KULAS MULING nagpakita ang aking ina sa aming pamamahay. Oo, siya ang bisitang tinutukoy ni Marlou. Tumanda man ang mukha nito at ang pigura niya ay nakilala ko pa rin ito. Fifteen years ko siyang hindi nakita pero heto nga at narito siya sa aming sala. Pinapasok siya ni Athena sa bahay. Tahimik lang naman akong nakamasid sa kanya. Hindi ito mapakali sa kinauupuan at halatang hindi ito komportable sa aking mga titig. Tahimik kaming magkaharap na nakaupo sa sala habang si Athena ay kumuha ng maiinom sa kusina na tinulungan ni Marlou. Ilang minuto ang lumipas pero tahimik lang akong nakamasid sa kanya. I was staring at her blankly. Samot saring emosyon ang aking nararamdaman sa ngayon. Part of me ay medyo masaya na nakitang buhay pa pala ito, pero mas ramdam ko ang unpleasantness dahil

