Andrea POV Inis ang naramdaman ni Andrea pagkapasok niya sa kuwarto. At talagang dinala pa ni Dylan sa condo unit nila ang babaeng iyon! Sumandal siya sa likod ng pinto ng kuwarto niya. Hindi niya maipaliwanag ang unti- unting paglungkot ng pakiramdam niya. Bakit parang gusto niyang umiyak at sumigaw? Oh lumabas ng kuwarto niya at sugurin ang kuwarto ni Dyan para komprontahin ito maging ang babaeng kasama nito. Gusto niyang sabunutan ang babaeng iyon! At mabilis ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya na lalong nagpagrabe ng kanyang nararamdaman. Mabilis niyang pinalis ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi niya gamit ang likod ng kanyang mga palad. Ngunit gaano man niya pigilan ang sarili ay patuloy pa rin ang pagbalon ng mga luha sa kanyang mga mata, at nap

