UWIAN na nang makatanggap si Louisa ng text galing kay Angge. Ipina-alala nitong magkita sila sa labas ng university. Dali-daling iniligpit na ni Louisa ang mga gamit niya sa desk at lumabas ng classroom. Tinatahak niya ang pathway patungo sa main gate nang maramdaman na mag-vibrate ang cell phone niya. Dinukot 'yon ni Louisa sa bulsa ng pantalon at binasa ang message galing kay Ace. Ace : Where are you? Kanina pa kita hinihintay dito sa parking lot. Kumunot ang noo niya. Hindi naman niya sinabing hintayin siya nito, ah? Tsaka ang alam niya, malapit na ang intercollegiate. At kalahok doon ang university nila. Mabilis na tumipa si Louisa sa cell phone niya. Louisa : Bakit mo ko hinihintay?" Ace : Idadaan kita sa clinic ano pa ba? Louisa : Nagpaalam ako kay Lovely na hindi ako m

