Kabanata 6

1118 Words
“PINAPAIYAK ni Yaya Ugly si Cayla, Kuya!” Pagsusumbong ni Yohan sa nakatatandang kapatid. Kunot noong binalingan ni Andrei ang kapatid. “That’s not a nice thing to say Yohan. Mas matanda sa ‘yo ang Yaya mo. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan.” Ngumuso si Yohan. “It’s her fault!” “Enough.” Awat dito ni Andrei sabay ginulo ang buhok ng bata bago pumasok na rin sa silid. Binalingan nito si Ace. “And you’re here too?” “Narinig kong umiiyak si Cayla. Then I saw Yohan going out of the room. Akala ko kung anong nangyari,” sagot ni Ace na sumulyap kay Louisa. “It’s her fault.” Napapitlag si Louisa na nakaluhod at nakayuko sa harapan ng nakaupong si Cayla sa kama. “W-Wala po akong kasalanan, mga sir!” Kaagad niyang sagot at sunod-sunod umiling. “Wala?” Tinaasan siya ni Ace ng kilay. “Nakikipag-tsismisan ka lang raw sa mga katulong, ah.” “Hindi po, ah! Napa-kwento lang!” Kumunot ang noo nito. “Eh, parehas lang rin naman ‘yon. Nagpapalusot ka pa.” Napapailing na nag-squat si Andrei sa tabi ni Louisa para suriin ang sugat ni Cayla na, humihikbi pa rin. “It hurts, Kuya!” Ginulo ni Andrei ang buhok ng kapatid. “It’s not deep. It will heal in no time. Stop crying.” Huminto sa pag-iyak si Cayla na nakayakap pa rin kay Ace. Pagkatapos binalingan ni Andrei si Louisa. “You.” Napaangat ulit ng tingin si Louisa at nilingon ang binata. “Y-Yes, Sir?” “Lagyan mo ng ointment ‘tong sugat si Cayla.“ Tumango siya at itinaas ang hawak na first aid kit. “Yes, Sir!” “Yohan.” Baling ng binata sa kapatid. “Don’t tell Mom, about this.” “And why is that?” Singit ni Ace. “You know Mom, maliit na bagay pinapalaki. She’s been through a lot of stress for the past years. Ayaw ko lang na dagdagan pa ‘yon.” Napabuntong hininga si Ace at tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi Cayla. “I gotta go. Magkikita kami nila Ge,” sabi nitong niyuko ang bata at pinisil ang pisngi. “Kuya will go out. What do you want me to buy for you?” “Cotton candy and chocolate!” Nakangusong sagot ng bata. “Me too, Kuya Ace!” Singit ni Yohan na nagtatalon sa tabi ni Ace. Napatitig si Louisa sa mukha ni Ace nang nakangiting guluhin at pisilin nito sa pisngi ang dalawang bata. Mabilis rin siyang napaiwas ng tingin nang kunot noong balingan siya nito. “Sa susunod huwag puro tsismis ang atupagin mo, ah.” “Of course, Sir!” Tumayo na rin si Andrei at tinapik sa balikat si Ace. Sabay na naglakad ang magkapatid palabas ng silid. Nakasunod pa ang tingin ni Louisa sa dalawa nang lumingon bigla sa kaniya si Andrei. “You still have a debt to pay,” sabi nito bago lumabas ng silid. Napabuntong hininga si Louisa. Oo nga pala! Hindi pa niya nagagawa ang kondisyones nito! *** KUNOT ang noong binalingan ni Ace si Andrei habang binabaybay ng magkapatid ang hallway. “What was that all about?” Nagtatakang tanong niya sa nakatatandang kapatid. Isang taon lang ang tanda ni Andrei kay Ace. Malapit ang dalawa sa isa’t isa lalo na’t magkasama ang mga itong lumaki sa poder ng kanilang alam ama, matapos maghiwalay ang mga magulang. Pagtuntong ng kolehiyo saka naman sila tumira sa Ina, dahil nag-migrate na sa Australia ang ama nila kasama ang bagong pamilya nito. Bumibisita lang sila roon at nagbabakasyon dalawang beses isang taon. “What?” Nagtatakang tanong ni Andrei. “Debt she has to pay?” Pag-uulit niya sa narinig kaninang sinabi nito. “Oh. It was nothing. I just need someone to practice on my next role.” Napailing si Ace. “Man, I told a lot of times, don’t be too kind. Maraming abusado.” “She looks harmless to me.” Na-we-weirduhang tinapunan ni Ace ng tingin ang kapatid. Harmless? Naningkit ang mga mata ni Ace nang maalala ang kakaibang mga pagtitig sa kaniya ng babaeng ‘yon. Ang creepy. Hindi kaya may alam na witchcraft ‘yon at kulamin silang dito? “Just be careful. We didn’t know where she came from.” *** Nang matapos gamutin ni Louisa ang sugat ni Cayla pinatulog na muna niya ang dalawang alaga. Tamang-tama naman dahil oras ng siyesta. Maingat siyang lumabas ng silid at binaybay ang hallway. Pagbaba ng grand staircase, dumiretso si Louisa sa kusina. Ginutom siya sa mga ganap. Hawak ang tiyan na luminga-linga siya sa paligid, hinahanap ang tiyahin. Pero nowhere to be found ito. Ang bilin pa naman ni Tiya Bebang, huwag siyang basta-basta makikialam ng pagkain sa ref. dahil mamahalin at imported ang mga ‘yon. Bukod rin kasi ang pagkain ng mga kasambahay. Napailing si Louisa. Sa sweldo niya dapat bumili siya ng mga stock. Kulang ang kanin na sinasaing dito sa mansion, eh. “Hey.” Kamuntikan mapatili si Isay nang bigla na lang may magsalita sa likuran. Lumingon siya at nakita si Andrei na nakasandal sa b****a ng pintuan. “Sir!” Gulat na sabi niya. Sumenyas ito. “Come follow me.” Kunot noong sumunod naman si Louisa palabas ng kitchen. Umakyat sila hanggang sa makarating sa attic. Hindi siya tinour ni Berta sa parteng ito ng mansion. Kaya unang beses na makita ni Louisa ang attic. Inikot niya ang paningin. Malawak, malamig at malinis ang paligid. Mayroong kulay brown na couch, mga estanteng may mga naka-display na libro at trophies, study table na may nakapatong na computer at nakalatag na comforter na may mga nakasalansan na unan sa tabi ng hugis tatsulok na bintana. “Upo ka.” Utos ni Andrei sa kaniya. Napakurap si Louisa saka sumunod naman sa sinabi ng binata. Sinundan niya ito ng tingin habang may kinukuha roon sa drawer sa study table. “Bakit niyo po ako sinama rito, Sir?” Alanganing tanong niya. Sumagot itong abala pa rin sa kung anong hinahalungkat doon sa drawer. “Hindi ba may kondisyon ako sa ‘yo?” Napalunok si Louisa. At muling inikot ang tingin sa paligid. Kumabog bigla ang dibdib niya. Dalawa lang sila rito at malaking tao pa naman si Andrei. Paano kung may gawin itong hindi maganda sa kaniya? Sa lawak ng mansion kahit magsisigaw siya— walang makakarinig sa kaniya! Nanlaki ang mata niya nang pumihit paharap sa kaniya ang binata at maglakad papalapit. Nagsumiksik si Louisa sa sulok ng couch. Hindi! Hindi maari! Kung ibibigay man niya ang virginity syempre kay Ace na ‘yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD