Pagkatapos na pagkatapos ng pagtatapos nila Stan ay lumuwas naman ang mga magulang niya papuntang America para doon na manirahan. Hindi madaling desisyon iyun para sa kanila. Pinasya niyang maiwan na lang sa Pilipinas para pangasiwaan ang Hotel na negosyo nila at para na rin makasama ang nobya. Naging mas matibay naman ang relayon nila ni Icy at ang pamilya nito na tanggap na tanggap siya. Tinuring na nila itong parte din ng kanilang pamilya.
**************************
Pagkatapos ng ANIM na taon..
Matatag parin ang relasyon nina Icy at Stan, at stable na sa kani-kanilang mga career. Napalago ni Stan ang Hotel business nilang pamilya. Wala pa rin siyang plano na sumunod sa mga magulang sa America. Si Icy naman ay naging Presidente ng kanilang Bank Business.
Habang nasa bahay si Stan ay tinawagan niya ang kanyang mga magulang.
"Hello Ma, kamusta po kayo diyan?" magiliw na tanong niya sa ina na nakikinig sa kabilang linya ng telepono.
"Mabuti naman kami iho, yung negosyo ng Papa mo dito gumaganda na rin. Mas magiging masaya pa sana kami dito kung kasama ka namin." sagot ng ina. Iyun kasi ang gusto sana nilang mangyari, ang magkasama-sama silang lahat.
"Alam niyo naman na ayaw ko diyan manirahan, Ma tsaka mas lalo na ngayon. May mga plano na ako para sa amin ni Icy. Gusto ko na sana magsettle down dito." Paliwanag niya sa ina.
"What do you mean, iho?"
"Gusto ko na sana magpropose kay Icy Ma. Kaya ako tumawag para po magpaalam sa inyo." Masayang balita ni Stan na lubos na ikinatuwa ng ina.
"Naku iho! Gustong gusto ko yan." masayang wika ng ina.
"Pa, magpopropose na daw ang Stanley natin kay Isabel!!" dinig na dinig niya sa kabilang linya ang pagbabalita nito sa ama na nakikinig lang sa pag-uusap nilang dalawa.
"So kailan mo balak gawin yan?" balik na tanong nito na hindi matanggal ang ngiti sa mga labi.
"Bukas na sana Ma pero Ma, huh, surprise to kaya dapat huwag ninyong sasabihinkay Icy kapag tumawag kayo sa kanya o tumawag siya sa inyo." paalala niya. Minsan kasi hindi niya maiwasang banggitin ang mga hindi dapat banggitin sa kanyang manugang to be.
"Oo naman anak. Naku ngayon pa lang excited na ako sa magaganap na kasal pero kailan nga ba?" Tanong ulit niya. Halatang halata na excited ang kanyang Mama.
"Yung kasal Ma baka next year pa. Gusto ko sana na umuwi kayo kapag dumating iyun.”
"Syempre naman iho. Kasal ng unico iho namin kaya siguradong uuwi kami ng Papa mo." masayang wika ng matanda.
"Mabuti kung ganun. O sige Ma next time ulit. Kakausapin ko pa ang kaibigan ko na maghahanda nung surprise bukas."
"Sige iho basta mag-ingat ka diyan. I love you!" paalamnila sa isa't isa.
Nakangiting binaba ni Stan ang tawag niya sa ina. Ramdam na ramdam niya ang excitement ng mga ito sa gagawin niya. This is his dream, na makasal sa babaeng minamahal niya. Ang babaeng una niyang minahal na gusto sana niya ay siya na ang una at huli.
SA KABILANG MUNDO MALAYO KINA STAN AT ICY...
"Magtatapos na ako bilang isang guro sa susunod na buwan." ani Danica kay Ariel habang naglalakad sila pauwi sa bahay.
"Oo nga! Ang bilis ng araw ano? Ako naman medyo okay na din ang trabaho ko sa Jolibee as a crew, konting tiis pa alam ko mapo-promote din ako." wika din ni Ariel sa kasintahan.
Inakbayan niya si Danica. Pinagmasdan niya ang mga naglalarong bata sa may kalsada. At that moment, he imagine him and her whe they are kids.
"Parang kailan lang ano? Nung mga bata pa tayo,ganyan na ganyan tayo." ngiting wika niya.
"Oo nga, ganyan na ganyan ka din gaya ng bata dun oh?" turo ni Danica sa isang batang inaaalayan ang isang kalaro dahil nadapa.
Natawa siya dahil iyun ay totoo.“Yung batang babae, Ganyan na ganyan ka din noon. Lampa at iyakin. Kaya laging natutukso at lagi naman ako napapaaway dahil sa 'yo." biro din niya.
"Hindi ako lampa noh!" saway niya.
"Eh anong tawag mo dun? Maarte?” Pang-iinis pa niya rito.
"Grabe naman toh!" at kinurot niya ito sa tagiliran.
"Totoo naman kasi ano! Tapos nung bata ka para kang lalake kung umasta. Lalakeng lampa nga lang!” kantyaw pa ni Ariel sa kanya.
"Ay grabe! Ipaalala talaga?"
"Syempre! Pero nung nagdalaga na naku habulin na ng mga lalake."
"Hmmmm? if i know gusto mo na ako noong bata pa tayo?" loko din niya
"Parang hindi naman pero mas gusto kita nung nagdalaga ka na."
"Kaya pala panay ang guwardiya mo sa akin noon? Kaya pala ayaw mong may nanlilogaw sa akin na iba?"
"Aba! Oo naman. Sinong lalake ba naman na mapunta ang mahal sa iba di ba?" ngiti niya.
"Aysus! Oo na sige na."
"If i know din malaki na din ang gusto mo sa akin noon pa? Aminin mo, 'wag kang denial. Hahahaha."
"Hala! Ang gwapo mo naman?"
"Sino may sabi na hindi aber?" wika niya at nagpose pa ng isang Mr. Pogi pose na ikinatawa ni Danica.
Si Danica at Ariel ay magkababata. Sabay silang lumaki at nangarap. Habang lumalaki silang dalawa ay lagi silang magkasama hanggat sa nabuo ang pagmamahalan sa pagitan nila. Nagsumpaan sila na magiging saklay nila ang isa't isa sa anumang oras.
Unang nabungaran nila ang bahay ni Ariel. Gaya ng dati kapag umuuwi sila ng sabay ay inihahatid muna ng lalake ang nobya pauwi para masigurong safe ito. Malapit lang ang bahay nila sa isat isa kaya kapag magkasabay sila ng oras ay sabay sila umuuwi.
Pagkahatid ni Ariel sa nobya ay umuwi din siya kaagad.
Tamis ng ngiti ng kanyang ina ang sumalubong dito at agad siyang nagmano.
"Kamusta ang trabaho anak?" tanong ni Aling Matilda sa kanya.
"Ayos naman ho Ma, medyo pagod lang." mahinang sagot naman niya dito. "Magpapahinga lang ako ng kaunti."
"Sige at ihahanda ko na rin ang hapunan natin."Taman tama sa pagdating ng mga kapatid mo galing eskwela."
Iniwan na niya ang kanyang ina sa may sala at dumiretso sa kanyang kwarto. Ipinatong niya ang dala-dalang bag at itinapon ang sarili sa may kama. Bahagya siyang napapikit at hindi niya namalayan ang kanyang sarili na makatulog.
Isang malakas na katok mula sa pintuan ang gumising kay Ariel sa kanyang pagkaidlip. Napabalikwas siya sa pagkagulat. Madilim ang loob ng kanyang kwarto dahil lubog na ang araw at hindi niya sinindihan ang ilaw dito.
"Kuya! Kakain na tayo." tawag ng kanyang kapatid.
"Sige susunod na ako.!' sagot naman niya mula sa loob.
Sumunod siya agad sa kapatid na may hapag-kainan. Naka-upo na sila at siya na lang ang hinihintay.
"Halika ka na anak para maipagpatuloy mo ang pagpapahinga maya-maya."
Malugod naman siyang umupo para kumain. Habang kumakain sila ay may kumatok sa kanlang pintuan. Mabilis na tumayo si Aling Matilda para pagbuksan kung sino man 'yun.
"Oh Danica ikaw pala." bati niya sa babaeng nabungaran niya sa may labas ng pinto.
"Magandang gabi po Nay." bati naman ni Danica sa kanya.
"Halika iha pasok ka." yaya ng matanda. "Ariel! Nandito si Danica." tawag niya sa anak.
"Mukha po 'atang kumakain kayo Nay, taman-tama po itong dala ko." sabay abot ni Danica ng isang tupperware na may lamang pagkain.
"Naku iha, nag-abala ka pa. Maraming salamat."
"Gumawa po kasi si Mama ng meryenda kaninang hapon eh naparami po kaya po sabi niya dalhan ko daw po kayo dito."
"Pakisabi kay Nida maraming salamat huh?"
"Sige po." sagot naman niya na medyo may halong hiya. Malaki ang respeto niya sa Ina ni Ariel dahil hindi lang siya ang ina ng kanyang kasintahan kundi matalik na kaibigan pa ng kanyang mama.
Agad naman na lumapit si Ariel dito mula sa mesa. Humalik ito sa kanyang pisngi bilang pagbati dito.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Ariel. Salamat ulit iha." Iniwan na sila ng kanyang ina.
"Sige po Ma." sagot niya.
"Ano, namiss mo ako ulit?" ngising tanong niya kay Danica.
"Hahaha ang kapal mo talaga!"
"Kakahiwalay lang natin ng landas kanina ah tapos nandito ka na naman sa bahay namin, ano ibig sabihin nun?" kantyaw pa niya.
"Ui naghatid lang ako ng pagkain kasi sinabi ni mama, 'wag kang assuming Ariel!"
"Hahaha pikon? Salamat pala do'n sa pagkain, haayaan mo pupuuntahan ko si Tita Nida magpapasalamat ako sa kanya dahil inutusan ka pumunta dito. Napaghahalata ko na botong-boto ang mama mo sa akin ah." biro niya.
"Hahaha sige ikaw na! Huwag ka lang loloko-loko naku lagot ka dun sa Mama ko. Hindi 'yun papayag na gawin mo sakin ang ganun."
"Takot ko lang sa kanya. Oo nga pala maiba ako, May time ka ba sa susunod na linggo? May party kasi ang buong staff namin gusto sana kita isama."
"Kailan ba 'yan? Para matignan ko kung pwede sa schedule ko. Medyo busy kasi ako this coming week."
"Sa Thursday ng gabi 'yun ok ba sa 'yo?"
Taimtim siyang nag-isip..
"Sige pero huwag tayong magpapagabi masyado huh kasi may pasok kaumagahan. Ayaw ko naman na matulugan ko mga studyante ko.'
"Okay. Salamat."
"Ui paano aalis na ako." paalam ni Danica sa kanya sabay tayo. "May kailangan pa akong tapusin para sa skwela bukas." dagdag niya.
"Okay. Sige. Sige.." tayong sang-ayon din ni Ariel. "Ihahatid na kita sa inyo." alok niya dito.
"Naku 'wag na! Ilang metro lang naman ang layo ng bahay namin noh. Magpahinga ka na lang." tanggi naman niya.
"Sige ikaw ang bahala."
Inihatid niya ito hanggang sa labas ng pintuan.
"Sige good night mahal." hahalik sana ito sa kanyang pingi ngunit mabilis ang ginawa ni Ariel. Itinapat ang labi nito sa labi niya kaya imbes na sa pisngi makahalik si Danica ay sa labi na.
"Ang daya oh!" bulalas ni Danica sabay hampas sa balikat niya
Ngumisi lang ito saka hinapit si Danica sa bewang at dun na binigyan ng mas makabuluhan na halik. Halik na napunta sa paglalabanan ng kanilang mga dila hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Agad silang naghiwalay at umarteng parang walang nangyayare. Lumabas ang kapatid ni Ariel na isa para bumili sa tindahan.
"Andito ka pa pala ate?" tanong ng kapatid ni Ariel..
"Ah-eh.. Oo pero eto pauwi na ako may sinabi lang ang kuya mo." pagsisinungaling niya.
"Ay ganun po ba. Sige po may bibilhin lang ako." paalam niya at umalis na.
Pagkalayo ng kapatid ni Ariel ay doon na sila tumawa ng tumawa dahil sa kalokohan nilang dalawa.
●●TBC