HINDI na malaman ni Louisa kung paano silang nakarating sa restroom. Nagmamadali siyang pumasok sa cubicle at yumupyop sa tabi ng bowl at sumuka nang sumuka roon. "Isay?" Nag-aalalang tawag ni Ace mula sa restroom labas. Hindi niya ito magawang sagutin dahil umiikot ang kaniyang paningin. Pakiramdam ni Louisa lalo rin siyang nalalasing sa hiningang amoy alak. Hinang-hina na siya nang bumukas ang pinto ng cubicle. Pumasok roon si Ace. Yumuko ito at inipon ang buhok niyang nakasabog sa isang palad bago hinagod-hagod ang kaniyang likuran. "Hindi pala malalasing, ah?" naiiling na sabi nito. Namumungay ang mga matang ngumuso at tumingala si Louisa sa binata. "Anong ginagawa mo rito? Iwan mo na ako..." Imbes na umalis, nanatili lang ito sa tabi niya hanggang sa wala na siyang maisuka

