"BAGO ka lang kina Mrs. Perez? Ano ngang pangalan mo? Hindi mo na nasabi sa amin noong isang araw, eh," sunod-sunod na tanong kay Louisa nang nakilala niyang si Angge.
Kasalukuyang nandito sila sa park ng subdivision. Nagyaya ang dalawang alaga ni Louisa na si Yohan at Cayla. Sakto naman nandito rin ang dalawang babaeng lumapit sa kaniya no'ng nagdidilig siya.
Tumango si Louisa. "Oo. Kaalis lang kasi nung isang katulong nila. Louisa nga pala pangalan ko." Inilahad niya ang kamay sa dalawa.
Nagkatingin ang dalawa bago natatawang humampas sa ere si Angge. "Sus! Masyadong pormal 'to! Dito sa maynila ganito dapat!"
Napaatras si Louisa nang ilapit ni Angge ang mukha sa kaniya. Umikot ang eyeballs nito sabay hinawakan siya sa magkabilang braso niya.
"Beso-beso! Ganern!"
Napakamot sa ulo si Louisa. Hindi kasi siya sanay idikit ang mukha sa ibang tao baka mandiri at mahawa pa sa mga nagmumurang tigyahiwat sa mukha niya.
"Nice to meet you nga pala." Sabi naman nakilala niyang si Patring sabay iniabot ang kamay sa kaniya.
Tumango si Louisa at tinanggap 'yon. "Nice to meet you rin sa inyong dalawa. Sandali, namamasukan rin ba kayo rito?" Tanong niya habang naglilipat-lipat ang tingin sa mga ito.
"Oo," sagot Patring. "Kasambahay ako diyan kina Mrs. Guttierez. Itong si Angge naman Yaya kina Mrs. Lopez. Magkakapitbahay lang ang amo natin."
"Ako naman all around yaya at katulong." Napabuntong hininga si Louisa.
Ngayon opisyal na nagsimula ang araw niya sa pagtatrabaho. Umalis na kasi si Berta kaninang umaga. Na-train naman siya nito. Ang kaso, yung mga alaga niya pinaglihi ata kunsumisyon.
Umaga pa lang pag-gising nagbabangayan na at nagtatalo dahil lang sa kulay ng plato na guston gamitin!
"May kasama ka bang ibang kasambahay?" Tanong ni Angge na sumisipsip sa hawak nitong plastik na may lamang softdrinks.
"Wala. Kasi ang tiyahin ko taga-luto lang naman kina Madam. Uwian siya sa inuupahan niyang apartment."
"Pero malaki naman siguro ang sahod, 'no? Naku! Pag-aalaga pa lang ng bata, matutuyuan na ako ng regla! Iyon pa kaya pati gawain ng bahay ako rin!"
Pitong libo ang sahod ni Louisa ayon sa kontrata na pinapirmahan ni Madam. Hindi pa kasama roon ang mga benepisyo tulad ng philhealth at SSS.
"Sapat naman ang sahod ko."
Tumabi si Angge kay Louisa na nakaupo sa bakal na bench. "Kumusta naman ang mga anak ni Mrs. Perez?"
Sinulyapan ni Louisa ang dalawang alaga at nakitang nagsasabuyan ang mga ito ng buhangin.
Napangiwi siya. "M-Mababait naman sila," pagdadahilan niya.
Ayaw niyang i-tsismis ang mga anak ng amo at baka makarating pa rito. Masisante siya ng wala sa oras.
"Mabait?!" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Angge. "Napakasungit at isnabero kaya ng Ace na 'yon! Gwapo pa naman sana!"
Mabilis na napalingon si Louisa nang marinig ang pangalan ng binata. Sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit kilala mo si Ace?"
Tinaasan siya nito ng kilay habang nanunulis ang nguso. "Teka nga! May crush ka ba kay Ace?"
Nag-iwas ng tingin si Louisa. "Wala, ah!"
"Sus! Obvious ka, teh! Kung makatingin ka sa akin, kulang na lang bumulagta ako sa talim, eh!" Umirap ito sa kaniya. "Malamang kilala ko 'yon! Naglalaro 'yon ng basketball sa TV, eh!"
"College League, Angge." Pagtatama ni Patring dito.
"Parehas lang 'yon!" Bumalik ang tingin ni Angge kay Louisa. "Hindi mo alam na basketball player 'yong crush mo?"
Kaya pala sobrang tangkad ni Ace! Hanggang u***g lang ata siya nito, eh!
Rumehistro sa isip ni Louisa bigla ang gwapong mukha ng binatang walang pang-itaas! Kagabi pa hindi maalis sa isipan niya ang imahe nitong 'yon!
Nakakita naman na siya ng mga topless na lalaki. Sila Fermin at ilan pa niyang mga kababata sa baryo nila ay madalas na mag-alis ng pang-itaas kapag naglalaro ng basketball.
Kaso ang kababata niya parang kahit gabi na amoy araw pa rin at maasim ‘di tulad ni Ace na kahit pawisan na, mukhang mabango at mukha amoy baby pa rin.
Hindi mapigilang mapangiti ni Louisa, labas ang gilagid.
"Hoy!"
Hinampas siya ni Angge sa braso kaya bumalik ang isipan niya sa bagong kakilala.
“Kung saan na ‘ata nakarating ‘yang isip mo, dzai! Siguro ini-imagine mong, sinasakyan at nilalapirot mo na ang nguso ni Ace sa halik!” Humagikhik ito. “Hindi kita masisisi! Gwapo naman talaga ‘yon!”
Namula ang pisngi ni Louisa. Ang halay naman nito mag-isip!
“Hindi naman masungit ang amo ko.” Pagtatanggol niya sa binata. “May hang over pa siguro ‘yon. Ang alam ko kasi kadarating lang niya galing ibang bansa.”
“Jetlag.” Pagtatama ni Patring na nilalantakan ang junkfood na hawak nito.
“Naku! Likas na ‘yon sa anak ni Mrs. Perez! Huwag na ipagtanggol! Mana yon sa nanay nila.” Naiiling na sabi pa ni Angge. Ayaw magpatalo.
Hindi nagawang sagutin ito ni Louisa dahil sa narinig nilang malakas na pag-atungal ng isang bata.
Sabay-sabay silang lumingon kung nasaan ang palaruan at nakita na lang ni Louisa na nakadapa at nakasubsob na sa lupa si Cayla habang binabato ito ni Yohan ng damo.
Hala! Patay!
Nagmamadali niyang dinaluhan ang bata at itinayo ito. May galos ito sa braso at sugat sa tuhod kaya nagpasya siyang iuwi na ang mga bata.
“Uuwi na kami!” Paalam niya kina Angge at Patring.
“Sige! Sa susunod lumabas naman tayo kapag day off natin!” Pahabol pa ni Angge.
Kumaway si Louisa, lumingon at tumango bago hawak ang kamay ng dalawang bata na tinahak na nila ang daan pauwi.
Pagdating sa mansion, dinala kaagad niya si Cayla sa banyong nasa silid ng mga bata para hugasan at sabunin ang sugat sa tuhod nito.
“Awww! Yaya!” Nasasaktang tili nito.
Basang-basa na nga ng tubig ang uniform niyang kulay puti. Iginilaw pa nito ang paang hawak niya at kamuntik tamaan ang mukha niyang may bagong tubo ng taghiyawat!
“Sandali. Malapit na ‘to. Maiimpeksyon ito kapag di natin hinugasan.” Naiiling na sabi ni Louisa bata.
Sumilip si Yohan sa banyo. “Isusumbong kita kay Mommy! Pinapaiyak mo si Cayla!”
Nanlaki ang mga mata ni Louisa. “Huwag—“ natigilan siya ng magtatakbo ito.
Mabilis siyang lumabas ng banyo para halubin si Yohan, hindi niya napansin ang pasalubong sa kaniya. Bumangga ang mukha ni Louisa, sa matigas na bulto.
Napaatras siya at napahawak sa hinog niyang tigyahawat. Napangiwi siya nang ma-realize na pumutok ‘yon! At bakas pa ang dugo niyon sa puting damit ng lalaking nakatayo harapan niya na walang iba kundi si Ace.
“What the f…” bulalas nito na bumaba ang tingin sa damit bago bumalik sa mukha niya sabay dinuro ang pisngi ni Louisa. “That’s gross!”
“Yayaaaaa!” Umiiyak na tili ni Cayla sa loob ng banyo.
Nagkatinginan si Ace at Louisa saka sabay na tumakbo papasok sa banyo. Nakita nila si Cayla na basang-basa ng tubig.
Kinuha ni Louisa ang bidet sa bata saka nilingon si Ace. “Kumuha ka ng towel sa cabinet!”
Nagsalubong ang kilay nito. “What? Isn’t it your job?”
“Iiyak ‘tong kapatid mo kapag iniwan. Bilis baka magkasakit pa ‘to, oh. Basang-basa! Patay tayo nito sa Mama mo!” Pananakot niya rito.
Naningkit ang mga mata ni Ace bago sumunod rin sa kaniya. Pagbalik may dala na itong towel.
Kinuha ‘yon ni Louisa saka pinunasan si Cayla at muling binalingan si Ace. “Nakalimutan ko pala, kuhanan mo na rin siya ng damit.”
“What the—“
“Iiyak ‘to kapag iniwan ko. Gusto mo ba umalis si Yaya, Cayla?”
“Ahhhh!” Umatungal ng iyak ang bata. “Don’t leave me, Yaya! My wounds! It hurts!”
Nilingon niya ulit si Ace. “Oh, di ba, sabi sa ‘yo! Dalian mo na!”
Narinig pa niyang naiirita itong bumuntong hininga bago umalis.
Napangisi naman si Louisa. Para naman kaming mag-asawa na nag-aalaga ng anak! Ahhhh!
Bumalik si Ace at padabog na ibinigay sa kaniya ang kinuhang damit. Isinarado niya ang pinto saka hinintay na matapos magbihis si Cayla.
Humihikbi pa ito nang lumabas sila ng kwarto. Naabutan nila si Yohan na nagsusumbong kay Ace.
Nagsasalubong ang kilay na binalingan naman siya ng binata. “What did you do to my sister, huh?” Nag-aakusang tanong nito.
“Wala akong ginagawa, ah.” Malumanay na sagot niya saka pinaupo ang bata sa kama.
Natutunan ni Louisa na maging kampante at kalmado sa mga magulang kapag tunay naman siyang walang ginawang mali at kasalanan.
Hindi nga niya alam pa’nong paglingon niya, nag-su-swimming na sa lupa si Cayla.
“Wala? Then why she has wounds?” Nang-uusig na tanong ni Ace. Naupo sa tabi ni Cayla.
Umiiyak na yumakap naman si Cayla sa Kuya nito. “Yohan pushed me!” Sagot nitong masama ang tinging tinuro ang kapatid.
“I did not!” Tanggi ng bata. “It’s Yaya’s fault!”
“Huh?” Kunot noong nagtatakang usal ni Louisa. “Ikaw ang tumulak. Bakit ako ang sinisisi mong surot ka— este bata ka?”
“Hey, don’t talk to my brother that way!” Babala ni Ace kay Louisa. “Your job is to look after them. But look what happened! Hindi ‘tong mangyayari kung binabantayan mo sila ng mabuti!”
“Nakikipag-usap lang si Yaya sa mga friends niyang ugly, Kuya.” Umiiyak na segunda ni Cayla.
Umawang ang labi Louisa. Aba’t ang batang ‘to! Pagkatapos niyang tulungan, ilalaglag pa pala siya!
“That’s right!” Pag-sang ayon ni Yohan. “So, it’s my fault! It’s her fault! I’m gonna tell Mom that you shouldn’t be here anymore! Ugly!”Duro ni Yohan kay Louisa sabay takbo palabas.
Namilog ang mga mata ni Louisa. Naku, hindi siya pwedeng masisante! Hahabulin sana niya si Yohan nang matigilan rin ito sa pagdating ni Andrei.
Kunot noong naglipat-lipat ang tingin nito sa nasa silid. “What’s happening here?”