“Bakit mo ako hinahanapan ng part time job?” Ilang sandaling natigilan ito bago nagkibit ng balikat at kaswal na sumagot. “You’re living under my roof, kung anong mangyayari sa ‘yo, ako ang sisisihin ni Andrei at Tito Hans.” Sabagay, may punto nga naman ang sinabi nito. Tumango-tango na si Louisa, nag-ayos na sa dining table at saka inihain ang niluto. Habang kumakain, tahimik na pasulyap-sulyap lang si Louisa kay Ace. Nang matapos sila, iniligpit na niya ang mga pinagkainan habang dumiretso naman ang binata sa salas at naglaro sa PS5 roon. “Tapos na ako magligpit sa kusina,” aniya nang lapitan ito. “May kailangan ka pa ba?” Umiling ito. “Wala na.” Tumango si Louisa at tumalikod. Pero hindi pa siya nakakahakbang ng pumihit siya ulit paharap. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Salam

