mabuko nito ang surpresa niya. Pero totoo naman ang sabi niya na namiss niya ito makasama dahil parehas silang busy kaya naman paminsan-minsan lang sila makapagdinner na dalawa. Gustuhin man niya minsan or ni Icy ay hindi makapagtugma ang kanilang schedule.
"Asus!! Naglalambing siya oh." tuwang wika naman ni Icy. Kahit na matagal na ang dalawa na magkarelasyon ay hindi pa rin nawawala ang sweetness nila sa isa't isa. Kumbaga eh perfect na perfect match silang dalawa.
"Hindi naman masama maglambing sa minamahal 'di ba?" Hagikgik pa niya.
"Oo na! Sige na. See you there na lang okay?" kompirma naman ng isa.
"Okay babe. See you.."
"I love you."
"I love you too."
Nagpaalam na sila sa isa't isa. Nakangiting lumabas si Stan sa hotel kung saan naroon ang kanyang opisina at ipinagpatuloy naman ni Icy ang mga ginagawa. Sino ba naman ang hindi maiinspired kung ganitong relasyon meron ka. A loving boyfriend, gentleman and responsible and very caring and most of all he respect her. Wala na siyang mahihiling pa dahil si Stan na ang perfect para sa kanya.
Mabilis na sumakay si Stan sa kanyang kotse pagkaparada ng isa sa mga hotel valet nila ng kanyang BMW na sasakyan. Dumiretso agad siya sa kanilang bahay para makapaghanda na. Namili muna siya ng damit na kanyang isusuot. Iyun din ang isa niyang inaalala sa ngayon. Kung ano ang kanyang isusuot na damit.
May isa't kalahating oras pa siya bago ang oras na sinabi niya kay Icy para sa pagkikita nila. Mabilis niyang tinungo ang banyo para maligo na ng makapagbihis na siya. Napili niyang isuot ang stripped collared shirt na bigay sa kanya ni Icy nung minsang nagshopping ito. Minsan ay binibilhan siya ng damit ang dalaga. Pinareha niya sa isang maong pants at nagsuot ng relo. Inayos ang kanyang buhok at bahagyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. “Ayos na ‘Toh!” Sa isip niya. Pagkahanda sa sarili ay nagspray muna ng pabango tsaka lumabas ng bahay.
Sa kabilang banda naman. Dahil sa magagahol na sa oras si Icy ay simpleng ayos na lang ang ginawa niya sa sarili. Nilugay na lang niya ang kanyang mahaba at makintab na buhok, naglagay ng konting make-up tsaka pabango at dumiretso na siya sa restaurant na sinabi ni Stan sa kanya. Gusto pa rin niyang magmukhang maganda sa nobyo kahit na matagal na silang magkasama. Kahit naman hindi siya mag-ayos ng sobra ay maganda pa rin siya dahil natural ang beauty niya.
Kitang kita ni Stan mula sa itaas ang pagpasok ni Icy sa restaurant at iginiya ng waitress kung nasaan ang table na pinareserve kuno ni Stan. Pagkapanhik ni Icy ay mabilis na pinulot ni Stan ang bouquet ng white and pink tulips na paborito ng kanyang kasintahan. Sinalubong niya ito habang papalapit sa kanya. Pagtataka ang naging reaksiyon ng dalaga.
"For you." wika niya sabay abot sa bulaklak.
Hindi naman maipaliwanag ang saya sa mukha ni Icy sa nakikita at sa gesture ng kanyang kasintahan. She wanted to cry because of happiness pero nahiya siya sa mga tao. Lahat ng mga tao dun ay nagagalak sa nakikita nila. Baka lahat ng babae dun ay inggit na inggit sa kasweetan ng boyfriend mayroon si Icy. Lahat napapalingon at napapangiti sa kanilang dalawa. Hindi rin maiwasan ni Icy na mahanpas bahagya ang kasintahan.
"Ano ito?" wide smile while she recieve the flowers Stan giving her. She smells the flowers as a sign of admiration.
"A surprise for you babe. Matagal ko nang hndi ginagawa eh." bulalas niya at hinalikan sa labi si Icy.
Niyakap naman ito ni Icy ng sobrang higpit. Hindi niya tuloy maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
"Thank you babe." wika niya dito. She's getting emotional because of the unexpected surprise Stan gave. Mababaw lang kasi ang kaligayahan nito pagdating sa kasintahan and she appreciate every effort Stan doing for her. Kaya naman sobrang inlove siya dito and they are being faithfull sa isa't isa sa loob ng maraming taon. They make their love still exciting kahit sa mga simpleng bagay lang.
Up to now, ang sumpaan nila na magmamahalan sila ay napanatili nila hanggang sa ngayon and the love is getting stronger as time pass by.
"Your welcome babe. Halika na we'll eat." alok ni Stan dito. Iginiya niya ito sa kanyang mauupuan. Hinila ang upuan habang pina-upo ang kasintahan.
Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunang iyon. Icy is very happy. Habang nakikita niya ang saya sa mukha ng kanyang nobyo ay ramdam din niya sa kanyang puso ang kagalakan. He makes her happy when he is happy and vice versa. Pinagsaluhan nila ang tawanan, at kwentuhan pati na tin ang mga sweet gestures ni Stan.
"Ang sweet talaga ng boyfriend ko." nakangitng wika ni Icy.
"Only for you babe." sagot naman ni Stan saka ginagap ang kamay ng kasintahan. Marahang pinisil ito na nangangahuligang secure siya sa bawat sandaling magkasama sila at magiging masaya siya dito.
"I liked it so much babe. Salamat ulit." wika naman ni Icy na ipinatong ang isang kamay sa mga kamay ni Stan. "Akala ko kanina simpleng dinner lang kaya 'di na ako umuwi sa bahay to change." dagdag niya dahil naka-uniform pa rin ito.
"Kahit ano pa ang damit at ayos mo babe, you'll always be the most pretty and perfect girl in my eyes." lambing ni Stan.
"Bolero!"
"Totoo kaya. Ikaw ang pinakamaganda para sa akin."
"Salamat."
"Aaaah wait may isa pala akong surprise!" bulalas pa ni Stan.
"Mayroon pa? Ui kinakabahan na ako ah kung ano na naman 'yan." ngiting wika ni Icy.
Tumayo si Stan at tinungo ang piano na nakalagay sa tabi. May mikropono na din ito sa may harap. Maliban sa mga taglay niyang karakte ay mahilig pa ito sa music at marunong gumamit ng piano. Marahang umupo si Stan sa may silyang nakalagay sa harap ng piano saka hinawakan ang mikropono.
"Hello everyone. Pasensiya po sa pag-iingay huh? I just want to make my special girl, the love of my life, happy today." panimula niyang wika sa lahat ng tao na kumakain din doon.
"I want to sing a song for her tonight. Pagpasensiyahn niyo na din po ang boses ko hehehe." dagdag pa niya saka pinagmasdan ang kinaroroonan ni Icy. Nahihiya ngunit batid ang saya sa mukha ng dalaga.
"Babe, this is for you Isabel Ledesma!" bulalas niya sa mikroponong hawak. Napalingon lahat ng tao sa kinaroroonan ni Icy, curious who could be that lucky girl.
Tumango at ngumiti ng matamis naman ang kasintahan. At sinimulan na nga ni Stan ang pagtugtog sa piano.
Sa unang limang nota na tinitipa ni Stan sa piano ay alam na ni Icy kung ano ang kantang tinutugtog ngayon niya. Ang "The Gift" ni Jim Brickman. Lalo siyang natouch sa sweetness ng kanyang kasintahan at humigit pa ng kinanta niya ang ilang lyrics ng kanta that goes.......
"But the colors fade away
And the years will make us grey
But baby in my eyes
You'll still be beautiful....
Ang mga linyang ito ay hudyat na sa pinakamalaking sorpresa ni Stan. Lumapit ang isang waiter sa mesa na kinaroroonan ni Icy. Tumigil ito sa nakatayong Icy at iniharap sa kanya ang isang Plate na may cover. Nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang dapat niyang gawin.....
Tumingin muna siya kay Stan na patuloy pa rin sa pagkantan. Tumango lang ito na nangangahulugang pwede niyang tignan ang laman ng covered plate habang patuloy pa rin ang pag awit nito.
All I want is to hold you forever
All I need is you more every day
You saved my heart
From being broken apart
You gave your love away
And I'm thankful every day
For the gift....."
Pagbukas ni Icy sa takip ay laking gulat niya ng makita ang laman nito. Isang diamond ring ang nakapatong dito. Para siyang napako sa kanyang kinatatayuan.
Agad naman na bumaba si Stan hawak hawak ang mikropono.
"Ano toh?" mangiyak ngiyak na tanong ni Icy sa kanya.
Ngumiti lang siya at dinampot ang singsing. Lumapit siya dito at titig na titig sa kanya na inawit ang ilang linya ng kanta.
All I want is to hold you forever
All I need is you more every day
You saved my heart
From being broken apart
You gave your love away
And I'm thankful every day
For the gift.
"Babe, i want to hold you forever. I want you to be with me for the rest of our lives. I want that ten years from now i am still happy and my heart still thump every time i hear your key in our home door. I want you to be my wife and to be the one who always wait for me everyday. Isabel Ledesma, marry me please." buong pusong sambit ni Stan.
Tumango tango naman ang teary eyed nang si Icy.. "Yes! Yes! I will." masayang wika niya.
Malugod na isinuot ni Stan ang singsing sa mga kamay ng minamahal at hinalikan ito pagkasuot niya. Agad namang niyakap siya ni Icy at napa-iyak na ito sa saya. Hindi niyamaipaliwanag ang kanyang nararamdamang kasiyahan.
"I love you!" sambit ng dalaga dito.
"I love you more so much!" sagot din ni Stan at hinalikan niya ito sa labi. Halik na punong puno ng pagmamahal.
●●TBC