NATIGILAN si Louisa nang lingunin ang tumawag sa kaniya at makita si Andrei. Bahagya pa ring nakaawang ang labi nang maglakad ang binata palapit sa kinatatayuan niya. May hawak itong mga bulaklak, nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng suot na long sleeves polo, mamasa-masa ang buhok at hindi inaalis ang tingin sa kaniya na para bang siya lang ang nakikita nito. Tinanggap na niyang hindi na darating si Andrei kaya pumasok na siya sa loob ng gym. “I’m sorry…” bungad nito nang huminto sa harapan. Tiningala niya ito at hinaplos ang buhok nito saka bumaba ang tingin niya sa basa rin nitong damit. “Anong nangyari? Bakit basa ka?” “Biglang bumuhos ang ulan habang pinipitas ko ‘tong mga bulaklak. I didn’t have enough time to buy you one…” iniabot nito sa kaniya ang hawak na lupon ng ib

