Dylan POV Maaga namang gumising si Dylan para magluto ng kanilang umagahan ni Andrea. Mainam din ito para kahit paano ay matuto siyang magluto at kung sakaling mag-aasawa na siya ay maipagluluto niya ang kanyang mahal na asawa. Nangiti si Dylan ng balikan ang nangyari sa kanila ni Andrea kagabi. Maski siya ay nagulat din ng hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at inangkin niya ang mga labi ni Andrea ng gabing iyon. Nang malapit ang kaniyang mukha sa dalaga ay doon biglang nag -nit ang kanyang pisngi at hindi na siya nag-atubiling halikan ito. Pakiramdam niya ay may isang kuryenteng nag-uugnay sa kanila ng sa unang pagkakataon na naglapat ang kanilang mga labi. Para siyang uhaw na uhaw habang sinasakop niya ang inosenteng mga labi ni Andrea. At aaminin niya

