Pagdating nila ng condo ay agad siyang idineretso ni Dylan sa kuwarto niya, hawak pa rin nito ang kanyang baywang habang naka alalay naman ang isa nitong kamay sa kanyang braso. Nang buksan nito ang ilaw ng kuwarto niya ay agad siyang inalalayan ni Dylan para makaupo sa kama. “Are you okay? Do you need anything Andrea? Agad ay tanong nito sa kanya ng nakaupo na siya sa kama. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang okay na siya, pero ang totoo naman ay hindi. Natatakot pa rin siya hanggang ngayon kapag bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Parang bumalik na naman sa kanyang diwa ang mga nangyari sa kanya limang taon ang nakakaraan ng makita siya nila Don Agusto. Muntik na rin siyang mapahamak dahil sa isang masamang lalake nakatula

