NAGISING si Louisa na nanunuyot ang labi at lalamunan niya. Namumungay ang mga matang tiningnan niya ang oras sa digital clock na nakapatong sa ibabaw ng bed side table at nalamang mag-aalas kwatro na pala ng umaga. Nilingon niya si Ace na nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Nakapikit pa rin ito at nakabaon ang mukha sa balikat niya. Bumaba na ang lagnat ni Louisa kaso nanlalambot pa rin siya at nananakit ang buong katawan. May klase pa naman siya ngayon. Hindi tuloy sigurado kung makakapasok siya ng ganitong lagay. Marahan siyang pumihit paharap kay Ace at tinapik ito sa balikat. "Ace..." paos na tawag niya sa binata. "Hmmm?" Ungol nitong ibinaon naman ang mukha sa kaniyang leeg. Natigilan si Louisa at nakagat ang ibabang labi. Dapat tinutulak niya ito palayo sa kaniya. Pero pa

