NAGISING si Louisa sa tunog ng alarm sa cell phone niya. Inilabas niya ang kamay mula sa nakataklob na kumot sa kaniya at kinapa ang cell phone sa ibabaw ng night table. Tiningnan niya ang oras bago ‘yon pinatay. Pasado alas syete na ng umaga. Wala silang pasok dahil linggo ngayon pero kailangan pa rin niyang magluto ng agahan nila. Nanghihinang bumangon si Louisa at napahawak sa ulo niya nang makaramdam ng pagkahilo. Alas onse na siya naihatid ni Andrei kagabi. Sinabihan niya ang binata na huwag nang umuwi dahil gabi na nga at malakas pa ang ulan. Kaso hindi naman ito nagpaawat. Mayroon daw maagang appointment. Humiram na lang si Andrei ng damit kay Ace pamalit sa nabasang damit nito dahil sa paliligo nila sa ulan. Napangiti si Louisa nang maalala ang nangyari kagabi. Isa ‘yon s

