Umaga pa lang ay puno na ang schedule ni Dylan kaya nagpasya itong icancel ang ibang meeting sa hapon para makapahinga sila. At halos ala una na ng hapon ng matapos ang huli nilang meeting at pareho silang hindi pa kumakain na dalawa. Kaya ng offer ito na kumain na lang sila ng sabay sa opisina nito pagdating ng inorder nitong pagkain. Abala silang dalawa sa pagkain ng biglang tumunog ang cellphone ni Andrea.Ibinaba niya ang kanyang kinakain sa center table at binuksan niya ito. Isang unregistered number ang lumitaw sa inbox niya. Nagtaka man siya kung sino ang magtetext sa kanya ay binuksan pa rin niya ang message nito sa inbox niya. 09xxxxx: Hello…beautiful lady. Andrea: Sino ito? Reply niya. At kinuha niya uli ang stayro n

