Tinakpan ni Louisa ang bunganga ni Angge at saka alanganin na nginitian si Ace na nakatingin na sa direkyon nila. "Kain lang kayo diyan ni Yohan!" Sabi niyang kumaway pa sa mga ito bago ibinalik ang tingin sa kaibigan. "Binulong ko nga sa 'yo pero ikaw naman, isinigaw mo!" Inirapan siya nito at inalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. "Grabe naman kasing revelation iyon, teh! Kung ngumangasab ako ng pagkain, malamang sa alamang nabilaukan ako at namatay!" Naiiling na tinitigan niya ito. "Ang OA mo naman." Tumawa ito at umisod ng upo sa tabi niya. "Diyos ko! Pa'no ba kasi nangyari? Saan? At kailan?" "Mahabang istorya. Pero hindi mo ba iniisip na baka delulu lang ako?" Noon kasing sabihin niya rito at kay Patring na hinalikan siya ni Ace, pinagtawanan at hindi naniwala an

