"Ako? Nililigawan ni Ace?" Paglilinaw niya sa tanong nito. Baka kasi nagkamali lang siya ng intindi. English kasi ang pagkakasabi nito. "Oo." Tipid na sagot naman ni Kevin. Sunod-sunod na umiling si Louisa. "Hindi, ah! Pa'no mo naman naisip ang bagay na 'yan? Namamasukan akong katulong at yaya sa kanila. Parang amo ko na rin siya." Kahit hindi naman niya talaga tinuturing ng amo ang lalaking 'yon. "I saw you two yesterday, narinig kong siya ang kasama mo mag-grocery. And now..." humagod ang tingin nito sa suot niya. "You're wearing his jacket. Nakasulat ang surname na Ocampo sa likod. Kaya alam kong kay Ace 'yan." Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi ako nililigawan ni Ace. Pinahiram niya 'to sa akin kasi..." napaisip siya. Bakit nga ba pinahiram ng lalaking 'yon ang jacket nito? Hindi

